Chapter 13

3525 Words
PAGKATAPOS nang ilang subject nagrecess na din sila at natigil sila sa paglabas ng halos mag-agawan ang mga kaklase nila pagkatapos sumilip ni Luke at Kier sa loob ng classroom nila. “ Ang aga niyo naman ata “ ani Lay pagkatapos nilang maglakad palabas. “ Wala kaming last period ngayon “ ani Kier pagkwan lumingon ito kay Oli saka nito pinakita ang cellphone niya. “ Well, Am I that so lucky para econfirm ni Oli? “ pagyayabang ni Luke pagkatapos makita ang friend confirmation rito ni Oli. “ Akala ko saakin lang “ pagpapakita rin ni Kier at bago pa maikwento ni Lay ang dahilan ng confirmation ni Oli sa mga friend request nila masama siyang tumingin kay Lay kaya humalakhak lang ito pagkatapos hindi makapagpigil. “ Oh bakit may ibig sabihin ba ito? “ masusing tingin ni Kier na may halong kalokohan. “ Ililibre ko kayo ngayon kaya bilisan niyo! “ pag-una maglakad ni Oli kaya tumahimik na din sila habang nagtatakang nakatingin si Kier at Luke sa dalawa pagkatapos ng werdong inaasta ni Oli at mga tawa ni Lay. “ Ililibre daw tayo “ ani Lay at umakbay kay Oli “ Dapat buong linggo mo kaming ililibre “ pang-aasar niya pa rito. “ At sa tingin mo talaga aabot ka pang isang linggon sa ginagawa mo ngayon?! “ asar na asar ritong tingin ni Oli saka inalis ang pagkakaakbay niya rito. “ Sandali talaga bang guilty ka para mainis diyan? “ pang-aasar pa nito kaya mabilis itong sinakal ni Oli na may pagbibiro. “ Kapag hindi ka pa nanahimik talaganag babaliin ko ang leeg mo “ “ Tama na!!! “ pagpalo nito sa kamay ni Oli dahil may kiliti ito sa leeg kaya akala mo masaya pa ito sa pagsakal rito ni Oli habang natatawa “ Pero bakit ba naiinis ka diyan kung hindi naman totoo “ tanong nito pagkatapos tigilan ni Oli. “ DAHIL HINDI TOTOO AT SAKA HINDI KO NAMAN TYPE SI…. Yna “ buntong hininga pa nito na para bang labag sa loob niya ang sinabi niya. “ Yna…!! “ titig na titig si Lay nang mabilis na lumingon si Oli sa direksyon ni Luke pagkatapos nitong sabihin ang pangalan ni Yna “ Kamusta ka? “ tanong pa ni Luke at kitang kita naman niya ang pagkunot noo ni Oli pagkatapos bawiin ang mga tingin sa dalawa saka naglakad ng mabilis. “ MASYADO NAMANG OBVIOUS ANG ISANG ITO “ pagpipigil ni Lay ng tawa pagkatapos maisip na gusto talaga ni Oli si Yna. “ Ano naman sayo? “ parang bata pang tingin ni Yna kay Luke. “ Di bale na nga mukha namang maayos ka, maganda ang mga mata mo eh “ “ Ano namang kinalaman ng mata ko sa kalagayan ko? “ nagtataka pa niyang tingin rito. “ Kung hindi ka okay mangingitm ang ibaba nang mata mo o kaya mukha kang stress “ “ Ganon ba yon? “ hawak pa ni Yna sa mata niya pero natigilan ito nang mapansin niyang nauuna na ang lahat “ Haist! Iniwan na naman nila ako “ tingin nito kela April na papasok na ng canteen “ Ikaw kasi ginulo mo pa ako naiwan tuloy tayo “ asar niyang lingon kay Luke “ Halika na baka maubosan tayo ng pagkain “ pagtakbo nito pero sinundan lang ito ni Luke saka muling tumingin sa palad niyang hawak hawak ang binili niya kay Yna. “ Sayang naman mukha pa namang bagay sa kanya “ paglalakad nito at nang makapasok ito nakita niya agad na nasa iisang mesa lang sila ng grupo niya at sina Yna kaya mabilis itong naglakad para tumabi kay Yna pero nasa tabi nito si April kaya sa harapan na lang siya pumuwesto kaya nasa tapat nito si Yna. “ May lahi ka bang pagong Luke? “ napalingon naman ang lahat sa tanong ni Yna. “ Pagong? “ nagtataka nitong tanong. “ Oo “ sagot nito agad “ Aba! Naka-order na ako ng pagkain tas ngayon ka lang dumating? “ tanong pa nito” Minsan talaga di ko maiwasang isiping baka may kakaiba sayo eh! “ sabay sabay naman silang nagside eye rito habang hinihintay ang sasabihin pa nito “ Minsan naiisip ko baka babae ka Luke!! “ halos matapon naman ang kinakain at iniinom ng lahat sa sinabi ni Yna sa gulat. “ Baka last life mo babae ka talaga o kaya nalito lang ang diyos dahil ang totoo babae ka talaga dapat!! “ hindi pa nito matigil na pagsasalita “ Hindi ba?! “ lingon pa niya sa lahat at ngumiti lang sila rito nang alanganin lalo na ang grupo ni Oli dahil alam nilang ayaw na ayaw ni Luke na sinasabi ito sa kanya after ng public confession nito sa social media tungkol sa bagay na ito at dahil hindi sila friend ni Yna kaya wala siyang alam rito at ayaw na ayaw ito ni Luke dahil talagang madaming nagkakamal na bakla siya at hindi nila maisip na harap harapan itong sinabi sa kanya ni Yna. “ So sinasabi mo bang bakla si Luke? “ tanong pa rito ni Oli para iprovoke pa ang sinabi nito. “ Tssst!!! Di ka naman nag-iisip eh! Ang sabi ko babae siya at hindi bakla! “ nagpigil naman sila ng tawa sa masamang sagot rito ni Yna. “ tsk! obvious na ikaw ang hindi nag-iisip saatin! Pareho lang iyon “ snob rito ni Oli. “ tsk! pareho sayo, saakin hindi!!! “ snob din nito kay Oli at magsasalita pa sana ito ng biglang tumayo si Luke at yumuko sa ulo niya at sa gulat ni Yna napapikit ito ng maramdaman niyang hawakan ni Luke ang buhok niya pagkwan minulat niya ito ng maramdaman niyang maupo ulit si Luke. “ Sabi na bagay mo “ ngiti rito ni Luke kaya agad namang kinapa ni Yna ang buhok niya at naramdaman nito agad ang maliit na hair clip na nilagay ni Luke sa buhok niya at tatanggalin sana niya ito pero pinigil ito ni Megan. “ cute Partner “ natutuwa niyang tingin rito. “ Bagay mo ang mga cute na bagay " kaya binili ko yan sayo " napaka cute mo kasi Yna “ napalunok naman ito sa sinabi ni Luke pero napalingon ito kay Oli ng magsalita na naman ito. “ ngayon ka lang ba nakatanggap ng ganyan para tumigil diyan ang mundo mo? “ pang-aasar agad nito ng hindi makapagsalita si Yna. " Tsk! Ano bang paki mo? " pagkwan kinapa nito ang hair clip at tinanggal sa ulo niya “ Salamat Luke pero baka kalbohin lang ako ng mga fans mo kapag nakita saakin “ lingon pa niya sa ilang tao sa canteen na nakatingin sa kanila at hindi naman mapigilang mapangiti ni Oli sa bagay na ito. “ Akala ko kabayaran mo yan sa pagsama ko sayong maghanap ng baso at plato “ napatingin naman si Yna sa sinabi nito. “ pe-pero paano naman naging kabayaran ang bilhan mo ako ng ganito? Eh! Hindi ba dapat ako ang bibili sayo? “ nagtataka nitong tanong. “ Masyado akong naiingganyo sa mga cute na bagay at isa ka doon “ nagtataka naman siyang tumingin rito. “ HI-HINDI NAMAN AKO BAGAY… HELOOOO TAO PO AKO!!! “ mas lalo namang na-cute-an rito si Luke. “ What I mean napaka cute mo Yna kaya pakiusap isuot mo yan “ sabi na lang nito imbis na ipaliwanag ang gusto nitong ipahiwatig sa sinabi niya. “ Isuot mo na dahil talagang ilang days niyang hinintay yan para lang ibigay sayo “ ani Kier. “ Nakita ko lang yan online at alam kong babagay sayo kaya lang ang tagal dumating kaya halos mastress ako kaya dapat tanggapin mo kahit para na lang sa asar ko sa paghihintay “ ani Luke habang nakangiti. “ Isuot mo na dahil matagal niyang hinintay na makitang suot mo “ ani Lay. “ Palagi niya kasing sinasabi na babagay sayo “ ani Nico. “ Naiinis na nga doon si Oli “ sabi ni Luke pagkatapos lingonin si Oli. " Tsk! Nagsasayang ka lang naman ng pera dahil hindi naman yam bagay sa kanya! " sa asar ni Yna sa sinabi ni Oli mabilis niya itong inipit ulit sa buhok niya. “ Eh! Bagay ko daw eh! " Taas ng kilay niya rito habang nagtataray. " Tsk! Sa bagay uto uto ka kaya talagang maniniwala ka " pag-inom nitong muli pero natigilan ito ng hawakan ni Yna ang hairclip saka tumitig rito. " Ang cute ko kaya " bahagya nitong ngiti saka kumindat kay Oli kaya mga ilang segundo itong nanigas at hindi makagalaw. " Oli!!! " Tawag rito ng tropa niya pagkatapos itong maging bato kaya nagising ito bigla saka umiwas ng tingin kay Yna at huminga ng malalim. " Tsk! Para ka namang nagkaroon ng sakit diyan para magpa-cute lang eh! " Titig rito ni Yna saka sumimangot pagkatapos ng inasta ni Yna pero gulat na gulat nito pagkatapos dakmain ni Oli sa ulo niya ang hairclip saka naglakad paalis kaya ganon na lang ang pagtataka ng lahat. " Baliw ka talaga Oli!!! " Sigaw rito ni Yna pero hindi na siya nilingon nito. " Di bale bibilhan na lang kita ng madami " ani Luke. " Hayaan mo na, Luke " ngiti niya rito " Kunin mo na lang iyon at ibalik saakin baka ibalik din ng maagaw na yon!! " Masama pa niyang sunod ng tingin sa dinaanan ni Oli. " Akong bahalang kumuha!! " Ani Nico " Ako naman ang pinaka close kay Oli kaya makukuha ko yon " ani Nico. " Sipsip ka kasi " sabay sabay nilang sabi rito kaya ganon na lang ang tawanan nila. PAGKATAPOS ng klase nila ngayong araw mabilis na lumabas si Oli pagkatapos magpaalam sa tropa niyang hindi ito makakasabay sa kanila. “ Saan ba daw ang punta niya? “ pagtatanong ni Kier. “ Baka bigla lang pinatawag ng mommy niya ulit “ ani Luke “ Kilala niyo naman si Tita hindi puweding hindi niya makita si Oli sa loob ng tatlong araw “ tumango naman sila rito. “ Kaya nga di yon magmatured mag-isip eh “ ani Nico. “ Nagsalita ang matured “ batok rito ni Lay. “ Grabe ka saakin! “ parang bata nitong hawak sa buhok niya. “ Bakit nga ba at sumabay ka na naman saamin? “ “ Ano ngayon? Kahit ganito ako mag-isip kailangan ako ng tropa at hindi ito makokompleto ng wala ako! “ may pagtatampo pa nitong sabi at kakatapos lang niya magsalita ng sipain ito ng mahina ni Kier sa puwet. “ Iwan ko sayo!! Ang gusto ko lang naman sabihin hindi ba dapat si April ang kasabay mo ngayon? “ “ Huh? Pero bakit naman? “ “ Haist! Umiinit ang ulo ko sayo!! “ asar na asar na paggulo ni Kier sa buhok niya dahil sa labo mag-isip ni Nico. “ Eh! Kasi gusto mo si April, eh dapat niyan hinahatid mo siya para masimulan mo nang ligawan “ paliwanag ni Lay. “ Walang mangyayari kung maghihintay ka lalo na’t mukhang hindi ka trip nong tao “ ani Kier at pakiramdam ni Nico nahirapan ito biglang huminga. “ Kung magustohan man ako ni April paniguradong tutol naman doon si Yna at saka kasabay niya umuwi sina Megan at Yna “ pagbusangot nito. “ Ibig sabihin sumusuko ka? “ ilang beses naman itong umiling. “ Napakahalaga ni Yna kay April kaya dapat lang na isipin ko ang nararamdaman ni Yna bago si April at saka kung mapapapayag ko siya mas malaki ang tsansang magustohan ako ni April “ mabilis naman itong tinapik ni Luke. “ Okay ka naman pala mag-isip eh “ ganon naman ang ngiti ni Nico kaya agad ginulo ni Lay ang buhok nito dahil talaga namang napaka-cute ni Nico. “ Nandito lang ako “ akbay rito ni Kier. SAMANTALA pagkababa ni Yna mula sa sasakyan ni Megan kumaway agad siya para magpaalam pero natigilan siya sa paglalakad ng pakiramdam niya may nakatingin sa kanya pagkatapos umalis ng sasakyan ni Megan. “ Ang weird naman “ mabagal pa nitong paglalakad pagkwan pabigla itong lumingon sa likuran niya kaya yong taong nasa may likuran niya halos himatayin ito sa gulat. “ So-sorry po “ nahihiya nitong sabi pero hindi na ito pinansin ng ale saka mabilis na linagpasan si Yna pagkatapos mawerdohan rito. “ Nakakahiya “ mahina nitong sabi saka mabilis na naglakad at sinundan ng pagtakbo upang umuwi. “ Are you okay? “ tingin rito ni Kevin ng hinihingal itong maupo sa may sofa. “ Pakiramdam ko kasi may nakatingin saakin kaya tumakbo ako “ hinihingal pa nitong sabi kay kay Kevin kaya naman ganon ang pag-aalala rito ni Kevin. “ Uminom ka muna nang tubig “ pagkuha nito ng tubig at bumalik rito habang nag-aalala “ Mula bukas ako ng susundo sayo “ “ Hi-hindi na abala pa yon sayo at saka pakiramdam ko lang naman iyon “ “ Eh sino ba sa tingin mo ang susunod o nakatingin sayo? May mga kaaway ka ba? “ nag-aalala pa ritong tanong ni Kevin at natigilan ito ng humarap rito bigla si Yna saka hinubad ang bag niya. “ Hindi naman iyon Binbin pero… alam mo ba yong puting van na nangunguha ng tao? Paano kung yon pala ang nararamdaman ko kanina? Eh ang sabi pati dalaga kinukuha na rin nila at ang alam ko inaalisan iyon ng mga lamang loob…. “ natatakot pa nitong tingin kay Kevin “ Hindi ba’t nakakatakot iyon? “ napapikit ito ng itaas ni Kevin ang kamay niya at tapikin siya sa ulo. “ It’s okay… wag kang matakot, I’m here “ pagkwan minulat nito ang mata niya sa sinabi rito ni Kevin. " Tssst! Para naman akong bata sa ginagawa mo " alis nito sa kamay ni Kevin na nakahawak sa kanya pero natigilan siya ng matitigan niya ang mga kamay nito. " Kumpara sa kamay ko napakaliit nito kapag naitabi sa kamay niya... Napakaputi rin at mainit.. ang sarap siguro nitong yakapin " titig pa niya sa kamay ni Kevin saka ito marahang nilapit sa mukha niya " Ang init nga... pakiramdam ko naalis ang takot ko bigla " pagkausap pa niya sa sarili niya. " AHHHHHHHH!!! " Sigaw nito saka tumayo ng magising bigla sa mga pumasok sa isip niya habang nakatingin sa kamay ni Kevin na nakahawak sa ulo niya. " Aakyat muna ako para magpalit! " Pagtayo nito kaya natanggal ang kamay ni Kevin na nakahawak rito saka naglakad si Yna na parang robot kaya napangiti na lang si Kevin. " Hindi ko alam ano bang dapat kong gawin para kahit papaano mabasa ko ang tumatakbo sa isip niya " tingin nito sa palad niya saka napangiti ng maisip ang titig rito ni Yna habang nakahawak ito sa buhok niya " napaka cute niya " pagtayo nito saka binalik ang basong ininoman ni Yna saka nagpunta sa may lutuan para magluto ng dinner nila. SAMANTALA hanggang ngayon nakatingin pa rin si Oli sa building na pinasokan ni Yna kung saan siya ang nakatingin rito kanina pagkatapos nitong sundan si Yna para alamin kung saan ba talaga ito nakatira dahil talagang nag-aalala din siya habang iniisip na lalaki ang kaama nito sa bahay. “ Iwan ko ba at nakarating ako rito “ pagkausap nito sa sarili niya “ At saka ano bang pakialam ko kung may lalake siyang kasama? “ pagtalikod nito para balikan ang motor niya pagkatapos niya itong iwan para lang masundan si Yna nang hindi siya napapansin. “ Ano bang nangyayari sayo Oli… ano bang pakialam mo kay Alejandro “ naiinis pa nitong sabi pero aminin man niya sa hindi nag-aalala siya rito at hindi siya makatulog ng maayos sa tuwing maiisip na may lalaki itong kasama. PAGKATAPOS ng ilang minuto bumalik na din si Yna habang hawak hawak na naman ang Doraemon nito stuff toy. " Anong maitutulong ko? " Tanong nito habang inaantok ang tingin. " Just don't sleep " sabi lang rito ni Kevin habang nagluluto pagkatapos mapansin ang antok na antok nitong tingin. " Sleep...? Tulog? " Tumango lang siya rito " Hindi naman ako inaantok " paghikab nito kaya tumingin lang rito si Kevin kaya mabilis niyang tinakpan ang bibig niya kaya napakacute na naman nitong tingnan kaya napangiti na lang si Kevin. " Matulog ka na lang at gigisingin na lang kita " " Tsk! Bakit ba kung umasta ka akala mo kinder ako! Heloooo hindi na ako bata noh! " Padabog pa nitong upo sa talas ng pinaglulutuan ni Kevin. " Wala naman akong sinasabi at saka wala namang masama kung sakali dahil mas matanda naman ako sayo " pang-aasar pa ni Kevin dahil ang totoo, cute talaga si Yna lalo na kapag nagagalit. " Tsk! sampong taon lang naman kaya wag kang mayabang! " Napakunot ng noo si Yna saka tumingin sa ibang direksyon. " Paanong alam mong sampong taon ang agwat natin? " Pag-iwas niya ng tingin rito pagkatapos mapansin ang malilikot na mata ni Yna na para bang hindi mapakali. " Alam ko lang... hinulaan ko lang " pagsisinungaling nito at sa loob loob niya gusto niyang isubsob ang mukha niya sa niluluto ni Kevin dahil sa obvious nitong pagsisinungaling at kagaya ng inaasahan niya tumawa na naman si Kevin. " HINDI AKO MAIINIS DAHIL TALAGA NAMANG NAPAKA INGOT NG SAGOT KO " pagpipigil nito ng inis nang di napapansin ang titig nito kay Kevin. " I loke you! " Ani Kevin saka tumalikod para kunin ang asin at si Yna pakiramdam niya nagkaroon siya ng pakpak at naglilipad lipad sa sinabi ni Kevin. " A-anong sabi mo?!!! " Pagtayo nito saka pumasok sa loob ng kinatatayuan ni Kevin kaya ganon na ganon na lang ang gulat niya ng paglingon niya nakatayo ito sa harapan niya. " ANONG SABI MO BINBIN?!! " Excited pa niyang tanong pero napakunot siya ng noo ng umiwas rito ng tingin si Kevin saka nagtungo sa niluluto niya. " Gusto ko ng mga taong hindi marunong magsinungaling " ani Kevin kaya marahan namang tumalikod si Yna para bumalik sa kinauupuan niya kanina pagkatapos ng sinabi ni Kevin pero mamaya bahagya itong ngumiti nang maisip ang sinabi ni Kevin. " Kung ganon gusto niya rin ako kahit papaano " pag-upo nito saka tumingin kay Kevin pero mayamaya narealized na naman nito ang sinabi ni Kevin. " Sandali iniisip mo bang nagsisinungaling ako? " " Wala naman akong sinabi " ngiti pa ni Kevin pero hindi na siya nagsalita pang muli bago pa malaman ni Kevin ang lahat. " Alam ko naman iyon dahil tinatanong ko siya madalas kay ate nong bata ako, nong di pa ako magcoconfess sa kanya na binasura lang niya! " Masama niyang tingin rito at dahil naalala na naman nito ang mga nangyari kaya asar itong tumingin kay Kevin kaya ganon na lang ang pagtataka nito. " Bakit..? " Nag-aalala pa niyang tanong rito. " Wala!! Sabihan mo na lang ako kung kailangan mo ang tulong ko! " Padabog nitong tungo sa may harao ng TV kaya napailing na lang si Kevin. " Ano na naman kaya ang iniisip niya? " Tingin niya rito pagkwan naisip nito ang mga sinabi niya kanina kaya napabuntong hininga na lang siya. " Bakit nga ba hindi ako nagiging maingat sa mga sinasabi ko " bulong nito saka nagluto. At pagkatapos nilang kumain kagaya ng madalas mangyari sabay silang nagligpit. " Ako ang maghuhugas ng plato ah " ani Yna saka naupo muli sa TV habang hinihintay nito ang baso ni Kevin habang umiinom ng kape. " Ako na Leng umiinom pa ako kaya puwedi ka ng umakyat at matulog, bukas kana manood " ani Kevin habang hawak hawak ang dyaryong gusto nitong basahin pagkwan humarap rito bigla si Yna habang nasa kabilang sofa. " Hindi ko kayang mag-isa sa taas ng matagal at saka pagpapahinga ko na rin habang hinihintay ang baso mo " sabi nito at tumahimik na lang si Kevin bago na naman magbago ang mood nito at magdabog ng di nito alam ang dahilan. " Okay... ikaw ang bahala " tumango naman rito si Yna saka ngumiti at humarap muli sa TV at pagkatapos ng ilang minuto natapos na din si Kevin. " I'm done, Leng " sabi nito pero natigilan siya ng hindi man lang ito umimik kaya agad siyang nagtungo rito at kagaya ng iniisip niya nakatulog nga ito habang nanonood. " Leng... " mahina niyang tawag rito para seguradohing tulog ito " Nakakapagod ba sa school para makatulog ka habang nanonood? " Pagkuha nito kay Doraemon saka pinatong sa tiyan nito at buhatin para iakyat sa kama niya. " Good night... Leng " titig niya rito pagkatapos kumotan at hindi nito mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan. " Sorry... " sabi nito saka inayos ang kumot nito at naglakad palabas at bahagya namang minulat ni Yna ang mata niya ng isara ni Kevin ang pinto at napakagat labi ito ng maramdaman niyang ang lakas ng heart beat niya dahil ang totoo bago pa ito maipasok ni Kevin sa kwarto niya ay nagising ito pero dahil gusto niya ang amoy ni Kevin at mapalapit rito kaya nagkunwari siyang tulog at dahil antok na antok din siya kaya nakatulog din ito agad at hindi natakot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD