Chapter 8

4960 Words
PAGKABALIK ng dalawa habang nauuna si Yna ay sakto namang paglabas din nila Megan sa classroom kung saan senyales na tapos na ang klase. “ Ibig sabihin ganon ako katagal natulog sa clinic? “ mahinang tanong ni Yna sa sarili niya at tama na ang pandinig ni Oli pagkatapos niyang mahabol ito para marinig ang sinabi nito. “ Hindi ka lang naman hinimatay dahil sa math subject natin kundi dahil stress ka daw “ napalingon naman ito kay Oli. “ Saan naman ako mas’stress at saka ano bang stress? “ “ Ibig sabihin malungkot ka o kaya may mga iniisip ka “ paghawak ni Lay sa ulo nito kaya marahan siyang lumingon sa kanya. “ Ganon ba yon? Siguro dahil sa pag-alis ni Ate “ mahina nitong sabi. “ Baka naman yong kasama mo sa bahay, mabait ba siya sayo? “ ani Oli saka tinanggal ang kamay ni Lay na nakahawak sa ulo ni Yna. “ Kahit ano naman siya wala akong magagawa dahil sa kanya ako iniwan ni Ate “ “ Kung ganon kakausapin ko ang ate mo para makakuha ka nang sarili mong apartment at ako nang bahala kaya hindi mo kailangan mag-alala “ “ Close ba kayo ni Ate? At saka baka isipin pa nun boypren kita, eh baka magalit lang iyon “ “ Sandali nga bakit ba ang sama mo saakin? Ako nga itong nagmamalasakit sayo at saka sasabihin ko rin sa ate mong hindi kita type! Kaya hindi niya kailangan mag-alala “ “ AHHHH! ANG SABIHIN MO HINDI KITA TYPE! “ sigaw niya rito at magsasalita pa sana sila ng tumakbo si Megan sa direksyon nila. “ Maayos ka na ba, Partner? “ “ Oo kaso ang dami ko namang hindi napasokan “ nag-aalala nitong sabi. “ Okay lang iyon alam naman nilang nasa clinic ka “ pagpapagaan nito sa loob ni Yna. SAMANTALA mabilis na bumuntot si Nico kay April ng matapos itong magligpit ng gamit at maglakad palabas. “ April sabay tayong umuwi ngayon “ “ Sige, sundan mo lang ang sasakyan ni Megan total may motor ka naman “ panluluko niya rito kaya agad ritong bumusangot si Nico. “ Ang ibig kong sabihin ihahatid kita “ pagkamot pa nito sa ulo niya. “ Okay “ napangiti naman si Nico sa tipid nitong sagot " Basta kakausapin mo siya sa bagay na yon “ tingin nito kay Yna habang katabi si Oli at masamang nakatingin kay Nico habang ang lapit kay April kaya mabilis itong lumayo rito. “ SI-SIGE, SI YNA LANG PALA EH? “ alanganin nitong sabi at nagpunas ng pawis kahit wala naman itong pawis kaya ganon na lang ang lihim ritong tawa ni April alam kasi nila gaano katakot ang tropa ni Oli rito, wala naman siyang ginagawa sa kanila pero sa bagay siya lang naman din ang nag-iisang nakakagawa ng kung ano anong bagay sa leader nila dahilan para siya lang din ang pagselosan ng mga babae rito at matakot nga rito ang tropa ni Oli at mabilib rin rito. “ Maayos na ba ang pakiramdam mo? “ tanong agad rito ni April “ Paensya kana kung umalis kami si Oli kasi ang sabi niya siya na ang bahala sayo saka kami tinulak palabas “ Agad naman ritong lumingon si Yna at itinaas ang kilay niya. “ Akala ko ba no choice ka? “ “ Tsk! May malasakit lang ako sa kanila para huwag matulad sayong namiss na naman lahat ng subject, isa pa scholar si April kaya bawal siyang mawala sa mga lesson at si Megan masyado siyang tahimik para magbantay sayo baka nga kahit pagkausap sa nurse di niya magawa at saka hindi niya rin kayang mag-isa “ tumango naman sila sa mga sinabi ni Oli pero si Lay at Nico nang-aasar ritong nakatingin ayaw kasi talaga nitong nagsasalita ng matagal o magpaliwanag pero hito siya kay Yna akala mo rapper sa dami ng sinabi. At hindi naman nagsalita pa si Yna sa mga sinabi nito pagkwan naglakad si Oli na siyang sinundan ni Lay pero si Nico ito nag-iipon ng lakas ng loob para kausapin si Yna. “ May titingnan muna ako sa library kaya baka mamaya pa ako makauwi “ ani April kaya napalingon rito sina Yna “ Yong kapatid ng kaklase natin may assignment sila at saakin pinapagawa kaya kailangan kong pumuntang library para doon “ paliwanag nito. “ Gusto sana kitang hintayin kaso may dinner date kami nila mommy “ ani Megan. “ Okay lang, kaya ko namang mag-isa “ ani April at napalingon rito si Nico. “ KUNG GANON KAHIT IPAALAM KO PALA SIYA KAY YNA HINDI RIN SIYA MAKAKAUWI DAHIL MAMAYA PA SIYA UUWI “ pagkagat nito sa ibabang labi niya sa mga naisip niya. “ sige, mag-iingat ka may pupuntahan din ako kaya hindi kita masasamahan “ ani Yna. “ Saan ka pupunta? “ sabay pang tanong rito ni April at Megan hindi kasi mahilig pumunta kung saan si Yna dahil nasanay itong kasama palagi ang ate niya kaya usually ayaw nitong naglalakad mag-isa dahil minsan na siyang nawala nong bata siya kaya may trauma ito sa pag-alis mag-isa. “ Kaya ko at saka malapit lang naman “ sabi nito habang nakangiti at dahil wala silang choice, tumango na lang sila rito na para bang chinicheer pa siya. “ Mauna na ako “ ani April saka naglakad at ngumiti kay Nico na halos pinagbagsakan ng langit at lupa. “ GOOD LUCK PARTNER!!! “ ani Yna at ngumiti naman rito si April habang si Megan nakangiti din sa kanya. “ GOOD LUCK, April “ alanganin ritong pacheer ni Nico pero hindi na ito nilingon ni April sobrang hina kasi ng pagkakasabi nito. “ At bakit nandito ka pa? “ masama ritong lingon ni Yna kaya agad napaayos ng tindig si Nico. “ Sige, mauna na rin ako “ mabilis nitong paglalakad at ngiti kay Yna saka tumakbo sa direksyon nila Oli na medyo nalalayuan na pagkwan dumating na din silang gate at nandito pa sina Oli habang hinihintay sina Kier at hindi nagtagal dumating na din sila, ganon din ang sundo ni Megan. “ Good afternoon Ma’am “ pagbubukas ng driver sa sasakyan ni Megan “ Sumakay na po kayo para maihatid ko na po kayo, kanina pa po kayo hinihintay ni madam “ ani driver. “ Partner ihahatid muna kita sa pupuntahan mo “ lingon rito ni Megan. “ Hindi na baka matagalan ka pa at saka malapit lang naman iyong pupuntahan ko kaya mauna kana “ pagpapasakay niya rito kaya wala na itong nagawa. “ Sigurado ka ba Partner? “ tumango naman rito si Yna habang nakangiti. “ Umalis kana “ sabi pa nito pagkwan nilingon nito sina Oli. “ Mauna na ako “ ani Megan pero masungit lang itong tiningnan ni Oli habang si Lay kumakaway sa kanya at nakangiti rito si Nico ganon din si Kier habang nakatingin sa kanya kaya ganon na lang ang pag-iinit ng mukha niya kaya agad itong lumingon kay Yna. “ Partner? “ “ Oo, mauna kana “ pagkaway pa nito ng paulit ulit kaya umalis na si Megan. “ Baka mabali yang kamay mo “ ani Oli kaya mabilis nitong binaba ang kamay niya at masamang nilingon si Oli kung saan naglalakad siyang sinusundan ng grupo niya patungo sa mga motor nila. “ TARA NA, YNA LENG!!! “ pagkausap nito sa sarili niya saka naglakad dahil ang totoo kinakabahan talaga itong lumalabas mag-isa at napipilitan lang ito o walang choice tulad ngayon pero natigilan siya ng may maramdaman siya sa uniform niya. “ Kung ganon nandito pa ito? “ tingin nito sa cellphone ni Kevin at muntik na niya itong mabitiwan ng biglang tumunog. “ Sasagotin ko ba? Paano kung magalit siya saakin? Paniguradong para sa kanya naman ang tawag na ito kaya wag mong papakialaman Yna “ pagkausap nito sa sarili niya kaya agad niya itong itinago ng maisip na hindi naman sa kanya yong cellphone at nang matigil itong tumunog muli niyang tiningnan. “ 2 missed calls “ sabi pa nito pagkwan may dumating ritong message. “ Its Binbin, answer the phone “ at agad naman siyang nataranta nang mabasa ito kaya agad niyang tinitigan ang phone at nag-abang ng call at mga ilang segundo tumunog nga ito muli. “ Dadaanan kita, kailan matatapos ang klase mo? “ agad naman natigilan si Yna sa boses ni Kevin. “ GRABE KAHIT SA CELLPHONE NAPAKA GWAPO NG BOSES NIYA “ sabi pa nito habang pinapakinggan ang boses ni Kevin sa kabilang linya. “ Leng nandiyan ka pa ba? “ tanong pa nito pero nakikinig lang rito si Yna “ Naririnig mo ba ako? “ at nong hindi na sumagot si Yna ay pinutol ito ni Kevin kaya ganon na lang ang pagpapanic nito. “ HALA!!! PINUTOL NIYA!!! BAKIT KASI NAKIKINIG KA LANG AT ANO NAMAN KUNG GWAPO ANG BOSES NIYA?! ANO NGAYON YNA!!! “ pangaral pa nito sa sarili niya pagkwan tumawag ulit si Kevin at mabilis niya itong sinagot. “ HE-HELLO!! ULIT “ nauutal pa nitong sabi habang nakangiti. “ May problema ba? “ tanong rito agad ni Kevin. “ Problema? Ba-bakit naman? “ alanganin pa nitong sagot. “ Ah, hindi ka nagsasalita kanina “ ani Kevin kaya agad hinampas ni Yna ang ulo niya sa hangin kaya ganon naman ang iling nila Oli habang pinapanood nila ito habang ang ilang schoolmate nila nakatingin din sa kanya “ Nevermind, patapos na ako rito, hinatayin mo lang ako sandali “ pagsasalita muli ni Kevin ng hindi na magsalita si Yna. “ Hi-hindi, wa-wala na ako sa school “ pagsisinungaling nito para siguradohing hindi mag-aaksaya ng oras si Binbin pumunta rito “ Bibili na ako ngayon ng plato kaya wag ka nang pumunta sa school “ “ Leng, I told you wag mo nang isipin iyan “ “ Sige na, ba-bye na “ pagbalewala nito sa sinabi ni Kevin saka pinutol ang tawag. “ ANO BA KUNG GUSTO KONG PALITAN? AT SAKA MAY BUDGET NAMAN AKO DOON NOH “ kuha pa nito sa wallet niya saka binuksan at may 350 itong cash “ Kasya naman ito siguro, may tag-20 ngang plato pero syempre tulad nong plato niya dapat ang bilhin ko siguro mga 50 lang medyo maganda naman din kasi ang design “ pagkausap pa nito sa sarili niya saka binulsa ang Doraemon nitong wallet at naglakad pero ganon na lang ang asar niya ng pumarada si Oli sa harapan niya kung saan sina Lay sa unahan sila huminto para hintayin si Oli. “ Kailan ka pa nagkacellphone? “ tanong agad rito ni Oli. “ Pakialam mo?! At saka puwedi ba wag kang paparada bigla sa harapan ko!! Muntik na ako doon ah!!! “ masama nitong tingin kay Oli. “ Buhay ka pa naman ah at saka ako pa? tansya ko lahat! “ mayabang pa nitong sabi at ganon na lang ang gulat niya ng biglang magpatumba si Yna saka tumayo muli “ Ano na naman iyon? “ nagtataka pa niyang tingin rito. “ EDI! NATUMBA SA DALA MONG HANGIN! “ pagpagpag pa nito sa palda niya saka naglakad. “ Naku! Malala kana “ natatawa ritong sabi ni Oli saka ito sinundan gamit ang motor niya. “ Halika na umangkas ka saakin “ mahina nitong sabi pero tama na ang pandinig ni Yna para marinig iyon kaya agad itong napahinto. “ Ano yan kanina demonyo tapos bigla ka namang nasaniban ng anghel? Hoiii!! Oli baka may nakatago kang Yokai diyan ah “ tawa pa nito kaya napakunot naman ng noo si Oli sa sinabi nito, pilit nga lang niyang inaya ito tapos ganito lang ang sasabihn niya. Magkaibigan si Yna at Oli pero sa anime lang sila nagkakasundo at never talaga silang nag-aayaan nang mga magagandang bagay puwera na lang kung may ugnayan sa anime o seryosong bagay. Anyway, Yokai is a Japanese anime kung saan mga espirito sila, iba iba may mabait at mayroon ding masama. “ EDI! WAG, TSK! WAG KANG IIYAK PAGWALA KANG NASAKYAN AH “ napalingon naman rito si Yna at saktong dumating na din sila kinaroroonan nila Luke. “ Tsk! Wag mo nga akong pinagluluko maaga pa, kaya marami pang sasakyan “ “ Makinig ka, iilan lang rito sa school ang walang sasakyan na tulad mo kaya bihira lang may nagpupuntang sasakyan rito “ natahimik naman bigla si Yna magmula ng maging kaibigan sila ni Megan nong G7 hindi na siya nakakapag-commute at nong elementary naman hatid sundo siya ng ate niya kaya alam niyang hindi nagsisinungaling si Oli at malayo pa ang lalakarin niya kung sa may mga sasakyan talaga siya pupunta paniguradong mauubos ang oras niya. “ Saan ba ang punta mo? “ napalingon naman agad ito kay Luke. “ Ah, bibili ako ng plato “ “ Plato? “ hindi pa nila makapaniwalang tanong rito. “ Oo, nabasag ko kasi yong plato at baso ni Binbin kaya gusto kong palitan “ “ PULOBI BA YON PARA IPAPALIT PA SAYO? “ Ganon naman ang pagtatagisan ng bagaang ni Yna sa lumabas sa bibig ni Oli. “ Pulobi? Tsk! Mas mahal nga yon tingnan kaysa sayo “ ganon naman ang tawanan nila Luke sa sinabi ni Yna pero agad silang natahimik ng lumingon sa kanila ng masama si Oli. “ Bakit ba galit na galit ka diyan? Para yon lang! “ “ Eh! Hindi naman siya pulobi! “ sigaw pa nito at natigilan naman siya sa pagtatanggol pa rito ni Yna. “ Wag mo sabihing crush mo pa rin iyon para ipagtanggol ng ganyan? “ pagtawa rito ni Oli kaya ganon naman ang pamumula ni Yna sa inis. “ KAPAG HINDI KA TUMIGIL SASAMAIN KA SAAKIN, OLIVER!!! “ asar na asar niyang tingin rito kaya tuloyan ng natahimik si Oli dahilan para lihim na matawa sina Lay, tiklop agad eh. “ Yna puwedi ka naming samahan “ ani Lay. “ Oo nga delikado pa naman sa labas mag-isa “ ani Nico. “ Halika na, umangkas kana saakin “ ani Luke “ Kung nagmamadali ka sumakay kana para hindi maubos ang oras mo “ marahan namang naglakad si Yna sa direksyon nito kaya si Oli mabilis na humarorot. “ Pikon na naman sayo “ pagtawa ni Lay. “ Samahan mo na lag siya “ ani Luke “ Baka saan pa mapunta yon “ sabi pa nito, well, si Luke ang pinaka-kalmado at parang malamya tingnan sa kanila dahil may pagkafeminine ang awrahan niya dahil sa puti nito at siya rin ang tumatayong second leader ng grupo nila. “ Yna, pasensya na kung di ako makakasama sa pagbili mo ng plato “ mahina namang tumango rito si Yna pagkwan pinalarga ni Lay ang motor niya. “ Tara na! Excited din akong makakita ng mga platong bibilhin, first time kong gagawin “ ani Nico na-excited para sa tulad niyang anak mayaman na hindi pa nagagawa ang ganito pero natigilan siya ng tapikin siya ni Kier bigla. “ Hindi mo ba alam na mag-isa ngayon sa school si April “ napalingon naman siya sa mahina niyang sabi rito “ Hindi ba’t mas nakaka-excite kung maihahatid mo siya pauwi? “ nangislap naman ang mata nito sa sinabi ni Kier. “ Bakit ngayon mo lang sinabi? Di ko man lang yan naisip ah “ naiiyak pa nitong sabi dahil sa kanilang lahat si Nico ang sumusunod sa ka-ingotan ni Yna. “ Kay Lay ko lang din nalaman na naiwan pala si April “ mahina pa nitong sabi. “ Maaasahan ka talaga sa mga ganitong bagay “ hawak pa nito sa pisngi ni Kier saka hinalikan sa noo kaya natawa na lang siya rito, wala naman kasing bago kay Nico sa bagay na ito at saka siya ang pinaka bata sa kanila kaya medyo malapit lang sila ng ugali ni Yna sa madaling salita napaka-cute din ni Nico. “ Tara na “ ani Luke saka pinaandar ang motor at napapikit si Yna ng mabilis niya itong patakbohin. “ I’m sorry “ pagbagal bigla ni Luke ng makita sa mirror na nakapikit si Yna at mahigpit na humawak sa kanya pagkatapos matakot. “ Okay lang pero Luke wala namang pakpak ang motor mo para patakbohin mo ng ganon, hi-hindi siya lilipad Luke at saka pusa ba kayo para magpatakbo ng ganon? Aba! Akala mo lang may siyam kang buhay ah! " madami nitong sabi habang nakahawak pa rin ng mahigpit kay Luke kaya napangiti na lang si Luke pagkatapos macute-an sa mga sinabi nito. At pagkaraan ng ilang minuto dumating na sila sa sinasabi ni Yna at sa may mga nakaparada sa kalsada ito nagtungo. “ Tatlo lang tayo? “ hanap nito kay Nico “ Naiwan ata natin si Nico kayo naman kasi ang bilis niyong magpatakbo “ nakakunot noo niyang lingon sa dalawa. “ Hindi siya sumama may naiwan siya sa school kaya bumalik siya “ ani Kier. “ Ano naman? “ “ Pinaka mahalagang bagay sa kanya “ makahulogan pang sabi ni Kier saka umakbay kay Yna. “ Anong klaseng platk ba ang hinahanap mo? “ tanong pa nito para ibahin ang usapan bago pa niya maisip na si April ang binalikan nito kahit imposible pang maisip niya. “ Sandali lang titingnan ko sa mga nakaparada pero diyan na kayo baka mawala ang motor niyo eh " ani Yna saka tinanggal ang braso ni Kier na nakayakap rito saka pabagsak na binitiwan. “ Grabe ka saakin “ kunwaring pagtatampo rito ni Kier. “ Mamaya kasi baka ma-in-love ka pa saakin “ pagbibiro nito “ Pero hindi kita type kaya maiwan na kita “ tawang tawa naman sila sa sinabi nito habang pinapanood itong nagtungo sa mga plato. “ No wonder why Oli’s very entertain to her “ napalingon naman si Kier kay Luke “ She’s cute at napaka inosente “ “ Baka hindi ka rin type kaya tigilan mo yan! “ palo ni Kier sa dibdib nito saka naupo sa motor niya kaya natawa na lang si Luke sa biro nito at pagkaraan ng ilang minuto dumating si Yna at wala itong nabili. “ Iba ang plato nila at saka puro plastic, e babasagin lahat ng gamit ni Binbin “ malungkot nitong sabi. “ Anong klase ba yong nabasag mo? “ tanong ni Luke pagkatapos bumusangot nitong si Yna. “ Puti tapos parang may ash blue sa gilid at sobrang gaan “ “ Saan pa ang alam mong puweding bilhan para masamahan ka namin “ ani Kier pagkatapos din malungkot sa malulungkot na tingin ni Yna. “ Wala, si ate naman kasi ang bumibili ng gamit namin, ito lang din ang alam kong napuntahan namin minsan “ “ Sandali susubokan kong kausapin yong kaibigan ko, nagmamay-ari kasi sila ng restaurant so baka may alam siya “ pagkuha ni Kier sa phone niya at napangiti naman si Luke dahil alam niyang hindi lang ito basta kaibigan lang ni Kier, malamang isa sa mga babae niya. “ Hi, gorgeous “ napangiwi naman si Yna sa malambing na sabi ni Kier sa kabilang linya kaya si Luke di niya napigilang matawa doon pagkwan tumalikod din si Kier ng mapansin ang mga tingin rito ni Yna na akala mo isa siyang pokpok. “ okay na, may alam nga siya “ pagsakay ni Kier “ Tara puntahan natin “ tingin pa nito kay Yna at natawa siya ng nakangiwi pa rin ito sa kanya. “ Kaibigan ko nga lang iyon kaso kasalanan ko bang higit pa sa kaibigan ang tingin saakin? “ mayabang pa nitong pagngiti kay Yna. “ Naku! Ang sabihin mo mahilig ka lang talaga ng babae “ pag-angkas nito kay Luke “ Pero di bale na ang mahalaga may napagtanongan tayo kaya salamat sa kanya! “ masaya pa nitong sabi kaya napatango na lang itong dalawa kay Yna at nagtungo nga sila sa sinabi ng babae sa kanya. “ Pumasok na tayo “ ani Luke at napalunok si Yna ng bumungad rito ang isang malaking building at alam niya kahit hindi siya pumasok mga mahal ang nandito. “ Hindi kaya mali tayo ng napuntahan? “ tanong pa niya saka hinawakan ang backpack nito. “ Denescribe ko yong platong sinabi mo at ayon sa kanya mayron daw dito at usually dito lang iyon matatagpuan “ ani Kier. “ Halika na, wala namang masama kung titingnan natin “ ani Luke at pumasok na nga sila pero pagkaraan ng ilang minuto naglakad na rin silang palabas sobrang mamahal kasi ng plato kaya pakiramdam ni Yna bumigat bigla ang pakiramdam niya at wala din ang plato ni Kevin dahil bihira lang daw iyon silang magkaroon ng stock doon. “ I can lend you money “ ani Luke ng mabasa ang mga tingin ni Yna. “ Hi-hindi, sayang naman din kasi ang pera at saka naisip ko lang hindi kaya peki yong kay Binbin? Kung ganon kasi kamahal e bakit hindi man lang siya nagalit saakin nong mabasag ko? Tama! Saka ko na papalitan kapag nasabi niyang peki “ lingon pa nito sa kanila. “ Ang sabi mo mayaman siya at isang doctor tapos walang asawa, so I guess, totoo talaga iyon “ napabusangot naman si Yna sa sinabi ni Luke. “ Ibig sabihin ganon talaga kamahal ang dapat kong bilhin? Ubos ang allowance na binigay saakin ni ate sa loob ng isang buwan “ pagbusangot nito pagkatapos mag-isip. “ Bumalik tayo ulit rito kapag nalaman mo ang totoo at ako ang magbabayad “ napalingon naman ito kay Luke pagkwan hinawakan siya nito sa ulo “ Basta magtali ka ng pink sa sunod at yon na ang bayad mo “ naki-cute-an niyang tingin kay Yna pagkatapos maisip na nakatali ito ng kulay pink kaya mabilis itong hinila ni Kier bago pa manggigil rito si Luke. “ Lumabas na tayo “ akbay nito kay Yna pero mabilis niya itong tinanggal. “ Alam kong hindi ka manyakis Kier pero baka masaktan kita bigla dahil sa kaaakbay mo “ nanggigil niyang sabi rito saka naglakad kaya napangiti na lang si Luke pero ganon na lang ang pagkunot noo ni Yna ng madagdagan ang motor ni Luke at Kier. “ PATI BA NAMAN DITO MAKIKITA KO ITONG MOTOR NI OLI? “ asar pa niyang titig rito “ Pero okay lang, ang mahalaga hindi si Oli “ pagsasalita pa nito kaya si Luke sobrang naki-cute-an rito. “ Kamukha ng motor ni Oli at Lay “ pagharap ni Yna sa dalawa pero natigilan siya ng katabi na rin nila ang dalawa. “ Kung ganon hindi lang motor ni Oli ang may kamukha kundi pati siya? Grabe! Siguro mabait ka naman “ titig niya pa rito. “ Naku! Minsan talaga Yna naiisip ko baka lumuwag na ang tornilyo mo sa ulo “ at ganon na lang ang pag-usok ng tenga niya ng makomperma niyang si Oli talaga ito at hindi niya lang kamukha dahil sa masamang tabas ng dila nito. “ cute naman iyon ah “ pagsingit bigla ni Luke “ Talking to nonliving things is such a cute thing “ nakangiti pa nitong sabi habang nakatingin kay Yna kaya ganon naman ang pagbablush niya ng maramdamang seryoso si Luke sa sinabi nito. “ YNA ALAM MO BANG MAHILIG NG CUTE NA BAGAY SI LUKE “ bulong rito ni Lay bigla na siyang paglapit din ni Kier pagkatapos mabasa ang mga ngiti ni Lay dahil sa panluluko kay Yna. “ KAYA MAG-IINGAT KA “ bulong rin rito ni Kier na may panluluko kaya bahagya namang napatingin si Yna kay Luke at napalunok ito ng maglakad ito sa direksyon niya. “ TIGILAN NIYO NGA PANLULUKO KAY YNA KUNG ANO ANONG PINAGSASABI NIYO! “ mabilis naman itong napaatras ng magtangka si Luke na akbayan siya kaya di nito napigil ang matawa rito na siyang sinundan nila Lay ng pagtawa pagkatapos maniwala ni Yna at matakot rito pero totoo talagang mahihilig ng mga feminine things si Luke. “ They are just joking, Yna “ natatawa pa nitong sabi dahil sa napaka cute na reaction ni Yna. “ Ano bang ikinakatakot mo diyan? Sa tingin mo ba talaga cute ka? “ napalingon naman ito sa biglang pagsasalita ni Oli kaya naalis din ang pangamba niya. “ Ah, si-sige, mauuna na ako sainyo “ pag-ayos nito ng tayo at naglakad. “ Ihahatid ka namin “ sigaw ni Luke. “ Hindi na, kaya ko namang umuwi eh “ sagot nito ng hindi lumilingon sa kanila. “ Kayo kung ano anong sinasabi niyo “ napalingon naman sila sa pagsasalita ni Oli saka sumakay sa motor niya “ Tayo na “ pagsunod nito kay Yna kaya ganon na lang din ang pag-aalala nila Kier sa panluluko nila rito na ngayon uuwi na lang siyang mag-isa. “ HINDI KO NA UULITIN SABIHIN ITO PERO SUMABAY KANA SAAMIN! “ pagparada ni Oli sa harapan ni Yna. “ Ano bang problema niyo? Kaya ko namang umuwi mag-isa “ naaasar niyang tingin kay Oli. “ Ang sabi ni April hindi ka sanay lumabas ng bahay mag-isa “ agad namang umiwas ng tingin rito si Yna dahil ang totoo, kinakabahan din siyang umuwi first time pa naman niya sa lugar na 'toh. “ Kung ganon sumabay kana saamin, Yna “ ani Luke “ Niluluko ka lang nila Lay “ sabi pa nito. “ Sorry Yna “ ngiti nila rito kaya kumalma na din ang mukha niya. “ Hindi sa ganon... kasi baka anong isipin ni Binbin kung makita niyang mga lalaki ang kasama ko “ dahilan nito pero totoo naman din iyon kahit papaano. “ Ako lang ang maghahatid sayo “ ani Oli. “ O ako “ sabay pang sabi ni Lay at Kier. “ Saakin kana ulit umangkas “ ani Luke. “ Malapit ng dumilim kaya sumakay kana baka hinahanap kana nong kasama mo sa bahay “ pagsasalita agad ni Oli ng mapansin na may balak pang tumanggi ni Yna. “ Tayo na “ sabay sabay pa nilang sabi pagkwan isa isa silang nilingon ni Yna at ngumiti na lang sila ng makapili ito ng maghahatid sa kanya. “ Kumapit ka “ ani Oli. “ Tayo na kasi! “ asar na sabi ni Yna alam kasi niyang baka mang-asar lang si Oli pagkatapos niya itong piliin “ Ba-bye ah " sabi pa nito bago sila umalis. “ Wala namang nakakapagtaka kung kay Oli siya sumabay “ ani Lay. “ Oo, sa araw araw ba namang asaran nila imposibleng hindi sila maging komportable sa isa’t isa “ ani Kier. “ At ang dami ring alam ni Oli sa kanya, hindi ba’t nakakapagtaka iyon para sa tulad ni Oli na kahit birthday niya hindi maalala “ ani Luke. “ Sabi ko naman sainyo eh! May dahilan bakit lumapit diyan si Oli at hindi lang talaga ng dahil sa anime “ ani Kier. “ Sigurado naman iyon, kailan pa nga ba natuwa iyon sa iba “ ani Luke na siyang pag-alis na din nila. SAMANTALA kahit anong pigil ni Oli sa inis niya hindi nito mapigil dahil sa bahagya lang ritong hawak ni Yna. “ Gusto mo bang hindi tumuntong ng 19? “ asar ritong sabi ni Oli. “ E bakit ikaw ayaw mo bang tumungtong din nang 20? “ asar din ritong sabi ni Yna habang natatakot sa bilis tumakbo ni Oli. “ Alam mo may lakad kami, kaya hindi ako sumunod sainyo para ihatid ka kaya humawak ka ng maayos para makabalik ako sa tropa ko at makarating tayo ng maayos sainyo at baka hospital pa tayo mapunta “ at mas naasar itong si Oli ng wala ding nangyari. “ Iyon naman pala eh! Edi! Bumagal ka_____ AHHHHHHHH! “ biglang sigaw ni Yna habang nagsasalita pagkatapos huminto bigla ni Oli sa gilid dahilan para mapayakap rito. “ HOY! OLI KUNG NAGPAPAKAMATAY KA HUWAG MO AKONG IDAMAY! “ sigaw nito. “ Tsk! Kakabili ko lang nitong motor ko kaya wala akong balak gawin kang pambuwenamano rito “ at magsasalita sana si Yna nang maramdaman niyang hawakan ni Oli ang dalawang braso niya at pinalibot sa bewang niya. “ Wala akong chakra ng tulad kay Naruto kaya pagmay nangyari saatin baka masaktan ka “ ramdam naman nito sa boses ni Oli ang pag-aalala kaya hindi na siya nagsalita at humawak rito ng maayos kaya nagbyahe na silang tahimik. “ Saan ba banda rito sainyo? “ ani Oli nang masabi ni Yna kung saan siya tumutuloy. “ Dito na “ sabi nito ng huminto si Oli “ Sige na, umuwi kana “ pagkaway pa nito kaya nakakunot noo ritong tumingin si Oli. “ Okay ka rin ha! Pagkatapos kitang ihatid pinapalayas mo na ako agad “ bago pa bumuka ang bibig ni Yna ng hindi maganda nagsalita agad si Oli “ May cellphone ka na? “ alanganin pa nitong tanong. “ Huh? “ nagtatakang tingin rito ni Yna pagkwan naalala nito ang cellphone ni Kevin na nakita nito kanina “ Ah, hindi saakin iyon pinahiram lang saakin ni Binbin at nakalimotan ko lang ibalik sa kanya “ paliwanag nito at natigilan siya ng may ibigay ritong nakaflip na papel si Oli. “ For emergency puwedi mo akong kontakin diyan at darating agad ako “ sabi nito pagkatapos tingnan ni Yna at napangiti ito ng bahagyang mapangiti si Yna pagkatapos matuwa rito. “ Alam mo napakabait ni Binbin kaya alam kong bago ka pa dumating kung may mangyari man baka mauna siya sayo dahil alam niyang malalagot siya kay Ate kung hindi niya gagawin “ pagbulsa nito sa number ni Oli ng hindi naiisip na si Kevin ang inaalala ni Oli since lalaki ito at babae si Yna tas magkasama sila sa bahay “ Mag-iingat ka “ pagkaway nitong muli kaya umalis na din si Oli pero huminto ito ng lumiko ito kung saan hindi na siya makikita ni Yna kaya Madali itong bumaba sa motor niya at tumakbo para silipin kung saan magtutungo si Yna pero ganon na lang ang dismaya niya ng nawala na ito sa kaninang kinatatayuan niya. “ Ang bilis naman niya “ bulong nito “ Saan kaya banda ang sa kanila rito “ pagkausap pa niya sa sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD