" Nakakatamad naman atang umaga ito " paglalakad ni Yna habang hila hila nito ang malaki niyang stuff toy na si Doraemon pero natigilan ito ng paglabas niya sa kwarto niya ay sakto ding pagbukas ni Kevin sa kwarto nito habang nakabihis para pumasok sa trabaho.
" Ang gwapo naman niya... tas nakawhite pa siya para tuloy siyang anghel na bumaba mula sa langit " pagmamasdan niya rito " Pakiramdam ko nangingislap siya habang may sumusulpot na bulaklak sa paligid niya dahilan para napakaaliwalas ng mukha niya.. " hindi nito mapigilang mga ngiti habanag nakamasid kay Kevin pagkwan napansin siyani Kevin kaya nilingon niya ito " Pakiramdam ko hindi na ako tinatamad at sumigla na rin ang paligid.. pakiramdam ko nababalot ako ng liwanag ngayon habang may nagsisiliparang bulaklak " mga ngiti pa niya at lumalaki ang mga mata nito ng maglakad sa direksyon niya si Kevin " Te-teka! Bakit naman siya lumalapit saakin.. Ba-bakit hindi ako makapgsalita? Hindi a-ayaw ko!! wag..! " Mga tutol nito sa isipan niya na ayaw lumabas sa bibig niya kaya ganon na lang ang gulat nito ng maramdaman niyang hawakan ni Kevin ang noo niya.
" Are you okay, Leng? " tanong nito kaya bigla itong bumagsak sa sahig ng maramdaman niya ang hininga ni Kevin senyales na sobrang lapit nito sa kanya.
" O-oo, okay lang ako " paggapang pa nito para lumayo kay Kevin " Oo naman.. o-okay ako " pagtayo nito saka naglakad ng mabilis para iwan ito kaya ganon naman ang pagtataka nito habang sinusundan ng tingin si Yna.
" Mukhang okay naman siya " pagsunod niya rito.
" Maaga ang pasok mo? " tanong agad rito ni Yna nang makarating ito sa kanya.
" Oo, may emergency kasi " ani Kevin " Mag-almusal kana at sa hospital lang ako___ "
" Sabay tayo " napalingon naman siya rito sa pagputol ni Yna sa pagsasalita niya.
" Kasi diba pagkarating mo doon panigurado magtatrabaho kana niyan kaya baka makalimotan mong kumain kaya sabay na tayo " mahaba pa nitong sabi at bahagya namang napangiti si Kevin " Bibilisan lang natin kumain para hindi ka ma-late o kaya ako " pag-upo pa nito sa may mesa pagkwan tiningnan ni Kevin ang relo niya.
" Eh kung panonoorin mo pa pag-ikot ng relo mo talagang hindi ka aabot "
" But Leng___ "
" Marami namang doctor sa bansa kaya bakit kailangan ikaw ang magpalipas ng gutom? sabihin na nga nating magaling ka pero hindi naman ata tamang iasa lang sayo " dahil sa isip bata nitong pag-iisip dahilan para ang cute nito tingnan ay walang magawa si Kevin kundi sumunod rito.
" O sige na, kumain na tayo " at sabay na nga silang kumuha ng pagkain at napapangiti na lang si Kevin sa mga nangyayari kung puwedi nga lang niya ihinto ang oras sa tuwing kasama niya si Yna ay gagawin niya para lang makasama pa ito ng matagal pakiramdam niya kasi araw araw na lang parang hinahabol nito ang oras para makasama ito dahil sa magkaibang ginagawa nila sa buhay at hindi niya mapigilang malungkot sa tuwing maiisip ito dahil alam niyang hindi habambuhay ay puwedi niya itong makasama.
" Sandali yong ID ko!!! " sigaw nito nang makalabas na sila para pumasok at napangiti na lang si Kevin ng tumakbo ito muli sa loob at bumalik nang daladala si Doreamon.
" Ang laki ng ulo niya kaya hindi ko maalis agad, e diba nagmamadali tayo " nakabusangot nitong sabi habang suot suot ni Doraemon ang ID niya.
" O sige, tara na " paglalakad nila tungo sa may sasakyan.
" Puwedi mo naman kasi akong hindi ihatid mas mali-late ka pa eh " ani Yna.
" Actually, mali-late naman ako kahit hindi kita ihatid "
" Late ka na?!! " nag-aalala nitong tanong.
" Hindi, mali-late pa lang kaya ihahatid na kita dahil pareho lang naman iyon "
" Pero hindi ako maguguilt dahil hindi naman puwedi talagang hindi ka mag-almusal "
" Ganon ba ka-importante sayo ang almusal? " Ani Kevin habang nag-dadrive ito.
" E sabi mo emergency kasi, mamaya sa sobrang dami ng trabaho mo malimotan mong kumain e paano kung magkasakit ka? "
" Doctor naman ako kaya okay lang "
" Hindi, paano kung hindi ka gumaling hindi ko ata kayang isipin iyon " pagkagat pa nito sa ibaba ng labi niya kung saan makikita mo sa mukha niya ang pag-alala habang iniisip na may sakit si Kevin.
" Ganon ka ba nag-aalala saakin? " lingon rito ni Kevin habang nakangiti at natigilan naman ito pagkatapos nang sinabi ni Kevin at napalunok ito ng makita niya ang mga tingin niya rito habang nakangiti " Salamat sa pag-aalala, Leng "
" Hi-hindi naman yon " nahihiya nitong bulong saka pilit na inalis sa ulo ni Doraemon ang ID niya.
" Hintayin mo ako mamaya, dadaanan kita " pagputol nito sa katahimikang namutawi sa kanila pagkatapos ng nadaramang hiya ni Yna dahilan para manahimik ito.
" Hindi na kailangan "
" Ang sabi mo kahapon may sumusunod sayo kaya mula ngayon ako na ang maghahatid at susundo sayo mamaya may mangyari sayo " napalingon naman ito kay Kevin pagkatapos makaramdam ng kilig.
" Kung ganon nag-aalala din siya saakin? " tanong pa nito at napakagat labi ito nang ihinto ni Kevin ang sasakyan at lumingon sa kanya " Sabihin mo.. dali sabihin mong nag-aalala ka " naghihintay niyang sabihin ito ni Kevin habang nakangiti rito.
" Dapat nag-iingat ka dahil ayaw kong sisihin ako ni Lena kapag may nangyari sayo " bahagya namang napaayos ng upo si Kevin ng maalis ang mga ngiti ni Yna saka kumunot ang maliliit nitong noo.
" sige na mauna na ako at wag mo na akong daanan dahil malaki na ako!!! " pagbukas nito sa sasakyan saka laumabas at naglakad.
" Leng... " tawag rito ni Kevin at natigilan ito ng bumalik sa kanya.
" Wag mo nga akong tinatawag kapag nalalanghap mo ang hangin ng paaralan ko mamaya may makarinig pa sayo at isa pa kapag may nangyari saakin ako ang bahalang magsabi kay ate tungkol sa mangyayari kaya wala kang dapat ikatakot! " masama pa nitong sabi kay Kevin saka naglakad ng diretso kaya napapailing na lang si Kevin pagkatapos ritong magulohan.
" Bakit naman ata bigla na naman siyang nagsungit? " pagsara nito sa window ng sasakyan niya " Ano bang sinabi ko o kaya may ginawa ba ako? " pagkausap nito sa sarili niya " Pero nandito lang naman ako sa may driver set kaya paanong may magagawa ako na puwedi siyang mainis at saka tama naman.., saakin siya itatanong ni Lena " nagugulohan pa nitong pag-analisa sa biglang pagsusungit ni Yna.
" Tapos hindi na naman niya ako hihintayin paniguradong hindi rin naman ako makakapagpahinga habang iniisip na hindi pa siya nakakarating sa bahay " pagsasalita nito " Ito na nga lang ang pagkakataon ko tapos hindi ko pa magawa gawang alagaan siya " asar nitong sabi saka pinatakbo ng mabilis ang sasakyan at dahil naiinis nga ito sa mga nangyari pagkatapos mainis ni Yna na hindi naman niya maitindihan kaya nakakunot noo itong naglakad papasok sa hospital pagkatapos nitong ipark ang sasakyan niya.
" Well, magagalit sana ako dahil masyado ka nang late pero nagbago na ang isip ko dahil diyan sa pagkakakunot noo mo at syempre dahil first time mong ma-late kaya imbis na alalahanin ko bakit late ka gusto ko na lang malaman papaanong nalate ang isang masipag na taong tulad mo? "makulit ritong salubong ni Jinny.
" Masakit ang ulo ko kaya wag ngayon Jinny "
" Bakit may nangyari ba? Sandali nakainom ka ng gamot? " nag-aalala niyang tanong rito " A-ano pang nararamdaman mo? "
" I'm fine ang gusto ko lang itikom mo yang bibig mo " nakahinga naman ito ng maayos pero napatingin ito uli kay Kevin nang magsalita itong muli dahil madalas tahimik lang naman ito o kung mag-usap man sila pakiramdam niya siya lang nagsasalita at nakikinig lang itong si Kevin pero lately, napapansin talaga niya ang pagiging madaldal ni Kevin " Makinig ka bakit ba bigla bigla na lang kayo naiinis? I mean ang mga babae bakit bigla bigla na lang naiinis? Nang wala namang sapat na dahilan "
" Sandali babae ang iniisip mo? Mukhang very magical naman ata ang araw mo like first time mong ma-late tapos ngayon babae pa ang nasa isip mo kaya ba nakakunot noo ka? "
" Tigilan mo ako, Jinny! "
" Fine, is it Yna? " Hindi naman nagsalita si Kevin at dumiretso ito sa office niya "
" Ang meeting? "
" Nacancel na dahil late ka naman at may mahalagang pupuntahan si Doc. kaya nareschedule alam mo namang masyado kang paborito ng head natin " hindi naman nagsalita si Kevin at naupo ito.
" Sabihin mo mali ba ang naging desisyon ko? " Naupo naman ito sa biglang tanong ni Kevin.
" Kung masaya ka naman kailan pa naging mali ang kaligayahan ng isang tao? " hindi naman umimik pa si Kevin.
" Normal naman siguro kung pareho kayong nag-aadjust ngayon since matagal na nong last na pagkikita niyo "
" What if masaktan ko siya? Sa tingin mo ba mapapatawad niya pa akong muli? Paano kung hindi na... paano pa ako hihingi sa kanya ng tawad nun? " tanong nito at nakaramdam naman ng awa rito si Jinny dahil sa situwasyon ni Kevin.
" Masaya ka bang kasama siya? "
" Siya ang nagbibigay saakin ng excitement para bumangon tuwing umaga dahil alam kong makikita ko siya.. ang mga ngiti niya "
" Kung ganon wag mo nang pangunahan ang mga mangyayari pa lang at magfocus ka na lang sa mga nangyayari ngayon, sa kung saan ka masaya dahil yon ang mas mahalaga sa ngayon " ani Jinny " At saka kung inaalala mong masasaktan siya kapag nangyari ang bagay na kinakatakotan mong mangyari panigurado namang maiitindihan niya " napatingin na lang rito si Jinny ng magbuntong hininga ito ng malalim kung saan ramdam mo rito ang lungkot.
" Alam ko namang maiitindihan niya pero.. hindi ko ata kayang saktan na naman siya "
" Sa tingin ko napakabait ni Yna kaya kung malalaman niya ang totoo mas pipiliin niya ding manatiling kasama ka siguro " ani Jinny " Bakit nga ba ayaw mong sabihin sa kanya___ "
" Thank you, Jinny but we shouldn't go further on this conversation " ani Kevin para iwasan ang bagay na ayaw niyang pinag-uusapan lalo na ang malaman ito ni Yna.
" Well,... speaking of secrets kinukulit ka na saakin ni Oli sa kung saan ka ba nakatira alam mo namang fan na fan mo yon kaya magpakita kana sa kanya dahil panigurado mahahanap niya din kung saan ka man nakatira at kung inaalala mo si Yna puwedi ko namang ipaliwanag yon sa kanya para maitnidihan niya at hindi kana kulitin pa tungkol sainyong dalawa "
" Hindi ba saatin lang ito? At saka hindi mo puweding sabihin kay Oli.. walang puweding makaalam "
" I'm sorry pero hindi ko naman sasabihin sa kanya ang pinaka dahilan mo bakit siya nasa bahay mo "
" Hayaan mo na si Oli gaya ng sabi mo mahahanap at mahahanap niya din ang bago kong tinutuloyan so there's nothing to worry about him at ang tungkol kay Yna ako na rin ang bahalang magsabi sa oras na malaman niyang saakin tumutuloy ang kaklase niya "
" Kaklase? Ibig sabihin close sila? "
" Hindi ko alam " pagtayo nito " But I think he likes Leng " sabi nito saka naglakad palabas.
" He likes?!! Ano daw yon??! " Hindi nito makapaniwang tanong at natawa na lang ito pagkatapos mag-sink in rito ang sinabi ni Kevin.
" Kaya naman pala mas dumoble ang pagiging masungit nito dahil ang paborito niyang pinsan ay nahuhumaling sa pinaka mahalagang tao sa buhay niya " sabi pa nito " Tadhana nga naman... " tawa pa niya saka sinundan si Kevin.
"