“ You can change anything or design your room “ ani Kevin pagkatapos ilapag ang gamit ni Yna marahan naman itong tumango sa kanya.
“ Salamat “ sabi nito rito.
“ Feel at home Leng “ napangiti naman siya sa sinabi ni Kevin “ From now on we will live together so please don’t hesitate to ask my help if you need something “ napatingin rito bigla si Kevin ng bigla niyang ilahad ang kamay niya.
“ IKAW RIN KUNG KAILANGAN MO ANG TULONG KO! “ nakangiti niyang tingin rito kaya hindi napigilan ni Kevin mapangiti rito “ Pasensya ka na in advance kung minsan magiging masama ang ugali ko pero mabait naman ako “ nahihiya nitong sabi pagkwan inabot ni Kevin ang kamay nito at agad siyang napatingin rito ng maramdaman niya ang init ng kamay ni Kevin.
“ ANG LAKI NG KAMAY NIYA AT MEDYO MAINIT… SA SOBRANG LAKI NG KAMAY NIYA PAKIRAMDAM KO LIGTAS AKO “ pag-iisip niya saka ito marahang binitawan at pinagmasdan ang kwarto niya at nanlaki ang mata niya ng mapagtanto ang laman ng kwarto niya at ang design nito.
“ DORAEMON? “ lapit pa niya sa nakadisplay na Doraemon at iba iba ito ng size “ 1, 2 ,3 , 4, 5, 6, 7, 8, 9.. “ pagbilang niya rito habang tuwang tuwa “ 10!!! At ang laki nito “ paghawak niya kay doraemon na pangsampo “ Ang cute…! “ nanggigil niyang hawak sa bell na nakasabit sa leeg nito kaya si Kevin hindi niya maalis ang mga tingin niya rito “ Wow! Ang daming doraemon “ hawak nito sa kulambo sa kama niya kung saan doraemon ang design at mas nangislap ang mata niya ng puro doraemon ang kwarto niya pati mga ding ding may doraemon hindi naman siya nakakasawang tingnan dahil maliliit ito kung hindi mo tititigan ng maayos di mo malalamang doraemon “ Hala! Pati ikaw meron? “ hawak niya sa lamp niyang may mukha ni Doraemon “ Ikaw rin… ang cute “ tingin niya sa study table niyang puro doraemon ang design ng board nito at mas lumawak ang ngiti niya kung saan pati ang salamin sa kwarto niya may doraemon “ Grabe! Nagkalat kayo rito, nakakatuwa! Ang cute “ hawak nito sa pisngi ni Doraemon.
“ Mabuti na lang nagustohan mo “ natigilan naman siya sa pagsasalita ni Kevin pagkatapos makalimotang may kasama din pala siya sa loob pagkatapos matuwa sa mga nakikita niya “ Sabi ng ate mo favorite mo si Doraemon so I talk to a room designer to design your room.. Mabuti na lang nagustohan mo akala ko kasi nasobrahan, nagmukhang kwarto ng bata “ agad naman itong napa-pout sa sinabi ni Kevin at nakaramdam ng hiya.
“ KAINIS DAPAT NGA PALA MAGING MASUNGIT AT MATURED AKONG KUMILOS SA HARAPAN NIYA PERO DAHIL KAY DORAEMON NAKALIMOTAN KO BIGLA.. WALA NA NASIRA NA ANG IMAGE KO, KAINIS! “ hawak nito sa ulo niya at napansin naman agad iyon ni Kevin kaya hindi niya malaman paano babawiin ang sinabi niya.
“ Mu-mukha nga siyang pambata… “ alanganin nitong ngiti saka umatras pabalik sa kinatatayuan nila ni Kevin kanina kung saan magkatabi sila.
“ Well, you can re-design it puwedi nating ipatanggal ang ilan kay Doraemon “ ani Kevin pagkatapos maniwala rito.
“ HI-HINDI NA! “ pagtanggi agad ni Yna dahil ang totoo gustong gusto naman nito si Doraemon o ang bago nitong kwarto “ Hindi ba’t masasayang lang, isa pa kawawa naman si Doraemon kung itatapon mo “ ani Yna “ Alam mo ba isa sa episode ng Doraemon may mga buhay pala ang mga gamit, e malay natin ganon din siya.. paano kung malungkot siya kung itatapon natin kaya wag na… kaya ko namang tiisin kahit medyo pambata “ paliwanag nito kaya napangiti na lang si Kevin pagkatapos macute-an sa pag-iisip ni Yna.
“ Okay, you can have them all “ ganon naman ang ngiti ni Yna “ Lalabas na ako para maayos mo ang mga gamit mo, bumaba ka lang para kumain “ paglalakad nito pagkatapos ritong tumango ni Yna ng sunod sunod.
“ OKAY NAMAN PALA SIYA EH! SIGURO KAILANGAN KO LANG TALAGA KALIMOTAN ANG NAKARAAN AT KILALANIN SIYANG ULIT PARA MAGING OKAY NA AKO “ pag-upo nito sa kama niya.
“ Grabe ang dami niyo talaga “ pagkuha nito kay Doraemon na nakadisplay pagkatapos yakapin pero ibinalik niya rin ito ng maisip na nakadisplay ito kaya mabilis siyang tumayo at sumunod kay Kevin pero natigilan siya ng makitang nakaupo ito sa may hagdan habang nakapatong ang ulo niya sa mga palad niya kung saan nakatukod ang siko nito sa tuhod niya.
“ A-ano… “ napalingon naman agad rito si Kevin ng magsalita si Yna “ O-okay ka lang? “ nag-aalala niyang tingin rito kaya agad inayos ni Kevin ang tayo niya at lumingon kay Yna saka tumango at ngumiti “ NAPAKA GWAPO TALAGA NG ISANG ITO GUSTO KO TULOY DOSPORDOSIN BAKA KUNG ANO NA NAMAN ANG MARAMDAMAN KO EH “ pagmamasdan niya rito.
“ What is it Leng? “ agad naman itong nagising sa pagsasalita ni Kevin.
“ ah! Ano yong doraemon na nakadisplay puwedi ko bang hawakan? Yakapin? “ tumango naman agad rito si Kevin.
“ Anything that inside in your room is belong to you “ napangiti naman agad si Yna.
“ Okay! “ masaya nitong sabi saka tumalikod at patakbong bumalik sa kwarto niya “ GRABE! ANG DAMI KO NANG DORAEMON ANG HIRAP MO PA NAMANG HANAPIN TAS ANG MAHAL PA PERO NGAYON SOBRANG DAMI NIYO SA KWARTO KO ! “ sigaw nito kaya napangiti si Kevin pagkatapos ng mga sigaw ni Yna sa loob ng kwarto niya at nakabukas ang pinto niya kaya dinig na dinig niya ito.
PAGKWAN naglakad ito para maghanda ng pagkain nila pagkatapos mawala ang nararamdaman niyang pagod dahil sa mga tawa ni Yna.
“ PAKIRAMDAM KO NASA DORAEMON WORLD TALAGA AKO!!! “ pag-ikot nito sa kama niya habang yakap yakap si Doraemon pero natigilan siya ng mapagmasdan ang bell na nasa leeg ni Doraemon “ Kuwentas? “ pagtitig niya rito at naupo ito ng mapagmasdang hindi nga ito basta bell lang kagaya ng mga stuff toy na design kay Doraemon kundi isa itong bato ng kwentas kaya marahan niya itong binuksan at ganon na lang ang pagtataka niya ng may initial letter L rito “ L? Ah baka namali lang dapat siguro D ito stand for Doraemon “ sabi nito saka nagtungo sa mga damit niya at inayos sa aparador at mga ilang minute naglakad na rin ito pababa habang nakatali ang dalawang buhok nito kaya ang cute niyang tingnan.
“ Are you done fixing your things? “ Ani Kevin habang nagluluto pa rin.
“ Mabilis lang naman yon dahil damit ko lang ang dala ko “ pag-upo nito saka niya pinatong ang kamay niya sa kitchen table para pagmasdan ng maayos ang ginagawa ni Kevin sa loob.
“ Marunong akong magsaing “ ani Yna ng makitang nagluluto ng ulam si Kevin “ At saka itlog “ sabi pa nito.
“ Well, I finished it already “ paglagay nito sa bowl sa niluto niyang gulay at nilagay sa table para maghanda sa kakainin nila ni Yna.
“ Tutulong ako! “ pagtakbo nito at kinuha ang mga plato pero ganon na lang ang gulat niya ng masagi nito ang baso at mahulog “ So-sorry! “ mabiilis nitong pag-upo at dahil sa pagpapanic niya nakalimotan niyang plato ang hawak hawak niya kaya sa lakas ng pagkakabitaw niya rito ay nabasag din ito bago pa niya mahawakan ang baso “ Hindi ko sinasadya “ natataranta niyang sabi at hinawakan ang plato pero mabilis itong napaupo at lumayo sa plato ng masugatan ito.
“ Hugasan mo “ ganon na lang ang gulat ni Yna nang bigla itong lumutang sa loob ng kusina pagkatapos itong buhatin ni Kevin at ilagay sa may faucet para hugasan ang kamay niya “ Sandali lang kukunin ko lang ang first aid kit wag kang aalis diyan “ pagmamadali nitong maglakad para kunin ang first aid kit. ( Anyway, ang character lang natin ang doctor at hindi si Author kaya baka may mga bagay na mabasa kayong hindi dapat ginagawa ng isang doctor kaya pakiitindi na lang po, ito ay dahil lang sa malikot kong pag-iisip at wala po talagang kaugnayan sa ano mang medical process or ideas, Salamat sa pang-unawa )
“ NAPAKA LAMPA MO TALAGA YNA, FIRST DAY PA LANG PROBLEMA AGAD ANG DALA MO HAIST! IWAN KO PAANO KA PA MAGIGING MATURED NIYAN SA PANINGIN NIYA, INGOT NA BABAE!!! “ bulyaw nito sa sarili niya sa isipan niya habang nakasimangot ito kung titingnan mo.
“ Akin na ang kamay mo “ nahihiya naman siyang inabot rito.
“ Mawawala din naman kahit hindi mo lagyan ng ganyan, ang layo naman sa puso eh “ ani Yna pero parang hindi ito naririnig ni Kevin habang nag-aalala sa kamay nito at napapanssin naman ito ni Yna.
“ Kung nag-aalala ka hindi ka dapat mag-alala dahil hindi naman ito nakakamatay, maliit lang ito “
“ small things matters the most “ ani Kevin “ Hindi ka puwedng masaktan.. “ bigla namang napangiti si Yna sa sinabi nito “ Malalagot ako kay Lena kapag may nangyari sayo “ ani Kevin kaya biglang naalis ang mga ngiti nito at bumaba mula sa may faucet.
“ Gaya ng sabi ko hindi naman ito nakakamatay kaya di mo kailangan matakot kay ate “ pag-upo nito para alisin ulit ang mga nabasag na baso.
“ Leave that Leng, I’m the one who will clean that “
“ Ako na! kaya ko naman at saka ako ang nakabasag kaya ako na at saka babayaran ko or papalitan ko bukas na bukas “
“ You don’t need to do that “
“ PAPALITAN KO NGA! “ sigaw nito kaya napailing na lang si Kevin sa kulit nito.
“ Fine but let me handle that, it might hurt you again “
“ Ano namang akala mo saakin bata? Kaya ko!!! “ umayos naman ng tayo si Kevin at namulsa ng kamay hindi niya naisip na ganito kahirap kausapin si Yna “ At saka papalitan ko! “ sigaw pa niya at nasapo na lang ni Kevin ang mukha niya ng makitang maupo si Yna para linisin nga.
“ Magkano ba ito? Bente? Bibili ako ng lima “ sabi pa nito pero ganon na lang ang paglaki ng mata niya pagkatapos siyang buhatin nito muli at ipatong sa may sofa.
“ AHHHHH!!! ANONG GINAGAWA MO??? “ sigaw nito at natahimik siya ng lumapit rito si Kevin dahilan para maiatras nito ang ulo niya.
“ Napakaliit mo pero ang lakas ng boses mo “ napakunot naman siya sa sinabi nito “ Kakain pa tayo “ pag-alis nito at napalunok na lang si Yna pagkatapos maamoy ang hininga ni Kevin sa sobrang lapit nila at ang bango nito.
“ AHHHHH!!! HINDI MAAARING MASAMA TAYO KAY APRIL AT MEGAN NA NAGAYUMA NG KAGWAPOHAN NG NILALANG NA ‘TOH “ panonood niya pa rito habang pinapanood ang pagliligpit nito sa mga nabasag niya pagkwan natapos din ito ni Kevin saka nagpatuloy maghanda ng pagkain nila.
“ You should try eating vegetable para naman magkalaman ka “ masama namang tumingin rito si Yna “ It’s for your own good, vegetable has a lot of vitamins “ ani Kevin.
“ Naku! Para sa aming mga dalaga mas Maganda ang payat dahil sexy tingnan “ napatango naman si Kevin sa sinabi nito pero ang totoo gusto din ni Yna ang magkalaman pero dahil ayaw niyang sabihan siya nito tungkol dito kaya nagkunwari na rin siyang gusto ang katawan niya pero maganda naman ang katawan niya kahit payat.
“ Is that the reason why your boyfriend likes you? “ nagulat naman ito sa sinabi ni Kevin.
“ Boyfriend? SINO NAMAN? NANG-AASAR KA BA? “ masama niyang tingin rito pagkatapos maisip na nang titrip lang ito.
“ Oli? The one you shared last “ agad namang namula sa hiya si Yna sa sinabi nito.
“ PAPATAYIN AKO NI OLI KAPAG NALAMAN NIYA “ sa isip nito “ SA BAGAY HINDI NAMAN SILA MAGKAKILALA AT SI MEGAN AT APRIL LANG NAKAKAALAM KAYA IMPOSIBLENG MALAMAN NI OLI KAYA OKAY LANG “ at hindi maalis ni Yna ang tingin niya kay Kevin pagkatapos manahimik ng magsimula itong kumain kung saan sobrang ingat nito at hindi mo maririnig ang pagnguya niya.
“ AY SUS! ANO BANG AKALA NITO NASA ROYAL PARTY KAMI PARA KUMAIN NG AKALA MO PRINSIPE? PERO BAKIT GANON ITLOG LANG NAMAN ITO PERO BAKIT ANG SARAP? “ pagnguya ni Yna sa paborito niyang ulam na niluto rito ni Kevin hanggang sa matapos silang kumain.
“ MAGHUHUGAS AKO NG PLATO “ pagkuha nito agad sa sponge pagkatapos nilang ilagay sa may lababo ang mga plato at ang tagal namang tumingin rito ni Kevin bago magsalita.
“ PANGAKO IINGATAN KO ANG MGA GAMIT MO AT SAKA GAYA NG SABI KO PAPALITAN KO ANG MGA PLATO AT BASO MO KANINA KAYA HINDI MO KAILANGAN MAG-ALALANG MAUBOS KO “ paliwanag nito agad.
“ SARILI MO ANG INGATAN MO “ pagpunta ni Kevin sa baso para magtimpla ng kape pagkatapos maisip ang pagkasugat ni Yna kanina.
“ Pumapayag ka? “ makulit pa nitong tanong pagkatapos iwan ni Kevin.
“ Do I have a choice? “ ani Kevin at bumusangot naman si Yna masungit kasi ang pagkakasabi nito.
“ tsssst! Lampa ako pero master kaya ako sa paghuhugas ng plato “ ani Yna at napangiti na lang si Kevin pagkatapos itong marinig saka sinilip si Yna ng magtungo ito sa may faucet para maghugas ng plato at lihim na lang napangiti si Kevin ng mahusay nga ito maghugas ng plato.
“ Naku! Alam siguro nitong nakaka-gwapo sa lalaki ang pagbabasa ng libro dahil nagmumukha silang genious “ pagmamasdan rito ni Yna pagkatapos niyang maibalik ang mga plato ng matapos itong maghugas ng plato kung saan umiinom ng kape si Kevin habang nagbabasa ng libro.
“ Makakatulog ka pa ba niyan dahil sa pagkakape mo? “ pag-upo ni Yna sa katabi nitong sofa.
“ sanay na ako, it usually helps me to relax “ ani Kevin habang nkatoon pa rin ang mata sa libro.
“ GOOD!! GOOD!!! “ ani Yna kaya biglang napatingin rito si Kevin kaya alanganin itong ngumiti sa kanya.
“ Pansin ko lang kanina ka pa nag-eenglish “ pangumpisa nito “ E Chinese naman ang nasa dugo mo at hindi amerikano kaya bakit panay ka english? Kung tingin mo saakin ay isang foreigner para englishin ako o kaya isang matalinong tao puwes sinasabi ko sayo isa akong bobo at tunay na pinoy kaya hindi mo ako kailangan englishin “ tiniklop naman ni Kevin ang librong binabasa niya at tumingin rito.
“ Respeto sa mga bobo!!! “ ngiti pa niya rito kaya napailing na lang ito.
“ Leng, you’re 18 already, right? “ tumango naman si Yna sa bigla nitong tanong.
“ Ba-bakit? “ nagtataka nitong tanong ng makita ang kunting ngiti na gumuhit sa mga labi ni Kevin.
“ I’m just happy that you have that smile in your age “ tingin niya pa rito.
“ Kung ganon malungkot ang 18 years life mo? “ curious niyang tingin rito.
“ no, my 18th birthday was the most special and happiest birthday I ever had “ hindi naman naniniwalang tumingin rito ni Yna “ I felt so much love kaso kinailangan kong pigilin dahil natatakot akong mawala ang kaligayahan kong iyon “
“ Anong kaligayahan iyon? “ tanong pa nito.
“ Ikaw “ pagtayo ni Kevin kaya ganon naman ang paglaki ng mata ni Yna sa sinabi nito saka tumingin kay Kevin habang nakatingala rito “ Ikaw, matulog kana para tumangkad ka rin “ pagkuha nito sa baso para hugasan.
“ Tsssst!! Pakiramdam ko gusto talaga nitong nanti-trip “ padabog na pagtayo ni Yna at umakyat sa kwarto niya saka nahiga pagkwan tumayo ito at nagpuntang banyo para magtoothbrush.
“ ANG USAPAN NAMAN KASI MAGIGING MATURED TAYO KASO PALAGI NA LANG TAYO SABLAY KAYA TALAGANG BAKA INIISIP NIYANG TAYO PA RIN IYONG BATANG NAGKAGUSTO SA KANYA NOON KAYA SIGURO INAASAR TAYO “ pagka-usap nito sa sarili pagkatapos bumalik sa kwarto habang kaharap sina Doraemon na akala mo nakikipag meeting rito.
“ Pero… naaalala pa ba niya ang araw na yon? “ at dahil ayaw isipin ni Yna ang bagay na yon kaya pabagsak siyang nahiga.
“ Kumusta na kaya si Ate? Hindi man lang tumawag “ pag-iiba nito sa isipan niya dahil alam niyang hindi siya magiging komportableng kasama si Kevin kung iisipin ang bagay na yon pagkwan pumikit ito para matulog pero napaupo ito bigla ng mahulog si Dodraemon kaya mabilis niya itong pinulot pero agad siyang nakaramdam ng takot pagkatapos maisip ang ilalim ng kama niya.
“ Mag-isa na nga pala ako “ sabi nito at maisip na baka may nakatago sa ilalim ng kama niya “ Hindi ko man lang pala natingnan ano ba ang nasa ilalim nito “ pag-iisip niya “ Kaso hindi ko naman kayang tingnan nang ako lang paniguradong mamamatay ako kapag may multo “ at pakiramdam niya nagsitayuan ang balahibo niya sa katawan at naiyak ito ng maalala ang ate niya dahil kapag natatakot siya yumayakap ito sa kanya para alisin ang takot niya.
“ Nakakainis naman kasi bakit ang layo ng pangarap mo ate, paano na ako ngayon...? “ natatakot nitong pagpunas sa luha niya saka huminga ng malalim para itago ang nararamdaman niyang takot.
“ Paligiran niyo ako “ Pag-ipon nito kela Doraemon at pinaikot sa paligid niya habang nakahiga sa kama saka ito nagtalukbong ng kumot pero pakiramdaam niya mas lalo siyang natakot ng maisip ano bang nasa paligid niya habang nakatalukbong ng kumot.
“ AHHHHHH!!! “ bangon nito at hindi naman ito marinig ni Kevin dahil sound proof ang kwarto niya “ maging matapang ka, Yna!! MAGING MATAPNG KA!!! “ pagtalukbong nitong muli habang si Kevin iniisip din kung nakatulog na ba ito.
“ Komportable kaya siya sa kama niya? “ Tanong pa nito habang nakatingin sa pinto pagkwan nagtungo ito rito at tinanggal ang lock nito habang iniisip na baka pumunta rito si Yna kung may kailangan man ito pagkwan naupo itong muli.
“ Baka nakatulog na siya “ sabi nito saka nito binuksan ang libro niya habang sinusubokang pakinggan si Yna “ Mas maganda siguro kung hindi sound proof ang kinuha ko para kahit papaano ay marinig ko siya “ ani Kevin “ Well, I double check this condo at wala namang negative stories kaya wala akong dapat ipag-alala “ pagtayo nito para maligo at maghandaang matulog. SAMANTALA pinagpapawisan na si Yna dahil sa pag-iisip nito ng mga nakakatakot at nasundan ito ng pag-iyak pagkatapos maisip na mag-isa lang siya, na wala ang mga magulang niya at ang taong laging nandiyan para sa kanya kung saan ang ate niya.
“ Kung totoosin kawawa naman talaga ako “ ani Yna habang naiiyak na mag-isa lang siya “ Sinubokan kong maging matapang sa harap ni ate kahit ang totoo takot na takot ako nong dalawa lang kami tapos ngayon iniwan pa ako pakiramdam ko tuloy kailangan ko na naman magsimula sa umpisa nong mawala sina mama… ang masanay sa buhay na ito, na mag-isa “ iyak nito habang iniisip ang mga nangyari sa mga magulang niya “ Kung hindi naman dahil saakin hindi mawawala si mama “ yakap nito sa unan niya at pinilit matulog para iwasan isipin ang nangyari sa kanila ng mama niya at ganon na lang ang sigaw niya ng mahulog si Doraemon at dahil sa takot niya patakbo itong lumabas at nagtungo sa kwarto ni Kevin at dahil iniwan nga niyang hindi ito nakalock kaya mabilis siyang nakapasok at napaupo siya ng bumangga siya kay Kevin kung saan gulat na gulat din ito habang nagtutuwalya ng buhok galing banyo at nakatuwalya lang ito sa may bewang.
“ WHAT HAPPENED? “ upo agad nito para tingnan si Yna at ganon na lang ang pag-aalala niya ng makitang umiiyak ito “ Are you okay? What happened? “ tingin pa nito sa labas habang nakabukas ang pinto ng kwarto niya para tingnan ano ang nagpa-iyak rito habang hawak hawak ang ulo ni Yna para iparamdam na nandito siya, na may kasama siya.
“ Bakit? “ tanong pa ni Kevin ng yumakap ito rito saka niya ito niyakap din pagkatapos maramdamang natatakot ito.
“ Puwedi ba akong matulog na lang rito? Kahit sa sahig na lang ako “ sabi nito habang umiiyak.
“ OF COURSE! “ sabi nito agad “ Are you okay? Ano bang nangyari? “ nag-aalala niyang tanong rito.
“ PALAGI NAMAN AKONG MAG-ISA PERO BAKIT HINDI KO PA RIN KAYANG MATULOG MAG-ISA? BAKIT NATATAKOT PA RIN AKO? “ agad naman naitindihan ni Kevin ang iniiyak nito.
“ Nandito ako kaya hindi mo kailangan matakot “ pagpapagaan nito sa nararamdaman niyang takot.
“ Eh bakit di ka pumunta sa kwarto ko? Nakailang sigaw naman ako ah “ ani Yna saka tumingin rito kaya ganon na lang ang awa rito ni Kevin.
“ I’m sorry.. sound proof itong condo kaya hindi kita marinig “ masama namang tumingin rito si Yna.
“ IBIG SABIHIN KAHIT KAININ AKO NG MULTO DOON DI MO AKO MARIRINIG O MATUTULONGAN?! “ at ganon na lang ang asar niya ng matawa rito si Kevin pero mabilis niya ring binawi.
“ Yna walang multo at hindi sila nangangain ng tao siguro mananakot lang pero hindi ka nila kakainin dahil patay na sila sabi pa nga nila kaya sila nananakot dahil natatakot din sila dahil mag-isa lang sila kaya kung hindi ka daw matatakot hindi ka nila tatakotin “
“ Sinungaling ka naman eh! Bakit yong train to busan nangangain sila “ parang bata pa nitong sabi.
“ I didn’t watched that naririnig ko lang sa mga kaibigan ko at ang alam ko hindi sila multo, they’re zombie, well, basically zombie’s eat people but they are not real, masyado lang malikot mag-isip ang mga tao kaya sila nakakagawa ng mga ganon “ paliwanag nito na bahagya namang tumango si Yna pagkatapos maniwala pagkwan naramdaman nito ang tuwalya kaninang pinupunas ni Kevin sa buhok niya.
“ Tuwalya? “ hawak niya pa rito habang nagtataka pagkwan dahan dahan itong lumingon kay Kevin at ganon na lang ang sigaw niya ng makitang nakatuwalya nga ito at walang suot.
“ AHHHHH!!! “ pagtalikod nito habang nakataop ang mga palad niya sa mata niya kaya ganon na naman ang pagtataka ni Kevin sa kilos nito.
“ ANO NA NAMAN KAYANG DAHILAN? “ tanong pa niya habang nakatingin rito “ Leng… what’s wrong? “ nagtataka niyang hawak rito at natigilan siya ng itapon niya rito ang tuwalya kaninang pinupunas niya sa ulo niya at doon lang niya narealize na nakatopless ito habang nakatuwalya kaya mabilis itong tumayo.
“ SO-SORRY!! “ natataranta nitong sabi saka nagtungo sa wardrobe niya at nagdamit pagkwan natawa ito pagkatapos magbihis nang maalala ang mga nangyari pagkwan lumabas ito at nakita niyang nakaupo si Yna sa sofa habang pinipigilan ang antok.
“ I can stay in your room until you fall asleep “ pagsaalita nito agad at mabilis namang tumalikod si Yna ng maisip na baka wala pa itong damit “ pasensya kana kanina “ ani Kevin at naupo sa tapat ng kinauupuan ni Yna kaya umayos na din ito nang upo ng makitang may damit ito.
“ Di-dito na lang ako baka maabala pa kita “ tanggi nito agad “ Okay naman ako sa sofa mo at saka baka masanay din akong matulog mag-isa sa kwarto ko kaya kahit ngayong araw lang “ nahihiya nitong sabi.
“ Kung hindi ka doon matutulog hindi ka masasanay at saka kapag nakatulog ka babalik din ako sa kwarto ko kaya halika na “
“ Ibig sabihin puwedi akong magising nang ako lang ang tao doon? “ natatakot niyang tingin rito.
“ Well, I will open my room para makapasok ka kung sakaling magising ka man “ ani Kevin “ I can’t sleep kung diyan ka matutulog at alam kong ayaw mo rin makatabi akong matulog o kung diyan man ako matutulog “ paliwanag nito kaya bahagya namang tumango si Yna kaya naglakad na ito patungo sa kwarto niya habang nakasunod rito si Kevin.
“ Matutulog ako agad pangako kaya wag kang maiinip at iwan ako ha! “ paghiga nito at napatingin siya rito ng hawakan ni Kevin ang buhok niya pero mabilis niya din itong binawi pagkatapos mapansin ang paghawak niya rito.
“ Matulog ka na, hindi kita iiwan “ ngiti nito at pumikit naman si Yna pagkwan tumagilid ito ng higa pagkatapos masilip si Kevin na nakatitig sa kanya kung saan malungkot ang mga mukha nito saka napalitan ng pag-aliwalas na may kunting ngiti na gumuhit sa mga labi niya.
“ Nakangiti ba siya? “ Pag-iisip nito.
“ Alam kong nalulungkot ka sa pag-alis ng ate mo at pakiramdam mo mag-isa ka na lang pero nandito naman ako kaya hindi mo kailangan matakot… hindi ko hahayaang masaktan ka “ napamulat naman ng mata si Yna sa sinabi nito pagkatapos ng sinabi niya.
“ Kung ganito siya kabait, eh bakit ba niya ako sinaktan noon? “ pag-iisip nito pagkatapos mapanatag sa sinabi ni Kevin “ Dahil doon kaya naiinis ako sa kanya “ paghawak nito ng mahigpit sa kumot niya at pumikit muli “ Pero… baka si Ate ang dahilan bakit siya mabait saakin dahil magkaibigan sila o baka higit pa doon.. “ pag-iisip pa nito.
“ Noong mawala ang mga paningin ko natatakot din ako sa bawat araw na humihinga ako dahil wala akong makita, pakiramdam ko naglaho ang lahat, ang mga ngiti ko o ang mga ngiti ng mga taong nasa paligid ko kung saan puro awa ang naririnig ko sa mga boses nila kaya nga ginusto kong makakita agad o maglaho na lang katulad ng mga paningin ko kung hindi man ako makakakitang muli “ pagsasalita nito at marahan namang nakinig rito si Yna at nararamdaman ang lungkot sa boses ni Kevin “ But someone told me that I’m not hopeless for losing my sight “ pagngiti nito pagkatapos maalala si Yna noon “ life is such a misery... Leng, all you need is to find the things that make you feel alive and make it a reason for you to live " sa pagkakataong ito tumingin sa kanya si Yna.
" Nahanap mo na yong dahilan mo? " napatingin naman siya rito saka ngumiti.
" Well, yes " mahina nitong sagot na siya namang nacurious si Yna.
" Family? pero si ate lang mayron ako at_____ "
" Hindi ang pamilya ko " pagputol ni Kevin sa pagsasalita nito " I have someone " masaya nitong sabi kaya natigilan naman si Yna " she's very precious to me, she's everything for me “ pilit namang ngumiti si Yna pagkatapos ng sinabi ni Kevin.
“ Kung ganon may girlfriend ka? “ tanong pa ni Yna at naasar ito ng tumawa si Kevin “ Maaari kayang si ate? “ tanong pa niya sa isip nito “ Tssst! Ano naman ngayon? Wala naman akong paki!! “ naniningkit ang mata nitong pag-iisip at natigilan siya ng kumotan siya ni Kevin ng maayos.
“ Matulog kana “
“ AH, Oo… “ pagtagilid nito “ Kung hindi pamilya ang dahilan para maging maligaya pa baka hindi ko pa nakikita yong akin “ sabi nito “ Good night, Binbin “ pagpikit nito.
“ Good night “ ani Kevin habang pinagmamasdan ito.
“ SHE STILL USE BINBIN? “ pagngiti nito pagkwan napagmasdan nito ang maliliit na kamay ng dalaga habang nakayakap sa kumot “ Still cute “ ngiti nito.
“ Finally… I’m close to you “ buntong hininga nito saka pinagmamasdan si Yna.