Chapter 4

4631 Words
“ Ahhhhhh!!! Bakit ba gumagana ka pa? Kapag sa school naman namamasyal ka palagi pero bakit ngayon ayaw mong umalis sa ulo ko ?! “ pagtigil nito sa may pinto ng bahay nila habang nakadikit ang ulo niya rito at hawak hawak niya habang inaaway ang utak niya “ Bakit ba kasi nasa isip mo pa rin ang Binbin na iyon? “ pag-kausap niya pa sa sarili niya pagkwan hinawakan nito ang ulo niyang hinawakan rito ni Kevin nong nasa loob sila ng sasakyan pagkatapos itong sumagi na naman sa isip niya “ Akala ko magagalit ako kapag nakita siyang muli pero bakit Ganon....? Bakit pakiramdam ko natutuwa pa ako ng makita siya... Bakit Yna..? “ pagpukpok nito sa ulo niya habang hindi maalis sa isipan niya si Kevin “ Kapag hindi ka pa tumigil sa kaiisip sa kanya paniguradong madadamay…. “ hindi na nito naituloy ang sasabihin niya ng hawakan nito ang dibdib niya at maramdaman nitong lumakas ang heart beat niya “ Bakit ba nararamdaman ko ito sa kanya? Tulad dati wala rin naman siyang pakialam saakin kaya… bakit? “ sa isip nito pagkatapos maisip ng sabihin ni Kevin kay Jinny na High School girl lang siya “ Tsk! Ano naman kung high school pa ako, eh matured naman ako!!! “ dahil sa asar na naramdaman niya biglang nawala ang pag-iisip nito kay Kevin “ Hintayin mo lang pagnasa bahay mo na ako at babawiin mo ang tingin mo saakin! “ pag-ayos nito sa sarili niya saka binuksan ang pinto. “ Natagalan ata kayo “ salubong agad rito nang ate niya pagkatapos siyang makita “ So ano nagkausap na ba kayo ni Kevin? “ excited pang tanong muli ng ate niya. “ Ano naman po kung nagkausap kami? “ asar nitong paghuhubad sa sapatos niya “ At saka gaya po ng sabi niyo umalis din po siya dahil sa trabaho niya “ napangiti naman ang ate niya sa sinabi nito. “ Bakit mukhang disappointed ka? Naiinis ka ba dahil iniwan kayo? “ pang-aasar nito kaya ganon na lang ang sungit niyang lumingon rito. “ Ang akin lang ate baka napipilitan lang po siyang tanggapin akong tumuloy sa kanya dahil hindi naman namin po napag-usapan iyon masyado.., kaya anong pinagsasabi niyo diyan?! “ paglalakad nito sa kwarto niya para magpalit ng damit “ At saka po baka pumayag lang yon dahil may utang na loob sa pamilya natin “ dugtong pa nito pero natigilan siya sa paglalakad nang marinig niyang sagotin ng ate niya ang tawag rito pagkatapos tumunog ang phone niya. “ Dumating na siya “ sagot agad nito sa tawag muli ni Kevin. “ Mabuti naman “ sabi nito na akala mo may nangyari kay Yna para tumawag ito ng paulit ulit kay Lena para tanongin kung dumating si Yna “ Dumating kasi bigla yong pasyente ko nong isang araw kaya kinailangan kong iwan sila “ paliwanag nito pagkwan liningon ni Yna ang ate niya at napakunot ito ng noo pagkatapos makitang ngumiti ito. “ ANO BANG PINAG-UUSAPAN NILA? KANINA NAMAN KAMI HALOS HINDI MAGSALITA ANG BINBIN NA YON TAS NGAYON MAY PANAHON SIYA MAG-USAP SA PHONE? TSSSST! ANG SAMA TALAGA NIYA KAHIT KAILAN!!! “ paglalakad nitong muli at ilang minuto rin yong pag-uusap nila ni Kevin bago matapos. “ Yna halika na kakain na tayo “ tawag rito ng ate niya pagkwan lumabas ito sa kwarto habang nakatali ang buhok nito sa harapan at yakap yakap ang doraemon nitong stuff toy. “ Busog po ako