AT dahil sa mga nangyari pakiramdam ni Yna ang sama ng tingin nang lahat sa kanila habang naglalakad sila patungong canteen.
“ Pahamak kasing Oli yon! “ pagkuyom nito sa kamao niya sa asar kaya ganon na lang ang punta ni Megan kay April dahil sa panggigil nito sa inis “ Dahil sa kanya ang sama na naman ang mata ng mga babae niya saakin dito sa campus! Isa pa ang Luke na yon “ punta nito bigla sa pader sa may hallway at mahinang inumpog rito ang ulo niya.
“ Partner tara na sa canteen “ punta nila rito at ganon na lang gulat nila ng lumingon ito sa kanila habang magkasalubong ang kilay pero hindi siya nakakatakot kundi napaka cute niya.
“ Tara na nga “ pagmamadali nito at naiinis talaga ito sa tuwing masisilayan ang masasama ritong tingin ng mga ka-school mate nila at pagkarating nila hindi nagtagal dumating din sina Oli kaya ganon na lang ang iwas niya ng tingin sa kanila habang ang mga babae sa canteen halos lumuwa ang mata sa kilig habang nakatingin kela Oli.
“ Yna wag kang mag-alala nagpost na ako sa social media ko “ pag-upo ni Luke sa kinaroroonan nila na siyang sinundan nila Oli kaya mas kumunot ang noo nito.
“ Malawak naman ang canteen bakit dito pa kayo makikisiksik? “
“ Malawak nga ang canteen pero ito lang ang bakante “ ani Oli.
“ Tsk! Nong hindi kayo pumasok madami pang bakante rito “ snob pa niya rito paano kasi ang daming nakasunod sa kanila na halatang hindi ang pagkain sa canteen ang pakay kundi sila.
“ Tsk! Hangga’t kailan ko ba sasabihin sayong wala akong kinalaman sa masasama nilang tingin sayo, Kasalanan ko bang madami ang may gusto saakin at sayo wala? “ agad namang lumayo rito si Oli nang tumaas ang kamay ni Yna “ Nakakarami kana ah! “ sabi nito agad.
“ Ano… kinlaro ko na din iyong kahapon kaya okay na yong kahapon “ ani Nico “ Lininaw ko na yon sa f*******:, nagpost ako “ at pinakita nito ang post niya kasama ang litrato nila ni April.
“ Hinatid ko siya dahil wala nang masakyan “ basa ni Yna sa caption nito sa post “ JUST A FRIEND “ basa pa niya pagkwan tumingin ito kay Nico.
“ Mabuti naman sana nga gumana yan at hindi awayin nang mga babae mo ang bestfriend ko “ titig na titig naman ito sa kanya “ HINDI AKO PAPAYAG NA MAY MAMAGITAN SAINYO KAYA UMAYOS KA! “ masama niyang tingin rito.
“ Napaka harsh mo naman kay Nico “ pag-baby rito ni Lay na siyang pagsandal din ni Nico sa balikat nito habang nakasimangot pagkatapos mawalan nang lakas sa mga sinabi ni Yna.
“ Mas maganda na yong klaro! Mamaya umasa pa siya “ pagkuha nito sa bag niya.
“ Anyway, ako nang oorder ng pagkain natin “ ani Megan.
“ Sasamahan kita “ pagtayo ni Lay at Nico kaya umalis na nga sila.
“ Galit ka rin ba saakin Yna? “ pagpapapansin ulit ni Luke.
“ Oo pero okay lang, kasalanan ko naman iyon kaya titiisin ko na lang muna ang masasamang tingin saakin ng mga baliw din sayong babae, panigurado namang makakalimotan din nila iyon at saka kumpara sa kanilang lahat ikaw ang may pinakabehave na tagahanga sa kanila dahil karamihan sa mga nakatingin palagi sayo ay mga kapwa mo lalaki din “ lingon pa nito sa mga lalaking nakatingin sa kanila dahil si Luke ay hindi lang mahilig sa feminine things kundi ginagamit niya din ito kaya nga may mga romour na hindi siya tunay na lalaki “ Pero sana lang hindi nila ako bugbogin bigla “ mahaba nitong sabi pero napatingin siya kay Kier na nasa tabi niya ng bigla itong bumulong sa kanya.
“ KAHIT KAMI NAGTATAKA DIN SA PAGKATAO NIYA O HILIG NIYA PERO LALAKI SI LUKE AT AYAW NIYANG PINAGKAKAMALAN SIYA NANG GANYAN SA INIISIP MO DAHIL TALAGANG NAIINIS SIYANG INIISIP NA BAKLA SIYA “ bulong rito ni Kier kaya mabilis naman itong napalingon kay Luke habang gulat na gulat “ Minsan na nga siyang may hinalikan dahil_____ “
“ Tumigil ka!!! “ hampas nito sa balikat ni Kier dahil sa panluluko niya rito.
“ Ganyan nga Yna “ ani Luke “ Hindi ko alam anong pinagsasabi niya sayo pero sigurado akong walang katotohanan iyan___ “
“ Na bakla ka? “ maging si Oli napalingon kay Yna sa bigla nitong sinabi pagkatapos putolin ang pagsasaalita ni Luke.
“ MALIBAN SA BAGAY NA YAN “ pagseryoso bigla ni Luke kaya bahagya namang tumahimik si Yna saka kinuha ang baon nito.
“ Ano yan natatakot ka kay Luke tas saakin hindi? “ lingon rito ni Oli habang nang-aasar.
“ Totoong tao lang si Luke kaya ganon “
“ At ano namang akala mo saakin hayop? “ at natawa na lang si Kier nang matahimik itong si Oli ng tumango rito ng ilang beses si Yna.
“ Eh, Yna yong kahapon okay na dahil tulad ni Nico nagpost din ako kaso hindi naman kita matag dahil hindi tayo friend “ pagpapapansin na naman ulit ni Luke.
“ Gaya ng sabi ko, okay na yon Luke at saka kung may magpopost man dahil sa masasamang tingin saakin ng mga estudyente rito ngayon dapat ikaw iyon! “ turo nito kay Oli.
“ Ano naman ang kinalaman ko kung inaaway ka nila dahil magkasama tayo “ pagkuha nito sa pagkain niya pagkatapos ilapag ni Lay.
“ E kasi nga iniisip nilang may namamagitan saatin dahil doon! Tsk! Kung hindi mo naman kasi ikinalat walang makakaalam “
“ O bakit mayron ba? “ tanong agad nitong si Oli.
“ WALA! KAHIT NGA IBIGAY KA SAAKIN NG LIBRE TATANGGHAN KITA “ natigilan si Yna ng biglang tumayo si Oli at pukpokin ang mesa ng tatlong beses at sa isang iglap nakuha na nito ang atensyon ng lahat sa canteen.
“ Anong ginagawa mo? “ tayo din nito bago pa makagawa ng bagong kalokohan si Oli.
“ Gusto mo akong magpost para malaman ng lahat na wala lang iyong pagsakay mo sa motor ko hindi ba? “ bahagya naman itong tumango at katatapos lang niyang tumango ng biglang hawakan ni Oli ang ulo nito at pinaharap sa mga estudyante sa loob kaya para tuloy itong tanga.
“ Makinig kayo, ang babaeng ito! Si Yna Leng Alejandro na cute tingnan pero may pagkabayolente ay hindi ko gusto! “ nanlaki naman ang mata ni Yna sa sinabi nito “ Kaya kalimotan niyo na kung ano man ang mga nangyari kahapon! “ pagkasabi niya nun naupo na siya habang si Yna nakatayo pa rin at kagaya ni Oli naupo na din ang lahat.
“ Well, alam naman natin ang bagay na yon kaso ang problema si Yna naman ang may gusto kay Oli “ bulongan ng mga estudyante.
“ Napaka harot niya para sumakay pareho kay Luke at Oli “ usapan pa nang lahat kaya si Yna masama itong tumingin kay Oli.
“ Oh! bakit mukhang galit ka na naman “
“ Talaga!!! Parang hindi ko alam na sinabi mo yon hindi para klarohin ang mga nangyari kahapon kundi para gumanti saakin “
“ E malay ko bang baka tama sila “ pang-aasar ni Oli pero hindi na ito pinansin ni Yna saka din nito pinalo ang mesa kaso walang may nagbigay pansin o lumingon man lang sa kanya kaya pabagsak itong naupo habang nakasimangot at masamang tumingin kay Oli.
“ GUSTO KO LANG NAMAN SABIHING HINDI KO GUSTO ANG ALIMANGONG SI OLI “ sabi pa nito kaya natawa na lang sila rito maging ito si Oli na naki-cute-an sa expression ni Yna.
“ Makakaganti rin ako sayo! Tingnan mo lang!!! “ pero tiningnan lang siya nito kaya napilitan siyang balewalain ang mga sinabi nito ngayon pagkwan natigilan silang lahat ng buksan ni Yna ang bag niya at kunin rito ang hinanda sa kanya ni Kevin.
“ Partner bakit may ganyan ka? “ ani April.
“ Namumulubi ka na ba para magbaon ng pangcanteen? “ pagsisimula na naman ni Oli.
“ Ibebenta na lang kita sa mga baliw sayo kung sakali mang mamulobi ako paniguradong mahal ang ibababyad nila sayo “ paghahanda nito sa ginawa ritong sandwich ni Kevin.
“ Kung ganon siya ang gumawa sayo nito? “ agaw bigla ni April sa sandwich na baon ni Yna.
“ Bigyan mo ako Partner “ ani Megan pagkatapos ding ilapag ang pagkain niya dahil alam nilang walang alam si Yna kaya imposibleng makagawa siya ng ganito kagandang sandwich kaya alam nilang si Kevin ang naghanda nito.
“ Napakaswerte mo Partner “ ani April habang nangingislap ang mata at kakagatin na sana niya ito pero mabilis itong inagaw ni Yna.
“ Akin 'toh! “
“ Tsk! Ang akala ko ba ayaw mo___ ay mali! Hindi lang ayaw kundi galit ka sa kanya kaya paanong excited ka pang kainin iyan? “ napatingin naman sila sa biglang pagsasalita ni Oli pagkatapos maitindihan kung kanino ba nanggagling itong sandwich.
“ Sa bagay may punto si Oli “ ani April “ Kaya akin na lang yan “ kuha niya rito pero mabilis itong inilayo ni Yna rito habang nakadapa na siya sa may table at nakastretch ang kamay niya para mailayo sa dalawa at hindi nila maabot.
“ Totoo naman iyon, galit talaga ako kay Binbin pero hindi naman siya tulad sa mga iniisip ko sa kanya dahil ang totoo napakabait niya “ pag-ayos nito nang upo “ At saka feeling ko naman hindi niya naaalala iyong araw na gusto kong makalimotan o baka wala naman talaga siyang pakialam sa bagay na yon... Kaya ang totoo niyan… kinakalimotan ko na rin ang araw na isinusumpa kong hinding hindi ko na babalikan “ mahaba nitong pagsasalita “ At saka dapat lang talagang kalimotan ko yon dahil isa lang kami ng bahay at ayaw ko namang magalit na lang sa kanya mamaya paalisin pa ako “ pagbibiro nito “ Hindi naman kasi niya naaalala ang bagay na yon “ malungkot nitong sabi sa huli kaya naawa naman itong tinapik ni April habang magkatabi sila nang upo.
“ Masarap ah! “ ganon na lang ang paglaki ng mata ni Yna pagkatapos itong kagatin ni Oli habang hawak hawak pa niya ito.
“ OLI!!!! “ mariin niyang tawag sa pangalan nito.
“ Di bale papalitan ko na lang kaya saakin na “ pagkuha rito ni Oli saka kinuha ang coca-cola can nito at naglakad palabas.
“ IBALIK MO YAN____ “ natigilan si Yna nang biglang lumingon sa kanya ang mga babaeng sumunod sa paglabas ni Oli.
“ Itong akin na lang ang kunin mo “ ani Luke.
“ SALAMAT NA LANG! “ masamang pagkagat ni Yna sa burger ni Oli na iniwan niya paano kasi napakasama din ng tingin ng mga babaeng baliw kay Luke kay Yna dahil sa pag-aalok niya rito ng pagkain.
“ Sa sunod gagawan din kita “ ani Nico kay April.
“ Sus! Hindi mo nga kayang magtimpla ng kape “ ani Kier kaya agad ritong lumingon ng nakasimangot si Nico.
“ Puwedi ko namang matutunan iyon “ ani Nico “ Hindi ba April? “ tumango naman ito sa kanya habang nakangiti.
“ Sandali magaling ka rin bang gumawa ng pagkain? “ tanong pa rito ni Nico.
“ Magluto? “ tumango naman ito sa kanya. “ Oo, marunong naman ako nang kahit ano “ sabi nito dahil galing naman siya sa hirap kaya talented talaga si April.
“ Sa totoo, nakakamangha si April “ ani Megan dahil talagang humahanga din ito sa pagkatao ni April.
“ eh ikaw, Megan? “ tanong rin rito ni Lay.
“ Wala din akong alam sa mga bagay bagay dahil may sarili naman akong tagapag-silbi pero mahilig akong magluto “
“ Pareho pala kayo ni Kier eh “ agad naman itong napalingon kay Kier.
“ Well, chief si Daddy kaya siguro nasa dugo ko “ ani Kier dahil siya talaga ang tagapagluto ng grupo pagmagkakasama sila kasama si Luke.
“ Kaya maliban sa sexy at may mahahabang buhok na babae, attracted din siya sa mga magagaling magluto “ ani Lay “His ideal type “ ani Luke kaya agad naman nagblush si Megan sa mga sinabi nila.
“ Kaya pala nagmamay-ari ng restaurant ang girlfriend mo “ pagsasalita ni Yna pagkatapos maalala ang kausap ni Kier kahapon.
“ Huwag mo naman akong iboking “ tawa nito sa sinabi ni Yna.
“ Kung nagmamay-ari ng restaurant ibig sabihin iba pa yong nagpasama ka saakin? “ ani Nico.
“ Kawawa naman ang mga babae sayo “ inosenteng pag-iling ni Yna kaya naglaroon tuloy sa kanila ng tawanan maliban kay Megan na biglang uminom ng tubig at agad niyang naibaba ito ng malingon niyang nakatingin rito si Kier kaya mabilis nagtama ang mata nila na siyang pinutol niya din.
“ Ikaw Yna anong hilig mo? “ Ani Luke.
“ Marami akong gustong gawin kaso ayaw nila saakin “ parang bata nitong sabi kaya natawa na lang sila.
“ Kaya yong mga gusto niyang ayaw sa kanya at the end nagagawa niya rin paaano kasi hindi marunong sumuko si Yna kaya yong mga bagay na ayaw sa kanya ang sumusuko ng kusa kaya kung may gusto man siyang gawin paniguradong nagagawa niya rin “ nangingislap naman ang mata niyang lumingon kay April dahil sa mga sinabi nito “ Kaso aabotin nga lang ng taon “ pagbibiro nito kaya nagkaroon tuloy sa kanila ng tawanan.
PAGKATAPOS nang klase nila saktong tumawag rito si Kevin kaya agad itong lumayo kela April habang nasa labas sila ng gate at hinihintay ang sasakyan nila.
“ Tapos na ba ang klase mo? “
“ Oo, kakalabas lang namin “ mahina niyang sagot bago pa marinig nitong dalawa.
“ Bakit? “ tanong din nito.
“ I’ll pick you up kaya mo ba akong hintayin mabilis lang ako “ nataranta naman ito sa sinabi ni Kevin.
“ Hi-hindi na “ tanggi nito “ Ang ibig kong sabihin pasakay na ako pauwi at saka alam kong busy ka hindi mo kailangan mag-abala “ paliwanag nito ng hindi magsalita si Kevin sa kabilang linya.
“ Ganon ba “ mahina nitong sagot kay Yna.
“ Si-sige ah, ibababa ko na “ sabi nito saka pinutol ang linya nang hindi hinihintay ang sagot ni Kevin.
“ Siguradong gugulohin lang siya nila April kung pupunta siya at saka paniguradong pagod iyon “ pag-iisip nito habang nagtutungo sa mga kaibigan niya na siyang pagdating din ng sundo ni Megan kaya sumakay na sila. Samantala sina Oli ay nauna na ring umuwi.
“ May cellphone kana Partner? “ tanong rito ni Megan ng maupo sila sa loob ng sasakyan.
“ At saka sino yong kausap mo kanina? Don’t tell me may text mate ka na agad? “ pang-aasar agad nila.
“ Anong text mate? At saka hindi naman akin ito, kay Binbin kaso bumili siya ng bago kaya saakin na lang daw muna “
“ Oii Lowkey gift “ pang-aasar pa ni April.
“ hindi, nalimotan ko kasing ibalik sa kanya nong pinahiram niya saakin kaya ayon baka nainip kahihintay kaya bumili ng bago “ paliwanag nito daahil sa panunukso ng mga kaibigan niya.
“ Naku! Kahit ano pang dahilan iyon tatawagin pa rin nating gift yan “ ani Megan saka ito inabot at nilagay ang number niya pagkwan inabot din ito ni April.
“ Cutie Megan ang nilagay kong pangalan kaya puwedi na tayong magchat anytime since may phone kana at hindi nanghihiram kay ate Lena “ ani Megan.
“ Ito yong bagong model ng iphone “ tingin pa rito ni April.
“ Sigurado ka bang hindi niya sinadyang bilhin sayo? “
“ Oo, kanyang phone talaga yan. Sa totoo niyan ayaw kong tanggapin kaya lang for emergency daw at sa tingin ko baka nga wala din siyang panggamitan kung hindi ko tatanggapin dahil bumili mga soya ng bago kaya kinuha ko na lang kaysa naman sa masayang “
“ Nakakapagtaka naman, napaka bago kasi at saka may social media accout ba siya? Tingnan niyo wala man lang any social media app sa phone niya “ mabilis naman nilang tiningnan itong sinasabi ni April pagkatapos ipakita ang cellphone.
“ I guess binili niya talaga yan sayo “ hindi naman mapigilang mag-init ng mukha ni Yna sa mga pinagsasabi nila “ Bihira lang sa henerasyon natin ang walang social media account kaya for sure may install ditong app kung sa kanya talaga ito “
“ Sa tingin ko may mga tao talaga, tulad ni Binbin “ depensa ni Yna dahil ayaw niyang makapag-isip na naman ng panibagong kalokohan ang mga ito.
“ Kevin Wu ang pangalan niya diba? “ ani April saka kinuha ang phone niya para hanapin sa f*******: “ Hindi ko man lang din naisip na e-add siya o e-follow “ ani April habang kinikilig na makita ang account ni Kevin.
“ Ako rin “ ani Megan saka kinuha ang phone niya pero bigo silang makita ito.
“ Sa bagay napaka cool niya kaya baka i********: at hindi sa f*******: “ ani April pagkatapos hindi mahanap ang account ni Kevin sa f*******: pero tulad kanina wala din hanggang sa napunta silang t****k at twitter pero wala talaga silang mahanap.
“ Baka nga may nabubuhay pang tulad ni Kevin, grabe! Mas humahanga ako sa kanya, napaka cool talaga niya!!! “ ani April habang kinikilig at hindi naman matigil ang pagtango ni Megan bilang pagsang-ayon.
“ Ngayon naniwala na kayong pinahiram lang talaga ito saakin at hindi sinadyang binili “ pagkuha nito sa cellphone pero pinigil ito ni April.
“ Sandali lang baka may mga picture siya rito “ mabilis namang tumingin ang dalawa sa gallery at agad nawala ang mga ngiti nila ng wala itong laman.
“ Boring sigurong tao si Kevin “ ani April pagkatapos walang makitang bago sa phone ni Kevin pagkwan si Megan naman ang humawak sa phone.
“ I guess masyado lang siyang mysterious “ napatingin naman sila sa bigla nitong pagsasalita.
“ Well, tingnan niyo itong private safe niya “
“ Okay, nakikita namin “ ani Yna habang titig na titig rito at wala naman siyang napapansing kakaiba rito pero natigilan siya ng nakangiti itong dalawa kaya nagbuntong hininga na lang siya pagkatapos maisip na siya lang ang walang napapansing kakaiba rito.
“ Sige, sabihin niyo na anong mayron? “
“ Partner mayron siyang password “ ani April at sinubokan itong buksan.
“ Oh! Tapos?! Anong bago sa password? Nakakabigla ba yon? “ naaasar pa niyang tanong dahil hindi talaga niya maitindihan.
“ Ibig sabihin there’s a secret behind here! “ ani Megan.
“ Secret? Paano namang alam niyo? Naku! Nanghuhula na naman kayo “
“ Hay Naku! Isipin mo ito Partner walang kalaman laman ang phone niya pero bakit kaya ang private safe niya may password? ibig sabihin may laman ito “ paliwanag ni April pero nakatingin lang siya rito na halatang walang naitindihan “ Hindi ka maglalagay ng password sa ibang bagay kung wala naman itong laman o kaya hindi interesting “ nangingislap matang sabi ni April.
“ Partner he had a secret!!! “ naeexcite pang sabi ni Megan kaya mabilis na kinuha ni Yna ang cellphone.
“ Tumigil nga kayo! Ano naman kung may sekreto siya ano naman ang kinalaman nun saatin? “ pagtago nito sa cellphone.
“ Naku! Napaka seryoso naman nito, nakakacurious lang pero wala naman tayong balak pakialaman siguro titingnan, Oo! Pero hindi papakialaman “ ani April.
“ Malay mo pictures niya ang nandiyan “
“ Pictures ng girlfriend niya “ napalingon naman si Yna sa sinabi nila.
“ O kaya nude pictures “ pagbibiro pa ni April.
“ Ano namang nude? “ inosenteng tanong pa nito.
“ Nakahubad “ agad namang nanlaki ang mata ni Yna at natigil sila ng lumingon sa kanila ang driver.
“ It’s a joke manong “ ani Megan pagkwan nagkaroon sa kanila ng tawanan sa mga kalokohang naisip nila.
“ Sobra na kayo ha! “ ani Yna habang namumula sa pinagsasabi ng mga ito.
“ Sandali Partner since isa lang kayo ng bahay hindi mo pa ba siya nakitang nakahubad? “ mahinang tanong rito ni April para huwag marinig ng driver.
“ Oo nga, gaano kaganda ang katawan niya? “
“ Tumigil kayo!!! “ hawak nito sa tainga niya kaya nga ayaw niyang mapag-usapan si Kevin dahil alam niyang ganito ang mga tanong nila.
“ Yes or no lang “ ani April.
“ Partner… “ pangungulit pa nila.
“ Isang beses pe-pero hindi iyon sinasadya____ “ hindi na nito natuloy ang sasabihin niya pagkatapos kiligin sa sigaw nitong dalawa.
“ Paano? “ tanong pa ni April at dahil wala na siyang choice dahil dumaldal na rin siya kaya ikinuwento niya sa kanila pero hindi ang pagbabantay rito ni Kevin matulog dahil alam niyang aasarin lang siya ng mga ito.
“ Partner magkwento ka pa “ ani Megan.
“ Paano siya magising? Gwapo ba? Like napaka cool pa rin ba niya kahit kakamulat lang ng mata? “
“ Sa gabi lang naman kami nagkakasama at pagkatapos namin magdinner e papasok na kami sa bawat kwarto namin at saka hindi siya madaldal kaya hindi talaga kami nagkakausap “ pagsasalita nito " Hindi siya madaldal at kapag alam niyang ayaw mo hindi na niya ipipilit tapos nagsosorry siya kahit ikaw pa ang may kasalanan kaya hindi talaga hahaba ang usapan niyo, napaka matured niya kumpara satin “ namamanghang pagkukwento ni Yna at natigil sila ng dumating si April.
“ Wag kayong magkukwento ng tungkol sa kanya nang wala ako! “ pagbabanta nito pagkatapos bumaba kaya hindi na nga ito napag-usapan ng dalawa pagkwan dumating na din si Yna.
SAMANTALA titig na titig naman si Jinny kay Kevin habang naghahanda itong umuwi.
“ So siya nga iyong nagpunta rito? “ napalingon naman si Kevin sa pagtatanong nito bigla “ Kaya ba excited ka nang umuwi? “ pang-aasar nito.
“ You shut up! Wala na akong trabaho kaya ako uuwi “ ngumiti naman ito sa kanya pagkwan tumingin ito sa kanya.
“ Ano bang plano mo sa kanya? “ napalingon naman rito si Kevin “ Hindi kaya nagiging selfish ka sa part niya? “ seryoso nitong sabi.
“ Kung ako siya isusumpa kita “ pagtapik niya rito saka naglakad paalis at wala namang magawa si Kevin kundi sundan lang ito ng tingin saka nagbuntong hininga nang maisip ang ibig nitong sabihin.
“ Alam ko ang bagay na yon “ pagkuha nito sa mga gamit niya at naglakad palabas at dahil sa sinabi ni Jinny hindi ito maalis sa isipan niya kaya napasandal na lang ito sa sasakyan niya habang bumabagabag ito sa kanya.
“ Kung wala siyang malalaman baka mapatawad niya din ako “ bulong pa nito pagkwan pinaandar nito ang sasakyan “ Pero ilang taon na din ang lumipas kaya baka hindi na siya yong dating si Leng kaya baka wala ding maging problema “ sabi nito saka umalis at pakiramdam niya ang bigat ng nararamdaman niya dahil sa mga sinabi ni Jinny.
“ Mabuti naman umuwi ka na “ salubong rito ni Yna nang makapasok siya “ Wag kang mag-alala nagsaing na ako kaya ulam lang ang iluluto mo! “ ani Yna habang nakangiti kaya pakiramdam ni Kevin naalis ang bigat na nadarama niya.
“ Madami ka bang ginawa ngayon? “ sunod niya pa rito ng tuloyan itong maglakad papasok.
“ Hindi naman, it’s just a normal day, Leng “
“ Ganon ba medyo matamlay kasi ang mukha mo “ sabi pa nito saka naupo sa may sofa at nakatingin rito.
“ Ganon ba.. baka nga napagod ako “
“ Huh? Kung ganon hindi mo alam kung napagod ka o hindi? “ pagpunta niya ritong muli “ Kung may ipag-uutos ka puwedi kong gawin “ paglalahad ni Yna sa palad niya para kunin ang bag ni Kevin nang hindi ito sinasabi kaya napaka-cute nitong tingnan kaya napangiti bigla si Kevin.
“ Tssst! Hindi ako nagbibiro, seryoso ako kaya bakit tumatawa ka diyan? “ asar niyang tingin rito.
“ I can handle my self, Leng “ natutuwa pa niyang sabi rito habang naglalakad patungo sa kwarto niya para magpalit ng damit at itago ang mga gamit niya.
“ Alam mo kanina habang nagsasaing ako naisip kong gumawa ng mga gawaing bahay at gawin kung may ipag-uutos ka man para kabayaran man lang sa pagpapatira mo saaakin kahit alam ko namang baka tinutulongan ka rin ng ate ko sa pagbayad rito “ pagsundo pa nito kay Kevin ng hindi napapansin na sa kwarto ang tungo nito.
“ Hindi mo na kailangan gawin iyon Leng “ ani Kevin pagkatapos ilapag ang bag niya “ This condo is mine kaya hindi mo kailangan gawin ang bagay na sinabi mo “
“ Tsk! Ano ba sayo kung tumulong ako? Bakit ba hirap na hirap kang payagan ako sa tuwing gusto kong tumulong sayo! Tsk! Gusto ko rin magka-ambag sa bahay na 'toh noh!! “
“ Ambag? “ curious nitong tanong kay Yna.
“ Ambag! Ibig sabihin tutulongan ka sa bagay bagay “ paliwanag nito saka naupo sa sofa ni Kevin sa kwarto nito “ Kung ganon may mga bagay ka rin palang hindi alam “ may panlalait pa nitong sabi pero hindi na ito pinansin ni Kevin.
“ Bale yon na nga, mula ngayon tutulong ako sa gawaing bahay puwedi mong isulat ang trabaho ko para alam ko at hindi ko makalimotan “ napangiti naman si Kevin sa sinabi nito.
“ Ibig sabihin puwedi mong makalimotan? “ tumango naman ito.
“ Ang totoo, hindi ko naman makakalimotan kaya lang kung alam kong hindi talaga saakin na trabaho baka tamarin ako at hindi ko rin magawa “ paliwanag nito at tumango naman si Kevin pagkatapos itong maitindihan.
“ Pumapayag ka ba? Pumayag ka na ikaw din naman ang makikinabang kaya wag ka nang mag-inarte! “ ani Yna.
“ Okay, pag-iisipan ko ano bang kaya mo “ ani Kevin habang tinatanggal ang neck tie niya.
“ Grabe! Masyado mo naman akong minamaliit! Tssst! Lahat kaya ko, anong akala mo saakin bata para pag-isipan mo pa?! “ asar nitong tanong at nanlaki ang mata niya ng kumumpas ang necktie ni Kevin pagkatapos niya itong tanggalin sa leeg niya.
“ Anyway, magpapalit ako ng damit_____ “
“ Binbin…..!! “ sigaw nito saka isinara ng pabagsak ang pinto at lumabas “ Alam ko namang bata ang tingin niya saakin pero tama bang maghubad siya ng damit sa harapan ko? “ bulong nito habang ang init init ng mukha niya pagkatapos sumagi sa isip niya iyong necktie ni Kevin.
“ Ano na namang nangyari doon? Gusto ko lang namang sabihin magpapalit ako “ ani Kevin at pagkatapos nitong magpalit bumaba na siya at napakamot siya ng ulo pagkatapos makitang magkasalubong ang kilay ni Yna.
“ Ano na naman kayang iniisip nito? Kanina napaka daldal ngayon ang tahimik na naman “ pagtungo nito sa kusina habang nakatingin sa Yna’ng nanonood.
“ Sa bagay kasalanan ko din naman dahil pumasok ako sa kwarto niya “ pag-iisip nito saka nito tinaas ang kamay niya para paloin na naman ng ulo niya ng mahina.
“ Ano bang iniisip mo? “ tanong bigla ni Kevin kaya hindi nito natuloy ang pagpalo sa ulo niya.
“ Tulongan mo akong maghanda ng ingredients para sa iluluto ko “ napalingon naman rito si Yna.
“ Ang sabi mo tutulongan mo ako sa gawain so why don’t you start here? “ marahan naman itong tumayo.
“ KAINIS NAMAN KASING MAGALIT SA ISANG ITO DAHIL WALA SIYANG PAKI TSK! KUNG SI OLI ITO MAS MADALING MAKALIMOTAN ANG INIS SA KANYA DAHIL SUMASAGOT SIYA KAYA HINDI NAKAKAPAGDALAWANG ISIP NA SAKTAN EH! SI BINBIN KAKAUSAPIN KA NA PARA BANG WALANG NANGYARI KAYA NAKAKATAAS NG DUGO PERO ANO BANG MAGAGAWA KO KUNDI PABABAIN NA LANG “ pag-iisip nito habang nagtutungo sa direksyon nito.
“ PALIBHASA KASI MATANDA NA “ buntong hininga nito at ganon na lang ang asar niya ng matawa rito si Kevin.
“ I’m sorry “ sabi nito agad ng masama ritong lumingon si Yna “ I’m just wondering kung anong tumatakbo sa isip mo para magbuntong hininga ng ganon kalalim “ paliwanag nito.
“ Wala ka na ron kung gusto mo mag-isip ka rin ng sekreto at magbuntong hininga! “ at pinigilan lang matawa ni Kevin sa sinabi nito pagkwan sinuot ni Yna ang apron.
“ Nga pala kaninang nagsasaing ako nasagi ko yong lagayan ng asin kaya nahulog at dahil dibote siya, eh ayon, nabasag “ nahihiya nitong sabi.
“ So wala tayong asin? “ tumango naman ito ng mahina sa kanya.
“ Okay, tanggalin mo ang apron mo “ agad naman itong napalingon sa kanya.
“ Ah! nagagalit ka ba? Pu-pwedi ko namang palitan kaya hayaan mo na akong tumulong rito “ nag-aalala nitong sabi.
“ Ang totoo medyo napagod nga ako at tinatamad akong magluto kaya sa labas na lang tayo kumain “ ganon naman ang gulat nito.
“ GABING DATE BA YON? ANO NGA SA ENGLISH? DINNER DATE? IYON BA YON? “ pag-iisip na naman nito at natigilan lang siya ng maramdaman niyang tinatanggal ni Kevin ang apron niya.
“ Wag ka nang tumanggi “ sabi pa nito at nilagay sa lagayan ng apron ang suot nila ni Yna saka nagtungo sa kwarto niya para kumuha ng pera.
“ Halika na “ ani Kevin.
“ Sandali magpapalit lang ako “
“ Okay na yang suot mo____ “ hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng tumakbo ito sa kwarto niya at mapagmasdan din ang suot nitong damit at pajamang si Doraemon.
“ Tara na! “ paglabas nito pagkatapos magbihis.
“ May malapit lang ritong kainan kaya hindi natin kailangan sumakay pa nang sasakyan “ ani Kevin.