Chapter 5

4977 Words
MABILIS na lumipas ang araw kung saan ang pag-alis naqng ate ni Yna kaya maaga pa ang araw ay gising na ito habang pinagmamasdan ang orasan sa pag-ikot na siyang papalapit naman na pag-alis ng ate niya. “ Bumalik ka “ paulit ulit nitong utos sa relo sa mahinang tinig para wag lang mag-umaga at mangyari ang pag-alis ng ate niya, tulad kanina mabilis nitong pinunas ang luha niya bago pa ito mahulog saka nito nilingon ang ate niyang mahimbing na natutulog sa tabi niya. “ Mag-iingat ka doon ate “ pagmamasdan nito sa ate niya pagkwan yumakap siya rito at pagkalipas ng ilang minuto narinig nito ang alarm clock ng ate niya hudyat na bumangon na ito para maghandang umalis kaya agad nagkunwaring tulog si Yna dahil ayaw niyang isipin ng ate niyang malungkot siya dahil alam niyang mahihirapan itong umalis at alam niyang pangarap talaga ito nang ate niya lalo na noong buhay pa ang mga magulang nila kaya ayaw niyang maging hadlang doon. “ Yna… bangon na diyan kung ihahatid mo ako “ sigaw ng ate nito pagkatapos tiklopin ang kumot niya at pinatay ang alarm clock saka lumabas “ Pero okay lang naman kung hindi mo ako ihahatid para hindi ka na ma-absent-an sa klase mo “ habol pang sigaw ng ate niya saka nagtungo sa kusina para magluto ng almusal nila. “ Sasama po ako!!! “ mabilis na sigaw ni Yna saka lumabas pagkatapos hindi makapagpigil magpanggap ng tulog dahil sa sinabi ni Lena. “ bakit namamaga yang mata mo? “ tingin rito ng ate niya kaya ganon na lang ang pagkataranta niya. “ A-ano po ka-kasi… nanood po ako ng anime! Opo, nanood ako “ alanganin nitong ngiti at alam niyang hindi naniniwala ang ate niya pagkatapos itong tumalikod pero napatingin na lang siya rito ng balewalain nito ang pagsisinungaling niya. “ Tumigil ka nang magpuyat dahil sa anime baka masira ang mata mo “ ani Lena. “ Opo… napanood ko naman po lahat ng gusto kong panoorin “ masigla nitong sabi kaya bahagya namang napangiti si Lena para itago ang totoo din nitong nararamdaman alam naman niyang ayaw din siyang paalisin ng kapatid niya pero kagaya ng pagkakaalam ni Yna pangarap na niya ito, ang magtrabahong abroad at maliban doon mayroon pa siyang ibang dahilan kaya sa ayaw at gusto niya wala siyang magagawa pagkatapos itong tanggapin. PAGKATAPOS nang ilang oras na pagsasama nila sa bahay ay nandito na silang airport para sa pag-alis niya. “ Bakit ayaw mo pang sumakay ate maiiwan ka na po “ ani Yna habang nasa airport sila. “ 20 minutes pa at saka excited ka bang umalis ako? gigil na gigil ka diyan ah! “ lingon pa nang ate niya sa daanan palabas. “ May hinihintay po ba kayo? “ ani Yna pagkatapos mapansin ang di nito mapakaling galaw. “ Nandiyan na siya “ excited na pagtayo ng ate niya saka dumiretso ng lakad sa tinutukoy niya. “ Naku! Masyado naman kayong excited ate “ ani Yna saka ito sinundan pero napatalikod siya agad ng makaita itong taong tinutukoy ng ate niya. “ Kainis…pamilya ba namin siya para magtungo pa rito “ paglalakad niyang pabalik sa kaninang kinaroroonan nila nang ate niya pagkwan marahan itong lumingon sa direksyon ni Kevin at Lena nang maisip na magkasama sila. “ Kaibigan lang ba talaga siya ni ate…? “ pagnanakaw pa niya ng tingin sa dalawa habang nagtatago sa collar ng damit niya pero ganon na lang ang naramdaman niyang kaba ng bigla ritong tumingin si Kevin at magtama ang mata nila. “ AHHHHH!!! GUSTO MO BANG DUKOTIN KITA? BAKIT KA BA TUMITINGIN.. HAIST! NAKAKAHIYA KA AH “ pagdaop pa nito sa dalawang palad niya sa mga mata niya habang kinakausap ito. “ Ano na naman ba yang ginagawa mo? “ Tanong nang ate niya rito bigla at pakiramdam niya lalagnatin siya ng maisip na baka nakatayo na rin sa tabi niya si Kevin. “ Umayos ka… Yna kailangan kalma ka lang at saka baka nakakalimotan mo sa kanya na tayo titira kaya dapat masanay ka ng kasama siya… “ at dahil nainis siya nang sumagi rito biglang sabay nilang binubuksan ni Kevin ang pinto ng bahay na para bang bagong kasal kaya mabilis nitong ginulo ang buhok niya. “ Hindi….!!! “ sigaw nito bigla. “ Yna ano na naman ang nangyayari sayo...? “ pigil rito nang ate niya pagkatapos siyang hawakan sa kamay kaya doon na rin siya natigilan pero kagaya ng iniisip niya nasa tabi nga nang ate niya si Kevin habang nakatingin sa kanya at nakaramdam ito ng hiya pagkatapos mapansing nakangiti pa ito sa kanya. “ Pasensya na... “ nahihiya nitong sabi “ Hellowww Binbin____ “ natigil ito bigla dahil sa pangalang naitawag niya rito dahil siya lang ang tumatawag rito at matagal na ito noong bata pa siya “ Doc Kevin ” pagbawi nito sa sasabihin niya. “ Yna.. makinig ka mula ngayong araw siya na ang magiging guardian mo kaya makinig ka at sumunod sa mga sasabihin niya “ masama naman itong lumingon sa ate niya “ Narinig mo ba o gusto mong ulitin ko? “ umiling naman ito habang nakakagat sa ibaba ng labi niya. “ Makikinig po ako kaya hindi niyo na po kailangan pang mag-alala saakin “ “ Well… hindi naman ako nag-aalala sayo dahil alam kong hindi ka niya papabayaan pero ang inaalala ko.... siya dahil baka pasakitin mo lang ang ulo niya “ “ marami naman pong gamot puwedi siya uminom o kaya gamotin ang sarili niya.. doctor naman siya kaya di niyo po kailangan mag-alala “ nagpigil na lang ang ate niya dahil alam niyang seryoso si Yna sa sinabi niya at kung hindi mo siya kilala, eh talagang maiinis ka dahil may pagkapilosop itong pagsasalita dahil sa kaingotan niya. “ Mag-aaral kang mabuti, kakain sa tamang oras, wag nang magpuyat dahil sa panonood, wag maglalabas ng gabi, basta wag kang gagawa ng bagay na ipag-aalala ko dahil kung hindi lilipad agad akong pauwi rito sa Pilipinas at alam mong hindi puwedi yon kaya pakiusap… alagaan mo ang sarili mo “ yakap rito ni Lena ng mahigpit kung saan mararamdaman mo ang pagmamahal nito sa kapatid niya. “ Kayo din po “ tipid ritong sabi ni Yna dahil alam niyang maiiyak siya kung magsasalita pa siya ng madami pagkwan tinanggal ni Lena ang pagkakayakap rito saka siya hinalikan sa pisngi. “ Haist! Yna malalagot ka talaga saakin kapag hindi mo inalagaan ang sarili mo “ titig niya rito. “ Naku! 18 na po ako kaya hindi niyo kailangan mag-alala saakin dahil dalaga na ako “ mayabang pa nitong sabi kaya natawa na lang ang ate niya daahil pareho talaga nilang pinipigilang maiyak dahil alam nilang baka hindi makaalis si Lena kung mangyayari yon. “ Oh paano? Ikaw nang bahala sa kanya “ yakap niya kay Kevin at napalunok si Yna nang tumaas ang braso ni Kevin at humawak sa likod ni Lena para yakapin din siya. “ Don’t worry... I’ll take care of her “ at pagkatapos ng yakapan nila ay tuloyan na ngang pumasok si Lena at pagkapasok nito tuloyan ng bumuhos ang luha niya. “ I’m sorry Yna… “ bulong nito habang tumitingin sa labas kung saan alam niyang kapag lumabas siya ay nandito ang kapatid niyang baka umiiyak na rin ngunit pinigil ito ni Yna dahil ayaw niyang malaman iyon ng ate niya na umiyak siya gayong nakatayo sa tabi niya si Kevin. “ Mauna na ako “ ani Yna nang nakatayo pa rin sa tabi niya si Kevin kung saan hindi nito malaman kung anong sasabihin kay Yna. “ I’ll ride you home “ pagsunod nito kay Yna pagkwan lumingon itong nagtataka sa kanya “ Ihahatid kita… “ nag-aalala ritong sabi ni Kevin. “ Hindi na “ tipid nitong sabi habang naiisip ang ate niya at pinipigilang maiyak “ Mamaya pa ako pupunta sa bahay mo dahil papasok pa akong school kaya hindi niyo ako kailangan pang ihatid “ pagmamadali nitong maglakad pero sinundan pa rin siya ni Kevin pero tulad kanina hindi niya malaman kung paano ito kakausapin pagkwan masungit ritong lumingon si Yna kaya ganon na lang ang pag-aalala niya. “ Okay… kung ayaw mong ihatid kita then, I won't, nasayo naman ang susi ng bahay ko kaya hihintayin na lang kita “ sabi nito agad kung saan iyon ang sadya niya nong pumunta ito kela Lena para ibigay ang susi ng bahay niya, nag-aalala kasi siyang hindi niya ito maihatid at mabigay ang susi ng bahay niya for Yna. “ Salamat!! “ paglalakad ni Yna at mabilis nitong iniwan si Kevin para pumunta sa may sakayan at hindi naman ito sinundan pa ni Kevin. “ Hindi niya puweding malaman na gusto kong umiyak dahil baka magsumbong siya sa ate ko “ mabilis nitong pagpara ng sasakyan para lumayo agad kay Kevin at mailabas ang lungkot nitong nararamdaman. “ Saan kayo ma’am? “ tanong agad rito ng taxi driver pagkwan dumako ang tingin ni Yna sa wallet nitong itinago niya pagkatapos ilagay ang bayad rito ng pasahero niya kanina pagkwan hinawakan ni Yna ang mga bulsa ng maong niyang short na hanggang tuhod saka ito napalunok at marahang binuksan ang sasakyan. “ Pasensya na po… “ mabilis nitong pagbaba bago pa magsalita ang driver. “ Baliw ba yon? “ asar na pag-alis ng driver. “ Nasa bahay pala ang pera ko “ Pagkuha nito sa perang nakuha niya sa bulsa niya “ Dalawang piso “ bulong nito at namula agad ang mata niya ng maisip na palaging ang ate niya ang nagbabayad sa tuwing may pupuntahan sila “ Bawal kang umiyak dahil… matanda ka na “ pagkagat nito sa ilalim ng labi niya para masaktan at mapigil ang sama ng loob niya. “ Paano na ako uuwi ngayon? Wala pa naman akong cellphone para kontakin sina April para puntahan ako rito o kaya lakarin ito pauwi dahil hindi ko naman alam ang tungo sa bahay at subrang layo.. “ pag-upo nito pagkwan nakita niya ang batang nanghihingi ng pera sa mama niya kaya biglang naningkit ang mata nito saka sinundan ng pagnguso. “ Nasa eroplano pa lang si Ate mukhang mamumulubi na agad ako “ pagkausap nito sa sarili niya pagkatapos maisip na mamalimos na lang pauwi “ Ahhhhhh anong gagawin ko “ sigaw nito sa loob loob niya pagkatapos maupo sa sahig at nakahawak sa semento kaya may ilang taong lumilingon sa kanya at natigilan siya ng may tumayo sa gilid niya pagkwan nakita nito ang anino nito kung saan nakahawak ito ng payong. “ I don’t know what you’re thinking but I can’t leave you here baka managot ako sa ate mo “ napatingala naman siya kay Kevin ng bigla itong magsalita pagkwan huminga ito nang malalim at bahagya ding bumaba para maupo saka humarap rito. “ I wont leave you here “ titig niya rito “ tara na… sama ka na saakin “ paghawak nito sa ulo ni Yna at marahang tinapik para iparamdam ritong hindi siya nag-iisa dahil kanina pa niya ito pinagmamasdan at alam niyang malungkot ito. “ O-okay… “ nauutal nitong sabi at umiwas sa mga tingin ni Kevin at sa kamay nito. “ I’m sorry “ pagtayo nito saka tumayo din si Yna “ Kukunin ko lang ang sasakyan at hintayin mo ako rito “ at naglakad ito pero sumunod din sa kanya si Yna at hindi naman siya tumutol pa rito dahil nag-aalala siyang baka bigla pang magbago ang isip nito. YNA’s POV NALULUNGKOT ako sa pag-alis ni Ate pero di ko maiwasang isipin kung bukal ba talaga kay Binbin ang pagtira ko sa bahay niya paano kasi katulad kanina sobrang tahimik niya at never nagsimula ng usapan at dahil malungkot nga ako at medyo masama ang loob sa kanya kaya alam kong hindi na kami mag-uusap nito kung hindi siya ang gagawa. “ Siguro hindi na ako naaalala nito pero sabi naman niya napag-uusapan din nila ako ni ate… sandali, hindi kaya galit din siya saakin dahil sa bigla kong pagcoconfess? Pero bakit… gusto ko lang naman siya pero sa bagay hindi na nga pala siya pumunta magmula noon sa bahay “ lingon ko rito habang nakakunot ng noo pagkwan bigla din siyang lumingon saakin habang nagtataka at dahil wala akong balak kausapin siya kaya lumingon agad ako sa labas. At pagkalipas ng ilang minuto dumating na din kaming bahay. “ May pasok pa ako kaya mamaya pa ako pupunta sa bahay mo “ sabi ko agad ng makababa ako saka nagtungo sa bahay namin pero napalingon ako rito ng marinig kong sumunod saakin. “ I need to go back in hospital kaya hindi kita masasamahan “ nag-aalala pa nitong pagsasalita pagkatapos ng ilang minutong pananahimik nito. “ Okay lang… gaya ng sabi ko kaya kong pumunta mag-isa at isa pa di naman kita kailangan kaya pasensya na sa abala din “ hindi ko alam anong sinabi ko para lumaki ang mata nito saka nagbuntong hininga na para bang may sinabi akong hindi niya nagustohan. “ Can I have your number? “ pero sa pagkakataong ito ako ang hindi makapaniwala sa sinabi niya at nagtataka ritong nakatingin “ Or number ko na lang ang kunin mo in case of emergency “ bahagya naman akong napakunot noo sa sinabi niya akala ko kasi ano na tssst! pangit ko nga rin mag-isip lately. “ Wala akong cellphone “ natigilan naman siya sa sinabi ko, well, wala kaming pambili at hindi ko naman kailangan kaya may mga tao pa rin talagang nabubuhay na walang selpon sa panahon natin. “ Okay… here’s my phone “ sa ngayon ako naman ang natigilan “ Yong first caller diyan mo lang ako kontakin “ sabi pa nito “ Kapag tinanong ka ng ate mo saakin at least may masabi ako kung nasaan ka since nasayo ang phone ko and I can contact you anytime to know you’re safe “ sabi nito saka tumingin sa watch wrist nito kung saan sa tingin ko hinahanap na ito sa trabaho niya. “ Please contact me..okay? “ tumango naman ako rito “ Psensya ka na pero baka hinahanap na ako sa trabaho “ “ Dapat nga umalis ka na “ ngumiti naman ito bago umalis, well, gusto kong maging masungit dahil baka isipin niyang gusto ko pa rin siya kung magiging mabait ako. PAGKAALIS niya pumasok na agad ako sa bahay at dahil kanina ko pa pinipigilan ang mga iyak ko kaya tuloyan na itong nahulog lalo na ng dumako ang mata ko sa kusina kung saan ang madalas tambayan ni Ate at pakiramdam ko walang wala ako ngayon sa totoo lang natatakot ako at hindi ko alam kung kaya ko ba talagang mabuhay ng hindi nakikita si Ate, magmula ng mawala sina Mama siya palagi ang nandiyan para saakin kaya namimiss ko na siya. MAKIKITA mo ngayon sa loob ng bahay si Yna habang pinagmamasdan ito at dumadaloy sa mga pisngi niya ang tubig mula sa mga mata niya. At naupo ito ng maisip na wala na talaga siyang kasamang pamilya sa Pilipinas na ang taong nag-iisang kasama niya ay umalis na rin para sa pangarap nito kaya sa unang pagkakataon bumalik ritong muli ang pangungulila niya sa mga magulang niya kung saan matagal na niya itong kinalimotan dahil ayaw niyang maisip ng ate niya na hindi siya sapat para kay Yna gayong alam niyang ginagawa lahat ng ate niya para rito. “ Siguro mama kung hindi ka namatay hindi malulungkot si Papa ng sobra dahilan para magkasakit siya at iwan din kami… kaya siguro kung buhay kayo… siguro hindi ako mag-isa ngayon… siguro hindi ako malulungkot ng ganito… siguro mama baka masaya tayo habang pinapanood na maabot ni ate ang mga gusto niya sa buhay…. Siguro may kasama ako ngayon rito sa bahay… siguro mama nagpapakasaya tayo dahil unti unting naaabot ni ate ang mga pangarap niya “ mga iyak nito “ Mama bakit ka kasi umalis agad…. Bakit kasi nangyari ang mga bagay na yon “ at dahil sa sama ng loob ni Yna pagkatapos ritong bumalik ang mga alaala niya tungkol sa mama niya napahiga ito sa sahig pagkatapos mawalan ng lakas nang maisip ang sinapit ng kanyang Ina “ kung hindi ko ba pinilit na bumili tayo ng pagkain puwedi bang nandito ka pa mama? “ At sa sama ng loob niya pagkatapos bumalik rito ang mga nangyari naiyak na lang ito at nakatulogan ito habang nakahiga sa sahig. NAGISING ito nang may maramdaman siyang nakahawak sa likod niya kaya marahan nitong minulat ang mga mata niya at ganon na lang ang paglaki ng mata niya ng bumungad rito ang gwapong mukha ni Kevin. “ Nananaginip ba ako? “ hindi pa niya makapaniwalang tingin rito pagkwan lumingon rito si Kevin kaya nanlaki bigla ang mata niya “ Bakit parang totoo? sobrang lapit niya… sa sobrang lapit nararamdaman ko pati paghinga niya at saka… ang mukha niya sobrang kinis pala talaga niya, Ano bang pinaglihi rito para maging ganito kagwapo? Ganon ba talaga kapag may lahi kang Chinese? “ pagsasalita pa ng utak niya habang nakatingin rito. “ Nagising ba kita? “ paglapag niya rito sa may sofa kaya ganon na lang ang hiya ni Yna nang maisip na hindi ito panaginip. “ NAKAKAHIYA ANG TAGAL NG PAGKAKATITIG KO SA KANYA “ sa isip nito pagkatapos tumalikod kay Kevin dahil sa nararmdaman niyang hiya. “ Okay ka lang ba? “ tanong nitong muli “ Bakit ka natulog sa sahig? Hindi ka ba nilamig? “ tanong pa niya at umiling lang si Yna bilang sagot kaya biglang nanatili sa kanila ang katahimikan. “ I’m sorry… “ napalingon naman siya sa biglang sinabi ni Kevin “ Akala ko may pasok ka kaya hindi na kita sinamahan alam kong nalulungkot ka sa pag-alis ng ate mo kaya dapat sinamahan muna kita “ sabi nito habang nakatigin kay Yna kaya agad inayos ni Yna ang sarili niya dahil ayaw niyang kaawaan siya nito o kahit na sino, ayaw niyang nalalaman ng tao ang totoo niyang nararamdaman. “ Okay naman ako, tinamad lang akong pumasok kaya hindi mo kailangan mag-alala “ sabi nito na may pagyayabang kaya para tuloy itong bata tingnan kaya bahagyang napangiti si Kevin “ Sandali… paano ka nakapasok? “ nanlalaki ang mata pa niyang tanong rito “ Wala namang duplicate ang susi ng bahay namin at saakin ang susi kaya paano ka nakapasok? Sandali hindi kaya bukod sa pagiging doctor trabaho mo rin…. ang akyat bahay? “ hindi naman makapaniwala si Kevin habang nakatingin rito “ Pero hindi nga pala up and down ang bahay namin kaya imposibleng maging akyat bahay ka dahil paano mo maaakyat? “ mga tanong pa niya at sa pagkakataong ito hindi talaga napigilang matawa ni Kevin pero agad niya ring binawi iyon ng masama ritong tumingin si Yna. “ I’m sorry… tulad noon madaldal ka pa rin pala “ napakurap naman si Yna sa sinabi nito. “ Tulad noon? Ni hindi nga niya ako pinapansin noon kaya paanong alam niyang madaldal ako? Sandali… kung ganon napapansin niya rin ako kapag pumupunta sa bahay? “ mga titig niya rito habang nag-iisip kaya marahang tumayo si Kevin para umiwas rito. “ Nakapasok ako dahil hindi mo isinara ng maayos ang pinto, ni hindi mo nga nalock “ pag-iiba nito sa usapan kaya agad naman inalala ni Yna ang pagpasok niya kaya napasapo na lang ito sa mukha niya. “ Buti na lang walang pumasok na iba napaka payat mo pa naman para ipagtanggol ang sarili mo “ ani Kevin habang pinagmamasdan ang loob ng bahay habang iniikot ang mata niya rito pero natigilan siya ng tumakbo si Yna at pumunta sa harapan niya. “ Tsk! At sinong nagsabing hindi ko kaya ang sarili ko? Dalaga na kaya ako!!! “ naiinis niyang tingin rito. “ Sa tingin ko lang naman at wala akong sinasabing hindi ka pa malaki “ tingin rito ni Kevin kaya kumalma na din si Yna “ Anyway, nandito ako para sundoin ka “ sabi pa nito. “ Kaya ko naman pumunta sa bahay mo kaya hindi mo ako kailangan sundoin, gaya ng sabi ko malaki na ako kaya, kayang kaya ko ang sarili ko! “ pagmamalaki pa nito at naupo sa may sofa ulit. “ Tama nga si Lena bata ka pa mag-isip “ napakunot naman siya ng noo sa sinabi nito “ Naihanda mo na ba ang mga dadalhin mo? “ tanong pa niya rito at naupo din sa sofa mula sa gilid nito. “ Kaya ko nga pumunta sa bahay mo kaya bakit ba ang kulit mo? “ masungit niyang tingi rito “ At para sa kaalaman mo si ate ang may gusto na sayo ako tumuloy dahil kung totoosin kaya ko din naman kasing mag-isa “ naaasar nitong sabi. “ Galit ka ba talaga saakin? “ natanggal naman ang pagkakakunot noo ni Yna sa tanong ni Kevin pero bago pa niya ito malingon agad itong nagsalitang muli “ Wag kang mag-alala hindi ako pumapatol ng bata kaya hindi mo kailangan mag-alalang sumama saakin at saka takot ako kay Lena “ hindi naman malaman ni Yna kung anong sasabihin niya dahil kagaya ng ayaw niyang marinig dahil sa ginawa rito ni Kevin ay itong naririnig niya at mula pa mismo sa taong ayaw na ayaw niyang marinig rito. “ Kung ayaw mo talagang sumabay saakin I’ll bring your things para hindi ka na mahirapan pumunta sa bahay at para masigurado ko rin na pupunta ka sa bahay at gaya ng sabi ko takot ako sa ate mo kaya malalagot ako kapag nalaman niyang wala ka saakin “ hindi naman nakapagsalita pa si Kevin ng tumayo ito at kunin ang mga gamit nito at susundan sana niya ito pero mabilis ding lumabas si Yna hila hila ang maleta nito habang kagat kagat ang ulo ni Doraemon na favorite staff toy niya kaya napangiti na lang si Kevin ng makita ito paano kasi ang cute niyang tingnan. “ Mauna kana dahil hihintayin ko pa ang bagong uupa dito sa bahay para ibigay ang susi “ ani Yna “ Wag kang mag-alala pupunta ako doon dahil kagaya ng sabi mo hindi rin ako pumapatol ng mas matanda saakin lalo na kung ikaw! Kaya quits lang tayo! Hindi ka dapat mag-alala na hindi ako pupunta sayo dahil takot din ako kay ate at hindi rin kita type! “ naiinis nitong sabi. “ Did I offend you? That’s not what I mean… Leng “ hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng bumalik ito sa kwarto niya. “ Kainis…!!! “ dinig pa niyang sigaw nito at dahil buo na nga ang pasya ni Yna kaya umalis na siya at pagkaalis niya agad na bumaba si Yna para manood para alisin ang nararamdaman niyang inis. KAGAYA ng sabi niya may bago ng uupa sa bahay nila at lahat ng bagay na hindi nila puweding dalhin katulad ng TV nila ay binenta na rin ng ate niya sa bagong uupa at binili naman ito kaya wala talagang choice si Yna kundi tumira sa bahay ni Kevin dahil hindi sa kanila itong bahay at may bago na ring titira. “ 6 PM na pero wala pa rin yong kukuha ng susi? “ tingin nito sa relo niya habang naiisip ang pagsapit ng dilim gayong ayaw niyang balikan pa siya rito ni Kevin at isiping nagsisinungaling siya pagkatapos ng mga sinabi niya rito kanina. “ Tsk! Ano naman ngayon totoo naman iyon at kasalanan niya! “ pagka-usap nito sa sarili niya “ Bata? Puwes! Matanda naman siya “ pagkausap pa nito sa sarili pagkatapos maguilt sa pinagsasabi niya rito “ Hindi naman ako naguiguilt dahil siya naman ang nauna “ panluluko pa nito sa sarili niya at ilang minutong pagsasalita dumating na rin ang bagong may-ari ng bahay kaya agad niya ritong binigay ang susi saka ito naglakad patungo sa may sakayan saka siya pumara ng sasakyan. “ Saan ka? “ tanong agad ng driver pagkatapos niiyang maupo kung saan dalawa lang sila ng babae ang sakay. “ Saan ba ako? “ tanong din nito ng maisip na hindi nga pala niya alam ang bahay ni Kevin. “ AHHHHHHH!!! KAINIS!!! “ sigaw nito bigla kaya napahinto ang sasakyan na siyang pagbaba naman niya kaya ganon na lang ang takot ng pasahero at nang driver. “ BALIW BA SIYA? “ sabay pa nilang tanong habang tinitingnan si Yna. “ Paano kana ngayon? Wala na akong bahay kaya di na ako puweding umuwi at hindi rin magkakasya ang pera ko patungo kay Megan dahil nasa maleta ko yong pera ko tapos kay April bawal magpatulog sa boarding house niya “ pag-iisip nito at napangiti siya ng makapa niya ang cellphone ni Kevin na binigay niya rito. “ Mabuti na lang “ Pagkuha niya rito at tinawagan ang number na sinasabi niyang kontakin nito pero ilang dial na siya ay hindi pa rin ito sumasagot “ Hindi kaya nagalit siya sa mga sinabi ko? Pero takot siya sa ate ko kaya dapat patuloyin niya pa rin ako isa pa nasa kanya ang mga gamit ko “ pagka-usap pa niya sa sarili niya pagkwan naisip nito ang trabaho ni Kevin. “ Tama baka puwedi kong itanong sa hospital kung saan siya nakatira o kaya baka hindi pa siya nakakauwi “ pagkwan pumara ito nang sasakyan patungo rito. SAMANTALA hindi naman mapakali si Kevin sa loob nang hospital habang iniisip itong si Yna pagkatapos nitong makabalik sa hospital bago pa madala ang mga gamit ni Yna sa bahay nito. " Hindi kaya nasa bahay na siya? " pag-iisip pa nito pagkwan may kumatok sa office niya. " Doc, Hindi ba kayo uuwi ngayon? " Pagpasok ni Jinny habang nakabihis itong pang-uwi. " May tataposin lang ako sandali " pagbalik nito sa ballpen na hawak hawak niya. " Sinabi ko na kasing mag-asawa ka para may dahilan ka umuwi " lapit rito ni Jinny " 28 ka na po, Doc___ " " Ahhh, go away! Leave me alone! " Pagputol nito sa sasabihin pa nang pinsan niya na madalas ritong mang-asar. " Ngayon naaasar ka " tawa nito tsaka pumunta sa harapan niya. " But anyway my favorite cousin, akala ko lasing ka lang kahit hindi ka naman talaga umiinom nong sabihin mong echeck ko ang phone ko palagi dahil baka tumawag ka " tumingin naman rito si Kevin " Ano bang trip mo at tumawag ka nga saakin? At hindi lang once, twice, but 9 missed call " paglapag nito sa phone kaya mabilis naman itong kinuha ni Kevin " Are you sick? " Hawak niya pa rito sa noo para tingnan kung may sakit ba talaga ito at ganon na lang ang gulat niya nang tumayo ito bigla. " Kailan ang mga tawag ko? " " Huh? Are you kidding me? Okay ka lang ba? " Nagtataka niya pang tingin rito at dahil seryoso itong kausap niya kaya napilitan na din siyang kausapin ito " Well, yong pinaka first call mga around 6 " " Bakit naman ngayon mo lang sinabi? " paghablot nito sa gamit niya habang nag-aalala at iniisip na may nangyari kay Yna o baka nasa bahay na niya ito. " Nakasilent ang phone ko at hinahawakan ko lang naman yan kapag wala ka rito " mabilis nitong paliwanag nang mapansing nagmamadaling umalis itong kausap niya " at saka ano bang mayron? Bakit mo ako tinatawagan? " tanong pa niya. " Sige, mauna na ako! " " Akala ko ba mamaya ka pa? " " See you tomorrow " pagtakbo nito palabas. " At kailan pa yon natutong magpanic tsaka bakit niya ba ako tinatawagan? " Pagtingin pa nitong muli sa phone niya " Okay lang ba siya? " Sunod sunod pa nitong tanong. " Bakit siya tumatawag? " Tanong bigla nitong si Kevin habang tumatakbo sa hall way ng hospital pero napahinto ito bigla ng papalabas na siya ng makitang naglalakad rin si Yna mula sa labas patungo sa loob kaya napangiti siya bigla ng masiguradong maayos ito kaya nagpatuloy siyang maglakad muli at sinalubong ito. “ nandito ka? “ napapout naman si yna at nahihiya ritong tumingin kanina pa kasi bumabagabag rito ang mga sinabi niya kay Kevin. “ Ano… kasi hindi ko alam saan pupunta kaya naisipan kong itanong saan ka nakatira hindi mo naman kasi nasabi saakin “ “ Hindi ba sayo nasabi ni Lena? “ natutuwa pa niyang tanong rito pagkwan umiling si Yna bilang sagot habang nahihiya. “ Kung ganon hintayin mo na lang ako, kukunin ko lang ang sasakyan para makauwi na tayo “ “ Sasama ako “ sabi nito agad kaya pumayag na din si Kevin at pagkarating nilang sasakyan napansin agad ni Yna ang mga gamit niya. “ Hindi pa ako nakakauwi “ sabi nito agad at hindi naman nagsalita pa si Yna pero bago pa putolin ni Kevin ang katahimikan nila napalingon siya sa bigla nitong sinabi. “ Pasensya na sa mga sinabi ko kanina “ tingin nito sa labas habang nagsasalita kaya napangiti na lang si Kevin at napangiti naman si Yna nang makita yon sa salamin kaya pakiramdam niya okay na ang lahat kahit hindi magsalita. PAGKRAAN nang ilang minuto dumating na din sila sa bahay nito at isang condominium. “ Nasa taas ang kwarto mo “ agad namang sumunod rito si Yna ng maglakad sa may hagdan si Kevin habang daladala ang mga gamit niya habang siya bitbit si doraemon. “ Dito ang kwarto ko “ pagturo niya sa isang pinto banda sa may kanan “ Ito naman walang tao “ pagturo niya sa isang pinto “ At ito ang sayo “ pagbukas niya sa pinto saka ipinasok ang mga gamit ni Yna “ Okay ba sayo? “ tumango naman si Yna ng hindi tinitingnan ang paligid dahil sa sobrang laki at fancy ng lugar wala siyang magiging dahilan para maging maarte rito. “ Kung may kailangan ka sabihin mo lang saakin at puwedi kang kumatok sa kwarto ko kung sakaling may kailangan ka “ ani Kevin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD