YNA’s POV:
NAPAMULAT agad ako nang mata ng maisip kong nasa bahay ako ni Binbin at kagaya ng iniisip ko nasa palasyo nga ako ni Doraemon kaya napangiti agad ako. Siguro kung hindi dahil sa Doraemon na ito baka nangungulila pa rin ako kay Ate, sa pag-iisa ko sa buhay pero bakit namamanhid ang kamay ko? lingon ko rito at natigilan ako nang nakaupo pa rin si Binbin sa kagabing kinauupuan niya.
“ Kung ganon dito siya natulog? Naka-upo? “ pagmamasdan ko pa rito pagkwan naramdaman ko ulit ang kamay kong namamanhid kaya nilingon ko ito at di ko ito magalaw ng makitang magkahawak kami ng kamay ni Binbin “ BAKIT MAGKAHAWAK KAMI? “ tanong ko pa at gusto ko itong bawiin kaso ayaw kumilos ng kamay ko “ Napakaganda ng kamay niya… mahahaba ito at parang kamay din ng babae mas maganda pa nga ata sa kamay ko eh at katulad kahapon maiinit ito “ paggalaw ko ng bahagya sa kamay ko para pakiramdaman ang kamay niya at iwan ko pero pakiramdam ko ang init ng pisngi ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko basta ayaw tanggalin ng kamay ko ang pagkakahawak ko sa kanya pagkwan dumako ang tingin ko sa mukha niyang nakapikit pa rin.
“ TULAD NOON NAPAKAGWAPO PA RIN NIYA, WALA NGA MASYADONG NAGBAGO SA MUKHA NIYA, HINDI MO IISIPING SAMPONG TAON ANG LAYO NIYA SA EDAD KO, KUNG MAY ANGHEL MAN SA MGA TELESERYE, SI BINBIN NAMAN SIYA YONG CHARACTER NA BAMPIRA NA HINDI TUMATANDA “ pagmamasdan ko rito “ MAKAKAPAL ANG KILAY NIYA AT ANG GWAPO NG PAGKAKAHULMA NG ILONG, ANG LABI NIYA MEDYO MAKAPAL PERO HINDI SIYA MALAKI KAYA NAPAKACUTE NITONG TINGNAN AT MEDYO MAY KAHABAAN ANG MUKHA KAYA PARA SIYANG C-DRAMA's idol TINGNAN SA BAGAY MAY LAHI NGA DIN PALA SIYANG CHINESE… MAY MGA TAO TALAGANG PINAPANGANAK NA MASYADONG PABORITO NI GOD PARA MAGKAROON NG GANITONG MUKHA “ pagkwan napatingin ako sa mga mata niya ng bigla itong bumukas “ GAYA NG SABI KO MAY LAHI ITONG CHINESE KAYA MALILIIT ANG MATA NIYA NA MEDYO MAY PAGKABILOGAN KAYA BAGAY NA BAGAY ITO SA KANYA “ paghawak ko pa sa mukha niya at sa liit ng kamay ko halos magkasing laki lang sila ng pisngi niya.
“ Good morning “ pasasalita nito kaya napatingin ako rito bigla at ilang beses ritong kumurap “ NAGSASALITA KA RIN PA LANG TULOG AT NAKABUKAS PA ANG MATA MO? “ tanong ko rito habang nakahawak pa rin sa pisngi niya at nakatitig sa mata niya habang nagtataka kung paano nangyayaring tulog siya habang bukas ang mata niya.
“ I’m awake, Leng “ pagsasalita pa nito kaya inalis ko ang pagkakahawak sa kanya para pakinggan kung nagsalita ba siya “ Kanina ka pa ba gising? “ tanong pa niyang ulit saka ito umayos ng upo na para bang naiilang sa pagkakatitig ko rito at lapit sa kanya pagkwan naramdaman ko ang kamay niyang gumalaw mula sa pagkakahawak namin kaya mabilis ko itong tiningnan at marahan niya itong tinanggal.
“ ANONG ORAS NA BA? “ tanong pa niya saka tumayo habang inistretch ang ulo niya kaya hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kanya “ MAGBIHIS KANA PARA PUMASOK “ sabi nito at naglakad palabas at para naman akong tood ritong nakatingin at nang isara nito ang pinto pakiramdam ko nawalan ako bigla ng lakas at dahan dahan akong bumagsak sa kama ko nang marealize na gising si Binbin at hindi siya nananaginip habang nakahawak ako sa pisngi niya.
“ AHHHHHHH!!! ISANG ARAW KA PA LANG RITO UMIRAL NA NAMAN KAINGOTAN MO, YNA! YNA! “ pagpukpok ko sa ulo ko at agad kong isinubsub sa unan ang mukha ko ng maisip na naman ang mga nangyari at dahil nasa may gilid ang unan na sinubsoban ko kaya nahulog ito sa may kama dahilan para maumpog ang ulo ko din sa sahig.
“ awwwww “ hawak ko rito habang ang sakit “ siguro kaya ako nagiging bobo dahil sa paulit ulit kong pagkakaumpog “ pagpalo ko pa sa baba ko gamit ang kamay ko, iwan ko anong dahilan pero nong buhay si Papa ganon daw dapat ang ginagawa pagnauuntog ang ulo. Naku! May pasok pa ako kaya kailangan ko ng maghanda at kalimotan ang nangyaring ito dahil wala naman akong magagawa puwera na lang kung biglang mawawalan ng memory si Binbin kaso imposible naman iyon dahil matalino siyang tao kaya imposibleng gagawa siya ng bagay para mawalan ng utak. Haist! Sarili mo ang sisihin mo Yna kung di ka ba naman bobo, naku! Basta kailangan tama na ang kahihiyang iyon at wag na natin dugtongan kung ayaw mong tanggalan ko ng utak ang ulo natin. Hawak ko sa ulo ko habang naglalakad sa banyo at ganon na lang ang sigaw ko ng maalala na naman ang mga nangyari.
“ SANDALI… ANO BANG MASAMA DOON? HINDI BA PUWEDING MAY IPIS SIYA SA MUKHA KAYA AKO NAKAHAWAK DOON PARA PAALISIN, TAMA IYON ANG SASABIHIN KO MAMAYA MAISIP NIYANG NABABALIW PA RIN TAYO SA KANYA, E HINDI NA NGA SIYA NAGPAKITA SAATIN AFTER NG PAGTATAPAT NATIN, E BAKA PALAYASIN TAYO SA PAGKAKATAONG ITO SINCE TAYO ANG NASA BAHAY NIYA, IMPOSIBLE NAMANG SIYA ANG MAGLAYAS “ matalino kong pag-iisip, kahit ganito ako matalino naman ako kahit ilang segundo lang “ Pero sandali hindi ba obvious ang ipis? Ang linis naman niya para gawing pugad ng ipis ang mukha niya pero… puwedi namang nainlove sa kanya ang ipis kaya siya nandoon “ pag-iisip ko pa at buo na ang pasya ko para idahilan iyon mamaya palayasin talaga ako, mukha pa namang may girlfriend si Binbin sabi nga niya kagabi hindi lang sa pamilya ang tunay na kaligayahan, sa totoo niyan wala masyado akong maitindihan kapag nag-uusap kami, tulad kagabi, paano kasi puro siya English, alam kong mukha akong foreigner at matalinong babae tingin ko pa sa salamin at kumindat rito habang nagtotoothbrush at nag-iisip kaso kailangan niyang maitindihan na bobo ako na hindi dapat ako ini-english.
PAGKATAPOS ko sa banyo lumabas na ako at nagsuot ng uniform saka ako nagtali sa buhok at dahil basa pa ito kaya dalawang cute na lang sa unahan ang ginawa kong tali para matuyo agad ang buhok ko at saka bawal daw sabi ni Ate itali ang buhok kapag basa.
“ BEAUTIFUL ME, BEAUTIFUL LIFE!!! “ ngiti ko pa sa salamin saka sinuot ang bag ko habang nakangiti dahil sabi ni Papa kapag gumising kang masaya puweding magtapos ang araw ng masaya “ KAINIS! KAHIHIYAN NGA PALA ANG UMAGA KO “ pagkatapos kong maisip ang nangyari na naman kaya mabilis akong umiling ng marami para kalimotan iyon “ MAGPAPALIWANAG AKO TUNGKOL DOON KAYA WALANG NAKAKAHIYA, KAYA LABAN YNA!! SMILE!!! “ paglalakad kong muli pero natigilan ako sa pagsara sa kwarto ko nang maisip kong absent ako kahapon.
“ TAMA, WALA NGA PALA AKONG EXCUSE LETTER, ANG SABI KO NAMAN KASI KAY ATE HAHABOL DIN AKO SA SCHOOL KASO NAKATULOG AKO SA SAHIG KAYA WHOLE DAY AKONG ABSENT KAHAPON KAYA KAILANGAN KONG MAGDALA NG PARENT PARA DOON “ pakiramdam ko guguho na naman ang mundo ko pagkatapos maisip si Binbin dahil wala naman akong maisasama sa school maliban sa kanya at alam kong busy siya kaya nakakahiya magsabi pero hindi maaaring hindi ako pumasok " Kaya laban ulit, Bobong Yna na may ulo pero isang gramo nga lang ang utak! “ pagpapatuloy kong maglakad papunta sa may sala kung saan katabi din ang kusina pagkwan nilingon ko ang kwarto ni Binbin at nakasara ito “ sa baba ko na lang hihintayin mamaya wala na naman siyang damit “ at napahawak ako sa mukha ko nang maisip iyong kagabi at hindi sa minamanyak ko siya pero maganda din ang katawan niya, wala siyang abs pero napaka-sexy niyang tingnan, Naku! Masisira na naman ang utak ko kapag pinagpatuloy ko ito pagpapatuloy kong maglakad.
“ Let’s take our breakfast! “ napatingin naman ako bigla rito at nakakamangha lang dahil nakapagluto na ito para sa almusal namin, iwan kasi bakit breakpast ang haba sabihin tas ang hirap pa puwedi naman kasing almusal lang o kaya al na lang or musal. At ang akala ko nasa kwarto pa ito, iba talaga kapag perfect kang humihinga, may hitsura kana tas masipag ka pa sa buhay.
“ Are you okay? “ tanong nito at alam ko na ang dami ko rin naman kasing sinabi sa utak ko kaya baka nawewerdohan na rin ito saakin habang nakatayo akong nakatingin sa sahig at kinakausap ang sarili ko.
“ Okay lang ako “ pag-upo ko.
“ I cook an egg for you and I made you a lunch box “ tumango naman ako rito saka naghanda ng pagkain ko.
“ Are you mad? “ tanong pa nito pero mabilis lang akong umiling rito. Tssst! nakakawalang gana magsalita ang pag-eenglish niya kaya bahala siyang magsalita mag-isa.
“ Bakit hindi ka nagsasalita? Hindi mo ba gusto yang egg? Sabi ng ate mo paborito mo kaya yan ang niluto ko ulit “ mahaba pa nitong sabi at iwan ko bakit ito nagpapaliwanag para namang imperatress ako nito kulang na lang tawagin akong kamahalan naku! Takot ba ito saakin? At sa mga naisip ko hindi ko maiwasang mapangiti.
“ Marunong ka naman pala magtagalog e bakit English ka ng English? “ tingin ko rito nang masama at tulad ng madalas niyang reaction gulat na gulat na naman ito sa sinabi ko “ Oii! Binbin..! High school pa lang ako kaya di ako sanay mag-english, eh! Siguro kung tapos na ako baka englishin rin kita kaya pakiusap wag kang mag-english nilalamig ako tsst! wala pa naman tayo sa amerika, mamaya maikot ko sa leeg mo ang scarf na puwedi kong gamitin sa lamig “ madaldal ko ritong sabi “ Kaya magtagalog ka kung gusto mo pang huminga sa hangin ng planetang earth! “ pagkain ko at ngumiti lang ito, naku! Baliw na siya para matuwa pa sa doon.
“ Pasensya na, Leng “ sabi nito at mabilis naman akong tumingin rito pansin ko rin ang tinatawag niya saakin magmula kahapon.
“ Nga pala hindi Leng ang pangalan ko pero puwedi nga pala dahil may Leng sa pangalan ko naman talaga “ pag-iisip ko sa pangalan ko “ Pero hindi mo ako puweding tawaging Leng “ nagtataka naman siyang tumingin saakin.
“ Ang totoo kong pangalan ay Yna Leng at magulang ko lang ang tumatawag saakin ng Leng dahil may ibig sabihin yon “
“ Like what? “
“ Ayan ka na naman sa English pero.. Yna ang totoo kong pangalan dahil ang Leng tawagan yan ng mama at papa ko kaya ang ibang meaning niyan sa kanila ay LOVE kaya hindi mo ako puweding tawagin doon “ hindi ko pagtingin rito dahil nakakahiya namang sabihin iyon pero iyon ang totoo.
“ Okay “ tipid nitong sagot.
AT KAGAYA kahapon tumahimik na naman sila ng magsimula silang mag-almusal pero nagtataka si Yna ng mapansin niyang para bang walang ganang kumain si Kevin.
“ Ikaw naman ang nagluto sa pagkain mo kaya kung hindi masarap puwedi mong pagalitan ang sarili mo “ ani Yna ng matapos silang kuamain kaya napangiti na lang rito si Kevin.
“ Bakit pinapagalitan mo ba ang sarili mo? “ tanong rito ni Kevin habang natutuwa itong pinagmamasdan.
“ Oo, madalas “ parang bata nitong sagot kaya napatango na lang si Kevin pagkatapos ritong ma-cute-an pagkwan napansin nito ang kanin na nalagay sa buhok ni Yna kaya mabilis nitong tinaas ang kamay niya para tanggalin pero mabilis na inilayo ni Yna ang mukha niya rito.
“ Ba-bakit? “ nagtataka niyang tanong.
“ May kanin sa buhok mo “ pagbawi nito sa kamay niya at kinuyom habang titig na titig sa buhok nito.
“ Ito ba? “ pagkuha ni Yna rito at tumango naman si Kevin.
“ You look cute on your hair style “ napangiti naman si Yna sa sinabi nito.
“ Nga pala, ano, kasi… “
“ What is it? “ pagputol nito sa alanganing pagsasalita ni Yna.
“ Eh kasi kahapon, hindi ba absent ako sa school? “ tumango naman rito si Kevin “ Kailangan mo akong samahan at ipaliwanag bakit ako wala total ikaw naman ang guardian ko ngayon.. puwedi mo namang hindi gawin din kaso hindi ako makakapasok “ pagpout nito at agad namang tumayo si Kevin.
“ Anong oras na ba? Bakit hindi mo sinabi agad para nakapagbihis agad ako, aabot pa ba tayo? “ pagmamadali nito.
“ Oo pero GWAPO KA NAMAN KAHIT HINDI KA MALIGO “ pag-aayos ni Yna sa buhok niya habang hindi naiisip ang sinabi niya kaya si Kevin bigla itong natigilan sa halos patakbong paglalakad pero napangiti na lang siya ng paglingon niya busy si Yna sa buhok niya kaya muli itong naglakad at pagkaraan ng ilang minuto bumaba na rin siya at sakto ang oras na pagpasok nito.
“ Halika na “ pagmamadali nitong maglakad at napabuntong hininga na lang ito habang sinusundan si Kevin.
“ HINDI PUWEDING MAKITA KAMI NG MGA SCHOOLMATE KONG MAGKASAMA DAHIL PANIGURADONG KUKULITIN NILA AKONG MAKILALA SIYA LALO NA PAGNALAMAN NILANG HINDI NAMAN KAMI MAGKA-ANO ANO KUNG BAKIT KASI NAPAKA PERFECT NG ISANG ITO “ napapikit si Yna ng buksan ni Kevin ang pinto at tangayin ng hangin ang amoy niya.
“ KAINIS ANG BANGO NIYA… GUSTO KO SIYANG YAKAPIN “ at dahil sa naisip niya mabilis itong nagtungo sa may pader at marahang inumpog rito ang ulo niya dahil sa naisip niya.
“ Leng…? “ nagtataka ritong tawag ni Kevin kaya mabilis itong humarap sa kanya at piking ngumiti saka rito sumunod at lumabas.
“ Kasasabi ko lang na wag mo ako tawagin sa pangalang Leng ah! “
“ Then, Why Binbin? “ napatingin naman ito sa kanya “ Bakit nga ba tinatawag mo din akong Binbin instead of Kevin? “ pagsakay nito pagkatapos buksan ang sasakyan ni Yna.
“ Short cut for Kevin, Vin pero dahil masyadong bongga kung Vinvin kaya Binbin na lang at saka nahihirapan ako tawagin kang Kevin noong bata ako dahil namamali ako ng bigkas, KIBIN nasasabi ko at tinatawanan ako ni ate saka ekokorek kaya Binbin na lang “ paliwanag nito ng maupo.
“ Kung ganon hayaan mo din akong tawagin kang Leng, I prefer Leng than Yna “ hindi naman umimik pa si Yna dahil ayaw niya ding tawagin itong Kevin at patas naman sila sa bagay na ito. At ilang minuto dumating na din sila pero ganon na lang ang gulat ni Kevin ng biglang pigilin ni Yna ang pagtatangka niyang pagbukas sa may sasakyan para bumaba.
“ MAKINIG KA AYAW KONG MALAMAN NG MGA TAO RITO SA CAMPUS NA KASAMA KITA KAYA MAUUNA NA AKO AT SUMUNOD KA SAAKIN NA PARA BANG HINDI TAYO MAGKAKILALA PERO ANTAYEN MONG MAKALAYO MUNA AKO, OKAY? “ titig rito ni Yna sa mata at hindi na hinintay ang sagot ni Kevin saka bumaba at mabilis na naglakad.
“ Well, tulad dati wala pa ring ganong nagbago sa school “ napakunot noo naman si Yna ng marinig niyang magsalita si Kevin sa tabi niya.
“ Diba sinabi kong wag kang sumunod saakin agad? “ tumango naman rito si Kevin.
“ Kaya sinamahan kita, di naman ako nakasunod “ lingon pa nito sa likod niya.
“ Isip bata ka rin pala! “ pagtaas ni Yna sa kamao niya at mahinang binatokan si Kevin at ganon na lang ang paglaki pareho ng mata nila dahil pareho naman silang nagulat doon.
“ A-ano, hi-hindi ko sinasadya “ natatakot at nahihiya niyang tingin rito at naalis ang pag-aalala niya ng matawa si Kevin.
“ Pasensya na nabigla lang ako “ nakapout pa nitong sabi.
“ Ang cute nga nun sa unang pagkakataon may bumatok saakin “ hindi pa makapaniwalang sabi ni Kevin habang natatawa kaya ganon na lang ang hiya ni Yna kaya masungit siyang umiwas rito ng tingin saka naglakad at agad namang napansin iyon ni Kevin.
“ May mali ba akong nasabi? “
“ Wala “ parang bata nitong sabi.
“ I didn’t mean to say something “ ani Kevin at hindi na ito sinagot ni Yna pagkatapos nito mapansin ang ilang estudyanteng napapahinto sa paglalakad saka sila sinusundan ng tingin.
“ NAKU! MARAMI NA NGANG NA-IN LOVE SA KANYA “ kaya mabilis itong naglakad habang hilahila si Kevin at walang magawa si Kevin kundi maglakad din ng mabilis at sumunod rito kahit nasisira na ang image niya, napakaseryoso niyang tao para hilain lang nang ganito, na akala mo kambing na nakawala. At pagkarating nila sa loob agad nilang kinausap ang teacher tungkol sa pag-aabesent ni Yna at hindi na sila nagpaliwanag pa pagkatapos makilala ng mga staff si Kevin kung saan marami itong nabigay na parangal sa school dati dahil sa katalinohan niya at pagiging rank 1 sa campus noon dahilan para hindi lang mga estudyante ang mahumaling rito kundi pati ang mga teacher o staff.
“ Kung ganon mas sikat ka pa sa grupo nila Oli? “ tanong agad nito dahil sa mga nalaman niya rito at nagtataka namang tumingin rito si Kevin habang naglalakad silang pabalik sa may sasakyan.
“ Sandali anong klase ka sa kanilang lima, iyong tulad ni Nico na makulit at palaging nakangiti, o si Luke na masipag din mag-aral na isang maamong pusa pero dahil si Oli ang kaibigan niya dahilan bakit may sungay itong maliliit din, o baka si Kier na maraming may crush dahil napakagwapo dahilan para ligawan din lahat ng babaeng magustohan niya, o si Blue na corny ang joke pero lalaking lalaki rin, o si Oli na kinababaliwan ng mga babae rito dahil competitive din lalo na sa suntokan at leader ng apat “
“ Kilala mo talaga sila ha! “ napatingin naman rito si Yna sa napaka seryoso nitong pagsasalita “ Wala bang nagkakagusto sa kanila sayo? “ tanong pa niya pagkatapos nitong buksan ang sasakyan at sumakay rito ng makarating sila rito.
“ Huh? Di ko naman sila gusto at sa tingin ko ganon din sila saakin “ ani Yna kaya napangiti na lang si Kevin dahil ang totoo kilala naman talaga nito ang Oli na tinutukoy niya o kahit ang tropa niya dahil close nga sila ni Oli pagkwan binaba nito ang window ng sasakyan niya.
“ Pumasok kana, mamaya dadaanan kita “ agad namang tumanggi si Yna.
“ Kaya ko nang umuwi kaya di mo kailangan mag-abala pa, alam ko namang busy ka “
“ Its okay, Leng, dadaanan kita “
“ Hindi na, may pupuntahan din kasi ako “ agad namang tumingin rito ng mapangusisa si Kevin.
“ Ah hindi naman ako pupunta kung saan, e diba nga nabasag ko ang mga plato at baso mo kaya papalitan ko “
“ Kalimotan mo na yon “ umiling naman ito at dahil alam niyang hindi siya mananalo rito kaya pumayag na din siya bago pa ito ma-late sa klase.
“ Sandali may sasabihin ako sayo “ at ganon na lang ang gulat ni Kevin ng bigla itong lumapit sa kanya at binulong rito ang mga naisip niyang dahilan bakit siya nakahawak sa mukha ni Kevin kaninang umaga.
“ Dahil sa ipis? “ tumango naman ito sa kanya saka ngumiti at kumaway rito.
“ PAPASOK NA AKO!!! “ pagtakbo nito at napangiti na lang si Kevin saka niya ito sinundan ng tingin.
“ Nakahawak siya sa mukha ko dahil may ipis rito at iyong ipis nagwapohan saakin? “ natawa na lang si Kevin sa cute nitong mag-isip “ Iba nga tumakbo ang isip niya gaya ng sabi ni Lena “ pag-iling pa nito habang hindi makapaniwala.
NATIGILAN sa pagpasok si Yna ng may ilang estudyanting nag-aabang sa kanya sa may pinto ng classroom nila.
“ AYAN NA SIYA!!! “ takbo rito ng mga babae kaninang nakakita sa kanila at nakakakilala sa kanya.
“ Ba-bakit? “
“ May gwapo ka daw kasama kanina kaya inaalam nila kung transferee “ ani April pagkatapos siyang hilain sa loob para iwan itong mga babaeng dumayo sa classroom nila.
“ sino ba yon Partner? Imposible namang sina Oli dahil kilala naman ang mga iyon rito “ ani Megan.
“ Si Binbin sinamahan ako para ipaliwanag bakit wala ako kahapon “ ganon naman ang pagkislap ng mata ni April.
“ Kung ganon nandito siya? “ tanong pa nito.
“ Tara, puntahan natin “ ani Megan.
“ Nakauwi na “ Pag-upo nito.
“ Partner magkwento ka naman “ tabi rito ng dalawa at napatingin sila sa labas ng may marinig silang magsigawan.
“ OLI!!!! BLUE!!!! NICO!!!! AHHHHHH!!! “ sigaw ng mga babae “ WE LOVE YOU!!! “ agad namang hinawakan ni Yna ang tainga niya.
“ Mukha naman talagang mamahaling alimango sina Oli pero bakit ba kailangan pa nilang sumigaw kapag nakikita sila e palagi naman din silang nasa campus kaya hindi sila nakakamiss “ pagdaldal nito at napapout ito ng masama ritong lumingon ang mga kaklase nilang nakaupo sa harapan nila at nakarinig sa sinabi niya.
“ Feeling mo siguro gusto ka niya porket palagi kang kinakausap pero Alejandro hindi ka Maganda para manatili sa pakiramdam na yan “ nagsalubong naman ang kilay niya sa inis sa sinabi ng mga ito.
“ Hindi kami papayag na tulad mo lang ang magugustohan niya! “
“ Hindi kami papayag na magayuma mo siya! “ nagtagisan naman ang bagang niya sa sinabi ng mga ito.
“ Actually, matagal na naming iniisip na baka marunong ka ng black magic para maging close kay Oli “
“ Isa kang mangkukulam!!! “
“ Aba!! Sobra kayo ah!! “ singhal niya sa mga ito saka sila pinandilatan “ Ang tawagin niyo akong pangit, okay na yon pero ang mangkukulam hindi na yon marapat! “ agad naman itong pinigil nila April ng tumayo din ang mga kaklase niyang tatlo na may matinding pagnanasa kay Oli.
“ Hindi niyo ba alam na fan din ako ni snow white?!! Kaya galit na galit ako sa mga mangkukulam kaya sa sunod na sabihin niyo yan____ “ pagtigil nito ng tumitig lang sila rito “ Dadakmain ko kayong parang lobo!! “ pag-akto pa nito ng parang lobo kaya ganon na lang atras ng mga mean girls at si April naman at Megan tinapik na lang nila ang kaibigan nila pagkatapos mag-isip na naman ng kung ano.
“ Good morning!!! “ bati agad ni Nico at Lay nang makapasok sila habang may dala dalang chocolate ang mga ito at wala namang bago rito dahil palagi talagang may gift ang mga babae sa kanila.
“ April! “ pagbibigay rito ni Nico ng chocolates.
“ Gusto mong awayin din ako nang mga babaeng baliw sayo para ibigay saakin ang regalo nila sayo? “ masungit nitong sabi saka lumingon sa mga kaklase nilang nakatingin sa kanila.
“ Ah, binili ko naman ito “ napalingon naman agad rito si April at naalis ang masusungit niyang tingin.
“ si Kier kasi ginawa na naman akong third wheel kahapon at birthday nong babaeng date niya kahapon kaya bumili siya ng regalo rito kaya naisipan kong bilhan ka din, gusto mo ng chocolates diba? “
“ Oo pero hindi ikaw! “ napalingon naman silang sabay kay Yna habang ang sungit sungit pa rin ng mukha dahilan para maupo din ang mean girls.
“ Yna naman ang aga aga ang sungit mo “ ani Nico dahil crush talaga nito si April kaya hindi siya makapanligaw dito ng maayos e dahil tutol rito si Yna namasyadong mahal ni April kaya alam niyang kaya rito mailap si April ay dahil sa bagay na yon.
“ Tama nang ako ang pag-initan ng mga fans niyo rito at hindi ang mga bestfriend ko kaya wag kang lumapit sa kanya, isa pa wala akong tiwala sa mukha mo kahit na isa kang may mala anghel na ngiti, alam kong tropa ka pa rin ni Oli kaya alam kong may buntot at sungay ka rin “ lingon nito kay Oli habang nakaupo na ito at masamang nakatitig sa kanya.
“ Aba! Ang alimangong ito!! “ pagtaas nito sa kamao niya at pinakita rito at masungit naman ritong umiwas ng tingin si Oli.
“ Bad trip yan ngayon! “ tumahimik naman si Yna sa sinabi ni Lay.
“ well, bad trip din siya dahil inaway na naman ng mga fan ni Oli “ ani Megan kaya tumahimik na din sina Lay.
“ Nga pala sayo na lang, hindi ako mahilig eh “ pasekretong pagbigay rito ni Lay sa mga chocolates saka tumabi kay Oli o pumunta sa upuan niya kaya walang magawa si Megan kundi tanggapin ito kaya mabilis niya itong itinago bago pa mapansin ng lahat pagkwan lumingon ito kay April at itinago din ang bigay ritong cholates ni Nico habang titig na titig ito sa kanya at nakangiti.
“ Ang cute naman “ bulong ni Megan saka naisip ang sinabi ni Nico kanina “ May bago ulit siyang girlfriend? “ bulong nito saka mahigpit na hinawakan ang bag niya ng maisip si Kier.
PAGKARAAN ng ilang sandali dumating na din ang teacher nila sa math at ilang minuto pa lang ang lumilipas pakiramdam ni Yna nagrarap na ang teacher nila dahilan para mairita ito sa pakikinig.
“ Okay, I’ll give a problem and try to solve it in board “ agad naman kinabahan si Yna sa sinabi ng teacher nila habang nagsusulat na ito sa front.
“ I’ll give you 5 minutes to solve it at pagkatapos we will choose the lucky person to solve it in board “ pakiramdam ni Yna pinagpawisan siya sa sinabi ng teacher nila.
“ PALAGI PA NAMAN AKONG SWERTE SA ORAL RECITATION O SA MGA GANITONG BAGAY KAYA ALAM KO MATATAWAG AKO “ at pakiramdam niya nanlamig siya sa naisip niya habang pinagpapawisan pagkatapos walang maitindihan sa lesson nila.
“ Okay lang puwedi mong dalhin ang notes ko “ napalingon naman ito kay Megan.
“ Tapos na ako “ ani April at binigay ito kay Yna.
“ Mamaya na lang baka matawag ka rin “
“ Okay lang kaya ko namang sagotan kahit wala akong notes “ napasimangot naman si Yna sa sinabi nito.
“ Ano kaya pinaglihi saakin ni Mama para di ko mapakinabangan ang utak ko? “ ngumiti naman ang dalawa rito pagkatapos niyang ilapag sa arm chair ang ulo niya habang nakasimangot dahilan para mapansin ito ng teacher nila.
“ Mahina din ako sa math “ bulong ni Nico para pagaanin ang nararamdaman niya dahil alam nila kung gaano ito naiinis sa kabobohan niya at narinig naman niya ito dahil kay April talaga ito tumatabi habang si Lay at Oli may pagitan pa silang dalawang chair at sa center ang mga ito habang nasa second row naman sina Yna. At magsasalita sana si Yna pero tumawag na ang teacher nila ng sasagot kaya nagsimula na din siyang magdasal.
“ and for number 5, we have… “
“ mamamatay ako kapag natawag ako “ bulong nito.
“ Yes, Alejandro! “ napatayo naman agad ito sa sinabi ng teacher niya sa gulat at kagaya nga ng sabi niya hindi nito magawang huminga kaya bago pa makapagsalita ang teacher nila hinimatay ito.
“ ALEJANDRO!!! “
“ YNA!!! “ dinig niyang tawag sa kaniya ng lahat kaso wala siyang magawa hanggang sa tuloyan itong nawalan ng malay.
MARAHANG minulat ni Yna ang mata niya pagkatapos itong magising mula sa pagkakahimatay.
“ Ganon ba ang epekto sayo ng performance activity para matulog diyan ng matagal? “ napalingon naman agad ito sa pagsasalita ni Oli saka naupo ng makita niyang silang dalawa lang sa clinic ng school nila.
“ AT ANO NAMANG GINAGAWA MO RITO? “ masungit nitong sabi pagkatapos balewalain ang sinabi ni Oli dahil wala siyang balak mastress pa doon.
“ YAN BA ANG SASABIHIN MO SA TAONG NAGDALA SAYO RITO AT BINANTAYAN KA? “ asar ritong tingin ni Oli habang nakaharap rito ng upo at nakacross arm.
“ EDI! THANK YOU! “ snob niya pa rito kaya ganon naman ang asar ritong tingin ni Oli.
“ Ang pagsusuplada para lang yan sa mga magagandang babae! “ agad namang lumingon rito ng masama si Yna.
“ Bakit gusto mo din bang buhatin kita para quits na tayo? “ sarcastic nitong tanong, Opo ganito talaga sila, may mga panahong magkasundo sila katulad ng mga nabasa niyo sa last chapters pero ang totoo magkaaway talaga sila “ At saka sinabi ko bang buhatin mo ako? “
“ HOY! ISIP BATANG YNA!! “ asar na asar niyang sigaw rito.
“ ANONG SABI MO? “ sigaw din nito kaya napahawak na lang si Oli sa batok niya para pigilang magsigawan sila rito dahil alam niyang hindi ito titigil hangga’t sinasagot niya ito.
“ Makinig ka, wala akong choice kundi buhatin ka dahil masyado kang mabigat at walang may kaya sayo! “ natahimik naman si Yna at tumingin sa ibang direksyon “ Grabe! Ang sakit nga ng braso ko dahil doon, haist!“ pang-aasar pa niya kaya mabilis na bumaba si Yna at hinawakan ang braso niya kaya gulat na gulat ritong tumingin si Oli.
“ Wala namang sugat ah! “
“ Ano namang akala mo magkakasugat ako dahil sa pagbuhat sayo? Ma-iinjured lang ako pero hindi ako masusugatan “ natatawa niya pang sabi rito dahil sa ka-ingotan nito.
“ EDI! SAYANG NAMAN! “
“ Ano? “ masama ritong lingon ni Oli pagkatapos isiping concerned ito sa kanya.
“ Akala mo ba magiging mabait ako sayo dahil sa ginawa mo? HOY!! ALIMANGONG OLI NA MAY NAKATAGONG BUNTOT AT SUNGAY! INAWAY LANG NAMAN AKO NG MGA KAKLASE NATIN KANINA DAHIL SAYO KAYA NAG-EEXPECT KA BANG MAGIGING MABAIT AKO SAYO? “
“ At ano naman ang kasalanan ko doon? “
“ Ah! So kasalanan ko pang hinahabol ka ng mga babae? "
“ Well, hindi ko rin kasalanan “
“ OLI!!!! “ sigaw niya rito.
" Yes, Yna? " pagtayo nito para lumayo rito bago pa siya mahampas nito " Deserve!!! " Tawa nito saka tumakbo palabas bago pa mahampas ni Yna at mabilis naman niya itong hinabol nang hindi hinihintay ang pagdating ng nurse.