“ Dito mo lang!! “ pagpara agad ni Yna sa sasakyan ng masilip nito ang school nila “ Ka-kasi tinatanong ka nila saakin sa tuwing nakikita ka ng mga kaklase ko kaya… dito na lang “ paliwanag nito ng lumingon rito si Kevin na may pagtataka.
“ What’s wrong about it? “ tanong din nito “ I’m sorry… “ napalingon naman rito si Yna sa biglang sinabi nito pagkatapos maisip ang nararamdaman ng dalaga kahit hindi naman niya ito maitindihan “ Hindi ka ba komportableng nakikita nila tayong magkasama? “ tanong pa ni Kevin.
“ Hindi ah! “ mabilis nitong sagot “ Ayaw ko lang naman makilala ka nila “ sabi nito saka bumaba ng hindi na magsalita si Kevin “ Sige, mag-iingat ka! “ pagsuot nito sa bag niya saka mabilis na tumakbo pagkwan huminto ito at lumingon sa sasakyan at mabilis itong naglakad muli ng makita nitong nakatingin rito si Kevin pagkatapos bumaba sa sasakyan.
“ Bakit niya ba kailangan pang bumaba? “ tanong nito sa sarili niya “ Sandali dahil ba hindi ko hinintay na makasagot siya? “ pagsasalita nito habang naglalakad saka inisip ang mga napag-usapan nila.
“ Sandali bakit nga ba ayaw ko rin siyang makilala ng mga school mates ko? Ano bang nasa isip ko para sabihin iyon? Teka! Hindi kaya iniisip niyang pinagdadamot ko siya sa kanila?! “ paghinto nito at nilingon muli si Kevin kung saan siya namang pag-alis ng sasakyan nito.
“ AHHHHHH!!! ANO NA NAMAN BANG GINAWA MO?!!! “ asar nitong sigaw kaya ganon na lang ang lingon rito ng mga schoolmates niya pagkwan tinaas nito ang kamay niya para pukpokin na naman ang ulo niya pero bago pa ito tumama rito ay napahawak siya rito pagkatapos itong paloin ni Oli.
“ Para naman hindi ka tuloyang mapagkamalang baliw rito! “ sabi nito ng masama ritong tumingin si Yna habang hawak hawak ang ulo niya “ Ang magsalita ka mag-isa may kapatawaran pa yon, ang sumigaw ka bigla puwedi ka pang gamotin pero ang saktan mo ang sarili mo wala ka ng pag-asa… baka sa mental kana madala kaya magpasalamat ka at ako nang gumawa nun sayo “ at napahawak si Oli sa ulo niya ng paloin din ito ni Yna bigla.
“ Masyado pang maaga para pakialaman mo ang buhay ko “ irap niya rito saka naglakad “ At saka asan ba ang mga aleporis mo bakit mag-isa ka lang naliligaw rito? “
“ Ano namang akala mo saamin mga kalyeng pusa para sabihing naliligaw kami? Tssst! Pero wala pa sila “ mabilis namang lumingon rito si Yna.
“ At sinong nagsabing pusa ka? Masyadong cute ang mga pusa kaya gumising ka Oli! At saka anong dahilan at maaga ka? “
“ Hindi ako maaga sadyang late lang sila “ mabilis ritong pagsabay ni Oli na siyang paglayo rito ni Yna.
“ At ano namang akala mo close tayo para sumunod saakin? “ ani Yna “ Isa pa di mo ba nakikita yang mata ng mga taong nadadaanan natin? Tsk! “
“ Sanay na silang nagsasama ka saakin “
“ eh! Kung dukotin ko kaya ang utak mo Oli sa tingin mo maiisip mo pa yan? “ masama niyang lingon rito “ Tssst! Napaka feeling mo sa part na nagsasama ako sayo! Naku! masyado ka ng maswerte kung dadagdag pa ako sa mga nagkakagusto sayo “ napalingon naman si Yna ng biglang bumulong si Oli.
“ Anong sabi mo? “
“ Tsk! Wag kang dumagdag dahil ayaw ko din sa mga babaeng may gusto saakin “ napataas naman ng kilay si Oli ng biglang yumakap si Yna sa katawan niya.
“ Ano na naman yang ginagawa mo?! “
“ Tsk! Ang sabi mo kasi ayaw mo sa mga babaeng may gusto sayo, eh! Mamaya gusto mo ako dahil hindi kita type kaya kinikilabotan lang ako “ napalingon naman siya kay Oli ng matawa ito saka nito sinundan din ng pagtawa.
“ pero hindi pa naman din ako nababaliw para isipin iyon “ ani Yna pagkatapos nang tawanan nila.
“ At hindi rin ako nababaliw para isipin iyon “ ani Oli saka sila naglakad at gaya ng sabi nila maaga sila ngayon kaya wala pa masyadong estudyante.
“ Ano kayang mayron at isa ka sa maaga ngayon? “ ani Oli ng makapasok sila pagkatapos pito lang silang dumating.
“ Si Binbin kasi maagang papasok ngayon kaya napaaga rin ako ng alis dahil sumasabay ako sa kanya “
“ Gusto mo bang daanan kita kapag pumapasok ako? “ agad namang nag-iwas rito ng tingin si Oli pagkatapos siyang lingonin ni Yna saka hindi makapagsalita pa.
“ Ngayon ka lang naman maaga “ pang-aasar rito ni Yna “ Bukod sa mali-late ako kapag kasama kita e siguradong baka araw araw din akong awayin ng mga fans mo “
“ Puwedi ko naman silang kausapin “ hindi rito tumitinging sabi ni Oli at napalayo siya kay Yna ng bigla itong humawak sa noo niya.
“ Normal naman ang init mo pero bakit ata ganyan ka mag-isip? Hindi kaya nababaliw ka na talaga Oli? “
“ tsk! Seryoso ako “ suplado niyang lingon rito “ Kung gusto mo dadaaanan kita para saakin ka na sumasabay “ sabi pa nito at nagbuntong hininga naman si Yna sa pinapakita nitong kabaitan pagkatapos maramdamang seryoso ito.
“ Okay naman sa tingin ko kay Binbin ang paghatid saakin kaya salamat na lang____ “
“ Wala naman akong pakialam diyan sa nararamdaaman ng lalaking iyan. Ang inaalala ko ang nararamdaman mo “ nagtataka naman si Yna pagkatapos ng mga sinabi ni Oli “ Alam ko namang tamad ka talaga bumangon sa umaga kaya ako na lang hahatid sayo para di mo na kailangan pang bumangon nang maaga “ pagbawi nito sa sinabi niya na para bang nagseselos.
“ Edi! sabay tayong malilate, ganon? Di bale na okay naman ako at saka mas okay nga ito di na ako nalilate “
“ Kahit naman malate tayo makakapasok pa rin tayo nang hindi mapaparusahan “
“ Alam kong malaki ang donation niyo dito sa School para payagan ka ng school sa ano mang bagay na gusto mo pero hindi ba’t unfair iyon sa iba? Sa bagay mayaman ka at nakukuha palagi ang gusto at pinagbibigyan kaya ano naman ang alam mo doon “ ganon na lang ang gulat ni Yna nang ipatong ni Oli ang mga plad niya sa ulo nito.
“ Ang dami mong iniisip ang gusto ko lang naman sabihin.. gusto kitang ihatid “ sabi nito pagkwan pinalo ni Yna ang kamay nito kaya inalis niya ito sa ulo niya.
“ Hindi ako sanay sumakay ng motor at saka akala mo may siyam kang buhay kung magpatakbo ng motor kaya ayaw ko, mamaya hindi ang kabobohan ko ang tumuloy saakin kundi ang pagpapatakbo mo ng motor “ may halong pagbibiro nitong sabi.
“ Edi! dadaanan kitang sasakyan! “ agad namang napalingon rito si Yna pagkatapos mawerdohan sa mga gustong mangyari ni Oli pero bago pa siya makapagtanong marahan itong nagpunta sa upuan nito.
“ Yoww! Dumating ka na pala “ punta rito ni Lay na siyang pagdating nila “ Good morning, cutie Yna!!! “ lingon nito kay Yna at ngumiti nman siya rito.
“ Good morning, Yna!!! “ masaya ritong bati ni Nico.
“ Good morning!!! “
“ Bakit kaya ang aga niyong dalawa? Nag-usap ba kayong sabay na pupunta? “ pang-aasar ni Lay.
“ Hindi ah! Sumulpot nga lang bigla si Oli “
“ At anong akala mo saakin kabote para sumulpot na lang bigla? “ masungit ritong lingon ni Oli kaya napangiwi na lang si Yna saka umiwas rito ng tingin.
“ SABI NA EH MAY SAKIT SA ULO SI OLI “ bulong nito “ KANINA LANG NAPAKABAIT NIYA TAPOS NGAYON PARA NA SIYANG ALIMANGONG GUSTONG MANIPIT “ nakaw niya pang lingon rito “ HINDI KAYA NASANIBAN SIYA NG YOKAI KANINA TAPOS UMALIS NA ULIT SA KATAWAN NIYA PAGKATAPOS DUMATING NILA LAY? TAMA NASANIBAN SIYANG YOKAI KANINA, KAWAWA NAMAN SIYA “ pag-iling pa niya habang pinagmamasdan si Oli.
“ ANO NA NAMAN BANG NASA ISIP NITO? “ nakakunot noong iwas rito ni Oli.
“ Oii Yna bakit naman hindi ka nanrereply nang chat? “ ani Lay habang natutuwa ritong nakatingin.
“ Bakit nagchat ka ba saakin? “
“ Nagreply ako sa story mo “ Ani Lay “ Napaka cute mo doon ah “ dugtong pa niya at makikita mo naman sa mukha ni Oli ang pag-aalala pagkatapos ng sinabi ni Lay.
“ Nakatulog ako nong magMy day ako eh tapos di na ako naka-online pero mamaya pagmaka-online ako rereplayan kita “ natawa naman si Lay rito.
“ Kung ganon maging yong reply ko di mo nakita? “ pagtatanong rin bigla ni Oli.
“ Tsk! Wag ka ngang mang-asar ni hindi ka nga nagreact! Tsssst!!! “
“ Nagreply ako at Naseen mo nga “ sabi agad nito.
“ Wala noh! “
“ I did!!! “ kuha ni Oli sa phone niya at tiningnan nito kaya pati si Lay nakisilip din at nagreply nga ito.
“ Mayron nga... pero baka na-open lang niya ng hindi sinasadya habang tulog “ ani Lay pero ilang beses namang umilig si Yna.
“ Nilapag ko nang maayos ang phone ko kaya imposibleng masagi ko at mabuksan “ inosente nitong sabi.
“ Kung ganon baka pumasok sa kwarto mo yong lalaki at binuksan “ mabilis na sabi ni Oli na may pag-aalala.
“ Imposible naman iyon at saka hindi tamang pumasok siya sa kwarto ni Yna habang tulog siya “ ani Nico.
“ okay lang iyon saakin at saka hindi tulad ni Binbin ang gaya ng mga nasa isip niyo ngayon para sa kaalaman natin kahit ibigay siguro ako sa kanya ng payb ay hindi niya ako bibilhin “ sabi nito dahilan para matawa si Lay at Nico pero si Oli seryoso lang siya habang iniisip kung si Kevin ba ang nagbukas ng chats.
“ Pero mabuti na rin iyon at least ngayon alam kong hindi si Yna ang nakakita sa chat ko… kung bakit rin kasi chinat ko yon “ pag-iisip nito.
“ Makinig ka dapat nagla-lock ka ng kwarto mo! Sandali may kwarto ka naman doon!? “ tanong pa ni Oli na akala mo anong namamagitan sa kanila ni Yna para ganito umasta.
“ Kompleto ako doon dahil mayaman naman si Binbin “ mahina pa nitong sabi “ At saka ako nga ang nakikiusap na samahan ako sa kwarto kaya bakit ko naman iisiping may gagawin siya saakin habang natutulog ako “ pagkausap nito sa sarili niya.
“ Sandali ano ba itong naka-unsent na chat mo? “ pag-agaw bigla ni Lay sa phone ni Oli na siyang mabilis ding sinilip ni Nico.
“ Ibalik niyo yan!! “ agaw rito ni Oli pero mabilis na nakaiwas rito si Lay saka sila tumakbo ni Nico sa may pinto para lumayo rito.
“ Ano na namang ginagawa niyo? “ pagtatanong bigla ni April pagkatapos nilang dumating kaya mabilis ritong humarap si Nico habang ang lapad ng ngiti.
“ Good morning, April!!! “
“ Ano bang pinagkakagulohan niyo ni Lay? “ pakikisilip na rin rito ni April.
“ Si Oli kasi nagreply sa My Day ni Yna tapos may unsent pa “ ani Lay.
“ Kung naka-unsent na malabo namang malaman niyo rin “ ani Megan pagkatapos ding manilip sa cellphone ni Oli.
“ Malalaman natin iyan unless sabihin ni Oli “ at sabay sabay silang napalingon sa cellphone ni Oli pagkatapos niya itong hablotin.
“ Ano yang naka-unsent mo Oli? “ tanong ni April rito at napalunok sila ng masamang tumingin sa kanila si Oli.
“ ASA KAYO!!! “ snob niya sa mga ito saka naglakad pabalik sa upuan niya.
“ Base sa nakita ko naseen siya ni Yna “ ani April.
“ Oo, pero mukhang hindi niya iyon sinasadya “ ani Lay.
“ Eh ano bang mayron sa unsent ni Oli? “ may pagtatakang tanong ni Megan.
“ Hindi ko rin alam kay Lay “ ani Nico “ Nakikisabay lang naman ako pero sa bagay nakaka-curious naman iyon, eh ang alam ko kasi makikita mo lang ang My Day ng isang tao kung friend kayo sa f*******: “ ani Nico.
“ Puwedi mo rin makita kung nakapublic ang My Day “ paliwanag ni April “ Eh ano bang mayron nga? Kahit ako hindi ko rin maitindihan bakit curious kayo sa chat ni Oli kay Yna, eh! Normal lang naman iyon diba? “
“ Una hindi naman nanrereply si Oli lalo na kung My Day e napakatamad nga niyan magType para magtext, auto-call iyan at saka saaming grupo ako lang ang kaibigan niya dahil hanggang ngayon hindi pa niya kinoconfirm sina Lay “ natigilan si Nico pagkatapos siyang batokan ni Lay.
“ Tsk! Kaibigan ka lang naman sa f*******: dahil kinonfirm mo ang sarili mo “ ani Lay kaya ganon naman ang alanganing ngiti ni Nico “ Iniisip kasi naming baka may gusto si Oli kay Yna “ agad namang nanlaki ang mata ni Megan at April sa sinabi ni Lay saka lumingon kay Oli at sabay napalunok ang dalawa pagkatapos nilang makitang titig na titig si Oli kay Yna habang nakatingin ito sa kanila at kumakaway pero dahil na kay Oli ang isip nila hindi nila mapansin itong kumakaway na si Yna kaya naman marahan din itong tumingin sa tinitingnan nila at kay Oli ito kung saan nasa likuran nito at mabilis itong umiwas ng tingin kay Yna pagkatapos magtama ang mata nila kaya sabay na namang napatango ang dalawa at tumingin kay Lay.
“ Sa tingin namin tama ang sinasabi mo “
“ Na gusto ni Oli si Yna? “ ani Nico sabay naman silang tumango rito pagkatapos ng mga nasaksihan nila ngayon dahilan para makombinse sila rito.
“ At saka si Yna kasi never din yan nang-add unless kung gusto ka talaga kaya imposibleng e-add niya si Oli “ ani April.
“ Kung ganon si Oli talaga ang nag-add? “ mahina pang tanong ni Lay.
“ Eh! Kung gusto niya si Yna, eh bakit ba niya inaaway palagi? “
“ Yan nga rin ang gusto kong malaman “ ani Lay.
“ Isali mo kami “ ani Megan at April kaya napangiti naman sa kanila si Lay.
“ Kung ganon samahan niyo akong alamin ang katotohanan sa nararamdaman ni Oli kay Yna “ paglalahad ni Lay sa palad niya pero bago pa ito mahawakan ni April mabilis ritong humawak si Nico.
“ ISAMA NIYO NAMAN AKO!!! “ parang bata pa nitong sabi na may pagsusungit.
“ Ako rin!!! “ hawak rito ni Megan saka humawak din si April.
“ Ay! Panira naman si Megan eh “ reklamo ni Nico kaya ganon naman ang tawa ni Lay pagkatapos pumagitna ni Megan sa kamay ni April at Nico.
“ Sorry “ mahina niyang hila sa kamay niya kaya ganon na lang ang ngiti ni Nico dahilan para mapangiti din si April pagkatapos kiligin nang magdikit ang kamay nila ni Nico.
“ THE BEST KA TALAGA MEGAN!!! “ masaya pang sabi ni Nico.
“ Tumigil ka na nga! “ ani Lay “ MAkinig kayo… tayo ang grupong aalam sa totoong nararamdaman ni Oli kaya dapat maging matalino tayo at maingat para magtagumpay “ ani Lay at sabay sabay naman silang tumango at pagkatapos nun nagsipunta na rin sila sa mga upuan nila.
“ Ano na naman bang ka-immaturan iyong ginagawa niyo kanina? “ tanong agad ni Oli kay Lay nang tumabi ito sa kanya ng upo.
“ Saamin na lang iyon “
“ Tssst! Naglilihim kana saakin ah “
“ Sus! Ikaw rin naman may lihim ka sa tropa “ umirap naman rito si Oli.
“ Sige, ano iyong unsent mo? “ nakakunot namang lumingon rito si Oli “ Oh sige, sino na lang nag-add sainyo para maging friend ni Yna sa f*******:? “
“ tssst! Anong pinagsasabi mo? “
“ Eh hindi ka naman nang-aadd “ mabilis nitong sabi “ O kaya nangongonfirm! Ang tagal na nga ng friend request namin sayo “ natigilan si Lay ng biglang kunin ni Oli ang phone niya at pumuntang f*******: app saka kinonfirm ang friend request ng tatlo.
“ Okay na? “ mas lumapad naman ang ngiti ni Lay sa inasta ni Oli.
“ GUILTY BA ANG ISANG ITO? KUNG GANON SIYA BA TALAGA ANG NAG-ADD KAY YNA? PUWEDI BANG MAY TAMA TALAGA ITONG BOSS NAMIN KAY YNA? “ pag-iisip pa nito habang hindi makapaniwala.
“ tsk! ano? “ masungiti nitong tanong pagkatapos malingon ang pag-iisip ni Lay.
“ Wala " pang-aasar pa nitong ngiti kaya pinalo rito ni Oli ang notebook niya “ Naisip ko lang ano bang mayron at kinonfirm mo na kami? Tapos nang-aadd ka na rin “ sabi pa nito habang tinutukoy si Yna.
“ Hindi kami friend! “ tipid nitong sabi.
“ Ibig sabihin nagreply ka sa My Day niya kahit hindi kayo friend? “ masungit naman itong lumingon sa kanya “ Kung ganon nang iistalk ka din? “ pangungulit pa rito ni Lay.
“ TUMIGIL KA NA HINDI NA AKO NATUTUWA! “ agad namang nag-act si Lay na akala mo zinizipper ang bibig pagkatapos ng inis nito.
“ Anong pinaglalaruan niyo? “ nagtatakanag tanong ni Yna pgkatapos maupo nila April at Nico sa kanila talaga ito tumatabi ng upo.
“ Laro? “ ani Megan.
“ Oo, bakit naman hindi niyo ako sinali? “ pagtukoy nito sa kamayan nila kanina.
“ Sa bagay mas madali natin magagawa ang mission natin kung kasama siya_____ “ natigilan si Nico ng isubo rito ni April ang notebook niyang kakalabas lang niya para matigil magsalita bago pa sila mabuko ni Yna.
“ Anong mission? “ hindi naman magawang magsalita ng dalawa sa tanong nito dahil alam nilang hindi ito matutuwa kapag nalaman niyang nakipagtulongan sila sa tropa ni Oli para alamin kung may gusto rito si Oli at saka alam nilang hindi talaga nito type si Oli kaya talagang malalagot silang lahat kay Oli kapag nalaman ito ni Yna at sinabi kay Oli.
“ ano…. “
“ Yan ba ang laro niyo? Teka! Anong mission? Isali niyo naman ako “ pangungulit nito dahilan para maalis ang kaba nila pagkatapos marealize na wala namang malalaman si Yna kung mananahimik sila dahil hindi ito matalino para maisip iyon.
“ Yna for 4 group lang iyon di bale kapag umayaw si Nico o kahit sino saamin sasabihan ka namin “
“ Grabe naman iyon mas ginusto niyong isali si Nico at Lay kaysa saakin? Mga kaibigan ko ba kayo? “ parang bata niyang pagtatampo sa kanila.
“ Pasensya na partner “ tingin nila rito pero nanatili siyang dedma pero mayamaya lumingon siya sa kanila “ Ibig sabihin kung yayain ko si Kier, Luke, at Oli puwedi rin kami? “ sabay sabay naman silang tumango rito ng alanganin.
“ Naloko na “ mahinang sabi ni Nico.
“ Tsk! kasalanan mo sinabi mo pa kasing mission napakahilig pa naman nito ng mystery “ paninisi rito ni April habang nagbubulongan sila ni Nico.
“ Ang sabi mo naman kasi isang laro “ ani Nico pero natigil sila sa sinabi ni Megan bigla.
“ Malabo namang sumali si Oli at saka online game iyon kaya hindi mo rin magugustohan “ malungkot naman itong lumingon sa kanila.
“ Oo para siyang ML “ sabi pa nila rito alam kasi nilang hindi ito mahilig ng online games lalo na ang ML dahil nahihilo siya rito.
“ Kaya naman pala hindi niyo ako isinali “ ngiti na niya kaya tumango na din sila rito.