" Dumating kana pala " mabilis na pagtayo ni Yna mula sa sofa habang nanonood ng makita nitong dumating si Kevin.
" Oo at hindi ka man lang naglock ng pinto " sabi nito habang dirediretso itong naglalakad.
" E kasi alam kong nasa labas ka pa kaya hindi ako naglock mamaya kasi makatulog ako habang nanonood at hindi kita marinig at mapagbuksan " pagkuha nito sa bag ni Kevin bago pa nito mailapag.
" Okay, but next time maglock kana may susi naman ako kaya makakapasok pa rin ako " paglalakad nito tungo sa kwarto niya para magpalit.
" Si-sige pero hindi ba't mahihirapan ka pa nun? Bakit ba kailangan pang maglock kasi " sunod niya pa kay Kevin habang daladala ang bag nito.
" Dahil babae ka, payat, maliit, kaya sa oras na may pumasok na ibang tao baka ano pang gawin nila sayo " ganon naman ang takot nito sa sinabi ni Kevin.
" Hindi mo naman kailangan manakot " ani Yna at umupo sa sofa ni Kevin sa loob ng kwarto nito at napangiti na lang siya ng malingon ito kaya nagtungo na ito sa wardrobe niya para magpalit bago na naman magbago ang mode ni Yna pagnakitang nagpapalit siya.
" Susunod tapos pagmay nakita magrereklamo naman " pag-iisip nito habang nagpapalit para bumaba at maghanda ng kakainin nila.
" Binbin mahirap ba ang trabaho mo? " ani Yna " Napansin ko kasi araw araw kang pumapasok parang wala ka ding pahinga hindi ba't nakakatamad yon? "
" Pumapasok naman ako dahil mag-isa din ako rito " paglabas nito pagkatapos magpalit.
" Ah..so-sorry, magpapalit ka nga pala " ani Yna pagkatapos maalalang nasa loob na naman ito ng kwarto ni Kevin at nagpalit ng damit " Bakit kasi sumusunod rin ako bigla sa kanya.. kailangan pa tuloy niya magtago sa loob ng kwarto niya para magpalit.. haist! mabuti pa si Binbin matalino at iniiwasang makita ko at hindi mangyari yong kahapon pero ako ito, ingot at pinapasok pa rin siya sa kwarto niya " at natigilan ito sa pag-iisip ng tapikin ni Kevin ng mahina ang ulo niya.
" Hindi ko alam ano na namang tumatakbo sa isip mo pero sa tingin ko tungkol saakin kaya kung ano man yan wag mo ng alalahanin " agad naman itong tumayo sa sinabi ni Kevin .
" Hi-hindi kita iniisip ah! imposible naman yon noh!! " asar nitong sabi saka naglakad " Paano ba niyang nalaman na iniisip ko siya? pe-pero nag-aalala lang naman ako dahil sa pagpasok sa kanya at doon lang iyon " lingon pa nito kay Kevin at umirap rito pagkatapos makitang nakatingin ito sa kanya kaya nauna na itong naglakad tungo sa kusina.
" Ano na naman bang sinabi ko para ganon ang ikilos niya? Ano bang puwedi kong gawin para maitindihan siya? " tanong pa nito sa sarili niya " Te-teka! ganon naba ako katanda para hindi siya maitindihan? " at nasapo na lang nito ang mukha niya ng maisip ang bagay na ito pero Doc. Kevin ang totoo niyan, werdo lang talaga si Yna kaya bata ka pa naman.
" Anong gusto mong ulam? " ani Kevin pagkatapos niya itong masundan.
" Kahit ano hindi naman ako mapili " Ani Yna at tumango na lang ito ng mahina dahil kaninang umaga halos kanin lang ang kainin nito dahil ayaw nito ng isda maliban sa tilapia at bangus at isda ang niluto ni Kevin kanina at saka madami din itong hindi kinakain na gulay " Hindi naman talaga siya nagrereklamo tungkol sa pagkain pero yon nga lang hindi niya rin kinakain kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang payat nito " tingin niya pa rito pagkatapos ng pag-iisip niya habang tinitingnan ang ref nila at halos wala na itong laman.
" Magbihis ka at maggrocery tayo "
" B-bakit? " nagtataka pa niyang tingin rito.
" Wala ng laman ang ref kaya wala tayong iluluto "
" May itlog naman diyan " ani Yna saka ito pumunta sa tinutukoy niyang itlog at napangiti na lang si Kevin dahil sawa na talaga ito sa itlog.
" Hindi maganda sa katawan ang masobrahan ng kain nang itlog " pagkuha niya rito at binalik pagkatapos itong dalhin sa kanya ni Yna.
" E saan ba tayo maggogrocery? "
" Sa pangalawang kanto wala kasing malapit ritong grocery "
" Edi! sasakay pa tayo at magmamaneho ka pa " tamad nitong sabi saka naupo ulit sa may sofa.
" Oo, ano bang problema doon? " tungo niya rito saka hinawakan ang tali nitong isa sa unahan habang nakaupo sa sofa si Yna at nakatalikod rito " Dali na magbihis kana " ani Kevin kung saan nakapajama lang ito " Pero sa bagay okay naman ang suot mo kaya halika na " ani Kevin pagkwan tuminingala rito si Yna at natigilan si Kevin pagkatapos niya itong matitigan habang nakayuko siya rito.
Hindi na magawang magsalita ni Yna nang pagtingala nito ay nakatayo sa likuran nito si Kevin kaya napalunok na lang ito pagkatapos matitigan ang gwapo niyang mukha at gusto niyang putolin ito at bawiin ang pagkakatingala niya pero ayaw kumilos ng ulo niya basta nakatitig lang siya rito at napapikit ito ng tumaas ang kamay ni Kevin at naramdaman na lang niya ang mahina nitong pagpitik sa noo niya saka ito umalis sa harapan niya pero nanatili pa rin siyang nakatingala at hindi makaget over sa pagpitik rito ni Kevin.
" A-anong nangyari? Sa-sandali hinawakan niya ba ako? Totoo ba yon? " Mga tanong pa niya at ganon na lang ang kilig niya saka nito narinig ang mabilis na pintig ng puso niya saka ito namula o nagblush habang nakatingala pa rin at nakangiti samantala si Kevin ay nagtungo sa kwarto niya para kunin ang wallet niya pagkwan bumalik na rin ito habang si Yna nandoon pa rin sa situwasyon niya kaya bahagya na lang ritong napangiti si Kevin.
" Hindi ka ba sasama? Sige, mabilis lang naman ako " ani Kevin kaya doon naman nagising si Yna at mabilis na tumakbo sa may pinto at hinarangan ito.
" Anong ginawagawa mo? " nagtataka ritong tanong ni Kevin.
" Bu-bukas na lang " pigil niya rito " Weekends bukas kaya bukas ng umaga tayo.. wala ka naman sigurong pasok? " ani Yna.
" Oo pero kung may emergency I'll need to report "
" Okay kaya bukas na lang tayo " ngiti pa niya rito at nakita naman nito ang pagtataka sa mukha ni Kevin at hindi maitindihan kung bakit kailangan pa ipabukas kung puwedi naman ngayon " E kasi gabi na at kakarating mo lang mula sa trabaho kaya siguradong pagod ka kaya bukas na lang puwedi pa naman ang itlog at saka may iba pa namang pagkain sa ref " ani Yna at natouch naman si Kevin sa sinabi nito pagkatapos mapagtantong nag-aalala ito sa kanya.
" Sige.. kung yan ang gusto ko " ani Kevin pagkatapos hindi magawang tanggihan ang napaka-cute na ugali ni Yna at ang pag-aalala niya rito " Well, ikaw lang naman ang inaalala ko, I've noticed kaninang umaga na kunti lang ang kinain mo dahil ayaw mo sa mga niluto ko "
" HA?! HI-HINDI!! " angal nito agad " Sa katunayan napakasarap mo magluto minsan nga naiisip ko baka isa ka ding chef maliban sa pagiging doctor mo " napangiti naman siya ng palihim sa sinabi rito ni Yna pagkatapos ng napaka-cute nitong pag-iisip " Kaso nagkataon na ayaw ko lang sa mga pagkaing niluto mo kaya ganon " nahihiya pa nitong sabi habang nakapout.
" Napansin ko nga ang dami mong ayaw na pagkain kaya pala payat ka "
" Sus! hindi naman ako payat ang sabi nga ng mga kaibigan ko sexy daw ako " at ganon na lang ang asar niya ng matawa si Kevin " Totoo naman yon ah " pamimilit pa nito pagkatapos maglakad ni Kevin.
" Naniniwala naman ako " tawa pa ni Kevin at natigilan siya ng masama ritong tumingin ni Yna " I'm sorry.. napaka cute mo lang tingnan kaya sa tingin ko hindi mo bagay ang salitang sexy " hindi naman malaman ni Yna kung matutuwa siya kung maiinis pero basta ang alam niya nakangiti na siya ngayon dahil sa sinabi ni Kevin na cute siya.
" tssst! dalian mo na nga magluto at nagugutom na ako " ani Yna at sumunod naman ito agad pagkwan hinanda na rin nila ito ng matapos si Kevin.
" Kita mo ang dami at masarap kahit puro itlog ito " ani Yna at ngumiti naman si Kevin kahit nauumay na ito sa mukha ng itlog pagkwan inabot nito ang gulay pero mabilis na nilagyan ni Yna ang plato niya ng itlog.
" Kumain na tayo!!! " sabi pa nito at napatingin din ito kay Kevin ng lagyan din nito ang plato niya ng gulay.
" Kumain ka niyan para magkalaman ka kahit sexy ka pa ayon sa mga kaibigan mo " pagbibiro niya rito.
" Okay na ako sa cute " ani Yna at pilit na kinain ang gulay samantala si Kevin ganon din ito sa itlog.
" Bakit kasi kailangan pa maggulay " pilit na nguya rito ni Yna pero kapag nalilingon nito si Kevin pakiramdam niya sumasarap ang gulay. Samantala si Kevin pinilit na lang din kainin ang itlog dahil alam niyang maiinis si Yna pag-inalis niya ito sa plato niya.
" Ako ang maghuhugas ah " sabi nito pagkatapos niyang uminom ng tubig " Pangako! hindi na ako makakabasag " sabi pa nito agad ng makitang tatanggi rito si Kevin.
" Ako na kunti lang naman ito " tanggi nga nito sa inaalok ritong tulong ni Yna.
" Sige pero bukas bibili ako ng sarili kong plato para kanya kanya na lang tayo ng hugas " napabuntong hining naman ito sa sinabi niya.
" Minsan talaga hindi ko alam anong tumatakbo sa isip mo pero sige na, ikaw ang maghugas ngayon " ganon naman ang lapad ng ngiti ni Yna. At kagaya ng gusto niya siya ang naghugas ng plato at gaya din nang inaasahan natin nakabasag nanaman ito kaya ganon na lang ang nahihiya nitong tingin kay Kevin.
" It's okay puwedi namang palitan " sabi nito ng nahihiyang tumingin rito ni Yna " Maupo kana at ako ng magliligpit baka masugatan ka pa " wala naman itong magawa kundi sumunod rito.
" Papalitan ko.. " mahina nitong sabi.
" I don't care if you break everything but just promise you won't leave me " napalingon naman ito rito pagkatapos tumalikod ni Kevin para itapon itong nabasag niya.
" English yon at mabilis ang pagkakasabi niya pero sa tingin ko naitindihan ko naman iyon kahit papaano pe-pero bakit naman niya yon sasabihin? " ani Yna at itatanong niya sana itong muli nang magsalitang muli si Kevin.
" Wag kana lang magpuyat ngayon at matulog na lang ng maaga total wala namang pasok bukas " ani Kevin para ibahin agad ang usapan kaya kinagat na lang ni Yna ang ibaba ng labi niya saka tumingin muli sa TV.
" English yon kaya paniguradong mali lang ang pagkakaitindi ko " pag-abot nito sa remote saka pinatay ang TV at naglakad habang naiinis sa mga narinig niya at gumugulo ito sa kanya dahil hindi niya lubosang naitindihan at hindi naman niya ito matanong kay Kevin pagkatapos nitong ibahin ang usapan.
" But if you want to watch... manood ka na lang? " ani Kevin ng maramdaman nitong nalulungkot si Yna at alam naman niyang hindi dahil sa TV kaso wala siyang balak pag-usapan ang bagay na yon.
" Di bale na wala na akong gana " paglalakad pa nito ng mabilis saka nagtungo sa kwarto niya at tahimik namang umakyat si Kevin ng maayos niya ang sala at kusina saka nagtungo sa kwarto niya at naligo.
*****
" Nga pala Binbin___ " natigilan si Yna sa pagtakbo mula sa labas para sabihin kay Kevin ang pagbisita ng mga kaibigan niya pagkatapos itong maalala ng magchat rito si April nang buksan nito ang pinto at makitang naka-upo sa may sahig si Kevin habang nakasandal sa kama niya at hawak hawak ang ulo nito kaya agad itong nakaramdam ng pag-aalala.
" May nangyari ba? " takbo niya rito " Binbin.. o-okay ka lang? A-anong nangyayari? " sunod sunod pa nitong tanong ng hindi pa rin sumasagot si Kevin habang nakikita nito sa kamay niya ang ugat nito habang nakahawak sa ulo niya na para bang nasasaktan ito. " Binbin...? " naiiyak na nitong tanong at ganon na lang ang gulat niya nang hilain siya ni Kevin at yumakap sa kanya at sa higpit nun halos hindi na siya makahinga pero ang alam niya natatakot ito pagkatapos maramdaman sa mga yakap nito at hindi naman siya gumalaw pa hanggang sa lumuwag ang pagkakayakap rito ni Kevin at unti unti nitong naramdaman ang normal na paghinga nito compare sa kaninang halos hindi nito maramdaman.