YNA'S POV:
NANDITO ako ngayon sa banyo pagkatapos kong magpalit ng PE Uniform since friday ngayon kaya PE class lang kami.
" Yna hangga't kailan ka ba magiging ingot?" hawak ko sa puso ko saka bumalik saakin ang araw na sinabi ko kay Kevin ang nararamdaman ko rito " Malaki na ako.. 18, G12 students pe-pero hindi iyon sapat para mapansin niya din ako dahil gaya ng sabi niya 28 na siya, isang mahusay na doctor at... hindi siya pumapatol ng bata " pero ano naman ang magagawa ko.. kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko hindi ko mapigil kahit anong isip ko sa mga bagay na hindi naman talaga ako mapapansin ni Binbin ay sumisikip lang ang puso ko at ayaw niyang tanggapin ang katotohanang iyon " Sa bagay ano nga rin ba ang inaasahan ko.. tsst! napaka bobo ko kaya paanong mananalo ang isip ko sa puso ko " mahina kong palo sa ulo ko pagkwan malalim akong nagbuntong hininga saka ngumiti sa salamin.
" Lilipas din ang nararamdaman mo " titig ko sa sarili ko sa salamin bago lumabas pagkwan nagmadali akong maglakad tungong gymnasium kung saan nagaganap ang PE/sports class namin, nauna na kasi sina April.
" Yna...!! " sigaw agad nitong si April ng makita ako kaya agad akong nagtungo rito " Kanina ka pa hinahanap ni Sir dalian mo at puntahan siya " agad naman akong tumakbo kay Sir nang magsign language ito na magtungo ako sa kanya pagkatapos akong makita.
" Ikaw na muna ang bahala sa volleyball girls kung may mapapansin kang mali sa mga execution nila ituro mo agad iyon o tawagin ako " ani Sir " At ako naman ang bahala sa boys at papahirapan ko sila " hawak pa nito sa kalo niya kaya mataman naman akong tumitig rito saka tumango bilang pagsang-ayon. Pagkwan pumalakpak ng tatlo si Sir at nagsipunta naman ang lahat sa direksyon namin pagkwan nagtungo na din ako sa linya nila April.
" For today's activity we will do the different fundamental skills of volleyball which are the passing, serving, setting, digging, blocking and of course hitting or spiking " malakas na sabi ni Sir.
" Nakakapagod na naman ang friday na ito " reklamo ng mga babae.
" Ang sakit sa kamay ng bola " reklamo ng mga ito.
" At saka masyadong mataas ang net " artehan pa ng lahat.
" Heee!! magsitigil nga kayo kung hindi ibabagsak ko kayong lahat!!! " agad namang tumahimik ang lahat sa sigaw ni Sir.
" Alejandro come in front " agad naman akong tumabi kay Sir pagkatapos akong tawagin.
" For girls si Alejandro ang magbabantay sainyo habang ako naman ang sa boys " wala namang nagreklamo ang lahat sa sinabi ni Sir. Sa tingin ko may ilan ng nagtataka sainyo, baka iniisip niyo nakalimotan na ni author na ingot ako kaya paanong bigla akong maaasahan ng ganito? Well, isa ako sa magaling na athlete ng school I can play any sport pero hindi naman lahat, yong mga available lang dito sa school like basketball, football, racket sports and of course volleyball, sa athletics lang ako hindi magaling paano kasi mahina ang stamina ko kaya hindi ako puwedi sa single sports. At tama ang nababasa niyo, sa academic ako mahina pero when it comes to extracurricular like sports maaasahan talaga ako at sa tingin ko dahil iyon sa kapapanood ko nang anime, isa sa influence saakin ng anime ay ang ugali ko o tatag ng loob at sa sport very important iyon dapat matiyaga ka kaya nga sa sport mayroon tayong tinatawag na training para mamaster natin ang ating particular na sport gaya ng sabi ni Naruto " There's no short cut in everything " at very effective ito sa sport kaya ayon, kahit papaano may talent talaga ako kaya wag kayong judgemental sa author hahaha dahil hindi naman ako tumalino bigla o nakalimotan na ingot ako dahil sa sport lang talaga ako magaling.
" AAAHHHHH!!! " kilig nang mga babae pagkatapos pumasok ni Nico, Lay, at syempre ang alimangong si Oli, well, gwapo naman talaga ang isang ito at saka bagay niya ang P.E namin mas lumilitaw ang kutis mayaman nito kaya hindi ko masisisi ang mga babaeng s**o na ito para mabaliw sa kanya.
" Sana Sir puwedi kaming makijoin sa boys " ani mga babae habang ang lalagkit ng tingin kela Oli.
" Oo nga, Sir " sang-ayon pa ng lahat " For learning naman ang gagawin natin kaya no need to separate the girls and boys " sabi pa ng bakla naming kaklase " Masisira ang beauty ko once na tamaan ng spike nila ang beauty ko " natatakot pang sabi ng isa pa naming beki na kaklase.
" Right girl " sang-ayon pa nila.
" Sus para ano? para makalapit kayo sa mga crush niyo at magpabebe buong session? " masamang lingon sa kanila ng teacher namin at tama talaga siya sa bagay na ito.
" Ang sungit niyo naman palibhasa walang nagkaka-crush sainyo eh! " sabi rito ng leader ng mean girls at agad naman ito pinitohan ni Sir kaya gulat na gulat ang lahat.
" Halaaa dali!!! lahat ng ituturo ko tumakbo ng sampong beses sa court " at tinuro nga ni Sir lahat ng nagreklamo kaya mas kumunot ang mga noo nila.
" Hindi niyo kami puweding parusahan!! We're already in 21st century learning approach kaya hindi mo kami puweding parusahan kundi magsusumbong kami!! " sabi ng isa sa mga makukulit naming kaklase.
" Hala!! sige, 15 rounds!! takbo!! " sigaw ni Sir.
" Sir namaaan!! "
" Hindi niyo ba alam na part yan ng warm up? Diba wala kayong energy to play kaya tumakbo kayo para magising ang katawan niyo " asar na asar naman silang lumingon rito dahil alam naman ng lahat na pinaparusahan lang sila ni Sir sa sinasabi nitong warm up. anyway, ganon talaga saamin yong respeto kulang na kulang ikaw ba naman mapaligiran ng mga batang natutulog sa pera at spoiled sa mga magulang kaya kulang talaga ang respeto saamin.
" Magsimula na ang lahat!! " sigaw ni Sir at nagpalit ang awra nito ng lumingon saakin saka tinapik ng mahina ang ulo ko " Ikaw ng bahala sa kanila ha " ngiti pa nito at tumango naman ako kaya pinapwesto ko na ang mga kaklase ko sa volleyball girls court sa kanan kung saan sa kaliwa naman ang boys kunti nga lang layo namin mga three meters lang layo ng net namin.
" April anong magandang gawin? " lapit ko agad kay April gaya ng sabi ko sa skills ako magaling at hindi sa utak o strategy.
" Paano ba laroin ang volleyball? "
" Hindi naman tayo maglalaro basta gagawin lang natin yong fundamental skills "
" Kung ganon egroup mo na lang ang lahat base sa kung paano gagawin ang activity " ani Megan.
" Oo, at least makaperform ang lahat " ani April.
" Sige, okay na siguro ang three members sa bawat grupo." hinawakan naman ito ng dalawa sa magkabilang balikat.
" Pagdating rito mas marami kang alam saamin kaya turuan mo kami " ani April na siyang pagtango ni Megan bilang pagsang-ayon habang napaproud sila kay Yna.
" Okay, hanapin niyo ang grupo niyo, sa bawat grupo may tatlong tao o members " ani Yna at palihim namang napangiti si Oli pagkatapos marinig ang matalinong paglelead ni Yna.
" Kapag sa sport talaga biglang nagiging cool ang cute na tulad ni Yna " ani Lay.
" Tama yon napakalakas ng awra niya tuloy " ani Nico na namamangha kay Yna.
" Epekto yan sa kanya ng haikyuu(anime, volleyball/sport genre) " natutuwang sabi ni Oli.
" Kaya ba pinursue mo ang volleyball sport? " ani Lay dahil ang sport kasi ang totoong sport ni Yna at ayon sa analisa nila kaya ito ang sport ni Oli ay dahil doon.
" Gusto ko ang volleybal dahil walang physical contact hindi tulad ng sport mong basketball " ani Oli at nang-aasar naman silang tumingin rito para ipahiwatig na hindi sila naniniwala sa dahilan nito kaya ganon na lang ang asar niya.
" Yna doon kana at kami na ang bahala sa bola " punta ni Megan at April sa kabilang side ng court para pulotin ang bola sa tuwing may nagpeperform ng activity. At maayos naman ang naging takbo ng activity habang nakikinig sila sa bawat payo ni Yna sa kung paano ang proper execution. Hanggang sa matapos tumakbo ang mean girls at nagtungo sa court.
" I think it's our chance to play " agaw ng leader ng mean girls sa bola kung saan si Megan at April na sana kasama si Yna bilang pangatlong members nila.
" Maghintay ka dahil kanina pa kami rito " Ani Yna at binawi ang bola.
" Tsk! anong akala mo kaluluwa kaming nagwarm-up diyan para sabihin yan? tsk!! kanina lang din kami rito kaso tumakbo pa kami " naiinis nitong sabi.
" Paunahin mo kami dahil gusto na naming magpahinga e kayo naman nakatayo lang rito, e kami tumakbo pa kaya mas pagod kami "
" Warm up nga ang sabi ni Sir hindi ba? " asar na sabi ni Yna pero pinigil na ito ni Megan at April.
" Sige na partner, paunahin mo na ang mga bruhang yan " mahinang sabi ni April kaya naman binigay ni Yna ang bola saka naman pumwesto si April at Megan sa kabilang court para salohin o pulotin ang bolang gagamitin ng mga ito.
" Whoaaaa!!! kompleto ang grupo ni OLi!!! " agad naman lumingon ang mean girls sa mga estudyanteng nakasunod sa tatlong lalaking naupo sa bleachers kung saan si Kier at Luke.
" Okay puwedi nang magpahinga ang boys since tapos na ang lahat " sabi ng teachers nila pagkatapos nila Oli.
" Pero Oli tulongan mo si Yna na ihandle ang girls " napalingon naman si Yna kay Oli pagkatapos ng sinabi nito.
" Bakit ako? Kayo ang teacher rito " paglalakad nito sa direksyon nila Luke kaya ganon naman ang asar rito ni Yna dahil sa pagtanggi niyang tulongan ito gayong nahihirapan siyang ihandle ang ibang girls at kakalma ang mga ito kung sakaling tutulong siya o makikita nila ito sa court ng girls.
" Ang sarap gawing bola ang mga bata rito " pagpipigil galit ng teacher nila saka naupo para panoorin ang girls dahil malaki naman ang tiwala nito kay Yna at hiningi lang niya ang tulong nito dahil tatahimik itong ibang girls basta makalapit lang sila sa kinababaliwan nilang lalake rito.
" Girls lend me your strength at ipaghihiganti ko ang sakit na naramdaman natin last to last days " titig ng leader ng mean girls kay April saka nila naalala ang paghatid rito ni Nico at ang ibang babaeng baliw sa grupo ni Oli nabasa na agad nila ang nasa isip ng mean girls.
" Yaaaaaahhh!!! " talon ng leader nila pagkatapos nila itong mabigyan ng magandang set saka ito pinalo o ang tinatawag na spike at sa lakas at bilis nito ay dirediretso ito sa direksyon ni April at bago pa siya makaiwas ay tumama ito sa ulo niya at diretso itong bumagsak.
" April...!!! " takbo rito ni Yna habang hawak hawak ito ni Megan pagkatapos takbohin at tulongan.
" Okay ka lang ba? " tanong ng teacher kay April.
" O-opo " pilit nitong pagbangon.
" Samahan siyang dalhin sa clinic "
" Ako na lang po, Sir " pagpipresenta ni Nico at di naman tumutol si Yna pagkatapos maitindihan ang nangyayari kaya mabilis itong umikot at nagtungo kay Bia, ang leader ng mean girls.
" Sabihin mong sinadya mo yon! " sigaw rito ni Yna kaya agad itong pinuntahan ni Megan para kalmahin dahil talagang siya ang palaban din sa kanila kahit na siya ang may pinaka-cute na ugali sa kanila.
" Of course... not?! " pang-aasar pa nito kay Yna na halata namang sinadya niya.
" Tama na yan at ituloy ang activity " paglalayo ng teacher sa dalawa.
" Pero Sir sinadya niya po.. serving naman ang mauuna po at pang-apat ang spiking "
" Wala ka namang sinabi so bakit parang kasalanan ko? " taas kilay pa nito kay Yna.
" Hindi ka naman kasi naghintay ng instraksyon ko at pinalo ang bola para tamaan si April! "
" story maker? " nagtabingi naman ang bagang nito sa inis.
" That's enough!! Sige na, samahan si Megan para magpulot ng bola at ako na ang magpapa-activity to end this argument " ganon naman ang galit ni Yna pagkatapos ritong bumulong si Bia.
" Binalaan naman namin kayo na layuan ang grupo ni Oli pero matigas ang ulo niyo " ngiti pa nito kaya ganon na lang ang asar ni Yna.
" Ako na lang po magpupulot " ani Yna " Sige na Megan, doon kana muna "
" sasamahan na lang kita at mag-iingat ako " ngiti nito at pumayag naman si Yna pagkatapos isiping poprotektahan niya na lang ito dahil hindi naman niya ito mapipilit na lumabas at maiwasan siya dahil ganito ang frienship nila.
" Mukhang galit na galit siya " ani Luke " But she's still cute " ngiti pa nito habang pinagmamasdan si Yna habang si Oli mataman lang ito nakamasid kay Yna at nag-aalala rito.
" Kung ganon nandito ka para makita siya " ani Lay pero ngumiti lang ito.
AT kagaya ng iniisip ni Yna ang goals nga nila Bia ay ang matamaan sila at pakiramdam niya naglalaro siya sa paghahabol niya sa bola wag lang matamaan si Megan kung saan sa loob ng court si Yna ang kumukuha lahat at pagnakalabas ito si Megan na ang naghahabol.
" Kaya pa Megan? " pagkuha ni Kier sa bola at inabot rito ng mapunta ito malapit sa direksyon nila kaya ang mga babaeng may crush rito, asar na asar lalo na ang mean grils kaya akala mo nagre-charge bigla ang mga ito.
" Salamat pero hindi naman nakakapagod " ani Megan at ganon na lang ang pagbablush niya ng makuha ang bola mula kay Kier saka nagtama ang dalawang daliri nila pagkatapos nitong abotin ang bola mula kay Kier.
" Ito pa ang isang bola____ " sabi nito ng makarating sa court at kakatapos lang niya magsalita ng tamaan siya ng bola mula kay Bia at kumpara kay April hindi ito ganon kalakas at hindi ito nabantayan ni Yna dahil nagpapahinga naman sila nun sandali kaya ganon na lang ang galit niya.
" Okay lang Yna hindi naman siya ganon kalakas " pigil rito ni Megan.
" Bwesit! dapat kasi inayos mo ang set mo! " ani Bia sa kasama niya pagkatapos hindi mapurohan si Megan at itong si Bia ang isa ding varsity player ng school nila in volleyball kaya nga malakas ang spike nito.
" Megan are you okay? " tanong ng teacher nila at tumango naman ito.
" Okay, magpahinga kana and let's proceed in blocking " napatingin naman si Yna sa direksyon nila Bia at ganon na lang ang atras nila ng mabasa ang nasa isip nito.
" Okay sino ang marunong diyan magspike para mablock nila Bia " napalunok naman sila ng magtaas ng kamay si Yna at natigilan naman ang teacher nila dahil alam niyang galit na galit ito ngayon dahil sa ginawang spike ni Bia sa mga kaibigan niya.
" NO!!! " agad na sabi ng mean girls.
" Oh! yes " napalingon naman sila sa pagsang-ayon ng teacher nila gayong kahit sino mababasa ang nasa isip ni Yna kung saan ang paghihiganti nito at hindi iyon dapat payagan ng teacher nila pero dahil inis na inis ito sa mga ito kaya gusto niyang bigyan ng lecture ang mga ito.
" Who can give a set to Yna? " tanong pa ng teacher nila at napalingon silang lahat sa direksyon ng paa ni Yna at kela Oli ang direskyon nito.
" Bigyan mo ako ng set! " tingin nito kay Oli " Dahil sa mga kaibigan mo kaya nasaktan ang mga kaibigan ko kaya dapat lang na bigyan mo ako " tingin pa nito kay Kier ng masama kaya naman umatras ito saka umiwas sa tingin ni Yna.
"Bakit ba kung makautos ka diyan akala mo alipin mo ako? " titig rito ni Oli kaya naman agad humakbang sa may bleachers si Yna at hinila ang jacket ni Oli kaya napalapit ito rito.
" Gaya ng sabi ko nasaktan ang mga kaibigan ko at kasalanan iyon ng grupo mo kaya tulongan mo ako kung hindi ikaw ang sasaktan ko. " at mararamdaman mo sa boses nito ang inis sa mga nangyari.
" Baka puweding from other strand? " Ani Luke at natigil sila ng bumaba si Oli saka naglakad sa court kaya yong mga babae di na maputol ang mga sigawan at tilian habang tinitingnan at inaamoy ang gwapong si Oli na mabango pa rin kahit pinagpawisan na. Ngunit ang mean girls hindi nila magawang ngumiti habang natatakot na nakatingin kay Yna.
" Kasalanan mo ito " paninisi ng dalawang mean girls kay Bia.
" Will you shut up?!! " asar niyang bulong sa dalawa " Makinig kayo walang magbablock basta ang gagawin niyo lang ay iwasan ang bawat spike ni Yna " at ganon na nga ang nangyayari kaya bawat palo ni Yna tinatakbohan nila ito.
" Kaya mo pa ba? " ani Oli ng makita niyang tinatakbohan nila ang bawat palo ni Yna at talagang mahina ang stamina nito kaya pagod na siya.
" Kung magbablock lang sila kahit isang beses, okay na yon eh " mahina nitong sabi habang naaasar kaya naman tinapik ito ni Oli kaya ganon na lang ang asar ng lahat pero hindi na yon napansin ni Yna dahil sa pagod at inis basta ang nasa isip lang niya ay makaganti.
" Hangga't hindi kayo nagbablock at tinatakbohan si Alejandro hindi kayo makakaalis diyan! ' napahinga naman ito ng maayos sa sinabi ng Sir nila.
" Okay ito ang plano.. magbablock tayo pero hindi sa papaloan ni Yna kundi sa walang bola " ani Bia " Tatlong block lang at makakaalis na tayo rito " ani Bia kahit naiinis siya sa ideang magiging tanga ang kalalabasan nila pero mas maigi na yon kaysa matamaan sila ng spike ni Yna na talagang masisira ang makakapal nilang foundation.
" Sige na, Alejandro give them the best you can do pero wag masyadong malakas " tamad na sabi ng teacher nila sa dulo ng sinabi niya na halatang kumakampi kay Yna at ganon na lang ang kaba nila ng itali ni Yna ang buhok niya senyales na seryoso na ito sa laro at nakita ang mga batok nito na maputi na may mga maliliit na balahibo kaya si Oli agad ritong nag-iwas ng tingin dahil hindi siya makafocus kaya sa unang palo ni Yna sablay nga ito.
" Oliver... pakiusap ayosin mo " pagposisyon nito at dahil nabasa rin ni Yna ang pinaplanong pag-iwas nila pagkatapos ng sablay na set ni Oli pagkatapos madistruct sa batok ni Yna ay napansin din ito.
" Gigising kayong clinic after nito " ani Yna kaya ganon na lang ang takot nila ng iset ni Oli ang bola saka marahang tumalon si Yna at pinosisyon ang kamay niya kaya mabilis na pumuwesto sa ibang direksyon sina Bia at pagkatapos itong mabasa ni Yna ay buong lakas niyang pinalo ang bola sa direksyong nabasa niyang pupwestohan ng mga ito at dahil huli na para umiwas ang tatlo mabilis na nagtago ang dalawa sa likod ni Bia kaya ng tumama ang bola kay Bia ay dumiretso din ito sa kanila saka naumpog sa kanila si Bia kaya sabay sabay silang bumagsak sa sahig habang nakatirk ang mga mata pagkatapos mawalan ng malay.
" Okay, class dismiss at dalhin ang mga yan sa clinic " ani teacher saka naglakad at lihim na ngumiti kay Yna.