“ Si Oli ba yon? “ tanong ni Kevin pagkatapos nitong makita ang pagdating ni Yna kasama si Oli habang hinihintay niya itong dumating.
“ BOYFRIEND NIYA BA TALAGA SI OLI? “ tanong pa nito habang nakatitig sa dalawang nag-uusap “ Ang sabi naman ni Lena wala siyang boyfriend “ hawak nito ng mahigpit sa hintuturo niya sa kanan pagkwan naglakad ito sa direksyon ni Yna ng umalis si Oli.
“ Halika na, umuwi na tayo “ ganon naman ang gulat ni Yna sa biglang pagsasalita ni Kevin.
“ Binbin?!!! “ bungad niya rito saka nilingon ulit kung nakaalis na si Oli at hindi na niya ito makita kaya agad siyang lumingon ritong muli at naglakad “ Ngayon ka lang Binbin? Ah, ang ibig kong sabihin hindi mo nakita ang kasama ko? “ agad naman itong natahimik sa sarili niyang tanong “ HAIST! ANO NGAYON KUNG NAKITA NIYANG MAY KASAMA KANG LALAKI? PERO NAG-AALALA LANG NAMAN AKO DAHIL GUARDIAN KO SIYA, YON LANG! AT HINDI DAHIL BAKA MA-MAGSELOS SIYA ROON “ at agad nitong ginulo ang buhok niya sa mga naisip niya “ ANO BANG INIISIP MO YNA? “ pagtaas nito sa kamay niya para paloin ang ulo nito para matahimik sa kaiisip pero napalingon siya rito ng biglang pigilin ni Kevin ang kamay niya habang nakahawak sa braso niya.
“ Hindi magandang sinasaktan mo ang sarili mo “ pagbaba nito sa kamay ni Yna habang titig na titig ito kay Kevin at napakagat labi ito nang hindi man lang siya tiningnan nito “ Sino bang kasama mo? “ Tanong pa nito.
“ KUNG GANON GUSTO NIYA DIN MALAMAN KUNG SINONG KASAMA KO? “ pagngiti nito sa biglang pumasok sa isip niya nang hindi man lang iyon napapansin.
“ Kaibigan ko “ sabi nito at tumango naman rito si Kevin at hindi na nagsalita pang muli “ MABUTI NA LANG HINDI SILA NAGKITA NI OLI, MAMAYA MALAMAN PA NANG ISANG IYON NA PINAKILALA KO SIYA BILANG BOYFRIEND KO, PANIGURADONG KATAPOSAN NA NANG PAGKATAO KO SA ALIMANGONG IYON “ paglalakad nito habang nakasunod kay Kevin pagkwan mabilis itong sumunod rito.
“ Nga pala pasensya na kung ngayon lang ako nakauwi “ sabi nito habang nahihiya pagkatapos maisip na wala din siyang nabiling plato.
“ Well, hindi nga magandang lumalabas nang gabi ang tulad mong high School delikado na ang panahon ngayon “ ani Kevin ng makarating silang condo at asar namang pumasok si Yna pagkatapos iyon marinig at maramdamang akala mo elementary siyang pinagsasabihan nito.
“ Kaya ko naman ang sarili ko at saka anong high school? Next year college na ako noh! kaya puwedi mo na akong hindi tawaging High School “ pabagsak nitong upo sa may sofa “ Isa pa bakit ba kung kausapin mo ako akala mo G5 ako? Hello!? 18 na ako!! Malaki na ako! “ sabi pa nito at ganon na lang ang asar niya ng tumango si Kevin habang nakangiti na halatang sinasang-ayonan lang siya para huwag humaba ang usapan.
“ TOTOO ANG SINASABI KO! MALAKI NA AKO KAHIT TINGNAN MO PA ANG BIRTH CERTIFICATE KO! “ punta pa nito sa direksyon ni Kevin habang nagtutungo sa kusina para ihanda ang dinner nila.
“ May sinabi ba akong hindi ka malaki? “ at mas kumunot ang noo ni Yna sa mga tingin ritong nanluluko ni Kevin.
“ Nang-aasar ka ba? “ asar niyang pagcross-arm rito.
“ Alam mo ba ang sabi nila ang matatanda sinasabi palaging bata pa sila at ang mga bata sinasabi namang matanda na sila “ pagtapik rito ni Kevin sa ulo ng mahina at natigilan naman si Yna sa sinabi nito “ Ako bata pa ako “ ani Kevin saka naglakad muli at hindi naman umimik pang muli si Yna at sinundan lang ito ng tingin pagkatapos maglakad ni Kevin sa kusina.
“ Magluluto ka? “ tanong pa nito rito pagkatapos siyang sundan.
“ Oo, maliban sa itlog ano pang gusto mong pagkain? Iyan ang iluto natin “
“ Adobong manok “ ani Yna “ at tutulong ako ah! “ suot nito sa apron “ Marunong naman akong manghiwa ng panrikado “ sabi pa nito.
“ Hindi na Leng “ pagpapaalis niya rito sa loob ng kusina “ Maghintay ka na lang diyan o kaya manood ka ng TV “
“ TSK! Gusto kong tumulong kaya bakit ayaw mo? “ asar nitong paghubad sa apron.
“ O-okay, you can help me “ natahimik na lang si Kevin at napailing ng maglakad si Yna patungo sa taas at sa kwarto nito sa liit ng pasensya nito.
“ Ang sabi naman ni Lena gusto nitong nanonood ng TV at ayaw na ayaw niyang nagluluto “ pagmamasdan pa rito ni Kevin habang padabog na naglalakad pagkwan nagring ang phone nito.
“ Yes? “ sagot nito sa kabilang linya “ Lena…! “ masayang sabi ni Kevin pagkatapos itong marinig at natigilan naman si Yna pagkatapos marinig ang masiglang boses ni Kevin nang banggitin ang pangalan ng ate niya at kagaya ng iniisip niya maaliwalas nga ang mukha nito kumpara kaninang sundoin siya nito sa labas na para bang pagod na pagod ang mukha.
“ Leng gusto ka daw kausapin ng ate mo “ ani Kevin at dahil ate niya ito at nasa malayo hindi niya kayang tanggihan ito kaya patakbo siyang nagpunta kay Kevin para kunin ang cellphone.
“ Kumusta ka? Mabait ka naman? “ tanong agad ng ate niya.
“ Iwan ko po sainyo parang hindi ko kayo ate! Tsk! Wala kayong tinanong kung naging mabait sa kaibigan niyo at saka bihira lang kayo tumawag tsssst! Ang bilis niyo makalimot ate ha! Isusumbong ko kayo kay mama at papa sa panaginip kapag napanaginipan ko sila!! “ pananakot pa nito at hindi lang si Lena ang napangiti sa cute mag-isip ni Lena kundi maging si Kevin na naghahandang magluto.
“ Madami kasi akong inaayos pero kapag okay na ang lahat dadalas din ang tawag ko kaya magpapakabait ka kahit bihira lang tayo magkakausap “ bilin pa nito at pagkaraan ng ilang palitan nila ng salita binigay rin ni Yna ang phone kay Kevin saka nagtungo na ngang kwarto niya para magpalit pagkwan bumaba rin ito agad at saktong binaba na rin ni Kevin ang phone senyales na katatapos lang nila mag-usap.
“ tsk! Magkaibigan lang sila ni Ate pero ang tagal magbabad sa phone “ asar pa nitong pagbaba habang nakapatong sa ulo niya ang paboreto nitong stuff toy na si Doraemon.
“ Bakit ang sama ng tingin mo? “ ani Kevin ng maupo si Yna sa may sofa kung saan sa harap nito ay ang malaking TV.
“ Ano naman sayo? Hindi ka naman nakakatuwa kaya wala kang paki “ masungit niyang pag-iwas rito ng tingin at humarap sa TV saka kinuha ang remote para manood.
“ Kung nagagalit ka pa doon sa gusto mong tumulong magluto then, you can help me “ ani Kevin.
“ Wala na! expired na yong tulong ko! “ masungit pa nitong sabi kaya napailing na lang si Kevin dahil hindi nito malaman kung paano aalisin ang inis nito bukod sa first time itong may kasamang babaeng mas bata sa kanya, eh talagang napaka anti-social niya kaya hindi niya malaman kung paano ito kakausapin.
“ Mukhang mali ang desisyon kong ito “ pagtingin nito sa niluluto niya.
“ KAHIT ANO PUWEDI KONG PANOORIN SA NETFLIX MO? “ napatingin naman agad siya rito sa tanong ni Yna.
“ Yes, anything! “
“ Okay! “ excited nitong sabi habang sinisearch ang anime na gusto nitong panoorin “ Hindi ako tutulong magbayad nito ah! “ sabi pa niya at napangiti na lang si Kevin.
“ Mahirap ngang alamin anong tumatakbo sa isip niya “ at ngayon naalis na rin ang pag-aalala ni Kevin sa pagtatampo ni Yna. At pagkaraan ng ilang minuto tapos na din itong magluto.
“ Kumain kana “ pagkatapos nitong maghanda ng hindi napapansin ni Yna dahil sa busy nitong panonood.
“ Sandali 3 minutes na lang “ sabi nito kaya naupo na din si Kevin at pinanood siya at dahil maganda ang episode sinundan pa ito ni Yna pagkatapos malimotan ang 3 minutes at dahil 16 minutes every episode ng anime without the end and opening song natapos niya din ito agad at natigilan siya sa pagkuha ng episode muli ng maalala na kakain sila kaya mabilis nitong pinatay ang TV at nahihiyang lumingon kay Kevin pagkatapos nitong maalala ang 3 minutes na sinabi niya.
“ Ano…, Maganda kasi yong episode____ “ natigilan ito sa pagsasalita ng makitang nakatulog si Kevin habang nakapatong ang ulo niya sa may sofa at pinapanood si Yna habang nag-eenjoy sa panonood kanina.
“ Mahilig din ba siyang manood ng anime? “ titig niya pa rito kung saan sa TV nakaharap si Kevin o sa kinauupuan nito kanina at napalunok siya ng matititgan na naman ang gwapong mukha ni Kevin.
“ Siguro kung hindi ganito ang mukha mo baka nga totoong matagal na akong galit sayo “ bulong nito “ Sa bagay hindi ko nga rin alam kung totoong galit ba talaga ako sa kanya dahil sa nararamdaman ko sa kanya nong bata ako o dahil tinanggihan niya ako “ ani Yna at naupo.
“ ANO BA ITONG MGA NAIISIP KO?! HAIST! BAKIT KASI AYAW KO PANG MAKALIMOTAN ANG BAGAY NA YON TSSST! “ pagkausap pa niya sa sarili niya.
“ I’m sorry nakatulog ako “ pagbangon bigla ni Kevin pagkatapos magising habang busy si Yna sa pagmemeeting ng sarili niya.
“ Kasalanan ko, nasobrahan kasi panonood ko “ mahinang sabi ni Yna “ Kaso kasalanan mo din naman dahil hindi mo ako sinabihan “ paninisi din nito kay Kevin kaya tumango na lang ito bilang pagsang-ayon habang nakangiti dahil sa paibang ibang mood ni Yna.
“ Gaya ng sabi ko kasalanan ko din at dahil may kasalanan ka din kaya sinisi kita kaya dapat ganon ka din ‘’ sabi pa nito habang naghahanda ng pagkain niya “ Ganon kami ni Oli eh “ sabi pa nito at napatingin naman siya rito dahil sa pangalang binanggit ni Yna “ Haist! Ganon ba talaga pagmatatanda walang energy ipagtanggol ang sarili nila?! “ sabi pa niya kaya hindi napigilang matawa ni Kevin.
“ Oh bakit!? Totoo naman ah “
“ Bata pa ako Leng “ sabi nito habang naghahanda rin ng pagkain niya.
“ Kung ganon matanda ka na nga talaga “ pag-iling pa nito “ Ang sabi mo ang bata sinasabi nilang matanda na sila at ang matatanda naman ay bata pa sila so ibig sabihin matanda ka na nga “ at dahil sa sinabing ito ni Yna sabay silang natawa at agad rin natigil si Kevin ng mapagmasdan ang mga tawa nitong kaharap niya.
“ Malamig na tuloy ang pagkain “ pagsubo nito sa kanin pagkatapos ng tawanan nila ni Kevin “ Nga pala… yong plato wala akong mahanap at saka mahal ba yon? “ tanong nito bigla kay Kevin.
“ sinabi ko namang wag mo nang isipin iyon at saka hindi ako ang bumili ng mga gamit rito sa bahay kaya hindi ko alam kung mahal iyon “
“ Eh sinong namili? “
“ Yong pinsan ko, yong sa hospital, pero saakin iyong pera “ paliwanag nito habang tinutukoy si Jinny.
“ Ganon ka ba kabusy o kayaman para iutos pa ang mga gamit mo? “
“ May mga gamit ako pero tag-iisa para saakin lang " ani Kevin" Ang totoo yong dating tinitirahan ko isa lang ang kwarto at palagi pang nagpupunta yong pinsan kong kasing edad mo rin “
“ Ibig sabihin dahil ba saakin kaya ka lumipat? “
“ Just one of the reason “ pagkorek ni Kevin rito pero ang totoo, siya talaga ang dahilan.
“ Mabuti naman “ nakahinga ng maayos ritong tingin ni Yna “ Sandali kung si Doc. Jinny ang namili ibig bang sabihin nun alam niyang babae ang kasama mo? Teka! Alam ba niyang ako? “ hindi pa niya makapaniwalang tanong rito.
“ Bakit Yna? “
“ Wala lang, eh, kasi, pakiramdam ko kasi iba ang iniisip niya saakin noong makita niya akong pumunta sa hospital tas malalaman din niyang sayo nga ako nakatira “
“ Hindi niya alam “ napatingin naman ito sa kanyang muli.
“ Eh, yong si Doraemon siya ba ang namili? Yong kwarto ko nakita niya? Ibig sabihin alam niyang babae ang kasama mo at hindi niya lang alam na ako “ matalino nitong pag-iisip.
“ Ikaw pa lang ang unang nakakapasok na babae sa kwarto mo at saka yang kwarto mo at kwarto ko, ako mismo ang nagdesign at namili and little bit help from a room designer “ napatingin naman si Yna sa sinabi nito pero hindi na siya tiningnan ni kevin at kumain kaya hindi na siya nagtanong pa pero napangiti siya sa bagay na sinabi ni Kevin at hindi niya maitindihan kung bakit.
AT KAGAYA kagabi sinamahan na naman ito ni Kevin sa kwarto niya para matulog.
“ Napansin ko lang madali kang makatulog “ ani Yna habang hinahanda nito ang kumot niya “ Hindi mo naman siguro sinadyang matulog rito noh? “ tumango naman si Kevin.
“ Hindi ko namalayang nakatulog ako “ ani Kevin at tumitig naman rito si Yna para basahin kung nagsisinungaling ba ito “ At iyong kamay… hinawakan mo ako “
“ ANO?!! “ pagbangon nito bigla habang namumula sa hiya.
“ You’re having nightmare at sa tingin ko ang pag-alis ng ate mo ang napapanaginipan mo dahil tinatawag mo siya at hahawakan sana kita para gisingin but you suddenly hold my hand at hindi mo na binitiwan “ at dahil sa sinabi ni Kevin pabagsak na dumapa sa kama si Yna habang nahihiya.
“ KAHIT PALA TULOG AKO NAKAKAHIYA PA RIN AKO “
“ Well, it’s normal Leng “ hindi naman gumalaw pa si Yna dahil alam niyang pinapagaan lang nito ang nararamdaman niya “ I will tell you a secret... alam mo ba kung bakit ayaw kong matulog sa ibang tao? “ sinilip naman ito ni Yna habang nakadapa pa rin “ Dahil nags’sleep walk ako minsan “ mabilis naman itong naupo sa sinabi ni Kevin.
“ Ikaw na perfect may ganon kang ugali? “ hindi pa niya makapaniwalang tanong.
“ I wish I’m really that perfect Leng “ natigilan naman si Yna sa malungkot niyang pagkakasalita.
“ huh? “ tanong niyang muli dahil sa malungkot na pagsasalita ni Kevin kasama ang mukha niya.
“ Forget it! Sige na, matulog kana para makabalik din ako sa kwarto ko “
“ Oo pero sandali… hanggang ngayon ba nags’sleep walk ka? “ tanong pa nito “ naisip ko lang kasi baka mahulog ka sa hagdan “ napangiti naman si Kevin sa cute mag-isip ni Yna.
“ Matagal na yon at isang beses pa lang nangyayari “ tumango naman si Yna at natigilan si Kevin ng bigla itong tumayo at may kunin sa bag niya.
“ Mabuti na lang naalala ko “ pagbibigay niya rito sa cellphone nito “ Nakalimotan kong ibalik pasensya na “
“ May bago na akong phone, you can keep that para may contact ako sayo “
“ Ah, ayaw ko____ “
“ For emergency “ ani Kevin “ Kung ayaw mong gamitin then, just put inside in your pocket or bag for emergency “ at dahil sa sinabi ni Kevin tinago niya ito.
“ Kung ganon saakin na? “ tumango naman ito rito.
“ Hindi ko babayaran kahit masira ko? “ napangiti naman siya sa sinabi nito.
“ O sige, matutulog na ako “ paghiga nito at tumalikod kay Kevin.
KINABUKASAN AGAD minulat ni Yna ang mata niya nang magising ito para tingnan kung nasa tabi na naman nito si Kevin at kumalma ito ng wala ito sa tabi niya pagkwan bumangon ito para maligo at maghandang pumasok kahit na tamad na tamad ito sa para sa umagang ito.
“ Puwedi bang huwag pumasok Doraemon? “ paghiga nito pagkatapos mag-uniform saka tamad na inabot ang suklay para suklayin ang buhok niya habang nakahiga “ Kapag nanahimik daw ibig sabihin, Oo “ pagkausap pa niya kay Doraemon “ Kaso babagsak ako Doraemon kaya kailangan kong pumasok “ pag-upo nito saka nagtungo sa salamin para ayosin ang buhok niya at dahil tinatamad siyang ayosin ito sinuklay na lang niya ito.
“ Papasok na ako Doraemon, Good luck saakin at sayo rin, sa pagbabantay sa kwarto natin!!! “ pagtapik pa nito isa isa sa mga ulo nila Doraemon saka lumabas sa kwarto at dahil tinatamad nga siya kaya para itong Zombieng naglalakad habang pagiwang giwang ang kamay at nakalugay ang buhok niya sa mukha niya.
“ Go-good morning___ “ natigilan ito sa pagbati ng makita niyang nakahiga sa may sofa si Kevin habang may coffee ito sa harapan niya “ tulog na naman siya... siguro tinatamad din siya ngayong umaga “ pagtabi niya ng upo rito at ipinatong ang ulo niya sa sofa pagkwan nilingon nitong muli si Kevin.
“ Pagod ka ba Binbin? “ tanong pa nito saka pumikit at dahil basa ang buhok niya at malamig kaya tuloyan na itong nakatulog.
“ Anong oras na ba? “ tanong agad ni Kevin pagkatapos magising pero natigilan siya ng makita niyang nakahiga sa may legs niya si Yna habang natutulog “ Kanina pa ba siya narito? “ lingon pa nito sa orasan at 7 na kaya hindi niya malaman paano ito gigisingin gayong himbing na himbing ito sa pagtulog.
“ Leng… “ Mahina niyang tawag rito habang natatakpan ng buhok ni Leng ang mukha niya “ May pasok ka hindi ba? “ hawak niya rito sa braso pagkwan gumalaw si Yna dahilan para mahulog ang buhok nito sa mga balikat niya at hindi napigilang mapangiti ni Kevin ng matitigan ang mukha nito.
“ Ikaw pa ba yong dati…? “ tanong niya rito pero hindi naman siya marinig nito pagkwan nilapit nito ang kamay niya sa mukha ni Leng pero bago pa niya ito maabot agad niyang binawi iyon at inalalayan ang ulo nito saka tumayo at inihanda ang breakfast nito.
PILIT na minulat ni Yna ang mata niya ng maramdaman niyang kanina pa naaalog ang ulo niya.
“ Mabuti naman at gising kana “ napalingon ito bigla sa pagsasalita ni Kevin at ganon na lang ang gulat niya ng nasa loob sila ng sasakyan.
“ Sa-sandali na nasa may sofa tayo hindi ba? “ hindi pa nito makapaniwalang tanong saka lumingon sa labas at nasa kalsada nga sila.
“ Well, ilang beses kitang ginising kaso ayaw mo talagang magising kaya binuhat na lang kita rito sa sasakyan bago ka pa ma-late sa school “ ganon naman ang hiya ni Yna.
“ Dapat ginising mo pa rin ako, naabala ka pa tuloy “ nahihiya nitong sabi saka tumunog ang tiyan niya.
“ I already prepared your breakfast kaya kumain kana “ napalingon naman siya sa sinabi ni Kevin pagkwan pilit nitong inabot sa likod ng sasakyan at binigay kay Yna ang isang paper bag kung saan ang baon nito.
“ Ayaw mo ba? “ tanong pa rito ni Kevin pagkatapos niya lang itong tingnan pagkwan umiling naman ito “ Di bale sa sunod gigisingin na kita “ ani Kevin ng mapansing nakabusangot ito at sakto namang dumating sila.
“ Sa loob ko na lang kakainin “ mabilis nitong pagbukas sa sasakyan at bumaba.
“ Mag-iingat ka “ ani Kevin “ Good luck, Leng!!! “ habol niya pa rito bago ito isara ni Yna pero napatingin siya rito ng buksan nitong muli ang sasakyan.
“ Alam mo ba hindi magandang maging mabait ka?! “ masama nitong tingin kay Kevin “ pero salamat!!! “ pagsara niya rito saka tumakbo para pumasok at napangiti na lang si Kevin.
“ Hindi ko alam kung nagagalit siya o ano “ sabi pa nito pagkwan umalis na rin siya pero natigilan sa pagpasok si Yna ng sumalubong rito ang guard saka sinarhan ang gate senyales na late siya.
“ AHHHH! BAKIT BA KASI NATULOG KA ULIT!!! “ hampas nito ng mahina sa ulo niya.
“ sumunod kayo saakin “ ani guard at tamad namang sumunod ang lahat rito at ang kaparusahan nakatayo sila ngayon sa field habang nakataas ang mga kamay nila.
“ Yong gwapo pa rin ba ang naghatid sayo? “ napalingon naman siya sa biglang pagsasalita ng tatlong kaklase niya, ang patay na patay kay Oli, the three mean girls.
“ Huwag niyong sabihing pati doon aawayin niyo ako? “ sabay sabay naman silang nagroll eyes rito.
“ Ano namang pakialam namin doon pero Alejandro! Huwag mong idadamay si Oli sa kaharotan mo! At saka may gwapo ka na ngang tagahatid pati ba naman si Oli? Tssst! Magtira ka din!! “ agad namang uminit ang ulo nito.
“ TSK! PAREPAREHO LANG TAYO NG HINIHINGANG HANGIN AT HANGGANG DOON LANG IYON DAHIL DI NAMAN GANYAN SA INIISIP NIYO ANG RELASYON KO SA MGA YON “ sabi nito pero nagroll eyes lang sila rito na halatang hindi naniniwala.
“ Talaga lang ha! Tsk! Baka malaman na lang naming hinahatid ka nang gwapong lalakeng iyon sa umaga tas sa uwian naman ay si Oli “
“ Talaga bang hindi kayo nakikinig?! Sinabi nang hindi ganyan sa iniisip niyo!!! “ pasigaw nitong sabi at hindi naman iyon marinig ng mga guard pero natigilan siya ng sabay sabay ritong lumingon ang mga babaeng nasa linya at maging ang ilang lalaki.
“ HI-HINDI AKO NAGSISINUNGALING “ kinakabahan na rin niyang sabi at natumba ito ng sabay sabay nilang ipakita rito ang cellphone nila at may picture nila ni Luke kahapon.
" HINDI LANG SI OLI KUNDI PATI SI LUKE?!!! " sabi pa ng ilang nababaliw kay Luke.
“ AHHHHH!!! WALA NAMANG KATOTOHANAN DIYAN! “ depensa pa nito.
“ Eh! Ito?! “ nanliit ang mata niya ng makitang si April at Nico habang nakasakay din sa iisang motor.
“ MAGKAIBIGAN NGA KAYO!!! “ masasama nilang tingin rito at magsasalita pa sana siya ng biglang dumating ang guard.
“ Bakit nakaupo ka diyan? “ masama ritong tingin ng guard kaya mabilis siyang umayos ng tayo.
“ Na-natumba po ako “ sabi nito agad.
“ NAUPO SIYA! “ sabi ng leader ng mean girls.
“ Opo, naupo siya! “ pagsang-ayon ng dalawang kasamahan niya at nanlaki ang mata niya ng sabay sabay ding tumango ang mga kasama nilang naparusahan.
“ NAUPO SIYA!!! “ sabay sabay pa nilang sabi.
“ Okay, pumasok na ang lahat maliban sayo! “
“ HINDI!!! “ sigaw nito pagkatapos magsialisan ang lahat at gaya ng sinabi ng guard nahuli nga siyang nakaalis doon samantala si Nico hindi ito mapakali sa loob pagkatapos nilang malaman na baka nalaman na din ni Yna ang paghatid nito kahapon kay April pagkatapos itong ipost ng fan club niya.
“ Dapat kasi naging maingat ka “ ani Lay na kinakabahan na rin rito.
“ Eh ano bang puwedi niyang gawin saakin? Mas Malaki naman ako kay Yna kaya siguradong hindi niya ako kayang saktan? “ alanganin pang sabi ni Nico saka lumingon kay April na halatang kinakabahan din habang kinakausap ni Megan.
“ tsk! Ano bang kinakatakot mo diyan?! Pagkakataon mo na nga yan para sabihing gusto mo ang kaibigan niya kaya bakit ka natatakot? “ ani Oli na naiinip na rito sa loob habang hinihintay ang pagdating ni Yna “ HINDI BA YON PAPASOK NGAYON? “ ani Oli dahil hindi naman nalilate si Yna, ngayon pa lang " HINDI KAYA NAHIHIRAPAN TALAGA SIYA SA BAHAY NG LALAKING IYON?! " nag-aalala pa nitong pag-iisip.
“ Tama, ikaw Oli! Tulongan mo ako! “ yakap rito bigla ni Nico.
“ Bakit mo naman ako idadamay? “ sabi nito habang nakayakap pa rito si Nico.
“ Takot din yan kay Yna eh! “ tawa ni Lay at katatapos lang nito magsalita ng mapalingon silang sabay sabay sa may pinto at pakiramdam ni Nico parang kulog ang dinig niya sa bawat maririing yabag ng paa ni Yna.
“ Good morning Partner! “ bati rito ng dalawa pero si Nico ang agad nitong hinanap ng mata at agad lumabas sa may ilalim ng mesa nito si Nico pagkatapos ritong magtago nang sipain ito ni Yna.
“ Good morning..? “ alanganing bati nito at mabilis itong tumakbo sa likod ni Oli nang tumaas ang mga braso ni Yna senyales na sasaktan siya nito.
“ MAGPAPALIWANAG AKO!!! “ sabi pa nito at tumingin lang rito si Yna.
“ Pa-partner… sa totoo niyan wala akong masakyan kaya sumabay ako kay Nico “ ani April pagkatapos lumapit at tumango naman si Megan bilang pagsang-ayon pagkwan hinawakan ito ni Yna sa magkabilang balikat.
“ Partner sinadya iyon ni Nico dahil kasama ko siya, kami nila Luke at sinadya talaga niyang bumalik sa school dahil sayo “ pagkwan masama itong lumingon muli kay Nico “ Sinabihan na kita hindi ba?! Hindi ka puwedi sa partner ko dahil paniguradong masasaktan lang siya!!! “ sabi nito pagkatapos maisip ang nangyari sa kanya kaninang maparusahan siya “ KUNG AKO NGANG KAIBIGAN LANG NIYA TINITINGNAN NILA NANG GANON BAKA MAS MALALA PA ANG GAWIN NILA SA BESTFRIEND KO “ pag-iisip pa nito.
“ Ano bang alam mo tungkol sa kanila? “ napatingin naman ito kay Oli “ Hinatid niya lang ang kaibigan mo kaya anong masama doon? Delikado ngayon sa labas kaya mas mabuti na yon “ halos mabali naman ang leeg ni Nico sa pagtango bilang pagsang-ayon.
“ At saka hinatid ka rin naman ni Luke at ako? “ tingin niya rito habang nang-aasar at dinig naman agad ni Yna ang bulongan ng mga estudyante sa loob.
“ Kung ganon hindi lang pala si Luke? “ dinig niyang usapan bigla ng lahat at alam ni Yna na ilang araw na naman manganganib ang buhay niya sa loob ng campus dahil sa sinabi ni Oli dahil mas malakas kasi at masasama ang ugali ng mga babaeng nababaliw kay Oli.
“ ANG SAMA MO TALAGA OLIVER!!! “ hambalos nito sa ulo ni Oli gamit ang notebook sa arm chair ni Lay kung saan magkatabi lang sila ng upuan ni Oli kaya napapikit na lang si Lay at Nico pagkatapos mamula ni Oli sa asar.
“ Ang lakas nun ah!! “ sigaw nito at napatayo.
“ Eh bakit ka nagsasabi ng mali? HOI!!! Oliver na alimangong nakawala sa dagat! Baka nakakalimotan mong ikaw ang namilit na sumabay ako sayo? Tsk! Minsan hindi ko maiwasan isipin na baka type mo talaga ako eh!! “ natawa naman bigla si Oli habang naaasar “ Kaso sorry ka! Dahil hindi ka talaga pasok sa panlasa ko!!! “ titig niya rito para iparinig na hindi siya ang nagpumilit na sumama kay Oli gayong iyon ang iniisip ng mga babaeng baliw rito “ Subokan mong ibuka ang bibig mo, tatamaan ka ulit saakin!! “ banta niya rito at palihim na lang natawa si Lay ng tamad na maupo si Oli dahil talagang tiklop ito kay Yna habang ang mga babae asar na asar kay Yna at naupo ang lahat ng dumating ang teacher nila.
“ MAKINIG KA! SA ORAS NA AWAYIN NG MGA SCHOOLMATES NATIN ANG KAIBIGAN KO, SASABUNOTAN KITA! OO, KAKALBOHIN KITA NICO!! “ bulong niya rito pagkatapos itong kwelyohan.
“ Alejandro ano yan? “ nakangiti naman itong humarap sa teacher nila pagkatapos bitawan si Nico na takot na takot rito.
" nakakatakot siya " hawak pa ni Nico sa mukha niya at nagtungong upuan niya.
“ May sinabi lang po ako kay Nico “ sabi nito saka nagtungo na ding upuan niya.
“ Partner… “ lingon rito ni April habang nagi-guilt.
“ Ayaw ko lang naman awayin din kayo ng mga schoolmates natin “ ani Yna at naiitindihan naman nila ito dahil ang totoo, si Yna lang naman ang pinakaclose sa grupo ni Oli dahil siya lang din ang pinapansin nito kaya siya talaga ang may pinaka malaking hates sa mga babae rito sa campus dahil pinagseselosan nila ito. At itong si Nico ngayon pa lang ito nagkaganito kay April.