at saka manonod po ako “ pagtungo nito sa TV at naupo saka nito nilagay sa kandungan niya ang ulo ni Doraemon nitong stuff toy. “ Ilang araw na lang di mo na ako makakasabay kumain kaya halika na “ asar naman itong lumingon sa ate niya habang nakapatong ang ulo nito sa upuan niya. “ Nagdadrama ba kayo? Tssst! Gusto niyo ba umiyak na ako ngayon sa pag-alis niyo? Tsk! Ayaw ko nga pong kumain na kasabay kayo dahil alam kong isang araw mag-isa na akong kakain kaya dapat pong sanayin ko ang sarili ko “ malungkot nitong sabi saka humarap muli sa TV at dahil naisip niyang ilang araw na lang ay mag-isa na talaga siyang kakain kaya bigla itong naiyak at ganon na lang ang tawa ng ate niya ng lumakas ito. “ ahhhh!! Ayaw kong umiyaaaaak!! “ pagpunas nito sa luha niya. “ Hay naku! Akala ko ba dalaga kana dahil 18 kana, Sabi mo pa saakin noon gusto mong lumipat ng bahay pag-18 kana dahil kaya mo na mag-isa dahil dalaga kana “ pagbibiro rito ng ate niya pero totoong sinabi ito ni Yna pagkwan tumahan na din siya dahil alam niyang pinipigilan din maiyak ng ate niya dahil sa nalalapit nitong pag-alis. “ NASABI KO LANG NAMAN YON DAHIL SA BINBIN NA YON TSSST! ANG DAHILAN BAKIT GUSTO KONG MAGDALAGA AGAD AT UMALIS SA PUDER NI ATE, EH DAHIL GUSTO KONG PATUNAYANG MATANDA NA AKO, NA DALAGA NA AKO PAGKATAPOS NG GINAWA SAAKIN NG KEVIN NA YON PORKET BATA PA AKO “ asar na pag-iisip ni Yna dahil sa ginawa rito ni Kevin kalahati sa desisyon nito sa buhay o sa pagkatao niya ay resulta ng ginawa rito ni Kevin dahil talagang naging bangungot ito kay Yna. “ halika na at kumain na tayo “ napilitan naman itong magtungo sa ate niya. ****** PAGKATAPOS nang mga nangyari hindi na ulit kami nagkita ni Binbin siguro kapag aalis na lang ulit si Ate tssst! Di ko naman siya namimiss noh! Over my pure and cute soul. Anyway, ayaw ko talagang nag-uumaga dahil lumalapit ang alis ni Ate, talagang nalulungkot ako at saka nahihirapan akong huminga kapag naiisip kong kay Binbin na ako titira. Haist! Baka magkaroon ako ng asthma pag sa bahay na niya ako humihinga. “ HOY! Anong nangyayari sayo? “ agad naman akong napalingon kina April habang hinihintay nila ako sa gate. “ Partner okay ka lang ba? “ pagbaba ni Megan sa kamay ko habang nakahawak sa buhok ko pagkatapos ko itong gulohin dahil sa mga naiisip ko. “ HINDI AKO OKAY!! “ agad naman nilang pinigil ang iyak ko. “ Alam naming nalulungkot ka sa pag-alis ni ate “ yakap nila saakin “ Pero swerte ka naman dahil kay Sir Doc kana titira “ kinikilig nilang sabi at talagang hanggang ngayon nahuhumaling pa sila doon kaya naman agad kong tinanggal ang pagkakayakap nila saakin at naglakad. “ BAKIT BA GUSTONG GUSTO NIYO ANG ISANG IYON? ALAM NIYO HINDI PORKET GWAPO SIYA, MABANGO, MATALINO, MAKINIS, MAPUTI, MATANGKAD, CUTE ANG MATA, MUKHA NG MGA OPPA NIYO SA K-DRAMA O KPOP KAGAYA NG EXO, NANLILIBRE, AT MALAKAS ANG DATING EH DAPAT NA KAYONG KUMAMPI SA KANYA O BALIWALAIN NIYO ANG POOT NA NARARAMDAMAN KO SA LOOB LOOB KO DAHIL SA KANYA “ sumbat nito sa mga friend niya pagkwan tumitig sila rito. “ Sa dami ng magagandang sinabi mo hindi ko alam kung maiitindihan pa kita… I’m sorry Partner pero pagkatapos namin siyang makita e talagang naiitindihan namin ang ginawa niya sayo kaya wala kang dapat na ikainis o ikahiya dahil paniguradong maiitindihan ka din ng lahat kung sakali mang makilala din nila si Sir Doc “ ani April na siyang tinanguan ni Megan bilang pagsang-ayon. “ Napaka fake niyo talagang kaibigan, sinabi nang dapat hindi niyo siya nakasama pa “ mabilis namang umakbay rito si April habang si Megan humawak sa kamay niya. “ Kung may paraan lang para magkapalit tayo ng mukha para ako ang tumuloy sa bahay niya gagawin ko “ ani April. “ Puwedi kong kausapin si Daddy kung gusto niyo ng surgery “ napalingon naman sila sa sinabi ni Megan “ Kaso feeling ko masakit iyon “ sabi rin nito agad. “ A-ano yon Megan..sur-sur…? Ano yong sinabi mo? “ hindi pa matandaang tanong rito ni Yna pagkatapos maging interesado na baka puwedi nga silang magpalit ni April para hindi doon matuloy. “ Surgery “ “ Ano ba yon gamot ba yan para magkapalit kami ng mukha?, mask? O kaya make up? Pintura? “ naeexcite nitong tanong. “ Plastic surgery o kaya retoki madalas ginagawa ng mga tao na may gustong bagohin sa sarili nila para gumanda kaso hindi yon gamot, pintura, mask, o make up dahil habambuhay na yon “ paliwanag ni April kaya agad naman nanliit ang mata ni Yna senyales na mag-iisip na naman ito ng mga werdong bagay. “ Black magic? Ang bongga naman akala ko wala na yan sa panahon natin... Parang yan ba yong ginawa ng kalaban ni Darna at naging kamukha niya? Teka! Hindi ba’t alien ang mga kalaban ni Darna so ibig ba nitong sabihin alien ang gumagawa ng mga plastic surgery? Sandali… kung ganon totoo ba talaga ang mga alien? Nakakita kana ba Megan? “ namamangha pa nitong pagdaldal kaya sina April napabuntong hininga na lang sila pagkatapos malihis ang usapan nila dahil sa pag-iisip ni Yna. “ Sinabi na naming bawas bawasan mo ang panonood ng anime nakakasira yan ng imahinasyon, lumalawak ang kaalaman mo sa unreal world “ paglalakad ni April na siyang sinundan ni Megan pagkatapos matakot sa dami ng naisip ni Yna. “ Eh sabi niyo kaya niyang bagohin ang mukha, eh sino bang mortal ang makakagawa nun? “ “ Partner kutsilyo ang gamit “ pinakasimple ritong paliwanag ni Megan kaya ganon na lang ang gulat ni Yna takot kasi ito sa sugat o dugo. “ Tinakot mo naman “ ani April pagkatapos makita ang pagtahimik nito pagkwan dumating na silang classroom at kagaya ng madalas mangyari nakaupo na naman itong si Oli sa upuan ni Yna kung saan nag-uusap sila ni Nico kung saan si April ang katabi nito na siyang katabi naman ni Yna kaya nga nakaupo rito si Oli habang si Megan sa kabilang side naman. “ GOOD MORNING MEGAN, YNA, AT APRIL!!! “ bati agad ni Nico. “ Good morning “ bati rin nitong tatlo pagkwan dumako ang tingin ni Oli kay Yna at agad itong natawa ng nakanguso ito. “ Ano yan sad girl? “ pang-aasar agad ni Oli pagkwan masama itong tumingin sa kanya. “ ANG PANGIT MO TALAGA OL____ “ natigilan siya ng maisip ang sinabi nito kay Kevin na boyfriend niya ito kaya agad itong ngumiti kung saan makikita mo sa mata niyang naiinis ito at pinaplastic lang talaga nito si Oli. “ Bakit habang tumatagal mas lalo ka atang nagiging weird? “ pag-alis nito sa upuan ni Yna at natawa na lang sina Megan dahil alam nila bakit nito pinaplastic si Oli. “ subokan niyong magkamaling ibuka ang bibig niyo maglalangoy ako rito sa classroom para isipin ng lahat na nababaliw na ako para maisip na sabihin yon ” bulong nito sa dalawa habang nakangiti kay Oli at dahil magkakatabi naman silang tatlo kaya narinig ito nila Megan kaya pinilit nilang maging seryoso dahil alam nilang hindi ito nagbibiro kagaya ng sabi ni Oli werdo si Yna at hindi mo talaga mababasa anong nasa isip niya. “ Good morning class! “ mabilis namang naupo ang lahat sa sinabi ng teacher at si Oli bumalik sa upuan nito at hindi niya maalis ang mata niya kay Yna pagkatapos mapansing balisa ito dahil sa mga naiisip niya sa pag-alis ng ate niya at mas lalong nagtaka rito si Oli ng hindi pa ito magcanteen kaya hindi pa natatapos ang recess time bumalik agad ito sa classroom para dalhin ang pagkaing binili rito nila Megan. “ Ayan.. kainin mo tsst! Napakapayat mo na para mag-diet “ paglapag ni Oli sa pagkain nito at naupo sa harapang upuan ni Yna kung saan silang dalawa lang ang tao rito. “ Sino bang nagsabing nagda-diet ako? Wala lang akong ganang kumain “ pagpatong nito sa ulo niya sa dalawang braso nito habang nasa arm chair niya kaya napangiti na lang si Oli pagkatapos macute-an rito. “ Dahil ba doon sa lalaking nanakit sayo at sa pag-alis nang ate mo? “ agad naman siyang napatingin rito “ Nagkwento sina April tungkol sa mga nangyari kahapon_____ “ “ sandali maliban kay Binbin at sa mga nangyari kahapon wala ba silang sinabi na sinabi ko? “ pagputol nito sa pagsasalita ni Oli pagkwan bigla itong tumahimik at tumingin sa kanya kaya pakiramdam niya sasabog ang puso niya madalas niya kasing laitin si Oli dahil ganon din ito sa kanya kaya sa oras na malaman nito ang sinabi niya kay Kevin paniguradong hindi siya titigilan nito asarin. “ ano… sinabi nilang… napakalabo din talaga na magustohan ka “ ganon naman ang pagtataka nito pagkatapos huminga ni Yna ng malalim. “ Sandali… may dapat ba akong malaman? “ agad naman itong umiling sa kanya at mangungulit pa sana siya pero tumahimik na naman ulit si Yna. “ Kung gusto mo hahanapan na lang kita nang apartment kung ayaw mo talagang tumira doon sa lalaki.. ano bang pangalan niya, Binbin ba talaga? “ “ Ayaw ko sa totoo niyang pangalan kaya hindi ko babanggitin “ parang bata nitong sabi “ salamat na lang sa alok mong tulong pero hindi ko rin naman kayang mabuhay mag-isa baka mag-alala lang si ate “ matamlay nitong sabi. “ Edi! Kung gusto mo dadalawin kita palagi “ agad ibinaling ni Oli ang tingin niya sa ibang direksyon pagkatapos ritong tumingin ni Yna pagkatapos magulat sa sinabi niya “ Yon ay kung gusto mo “ nahihiya pa nitong sai habang umiiwas rito ng tingin. “ Ayaw ko “ ganon naman ang pagkakakunot noo nito sa mabilis ritong pagtanggi ni Yna pagkatapos lunokin ang pride niya pero agad niyang inalis iyon ng makitang malungkot talaga ito. " O sige, total ikaw naman ang tinutulongan ko kaya hindi kita pipilitin pero seryoso ako ah “ seryoso nitong tingin kay Yna. “ Oo kaya sallamat, Oli “ pilit niyang ngiti rito dahil totoo namang natouch siya sa tulong nito. “ Minsan may sumasapi talagang Yokai kay Oli para maging mabait bigla saakin “ pag-iisip nito habang pinagmamasdan ang pagkaing dala nito. “ Ano… Nandoon na ako sa part na pumunta si Diedara sa lugar ng Kazekage “ bigla namang umayos ng upo si Yna sa sinabi ni Oli. “ Kung ganon nanood kana ng Naruto Shippuden? “ naeexcite nitong tanong. “ Oo, gusto ko nga sanang manood pa ng isang episode kaso may klase nga tayo “ paghahanda nito sa drinks ni Yna pagkatapos nitong kunin ang burger sa dala niyang pagkain rito. “ Gusto mo bang ikwento ko sayo? “ excited ritong tanong ni Yna. “ Hindi na ako manonood kapag nagkwento ka “ mabilis naman siyang hinawakan nito sa braso. “ Oli kunti lang ang ikukwento ko… promise! “ excited pa nitong sabi na ngayon nakangiti na siya kaya paano pa siya tatanggi kaya tumango na lang siya. AT nagsimula na nga magkwento si Yna with action kaya tawang tawa itong si Oli kahit nakakalungkot naman nong kinukwento nito. “ Sandali bakit naman ata tawang tawa ka? Masaya ka ba sa nangyari kay Gaara? “ masungit niyang tanong rito at umiling naman bilang sagot si Oli hindi naman kasi siya nakafocus sa kwento kundi sa nagkukwento. “ Di bale na nga napagod na rin ako kaya panoorin mo na lang basta mangako kang tataposin mo! “ “ Oo naman pero sino bang gusto mong characters doon? “ natutuwang tingin rito ni Oli habang kumakain si Yna, ayaw talaga niyang magkwento ito dahil gusto niyang siya mismo ang makaalam sa mangyayari sa bawat episode pero alam niyang makakalimotan nito ang mga bumabagabag sa kanya kung magkukwentohan sila about anime at alam niyang never pang sumablay itong gamitin kay Yna para ngumiti. “ si Hinata “ tipid nitong sagot saka ininom ang drinks kaya ganoon na lang ang pagtataka ni Oli usually kasi kapag sinabi nito ang gusto niyang anime character talagang ibibida niya pero ngayon napakatipid at alam niyang ang Naruto ang pinakafavorite nitong anime kaya alam niyang malalim ang dahilan bakit si Hinata ang favorite character niya ( Anyway, if you’ve watched Naruto anime maybe you’ll understand why Yna loves Hinata, kung gusto niyo ng kunting kwento about Naruto para maitindihan niyo about sa mga ini-insert kong kwento about Naruto willing akong ilagay but for now hindi muna baka mabored lang kayo sa pagbabasa HAHAHAHA ) NATIGIL lang ang pag-uusap ng dalawa nang dumating na ang mga kaklase nila. “ April salamat ah “ natigilan si Yna ng magbayad sa kanya itong kaklase nilang pagkatapos itong gawan ni April ng assignment at binigay thru chats. Pinagkakakitaan talaga ni April ang talino niya sa pamamagitan ng paggawa at pagsagot sa mga assignment ng mga kaklase niya. “ Megan may papel ka ba? Naubosan ako kahapon eh tinamad na akong bumili “ ani Lay at mabilis naman itong binigyan ni Megan may pagka-traditional way of teaching talaga ang teacher nila kaya minsan gumagawa sila ng assignment sa papel. “ Tapos ka na ba? “ paglapit din ni Nico. “ Oo, ayaw ko ng bumalik sa G12, gusto ko ng magcollege “ tinatamad pang sabi ni Lay “ eh ikaw? Naku! Bawal ang kopyahan ah “ parang bata naman itong ini-snob ni Nico saka lumapit kay April. “ April baka puweding humingi ng tulong ket number 3 lang nahihirapan kasi ako “ nakangiti niyang lapit rito. “ Oo pero may bayad ha! “ “ Pati saakin? “ “ Bakit kailangan ba exempted ka? “ lingon niya rito habang nakangiti kaya ganon na lang ang kilig nitong si Nico. “ WALA KANG ASSIGNMENT NOH? “ paglapit ni Oli kay Yna habang nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa paglilipat ni Lay ng sagot sa papel nito. “ Kailan pa tayo nagka-assignment bakit wala akong alam? “ “ Partner are you serious? Nagreply ka pa nga sa GC nating tatlo nila April na gagawa ka rin “ ani Megan habang hindi makapaniwala kahit wala namang bago kay Yna sa bagay na ito kaso masungit ang teacher nila rito kaya for sure mapapagalitan siya kapag nalaman nitong wala siyang assignment. “ Naalala ko na kaso nakalimotan ko din gawin paano kasi biglang sumakit ang tiyan ko kaya ayon tuloyan ko ng nakalimotan pagkatapos kong lumabas ng banyo “ nakakagat labi pa nitong sabi habang natatakot nang maisip ang teacher nila. “ Kahit gawan kita hindi na tayo aabot “ ani April “ Eh bawal pa naman ang kopyahan baka mas lalo lang tayong mapagalitan pagnapansin ni ma’am at after nong limang assignment na ginawa kong paraphrasing sa assignment ng mga kaklase natin for my business eh pigang piga na ang ulo ko “ ani April. “ Ako na lang Yna pero kailangan bilisan mong isulat ang mga sasabihin ko baka kasi malaman ni ma’am na ako ang gumawa sayo kung ako ang magsusulat sayo “ at katatapos lang nito magasalita ng dumating ang teacher nila kaya pakiramdam ni Yna naging papel siya at naglilipad lipad sa buong klase nila. “ Sayo na lang yan wala naman akong naisulat na pangalan “ ani Oli kaya ganon na lang ang lingon rito ni Yna at nang mga kaibigan niya dahil hindi talaga likas rito maging mabait lalo na sa ganitong bagay dahil tamad din itong gumawa ng assignment o magsulat. “ Salamat na lang malalaman din naman ni ma’am na sayo ito kapag nakita niya ang sulat kamay mo “ ani Yna pagkatapos maalis ang mga ngiti niya nang ibigay rito ni Oli ang assignment niya pagkatapos makita ang sulat kamay nito. “ Wag kang mag-alaala hindi niya yan malalaman kung papansinin mo may pagkakapreho tayo ng sulat kamay at saka sino naman ang magtatangkang isipin na gagawan kita ng assignment at kung sakali man ako ng bahala “ ilang Segundo naman itong tiningnan ni Yna. “ Eh paano ka? “ nag-aalala nitong tanong. “ Okay lang, sa oral na lang ako babawi at isa pa kapag natawag ka ni ma’am hindi na siya nagpapasa ng papel dahil automatic na yong may points kaya hilingin mo na lang na matawag ako “ paliwanag pa nito. “ Eh paano kung di ka makapag-oral or matawag ni ma’am? “ “ Ako nang bahala doon “ mayabang nitong sabi “ Pero Yna bawal kang kiligin ha? Naaawa lang ako sayo “ pang-aasar pa nito pagkatapos makita ang pag-aalanganin tanggapin ni Yna. “ Tssst! Iniisip ko lang naman paanong mas may nagawa ka kaysa saakin? “ “ Aba! dahil mas magaling ako sayo! “ “ Naku! Bumalik ka na nga sa upuan mo mamaya tangayin pa kami ng hanging dala mo “ nakangiti namang bumalik si Oli. Pasaway si Oli pero hindi siya pabaya sa studies niya pero ngayong G12 lang siya dahil gusto niyang makagraduate. “ SINASABI NA NGA BANG WALA NA NAMAN SIYANG NAGAWA DAHIL SA MGA NANGYAYARI SA KANYA O DAHIL MAHINA TALAGA ANG UTAK NIYA “ pagmamasdan niya rito at natawa siya ng paliitin ni Yna ang mata niya habang binabasa ang sulat ni Oli “ Matanda na ba siya para mahirapan basahin ang sulat ko? “ ngiti nito at kagaya ng sabi niya nagawa niyang matawag siya ng teacher pagkatapos niyang magpapansin rito habang si Yna naman ay naipasa ang ginawa nitong assignment. “ Umamin ka nga Oli type mo si Alejandro noh? “ Napalingon naman ito kay Nico habang titig na titig ito sa sasakyan nila Yna na umalis para umuwi after ng class nila this day. “ At saka paano bang gumagawa ka na nang assignment at pinamigay mo pa? “ ani Lay. “ Whoa! Totoo? “ hindi makapaniwalang tanong ni Kier. “ Anong sumanib sayong Yokai? “ pang-aasar na din ni Luke pero mahinahon talaga ang boses nito kaya hindi mo alam kung maaasar ka o matutuwa. “ SEXY AT MATATALINONG BABAE ANG GUSTO KO AT HINDI TULAD NI YNA NA MARAMING IMAHINASYON, ISA PA CUTE LANG SIYA PERO HINDI SIYA MAGANDA “ ganon naman ang asar niya ng may pang-aasar nila itong tingnan. “ So inaamin mong cute siya? “ ani Kier. “ Ano ngayon? “ “ sus! Sa tagal ng pagsasama nating lima never ka pang pumuri nang babae maliban sa kapitbahay niyo noon, palagi mong sinassabi gusto mo nang sexy at matatalinong babae pero never ka pa naman naging seryoso at naging mabait sa kanila “ ani Lay. “ Kaysa naman sainyo lahat ng babae type niyo! Lalo ka na! “ duro nito kay Kier kaya ganon na lang ang tawanan nila. “ Pero sang-ayon ako kay Oli… cute talaga si Yna lalo na kapag kinakausap niya ang mga bagay bagay na walang buhay “ ani Luke. “ Sandali baka ikaw Luke ha? Ang alam ko wala ka pang ideal girl baka si Yna yan ah, gagraduate na nga pala tayo pero never ka pang nagkacrush o nagshare nang anong klaseng babae ang gusto mo “ madaldal ritong sabi Nico. “ Wala talaga akong crush sa campus dahil halos naman ng babae rito hindi mo na kailangan paghirapan dahil gusto ka agad maliban kay Yna… pakiramdam ko nga minsan kapag tinitingnan tayo para tayong mga insektong gusto niyang tirisin lalo kana Oli “ agad naman itong napalingon rito pero bago pa siya makapagsalita dinugtongan agad nito ang sasabihin niya “ Sina Megan they’re normal girl dahil nagkukwento din sila ng mga crushes o type nilang lalaki pero si Yna ang lalaking kwento lang niya ay ang papa niya at lately nga yong lalaking binasted siya kaya naisip kong natrauma siya doon kaya siguro ayaw na magsabi ng nararamdaman about sa mga lalaki but I can’t say if she’s my ideal girl ayaw ko din kasi nang maiingay na tao at naiinis nang walang dahilan siguradong malaking problema yon ” mahaba nitong sabi. “ Siguro yon ang dahilan bakit cute siya dahil naiiba siya “ ani Oli saka naglakad at nagtungo sa motor nila at sumakay rito. “ Hindi ako magugulat kung isang araw crush mo na si Yna first time mo atang dumaldal ng ganon kahaba at dahil lang kay Yna “ tapik rito ni Kier. “ Feeling ko bagay naman kayo “ makulit ritong sabi ni Nico kaya ganon na lang ang pagkakakunot noo ni Oli. “ Nga pala Nico nahanap mo na ba yong pinapahanap ko sayo? “ “ Ayon kay mommy wala namang Kevin Wu na lumipat sa mga condominium namin “ ani Nco karamihan kasi sa mga bonggang hotel, apartment, condominium ay pagmamay-ari ng pamilya nila. “ Saan kaya siya lumipat di man lang sinabi saakin at saka bakit ba siya lumipat? Hindi kaya may live in na siya? Ah! Tama yong babaeng nakadate niya last Saturday pero… kilala ko ba ang babaeng yon? Gaano kaya kaganda para magka-interest sa kanya ang idol kong pinsan “ bulong nito “ Kaasar ang dami ko ring pinakilala sa kanya kaya pala tinatanggihan niya hindi dahil sa busy siya kundi dahil may girlfriend naman siya “ ani Oliver. “ Kung ganon may girlfriend na rin yong cool mong pinsan? “ “ Hindi pa ako sigurado sa bagay na yon pero malakas ang kutob ko “ “ Siguro napaka sexy niya “ kinikilig nilang sabi. “ Matangkad siguro “ ani Lay. “ O baka doctor din tulad niya? For sure matalino din “ ani Nico. “ Sigurado yon… napaka cool niya kaya siguradong maganda ang girlfriend niya kaya nga kailangan kong malaman saan siya nakatira “ ani Oli. “ Edi! Ipagpatuloy natin ang paghahanap “ ani Luke. “ Oo!! “ ani Oli pagkwan humarurot na sila nang alis. SAMANTALA natigilan sa paglalakad si Yna sa patungo sa bahay nila ng may mahagilap siyang sasakyan kung saan galing ito sa bahay nila at agad siyang nagtago ng makilala ito. “ KAY BINBIN “ pagsiksik nito sa may pader para magtago ng mapansing papunta sa direksyon niya ang sasakyang paalis. “ Ingat ka! “ pagkway pa rito ng ate niya at agad siyang nataranta ng maisip na baka makita siya nito habang inaayos ang buhok niya. “ meow! “ natigilan ito at napalingon sa pusang dadaan sa harapan niya habang nakatingin sa kanya. “ meow “ pagmeow din nito saka naupo at hinablot ang pusa at nilagay sa ulo niya para magtago sa sasakyan ni Binbin na dadaan sa kanya. “ Galing siya sa bahay…? “ bulong nito ng malagpasan siya nito. “ Salamat meow meow isa kang supercat! Salamat sa pagtulong saakin! “ pagsaludo pa niya rito pagkatapos tumakbo ng pusa nang bitawan niya ito at takot na takot sa ginawa ni Yna pagkwan naglakad na rin siya pauwi. “ Kakagaling lang rito ni Kevin “ sabi agad rito ng ate niya nang makapasok siya at maupo. “ Ano naman po ngayon? “ masungit nitong sabi. “ Umayos ka nga! Ilang araw na lang sa kanya kana titira kaya siguradohin mo talagang magiging mabait ka sa kanya kundi sasamain ka talaga saakin” tingin rito nang ate niya. “ Dapat siya ang maging mabait saakin noh! “ parang bata nitong sabi “ At saka ate gaano po ba talaga kayo kaclose para ipagkatiwala mo ako sa kanya? Isa pa babae ako at lalake siya, isa pa matagal na natin siyang hindi nakikita kaya paanong ipagkakatiwala niyo ako? “ lingon nito sa ate niya. “ Una malabong sirain ni Kevin ang profession niya para lang sayo, Pangalawa napaka buti niyang tao, pangatlo kayo lang ang hindi nagkikita dahil noon pa man nagkikita pa rin kami____ “ “ MAGKAIBIGAN LANG PO BA TALAGA KAYO? “ pagputol bigla ni Yna sa pagsasalita ng ate niya. “ Ano? “ gulat na gulat ritong tanong ng ate niya. “ Wa-wala po! “ mabilis nitong pagtayo at nagtungo sa kwarto niya dahil maging siya nagulat sa tanong niya kaya ngayon gusto na niyang magpalamon sa lupa dahil sa nararamdaman niyang hiya habang ang ate niya napangiti na lang. “ Hanggagng ngayon ba may gusto pa rin siya kay Kevin? “ tanong nito pagkatapos nang inasta ng kapatid niya pagkwan napangiti lang siya at hindi na inasar si Yna dahil alam niyang nagpapakamatay na ito sa kahihiyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD