Chapter 11

4680 Words
HINDI maalis ni Yna ang tingin niya kay Kevin habang naglalakad sila papunta sa sinasabi nitong restaurant kung saan napapalingon rito ang ilang nadadaanan o nakakasalubong nila kahit madilim na ang paligid at tanging ilaw lang sa daan at mga building ang nagiging dahilan para masilayan nila itong gwapong mukha ni Kevin. “ MAS SIKAT PA ATA ANG BINBIN NA ITO KAY SA GRUPO NANG ALIMANGONG SI OLI “ pagmamasdan nito sa likod ni Kevin kung saan nagpapahuli ito dahil nahihiya siyang sumabay rito lalo na nang mapansin niya ang tingin ng mga tao rito “ KATULAD KAYA NG GRUPO NI OLI MAHILIG DIN SIYA NG BABAE? MAY GIRLDFRIEND KAYA SIYA O KAYA NAGING GIRLFRIEND? “ pag-iisip pa nito at agad siyang lumingon sa ibang direksyon ng bigla ritong lumingon si Kevin at mahuli siya nitong nakatignin sa kanya. “ What’s wrong Yna? “ tanong nito agad “ Bakit ang layo mo saakin? Mabilis ba akong maglakad? “ tanong pa nito at umiling naman si Yna bilang sagot saka naglakad ng mabilis sa direksyon nito nang mapansin nitong magtutungo sa kanya si Kevin. “ Napagod ka na ba? “ nag-aalala pa niyang tanong rito. “ Hindi! Bata pa naman ako para mapagod maglakad tssss! Baka ikaw! “ napangiti naman si Kevin sa sinabi nito bigla. “ Ano namang akala mo saakin may edad na? Mas matanda lang ako sayo nang sampong taon pero hindi pa ako matanda “ nakangiti niyang sabi rito. “ Ibig sabihin matanda ka na nga Doc. Binbin “ tingin niya rito. “ Doc. Binbin? “ naki-cute-an niyang tingin rito. “ Oo, Gaya ng sabi mo ang matatanda ayaw tumanda ang bata naman gustong tumanda kaya ibig sabihin matanda ka na nga talaga! “ natigilan si Yna nang mapagmasdan nito bigla ang mga ngiti ni Kevin pagkatapos niya itong lingonin kaya agad nitong binaling ang tingin niya sa harapan ng pakiramdam niya lumakas ang pintig ng puso niya. “ Well, alam mo bang ayaw ko din tumanda talaga? “ napatingin naman si Yna sa bigla nitong sinabi. “ Siguro kung bumata lang ako nang ilang taon baka naging masaya din ako noon pa man “ makahulogan nitong sabi at mararamdaman mong seryoso ito sa sinasabi niya kaya naman biglang nakaramadam ng guilt si Yna. “ Ano ka ba! Bata ka pa naman talaga, nagbibiro lang ako sa matanda kana! “ hampas niya rito ng mahina sa braso para alisin ang pagseryoso nito bigla “ At saka ngayon ko lang ito sasabihin dahil baka isipin mong ako pa rin yong batang si Yna na nagsabi sayo ng nararamdaman noon “ natigilan naman bigla si Kevin sa sinabi nito dahil ang totoo, katulad ni Yna hindi niya rin makalimotan ang araw na sinasabi nito “ Makinig ka, kahit medyo may edad ka na eh! Napaka gwapo mo pa rin at hindi mo mukha ang edad mo, napakacool mo, at sigurado ako marami ding nagkakagusto sayo kaya hindi mo dapat iniisip ang edad mo, dahil bata ka pa tingnan! “ sabi nito ng hindi tumutingin kay Kevin at hindi naman nito maitago ang naramdaman niyang tuwa sa mga sinabi nito kaya tinaas nito ang kamay niya para hawakan sa ulo si Yna pero hindi niya rin yon tinuloy at binulsa ang mga kamay niya. “ Sandali Doc. Binbin… kung nag-aalala ka sa edad mo ibig bang sabihin nun iniisip mo na rin magkaasawa? “ maging si Yna nagulat sa tanong niya pero hindi na niya alam kung paano ito babawiin kaya napapikit na lang siya saka kinagat ang labi niya “ Si-sino bang girlfriend mo? “ tanong na lang nito para panindigan ang tanong niya pero ang totoo, gusto niya rin talaga malaman ang kasagotan sa tanong niya kahit gusto na niyang magpalamon sa lupa dahil sa mga lumabas sa bibig niya. “ Sa tingin mo ba mayron? “ tanong din nito kay Yna. “ Hindi ko alam kaya nga tinatanong kita pero sa tingin ko sa gwapo mo mayron na o kung wala man baka may nagugustohan ka na rin o kaya madami nagkakagusto sayo… sigurado yon “ panghuhula nito saka nagpout at tumingin kay Kevin na para bang nalungkot sa mga sinabi niya. “ May nagugustohan ako “ nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ni Kevin pero agad niya ring binawi iyon. “ Sabi na nga ba! “ tawa nito para takpan ang nararamdaman niya at naiinis siya roon pakiramdam kasi niya nahirapan siya biglang huminga. “ Naniniwala ka ba sa unrequited love, Leng? “ “ Kung naiitindihan ko yan baka naniniwala din ako kaso English eh! “ napangiti naman rito si Kevin. “ Ibig sabihin nagmamahal ka nang walang kapalit, ikaw lang ang nagmamahal kung saan yong taong mahal mo hindi ka gusto o kayang ibalik ang pagmamahal mo “ paliwanag rito ni Kevin at agad namang nag-iwas rito ng tingin si Yna pagkatapos maisip ang situwasyon nito noon kay Kevin. “ KUNG GANON IYON ANG TAWAG SA PAG-IBIG KO DATI? Kung ganon imbis na binusted ako dapat ang sinasabi ko siya ang unrequited love ko? Mas Maganda nga pakinggan dahil mas social “ pagsasalita ng utak nito pagkwan umiling ito para matapos ang pag-iisip niya sa araw na pagbusted rito ni Kevin bago pa siya mainis rito. “ Kung ganon sino iyon? “ tanong pa nito “ NGAYON NAIITINDIHAN KO NA BAKIT NIYA AKO TINANGGIHAN DATI DAHIL MAYROON NAMAN PALA SIYANG NAGUGUSTOHAN AT SINO BA NAMAN AKO PARA TANGGAPIN ANG PAG-IBIG NA YON DAHIL HINDI LANG AKO ISANG BUBUWET KUNDI ISA AKONG INGOT PARA MAGKAGUSTO SA TULAD NIYANG NAPAKA COOL NA TAO “ pag-iisip pa nito at napabuntong hininga lang siya sa mga naisip niya “ Ngayon naiitindihan ko na kung bakit kaya naman kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa bagay na yon “ pagsisnungaling nito pagkatapos nitong pakiramdaman ang heart beat niya at pakiramdam niya nawala ito sa katawan niya. “ Ikaw, Leng! “ napalingon naman agad rito si Leng sa sinabi niya at napakunot siya nang noo pagkatapos huminto ni Kevin at tumingin sa kanya. “ Ako? “ tanong din nito at pakiramdam niya sasabog ang puso niya sa bagay na yon at napapikit siya ng hawakan ni Kevin ang magkabilang balikat niya at kung saan akala mo mannequin siya pagkatapos sumunod ng katawan niya nang paikotin siya ni Kevin. “ Dumating na tayo “ pagpapaharap niya rito sa may restaurant kaya napalitan naman nang hiya ang nararamdaman ni Yna “ Halika na “ paglalakad nito at asar namang sumunod rito si Yna. “ PINAGLULUKO BA NIYA AKO? “ asar nitong tanong sa sarili niya pagkwan nakita niya sa glass door ang reflection niya “ MUKHA NA NAMAN BA TAYONG NALULUKO SA KANYA? TSK! HINDI NA NATIN SIYA GUSTO KAYA BAKIT BA AKO NAAAPEKTOHAN NG GANITO? “ tanong nito sa sarili niya pagkwan huminga siya ng malalim at sumunod kay Kevin saka inalis ang mga napag-usapan nila kanina. “ May napili na ako “ ani Kevin pagkatapos tingnan ang menu pagkwan nilapag ni Yna ang menu. “ Gagayahin ko na lang kung anong gusto mo dahil wala naman akong alam sa mga pagkaing narito bukod sa puro English ang hirap rin basahin “ napangiti naman rito si Kevin pagkwan nag-order na nga sila. “ Madalas ka bang kumain sa labas? “ “ Madalas nasa hospital, isinasali ako palagi ni Doc sa baon niya “ “ Doc? “ tanong bigla ni Yna akala mo may karapatan siyang itanong pa ito “ Ah! Kalimotan mo na ang sinabi ko “ nahihiya niyang pag-iwas rito ng tingin habang hinihintay nila ang inorder nila. “ Doc Jinny, nakilala mo na siya “ ani Kevin kaya agad naman umaliwalas ang mukha niya rito at naalis ang nararamdaman niyang hiya. “ Yong sumalubong saamin? “ tanong na din nito pagkatapos itong sagotin ni Kevin. “ Yes “ tipid nitong sagot. “ SANDALI HINDI KAYA YON ANG GUSTO NITO? “ titig pa nito kay Kevin “ HAIST! ANO NAMAN NGAYON AT SAKA PUWEDI BA YNA LENG ALEJANDRO KALIMOTAN MO NA YON!!! DI KA RIN NADADALA EH! “ sermon nito sa sarili niya. “ She’s my cousin “ ganon naman ang gulat ni Yna sa pagsasalita nito dahil kahit hindi siya magsalita mababasa mo sa hitsura niyang gusto niyang malaman iyon. “ Wala naman akong tinatanong “ nahihiya nitong sabi “ Nabasa niya kaya ang nasa isip ko? “ pag-iisip na naman nito pagkwan dumating na rin ang mga pagkain nila. “ You’re not fan of selfies? “ napatingin naman ito kay Kevin habang naghahanda ng pagkain. “ Napansin ko lang sa mga ganyang edad mo ay mahihilig magpicture o siguro nature na nang mga babae kahit pagkain kinukunan ng litrato “ ani Kevin. “ Ahhhh! eh! Kasi inaupload nila yon o kaya pangMy Day “ tumingin naman rito si Kevin pagkatapos hindi maitindihan dahil katulad ng sabi nila walang kahit na ano mang social media account si Kevin. “ Naku! Alam ko hindi mo naiitindihan dahil wala ka namang kahit na anong social media account “ ani Yna " Subokan mong maglagay non sa phone mo para hindi boring ang pagkatao mo “ natigilan naman si Yna sa sinabi niya pero hindi niya alam paano pa bawiin iyon “ Eh! Kasi pansin ko lang bukod sa pagbabasa sa dyaryo at pagpasok sa trabaho ay wala ka nang pinagkakaabalahan “ paliwanag nito. “ I see “ pagtango pa nito “ Ano bang puwedi kong gawin doon? “ “ Sa f*******: marami kang makikilala o kaya maging updated ka sa buhay ng ibang tao basta nakafollow or friend kayo “ paliwanag niya rito. “ Kung ganon nandoon ka? “ seryoso nitong tanong at bahagya namang tumango si Yna. “ Oo, mayroon din si Ate “ sabi pa nito. “ Kung efofollow kita magiging updated ako sayo? Ibig bang sabihin nun malalaman ko kahit anong gawin mo? “ inosente ritong tanong ni Kevin at nagtataka namang tumango rito si Yna. “ Oo pero depende kung mag-a-update ako nang tungkol sa araw ko “ alanganin nitong sabi. “ Well, you should dahil gagawa ako and I’ll follow you “ ani Kevin saka kinuha ang plato ni Yna at binigay rito ang hinanda niya kaya naman napasunod na lang rito ng tingin si Yna pero hindi na niya ito mabalik rito dahil seryoso ito sa pagsasalita tungkol sa f*******:. “ Paano bang gumawa nun? “ tanong pa niya “ Puwedi mo akong gawan? “ tanong pa nito saka kumain kaya mas nagtaka rito si Yna dahil ang alam niya hindi nagsasalita ito kapag nagsimula nang kumain. “ Hindi kita puweding gawan dahil personal accounts iyon at saka may password na dapat ikaw lang nakakaalam “ ani Yna at sumubo rin. “ It doesn’t matter “ ani Kevin “ For the password you can put your birthday dahil makakalimotin ako “ sabi nito. “ Bakit akin na birthday? Dapat sayo “ gulat pang sabi ni Yna at tumango na lang si Kevin bilang pagsang-ayon bago pa siya madulas sa mga bagay na dapat sa kanya lang at dahil kumain na nga sila kaya tumahimik na din sila pagkwan lumabas na sila pagkatapos nilang kumain. “ Matutulog ka na ba? “ tanong agad ni Yna nang makapasok sila pagkatapos nilang dumating. “ Bakit? “ pagsara ni Kevin sa may pinto. “ Gusto ko sanang manood kaso hindi ko kayang mag-isa rito sa baba eh “ ani Yna habang nakatingin rito. “ Hindi pa naman ako matutulog “ pagsisinungaling nito at humarap kay Yna dahil ang totoo gusto na nitong magpahinga. “ Bakit may gagawin ka din ba? “ makulit pa niyang tanong rito. “ Wala naman___ “ “ Kung ganon manood tayo! “ pagputol nito sa pagsasalita ni Kevin “ Mahilig ka ba nang anime? “ tanong pa niya habang hilahila si Kevin patungo sa may sofa sa harap ng TV. “ anong gusto mong panoorin natin pero dapat anime “ natawa naman rito si Kevin pagkatapos magtanong pero siya din ang pipili. “ Ikaw nang pumili “ pag-upo nito ng maayos pagkatapos kunin ni Yna ang remote control. “ Ano ba yan dapat ikaw para hindi ka mabored “ makulit nitong sabi “ Ako naman kasi kaya kong panoorin basta anime “ excited nitong sabi. “ Actually, I’d never watch anime “ alanganin ritong sabi ni Kevin at kitang kita naman nito ang pagkunot noo ni Yna. “ Tssst! Bakit iniisip mo din bang para lang sa mga bata ang anime?! Hoy po! Binbin magkaiba ang anime at cartoon para sa kaalaman mo! ang cartoon ang para sa bata pe-pero sa katunayan Maganda rin kayang panoorin ang tom and jerry, cockroach, spongebob “ depensa pa nito at tumango naman si Kevin bilang pagsang-ayon. “ Mukhang maganda nga yan “ ani Kevin “ Sa katunayan hindi ako nanonood kaya hindi lang anime ang hindi ko alam “ pagtatapat nito kay Yna. “ Sus! May TV ka nga tas di ka nanonood? “ “ Well, gaya nang sabi ko bago itong condo at kumuha ako nang TV dahil mahilig ka daw manood sabi ni Lena “ agad namang sumeryoso si Yna sa pangalan na namang binanggit ni Kevin at hindi niya maitindihan bakit niya ito nararamdaman. “ Masyado kayong close ni ate “ mahina nitong sabi habang naghahanap nang mapapanood “ HINDI KAYA MAY RELASYON SILA NI ATE AT AYAW LANG NIYANG SABIHIN DAHIL SA GINAWA KO NONG MATAGAL NG PANAHON AT KAYA SIGURO AKO TINANGGIHAN AY DAHIL DIN DOON “ pagsisimula na naman nitong mag-isip “ Well, hindi naman ako magagalit o ano pa man kung malalaman kong may relasyon sila ni ate pero maiinis ako kung ililihim nila saakin “ masama nitong lingon kay Kevin. “ Boyfriend ka ba ni ate? “ prangkahan niyang tanong kay Kevin at ganon na lang ang inis niya dahil tumawa lang ito. “ Ano bang kinalaman ng hindi ko panonood sa tanong mo? “ ani Kevin pagkatapos ritong tumitig lang ni Yna nang masama. “ Gusto ko lang malaman dahil sa tuwing may babanggitin kang patungkol saakin palagi mo na lang nababanggit na sinabi sayo ni Ate “ mahaba nitong sabi “ Eh! Imposible namang pati ako mapag-usapan niyo kung hindi talaga kayo close o may kakaibang relasyon na namamagitan sainyo “ hindi nito pagtingin kay Kevin sa huling sinabi niya at hindi niya malaman pero natatakot siya sa magiging sagot rito ni Kevin. “ Tama ka palagi kaming nag-uusap pero patungkol lahat sayo “ natigilan naman siya sa sinabi ni Kevin. “ Wala naman kasi akong matanong sa kanya maliban sayo kaya ikaw palagi ang usapan namin “ dugtong pa nito at hindi naman siya makapaniwala sa sinabi nito at gusto nitong tanongin kung bakit pero ayaw bumukas nang bibig niya basta ang alam niya pakiramdam niya biglang umilaw ang buong paligid. “ Ito na lang ang panoorin natin “ ani Kevin pagkatapos pumili sa screen nang papanoorin nila at si Yna mahina lang itong tumango saka tumingin sa TV habang pinipigilang mapangiti pagkatapos hindi makaget-over sa sinabi ni Kevin. “ BAKIT KAYA NIYA TINATANONG ANG TUNGKOL SAAKIN? “ pag-iisip nito at napangiti na naman ito nang maisip ang sinabi ni Kevin “ HOI PO!!! YNA! UMAYOS KA AT SAKA ANO NAMAN BA NGAYON? MALAMANG BAKA DAHIL IISA LANG KAYO NANG TITIRAHAN KAYA KA NIYA NATANONG DAHIL SYEMPRE PARA ALAM NIYA PAAANO KA PAKIKISAMAHAN KAYA TUMIGIL KA BAGO NA NAMAN MAULIT SAYO ANG MGA NANGYARI NA DAPAT HINDI NANGYARI! TSSST! HINDI KANA NATUTO “ at dahil sa sermon niya sa sarili niya naalis na din ang mga ngiti niya pagkwan nilingon nito si Kevin at naawa siya rito ng mapansing pinipilit lang nitong manood kung saan makikita mo sa mukha nitong wala siyang maitindihan. “ Ayaw ko na! “ pagtayo nito at kahit hindi niya sabihin nalaman agad ni Kevin na nagsisinungaling ito. “ I’m sorry hindi talaga ako mahilig manood “ “ Alam ko at saka alam ko ring hindi lang sa panonood ang hindi mo hilig dahil ang totoo wala ka talagang hilig siguro maliban sa pagdodoctor mo “ ani Yna. “ Binigay mo saaakin ang cellphone mo at wala itong kalaman laman kaya naisip kong ang pagdodoctor mo lang talaga ang gusto mo “ paglaakad nito at sinundan naman siya ni Kevin “ Mula sa videos, music, o pictures wala ka, entertainment application, at ang phone mo napakaboring din haist wala ka man lang desktop wallpaper “ pag-iling pa nito na para bang hindi kapanipaniwala ang mga bagay na ito. “ At hulaan ko puso mo lang din ang pumili sa pagdodoctor mo noh? “ “ Puso ko? “ tumango naman ito. “ Sobrang hirap kaya nang course mo at alam kong matalino ka kaya para sa tulad kong mahina mag-isip mas alam mo kung gaano kahirap pero dahil tinitibok ng puso mo kaya pinili mo pa rin “ natutuwa namang nakatingin rito si Kevin “ Para sa tulad mong masyadong minahal ng diyos para magkaroon ng katangian na mayron ka paniguradong hindi mo pipiliin magpakahirap sa trabaho “ “ Sa tingin ko hindi rin pinili ng puso ko dahil gaya ng sabi mo mahirap siyang trabaho at tamad akong tao o ayaw ko ng pressure kaya maraming dahilan para hindi ko kunin kaso may isa akong dahilan bakit ko kinuha “ “ Kung ganon mali ako “ lingon niya rito “ Eh anong dahilan naman iyon? “ asar niyang tanong pagkatapos mamali sa panghuhula niya “ Saakin na lang iyon “ ngiti rito ni Kevin at agad namang umiwas rito ng tingin si Yna dahil para sa kaalaman natin napakagwapo ni Kevin ngumiti at dahil bihira lang siyang ngumiti kaya siguradong laglag ang panty mo kapag ngumiti sayo kaya si Yna agad niyang pinigil ang puwedi niyang maramdaman dahil doon. “ Napansin ko lang masyado kang maraming sekreto “ parang bata nitong sabi. “ Sobrang dami nga “ pagsang-ayon rito ni Kevin na para bang may gustong pakahulogan sa mga titig niya kay Yna pagkatapos niyang tumingin ritong muli. “ Isa ba doon ang private safe mo? “ kitang kita naman niya ang gulat sa mukha ni Kevin dahil sa sinabi niya. “ Nabuksan mo ba? “ umiling naman siya bilang sagot kaya mas lalo siyang nacurious pagkatapos kumalma ang mukha ni Kevin. “ Kung ganon may malaki kang secret doon? “ “ Oo kaya wag na wag mong bubuksan “ tumango naman siya rito. “ Hindi naman ako pakialamera at saka marunong akong sumunod sa mga bagay na hindi puwedi “ “ Mabuti naman “ at napaatras si Yna nang itaas ni Kevin ang kamay niya para hawakan ito sa ulo kaya naman agad niyang binawi iyon nang mapansin ang naging reaction ni Yna. “ Anyway, can I take a shower first bago ka samahan sa kwarto mo? “ kaya bigla namang nakaramdam nang hiya si Yna sa tanong nito bigla. “ Wag kang mag-alala baka makaya ko na rin ang matulog mag-isa roon “ sabi nito pero ramdam mo ang kaba at magsasalita pa sana si Kevin pero naglakad na siya at naghanda na rin siya para matulog. “ Kung ganon may secret nga talaga siya rito? “ tingin nito sa cellphone niya habang nakadapa kay Doraemon at nakatali sa taas ng ulo niya nang dalawang ponytail kaya napakacute nitong tingnan. “ Ano kaya iyon? “ pag-mamasdan pa nito sa private safe pagkwan umiling siya ng marami pagkatapos maisip ang sinabi nito kay Kevin kanina “ Napakacool pa naman nang pagkakasabi kong hindi ako nakikialam ng hindi akin tapos ito ako nagpaplanong mabuksan ito “ pag-alis nito sa private safe “ Pero gusto ko rin malaman pero bawal! “ kagat pa nito sa ibabang labi niya habang pinipigilan ang sarili niyang buksan ito. “ Sa bagay di rin naman natin alam ang password kaya wala ding kwenta kahit gumamit pa ako ng byakugan o sharinggan “ titig rito ni Yna habang ginagaya ang mga characters sa Naruto anime ( Byakugan and Sharinggan is an aye ability in Naruto which you can see through things using Byakugan as well as sharinggan but it’s more focus on fighting ). “ Ay! Tama dahil saakin naman itong phone dahil mayaman na nilalang si Binbin para edonate saakin kaya dapat ko nang lagyan ng mga pagmumukha ko “ naeexcite nitong paghiga habang nagseselpon. “ Mula sa desktop kailangan may litrato ko para malagyan ng cute itong cellphone at malaman niyang ako na ang nagmamay-ari sa kanya, Okay cellphone? “ pagkausap niya pa rito saka nagtungo sa camera para magpicture pagkwan tinaas nito ang mga braso niya para mapicture ang kanyang sarili habang nakahiga. “ say cheese Yna “ sabi pa nito sa sarili niya saka ngumiti gamit ang gummy smile nito at hindi na mabilang kung ilang litarto ang nagawa niya hanggang sa nakapili ito. “ Hirap talagang hanapan ng magandang litarto ang mukha ko “ pagkwan tumaas ang kilay nito nang matitigan ang cellphone “ Sa tingin ko ang cellphone na ito ang pangit ang camera “ pagmamaldita pa niya rito at kung tao lang ito kanina pa sinigawan si Yna dahil hindi lang ito marunong tumingin ng magandang picture kasi ang totoo magaganda naman ang nakuha niyang litrato. “ Magma-My Day ako “ pagkausap pa nito sa sarili at kagaya ng sabi niya nagMy Day nga ito. “ so cute my Yna “ reply agad rito ni Megan ang first viewer niya pagkwan nasundan ito ni Oli at nireaction wala kaya ganon na lang ang pagkulo ng dugo niya. “ Wala talagang kasupport support ang Alimangong ito “ pagbugbog nito kay Oli sa isipan niya “ Napaka active tas di naman magrereact “ sabi pa nito saka binack ang cellphone niya at nahigang muli saka tiningnan muli ang desktop wallpaper nito. “ Ayan mas gumanda kana “ masaya pa niyang pagtaas sa cellphone habang nakahiga para pagmasdan ito. “ Hindi ka pa natutulog? “ tanong ni Kevin pagkatapos niya itong echeck habang nakabukas ang pinto ni Yna kaya sa gulat nito nabitiwan nito ang cellphone at diretso sa mukha niya kaya ganon na lang ang pag-aalala ni Kevin. “ aray…! “ pag-upo nito habang nakahawak sa bibig niya. “ Hindi ko intensyong gulatin ka “ nag-aalala niyang check rito. “ Okay lang… palagi naman ding nangyayari ito saakin “ sabi nito saka tiningnan ang mukha niya sa salamin “ Kung hindi man sa gulat ay dumudulas din talaga ang cellphone ni ate sa kamay ko dati kaya okay lang “ sabi pa nito at umayos ng upo. “ Pero bakit hindi ka man lang kumatok? Paano kung may ginagawa ako edi! Nakita mo ako? “ masama niyang tingin kay Kevin. “ Nakabukas ang pinto mo kaya hindi ko naisip at gusto lang kitang echeck kung nakatulog ka na “ nag-aalala pang tingin ni Kevin sa bibig nitong kagat kagat ni Yna dahil tinamaan nga ito ng cellphone. “ Nasaktan ka ba? “ lapit rito bigla ni Kevin kaya ganon na lang ang paglaki ng mata niya at dahan dahang umalis sa harapan nito. “ Kagaya ng sabi ko sanay na ako kaya hindi mo kailangan mag-alala “ ngiti pa niya pagkatapos lumayo kay Kevin pero tumingin lang ito sa kanya habang makikita mo pa rin rito ang pag-aalala. “ Ano bang ginagawa mo? “ tanong nito. “ A-ako? “ ani Yna pagkwan kinuha nito ang cellphone niya “ Lagyan mo rin nang ganito ang cellphone mo para kahit Nawala malalaman agad nang makakapulot na sayo kaya may tsansa na mabalik sayo agad “ pagpapakita niya rito sa desktop wallpaper niya. “ Okay, next time “ ani Kevin pagkwan tumingin siyang muli rito “ Hindi ka ba talaga nasaktan? “ umiling naman ito. “ Mabuti kung ganon “ pagtayo niya “ Babalik na ako sa kwarto ko at nakabukas lang yon kaya kung matatakot ka____ “ “ Antayen mo na lang makatulog ako “ pagputol ni Yna sa sasabihin pa niya. “ Inaantok na ako kaya siguro mabilis lang akong makakatulog kaya saka kana bumalik sa kwarto mo antayen mo na lang makatulog ako “ pakikiusap niyang tingin rito at ganon na lang ang ngiti niya ng maupo si Kevin sa sofa nito. “ Okay… “ mabilis namang nagtungo si Yna sa kama niya saka nahiga pero napalingon rito bigla si Kevin ng bumangon itong muli at nilahad ang kamay niya. “ Okay…? “ pakikipagkamay rito ni Kevin nang di alam kung ano bang dahilan. “ GUSTO KO LANG SABIHING NAPAKAHUSAY MO DAHIL HINDI KANA NAG-EENGLISH!!! “ muntik namang matawa si Kevin sa bigla nitong sinabi nito mabuti na lang napigil niya bago na naman ito mainis. “ Sige, matutulog na ako!!! “ paghiga nitong muli pagkatapos bitawan ang kamay ni Kevin pagkwan tiningnan ni Kevin ang kamay niya ng tumagilid ng higa si Yna at matalikuran siya. “ Napaka liit ng mga kamay niya “ at kinuyom ang kamay niya at napangiti ng bumalik rito ang sinabi ni Yna. “ What a cute praise “ ani Kevin at natutuwang pinagmasdan si Yna hanggang sa humarap ito sa kanya senyales na nakatulog na nga ito. “ Sa dami ng mga dinaldal niya ngayong araw talagang makakatulog siya agad “ natutuwang pagtayo ni Kevin saka inayos ang kumot nito. “ Sleep well.. Leng “ titig niya rito saka naglakad palabas pagkwan naupo ito sa kama niya at dumako ang mata niya sa cellphone nito pagkatapos umilaw kaya inabot niya ito at from TNT service ang text kaya umilaw. “ Lagyan mo rin nang ganito ang cellphone mo para kahit nawala malalaman agad ng makakapulot na sayo kaya may tsansa na mabalik sayo agad “ napangiti naman siya pagkatapos maisip ang sinabi ni Leng. “ Kahit pag-iisip niya napakacute “ ani Kevin at ipapatong sana nitong muli ang cellphone niya ng maisip ang cellphone ni Yna kanina kaya tumayo ito at naglakad muli patungo sa kwarto ni Yna at katulad kanina mahimbing itong natutulog kaya bahagya niyang nilapit ang cellphone niya sa mukha nito at kinunan ng litrato. “ Mas cute na nga tingnan “ nakangiting sabi ni Kevin pagkatapos ilagay sa desktop wallpaper nito ang picture ni Yna habang mahimbing na natutulog kung saan nakanganga pa ito na sa ano mang oras may lalabas ritong laway pero natigilan bigla si Kevin ng marinig niyang tumunog ang messenger ni Yna. “ Oli “ basa ni Kevin sa nickname nito kung saan may alimangong emoji. “ BAKIT GISING KA PA? “ basa pa nito sa notification bar. “ Bangungotin ako nito eh! “ “ MAGLOCK KA NG PINTO BAKA PASOKIN KA NANG BUMASTED SAYO!! “ napatingin naman siya kay Yna dahil sa chat ni Oli. “ Kung ganon alam niya rin ang bagay na yon? “ mahina nitong tanong pero hindi niya malaman ang mararamdaman niya sa biglang pumasok sa isip niya “ Kung ganon naaalala niya ako? “ sa isip nito. “ Pero gaano ba sila kaclose ni Oli? “ tanong pa niya pagkwan binulsa nito ang mga kamay niya para bumalik sa kwarto niya bago pa makapag-isip nang iba na namang katanongan na alam niyang malabo din masagot ni Yna dahil wala siyang balak itanong rito. “ Tulog ka na noh? “ basa pa nito sa biglang chat ni Oli at mabilis nitong kinuha ang cellphone sa biglang chat rito ni Oli. “ Alam mo bang cruhs kita “ hindi na napigil ni Kevin ang kamay niya at biglang binuksan ang messages at napabuntong hininga na lang siya ng wala na roon ang huling chat ni Oli. “ Ano ba itong ginagawa ko? “ ani Kevin saka napabuntomg hininga pagkwan bumalik na ito sa kwarto niya na ngayon para bang napapalibotan siya ng itim na usok sa bigat ng pakiramdam niya. “ You deserve this Kevin o baka nga wala kang karapatan kahit makita siya “ bulong nito at ipinatong nito ang braso niya sa ulo niya para magtago sa itim ng anino ng kamay niya mula sa ilaw pagkwan tiningnan nito ang mga kamay niya pagkatapos maisip ang paghawak rito ni Yna. “ I’m sorry “ bulong nito saka kinuyom ang kamay niya at pinilit na iwasan isiping mga bagay na pumapasok ngayon sa isipan niya dahilan para hindi na naman siya makatulog ng maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD