Chapter 16

2801 Words
" April okay ka na ba? " salubong rito nila Yna nang makalabas itong clinic kung saan patungo sana sila rito ni Megan. " Oo, medyo masakit lang ng kunti yong tinamaan saakin pero okay naman din " hawak pa nito sa tinamaan sa kanya " Ang sabi ng nurse normal lang ito at mawawala din kapag naipahinga ko "dugtong pa nito at sabay namang nakahinga ng maayos sina Yna. " Si Nico? " " Ah.. nauna na siyang lumabas " pagsisinungaling ni April. " Pasaway yon ah! Dahil sa kanya kaya ka pinag-iinitan ng mga bruha na yon " asar pa nitong sabi. " Hayaan mo na.. eh ganon naman talaga ang mga yon sa sino mang lumalapit sa grupo ni Oli " ani April para pakalmahain ito. Dahil ang totoo, sinadya talaga niyang paalisin si Nico dahil alam niyang malalagot ito kay Yna kapag nakita niya. " Kaya nga ayaw kong naglalapit ang mga iyon saatin kasi ganyan kayo mag-isip kaya pinapabayaan niyong ibully o awayin kayo ng mga fan nila pero saakin? Hindi puwedi dahil gaganti ako.. Oo, hindi talaga puweding magpaapi lang tayo " ani Yna na asar na asar pagkatapos maisip ang nangyari sa dalawa. " Hayaan mo na yon Yna.. naiganti mo naman kami " masayang sabi ni Megan. " Kung ganon pati ikaw sinaktan din nila? " tumango naman si Megan sa tanong rito ni April " Pero bakit? " " E kasi nagpunta doon sina Luke kanina tapos napunta kay Kier yong bola at inabot saakin kaya ayon galit na galit ang mga may crush sa kanila kaya napagdiskitahan din ako ng grupo ni Bia pero.. okay lang yon kasi sabay sabay naman silang naipatumba ni Yna mabuti na lang tinulongan siya ni Oli___ " " Tumigil ka nga! Kasalanan nila bakit kayo sinaktan ng mga yon " asar pang sabi nito " Alam mo maiitindihan ko naman yong rules ng mga fans nila na bawat silang lapitan at malalagot ang gagawa nun pero ang manakit sila ng hindi nalalabag ang rules nila sobra na yon... tssst! sila naman itong lumalapit sainyo lalo na ang Nico na yon " " Yna.. hayaan mo na sa tingin ko naman walang kasalanan ang grupo ni Oli kasi nakikipagkaibigan lang naman sila saatin " ani April. " Ang mga fans lang talaga nila ang masasama " Ani Megan. " Ah basta hindi magbabago ang isipan kong masasama sila " nag-aalala pa nitong hawak sa ulo ni April na tinamaan. " Naku! kalimotan na natin ang nangyari ngayon at kumain na lang tayo kasi nagugutom na ako " ani April at nagtungo na nga silang canteen at dahil sa nangyari sa mean girls pagkatapos silang iispike ni Yna wala ng may nagtangkang mang-away sa kanila ngayong araw maging ang grupo ni Oli hindi na rin sila lumapit sa kanila. " Yna since weekends bukas at may assignment tayo bakit hindi tayo magGroup study? " ani April habang naglalakad silang patungong gate para umuwi. " Maganda nga yan mamaya wala na naman akong magawa kaya tama, magGroup study tayo " masaya nitong sabi pero naalis ang mga ngiti niya sa sunod nilang sinabi rito. " Ah hindi puwedi " tanggi nito agad sa sinabi ng dalawa. " E kasi hindi puwedi sa boarding house kung doon tayo maggo-group study " " Edi! kay Megan malaki naman kaharian nila eh " tanggi pa nito pagkwan siniko ni April si Megan para magdahilan para mapapayag itong si Yna na kela Kevin sila magGroup study. " Ah ano.. hindi puwedi sa bahay din " " Bakit? Edi! sa garden niyo.. palagi naman tayo naggogroup study sainyo at malawak ang bahay niyo kaya kung hindi puwedi sa loob ng bahay niyo edi sa garden o kaya yong barbecue-han niyo sa labas " sabi pa nito kaya di na magawang magdahilan ni Megan dahil ang totoo, puwedi naman sila sa bahay talaga nila. " Eh kasi restricted ngayon ang bahay nila Megan kasi may bago na naman silang aso at masungit ito " ani April at napangiti naman ito pagkatapos ang paglunok ni Yna pagkatapos kumagat sa pagsisinungaling niya alam kasi niyang takot ito sa aso. " Sige.. baka maging aso pa tayo " napatingin naman sila rito sa sinabi niya kung saan napakaseryoso " E kasi.. alam niyo ba may napanood ako, kapag pala kinagat ka ng isang bagay puwedi kang mahawa " nanahimik naman sila at hinintay ang paggana na naman ng werdo niyang pag-iisip " E kasi diba ang bampira kapag kinagat ka puwedi kang maging bampira, ngayon ang jombi (Zombie) naman kapag kinagat ka magiging jombi ka din kaya naisip ko.. kasi ang aso nangangagat.. e paano kung bigla tayong maging aso kapag nakagat tayo? " nag-aalala pa nitong sabi " Kaya dapat mag-iingat ka sa aso niyo Megan " seryoso pa niyang tingin rito. " Pambihira! 5 yrs old ka ba para maniwala sa mga ganyan at saka kung sakali man mas gugustohin kong kagatin siguro ako ng aso kung talagang nakakahawa ang makagat kaysa tulad mo ang makahawa saakin " agad namang dumilim ang awra nito pagkatapos marinig ang boses ni Oli kung saan nakatayo ang mga ito sa labas ng gate. " Ano namang akala mo saakin nangangagat? at saka kung mangangagat man ako sisiguradohin kong mapuputol na ang lahi mo sa mundo kapag nakagat kita " nanlaki naman ang mata ni Oli sa marahas ritong sabi ni Yna. " Sobra ka naman ata sa bagay na yan " " Oo, kaya magpasalamat ka at hindi ako nangangagat " " Ah talaga, mas okay naman atang maputol ang lahi ko kaysa mahawa o matulad ako sayo tssst! bangongot ata yon " may pang-aasar pa nitong tawa at natigilan ito ng kunin ni Yna ang braso niya saka kinagat si Oli. " AHHHHHH!!! NABABALIW KA NA BA? " layo niya rito at ngumisi naman ito sa kanya. " Kaya tumahimik ka kung hindi sasamain ka talaga saakin " punas pa nito sa bibig niya " Haist! malabot naman pala ang balat mo kaya di na ako mahihirapan sayo " " Ano yan pinagnanasaan mo ako? " agad naman itong natauhan sa sinabi ni Oli habang ang grupo nila ay pinanood na lang sila. " Haist! makinig ka.. kung pagkain ka man talaga at ibigay ka pa saakin ng libre hahayaan kitang mabulok " " Yna___!!! " asar niyang sigaw rito kaya ganon naman ang hawak nito sa tainga niya at pumikit pagkwan tumingin ito kay Oli saka nito nilabas ang dila niya ng mabilis. " Bleeh!! pikon! " " You know what Yna.. you're really cute " akbay rito bigla ni Luke at mabilis namang yumuko si Yna para tanggalin ito. " Naku! tigilan niyo nga kami sa bigla bigla niyong paglapit dahil punong puno na kami sa mga fans niyo " " You know Yna.. I can protect you kung sakali mang pumayag kang maging close tayo " ngiti pa rito ni Luke. " Kaya ko naman ang sarili ko at saka___ sandali si Nico? " agad naman nagtago si Nico sa likod ni Oli pagkatapos itong maalala ni Yna. " At bakit ka naman nagtatago sa likod ng alimangong yan " at natigil si Yna nang maramdaman niyang nakahawak si Oli sa ulo niya. " Napakabansot mo pero kung umasta ka parang napakatang mo at kayang kaya ako " " O bakit hindi ba? " titig nito kay Oli kaya agad itong nag-iwas ng tingin rito pagkatapos huminto ang heart beat niya. " Well, hindi lang ako pumapatol ng babae " saka nito hinila si Nico at binigay kay Yna at ganon naman ang takot nito pagkatapos kwelyohan ni Yna. " Alam mo kanina pa kita hinihanap para klarohin ito sayo " hindi naman umimik ang lahat dahil alam nilang masyadong protective na kaibigan si Yna at hindi nito talaga basta basta malilimotan ang nangyari kanina kay April " Alam mo naman bakit sinaktan ng mga bruhang babae na yon si April hindi ba? " mahina namang tumango rito si Nico " Mabuti naman!! kaya sa sunod na makita kong maglalapit ka sa kanya kakalbohin talaga kita " napalunok naman si Nico at alam nilang hindi ito nagsisinungaling " Kaya lumayo ka sa bestfriend ko!! " pagbitiw niya rito. " Umalis na tayo.. " ani Yna kela Megan pero natigilan ito sa biglang pagsasalita ni Nico. " Sa totoo niyan... gusto ko talaga si April ka-kaya baka makalbo mo talaga ako " kinakabahan nitong sabi " Ang ibig kong sabihin.. mahirap lumayo sa taong gusto mo kaya hindi ko magagawa ang sinabi mo " natatakot pa nitong sabi. " Baliw ka ba?! Gusto mo bang awayin pa nila ang kaibigan ko? Kung sayo okay lang puwes saakin, Hindi iyon puwedi!! " " I'll protect her!! " ani Nico. " sus! wala ka ngang nagawa kanina " asar niyang tingin rito " Ang sino mang pumatol sainyo dito sa loob ng campus parang isinumpa na rin nila ang sarili nilang masaktan araw araw kaya tumigil ka Nico " " Tama na yan.. " pakikisali na rin ni April since siya naman ang main topic ng dalawa. " Well, ikaw naman ang gusto ni Nico kaya kung papayag ka wala namang magagawa si Yna doon " agad naman itong napatingin kay Oli. " Sinasabi mo bang baliwalain ako ni April at hayaang piliin niyang masaktan dahil sa nararamdaman ni Nico? " " Ganon na nga.. " asar na asar naman itong tumingin kay Oli " He can protect April at kung hindi man... edi! ako ang gagawa nun at kung masaktan man si April puwedi mong isisi saakin " nangislap naman ang mata ni Nico sa sinabi ni Oli habang sila Kier ay tuwang tuwa rito. " We'll protect her " sabi pa nila Kier. " Okay, I'm in too " ani Luke kaya alam ni Yna na talo na siya. " Kung gusto mo pati ikaw protektahan ko " seryoso ritong lingon ni Oli. " tssst! kaya ko ang sarili ko " asar nitong sabi. " Okay.. so pumapayag ka na bang ligawan ni Nico si April? " ani Lay. " Bakit naman ako ang tatanongin niyo? " asar nitong sabi " At saka nasabi ko na ang sagot diyan at hindi iyon magbabago " " Kung ganon ikaw muna ang unang liligawan ni Nico at pagnapapayag ka, edi! okay na sila ni April " " Tssst! mga baliw talaga kayo!!! Papaanong kaming dalawa ang gusto ni Nico at saka hindi kita type!!! " tawang tawa naman sila sa pagka-misinterpret ni Yna sa sinabi ni Kier. " Pasensya na Yna pero gusto ko talaga si April " ani Nico para putolin ang tawanan nila bago pa mainis itong si Yna. " Nico... " tumingin naman sila kay April ng magsalita ito " Alam mo kasi nakapasok lang ako rito for scholarship at ang sabi ko kay mama hindi ko bibigoin ang mga pangarap niya saakin kaya naman nangako din akong magfofocus ako sa study at iiwas sa mga bagay na puweding makadistract saakin tulad ng pagboboyfriend kaya wala pa akong plano sa bagay na yan " natahimik naman sila sa sinabi ni April pero ganon naman ang tingin nila kay Nico pagkatapos itong magsalita. " Oo, hihintayin na lang kita " ngiti niya rito " Okay lang naman ako sa bagay na nakikita kita araw araw kaya lang naman ako manliligaw kasi ayaw kong may mauna saakin syempre malaking pagsisisi yon pero dahil sinabi mong wala ka pang plano kaya panatag na ako sa bagay na yon at maghihintay na lang ako " " Edi! okay na " ani Yna nang malingon niyang masayang nakangiti ang kaibigan niya ganon din itong si Nico. " At para magkabati bati na tayo dahil sa mga nangyari ngayon siguro mas maganda kung sasama na lang din kayo saamin bukas maggroup study " ani Megan. " So hindi na kami kasama ni Luke since ibang strand naman kami " ani Kier kaya nalungkot naman itong si Megan pagkatapos maisip na hindi kasama si Kier. " Pass din ako " ani Oli " Kaya ko naman gawin ang assignments ko " " In ako " ani Lay and Nico. " Sasama din ako kahit makijoin man lang sa bonding " ani Luke habang nakatingin kay Yna dahil talagang nakikyutan rito. " Saan ba tayo? " tanong pa ni Nico. " Yna's Place " ani Megan kaya naman napatingin bigla rito si Oli. " Te-teka! hindi pa naman ako pumapayag " " Puwedi naman saamin " ani Nico na naeexcite. " Mas maganda sa lugar ni Yna " ani Oli. " Akala ko ba hindi ka sasama? " Makulit ritong tanong ni Nico. " Nagbago na ang isip ko " Ani Oli dahil ang totoo matagal na niyang gustong malaman kung sino bang kasama ni Yna sa katunayan gabi gabi na lang siya nag-ooverthink sa bagay na yon. " Pumayag kana.. " ani April hanggang sa lahat na sila namilit rito. " Hindi naman kasi akin ang bahay na yon at saka baka magalit si Binbin pero sige, sasabihin ko sa kanya at kapag pumayag siya sasabihan ko na lang kayo " napipilitan nitong sabi. " Okay, gagawa agad ako ng GC tapos i-aadd ko kayong lahat para doon ka na lang magchat " ani Nico. At naexcite naman ang lahat maliban kay Luke na titig na titig kay Yna habang iniisip na makikita niya na rin sa wakas ang tumanggi sa pag-ibig nito, at si Oli na matagal ng hinihintay na makilala itong lalaking tinutuloyan ni Yna para kilalanin kung mapagkakatiwalaan ba talaga ito, at si Yna na inaalala ang puwedi nilang magawang panggugulo kay Binbin. " Sana may pasok siya kahit weekends " pag-iisip nito pagkwan tumingin siya sa lahat at ganon na lang ang pagpapanic niya ng makita nito si Oli. " Tama.. boyfriend ko nga pala ang isang ito pagkatapos kong sabihin kay Binbin paano kung magtanong siya pagnalaman niyang ito si Oli, ang sinasabi kong boyfriend ko gayong tinatanong pa naman niya saakin minsan ang tungkol kay Oli o sa boyfriend ko " natataranta nitong pag-iisip. " At kapag nalaman nilang sinabi kong boyfriend ko si Oli paniguradong hindi nila ako titigilan tuksohin tungkol doon "kagat pa nito sa labi niya habang nag-iisip " Laong lalo na ang alimangong ito baka habambuhay nang iasar saakin " naiinis pa nitong pag-iisip " Ah kaasar bakit ba hindi ko naisip iyon bago pumayag " pagpalo pa nito ng mahina sa ulo niya. " At ano na naman ang tumatakbo sa isip mo para saktan ang ulo mo? " ani Oli alam na kasi nito na kapag ganito ito ay may iniisip na naman itong kalokohan. " Ano ba yon.. Yna? " tanong na din nila dahil kilala na nga nila ang werdo nitong ugali. " NAISIP KO LANG PUWEDI BA NATIN PALITAN NG PANGALAN SI OLI? " Hindi naman sila makapaniwala sa sinabi nito. " Nababaliw kana ba? " hindi makapaniwalang tanong ni Oli " Pati pangalan ko pagdidiskitahan mo " " Magpapaalam ako kay Binbin kung papayag kang papalitan ang pangalan mo " pamimilit pa nito at naitindihan naman nila Megan ang dahilan nito bakit gustong palitan ng name ni Yna si Oli. " E KUNG AYAW MO EDI! WAG NA TAYO MAGGROUP STUDY! " ani Yna at dahil hindi nga makatulog ng maayos si Oli tungkol sa lalaking kasama ni Yna kaya nagbuntong hininga na lang ito bago pumayag nang hindi na itinatanong bakit kailangan niyang magpalit ng pangalan. " Kami din ba Yna? " ani Nico " Puwedi na ako sa Blacky " " Ano ka aso? " ani Kier kaya ganon naman ang tawanan nila. " Hindi.. Nico, si Oli lang " nag-aalala pang sabi ni Yna pagkatapos hindi makaisip ng pangalan. " Pero bakit ba Yna? " ani Luke kaya ganon naman ang pagkataranta niya. " Baka para kunwari hindi kasama si Oli kung iba ang pangalan niya since hindi sila magkasundo ni Yna " pagdadahilan ni April para tulongan si Yna magdahilan at naniwala naman sila rito. " Si Neji na lang " ani Yna. " At bakit character pa ng Naruto tas yong mamamatay pa? " " Eh! wala akong maisip alangan namang Naruto o kaya Kurama " " Hindi ako halimaw! " " Hindi nga pero malapit na " asar namang lumingon rito si Oli. " Wag ka kasing magulo hindi ako makapag-isip ng maayos " " sus! para namang may isip ka din talaga " bulong ni Oli. " Leo na lang para kabaliktaran ng Oli " ani Megan at sumang-ayon naman rito si Yna ganon din si Oli kahit ayaw niya sa ideang ito. At pagkatapos ng pag-uusap na yon umuwi na din sila ng hindi hinihintay ni Yna si Kevin at tinext niya lang ito na umuwi na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD