Chapter 3

4944 Words
" Do you wanna go for a coffee? " nalaki naman ang mata ni Yna sa sinabi ni Kevin. “ Niyaya niya ba ko makipag-date? Sandali gu-gusto na rin ba niya ako? Pero hulii na ang lahat da-dahil hindi ko na siya gu-gusto! “ pag-iisip pa nito habang nakakagat sa ibaba ng labi niya pero natigilan siya sa sunod na sinabi ng mga kaibigan niya. “ hindi kami mahilig sa coffee mapait po kasi yon “ pagngiwi pa ni April na siyang pagtango ni Megan dahilan para marealize nitong hindi siya ang kinakausap ni Kevin “ Pero okay po kami sa ice cream “ agad namang tinakpan ni Yna ang bibig ni April. “ Ano bang sinasabi niyo? Dinala lang natin ang jacket niya at walang dahilan para sumama tayo “ sabi pa nito pagkwan pinilit niyang tumalikod sina Megan habang nakaakbay siya sa mga leeg nila “ Nakalimotan niyo na ba ano ang lalaking yan saakin? Sa bestfriend niyo? “ bulong niya sa mga ito. “ Sayo lang naman yon at saka mabait naman siya tingnan “ ani April kaya ganon na lang ang dismaya niya pagkatapos mahumaling ang mga ito sa kagwapohan ni Kevin “ At saka naiitindihan ka na namin bakit nabusted ka ng tulad niya kahit naman ako, kung sakaling ako siya talagang babastedin kita dahil napaka gwapo at ayos ko namang tao para sa tulad mo o tulad natin kaya okay lang yan Partner sa katunayan isang karangalan pa ang magkagusto sa kanya kaya walang nakakahiya sa ginawa mo “ bulongan pa nila habang nagtataka si Kevin sa panonood sa kanila at bago pa makatango si Megan bilang pagsang-ayon mabilis itong nilingon ni Yna. “ Wag mo sabihing tatango ka na naman para sumang-ayon kay April pagkatapos magayuma kay Binbin “ kaya mabilis na umiling si Megan kaya ganon na lang ang lingon rito ni April " Alam ko namang hindi ka nadadala sa mga lalaki " masayang sabi ni Yna habang iniisip ang pagkampi rito ni Megan. “ Hindi ako tatango para sumang-ayon pero tama si April at saka napaka bango niya rin at mukha siyang matalino “ dahan dahan naman silang binitawan ni Yna. “ hindi ka nga tumango para sumang-ayon pero nagsalita ka naman at dinagdagan pa ang mga sinabi niya “ disaapoint nitong tingin sa mga kaibigan niya habang nagsasalita ang utak niya “ PERO HINDI KAMI SASAMA BAKA PAGNAKILALA PA ITO NG MGA BESTFRIEND KO TULOYAN NILANG MAKALIMOTAN NA AKO ANG BESTFRIEND NILA AT HINDI PARA HANGAAN DIN ANG MAPANAKIT NA LALAKING ITO “ pagkwan madiin itong pumikit para kumuha nang lakas ng loob saka nito dinilat ang mga mata niya at lumingon kay Kevin. “ Pasensya na pero wala kaming pera para sumama sayo kaya puwedi ka na naming iwan “ pag-bow pa nito saka mataray na naglakad pero natigilan siya ng hindi rito sumunod ang mga kaibigan niya kaya agad siyang lumingon sa kanila pero bago pa siya makapagalita biglang nagsalita si Kevin. “ I’ll treat you “ agad nangislap ang mata ng dalawa habang si Yna biglang naningkit ang mata nitong nakatingin sa kanila sa asar “ Mga traydor talaga ang mga ito kapag libre ang narinig nila pero sa bagay napaka bongga nga naman ata ang librehin ka ng tulad ni Binbin “ natigilan ito sa biglang naisip niya “ HAIST! GUMISING KA NGA! GALIT KA SA KANYA KAYA DAPAT GALIT KA, GALIT….GALIT” paghinga pa nito ng malalim pero natigilan siya sa pag-inhale ng lumingon bigla rito si Kevin at ilang segundo rin ang pagtititigan nila bago niya ibinuga ang hininga niya pagkatapos itong mahirapan dahil sa pagkakapigil sa hininga nito dahil sa gulat ng magtama ang mata niila kaya ganon naman ang pigil ni Kevin sa tawa niya pagkatapos itong marealize. " Okay, kukunin ko lang ang susi nang sasakyan ko " pag-alis nito nang hindi hinihintay ang desisyon ni Yna. " Wala naman tayong magagawa " pagkibit balikat ni April saka tumango rito si Megan bilang pagsang-ayon saka sila naglakad para umiwas sa masasamang tingin sa kanila ni Yna. “ Ibenenta niyo ang friendship natin para sa isang libre at mukha ni Binbin? “ “ Ngayon lang naman tsaka ayaw mo bang malaman bakit ka niya binasted? “ “ AYAW KO!!! OBVIOUS NAMAN BAKIT AKO BINUSTED DAHIL BATA PA AKO AT SAKA SA ORAS NA BANGGITIN NIYO SA KANYA ANG BAGAY NA YON HABANG BUHAY KO KAYONG KAKALIMOTAN TAPOS MAG-AARAL AKO NG BLACK MAGIC PARA PARUSAHAN KAYO!” titig niya sa mga ito na parang bata. “ Naku! Ayan ka na naman sa mga imahinasyon mo “ pag-iwan nila rito para subokang ibahin ang usapan para makasama sila kay Kevin at nagtagumpay naman sila dahil sumunod sa kanila si Yna nang hindi naiisp na sa antayan ng sasakyan ang tungo nitong dalawa para hintayin si Kevin. " Pero Partner napaka guwapo pala niya!! " kinikilig ritong lingon ng dalawa pagkatapos hindi makapagpigil. “ Half chinese kaya siguro ganon “ agad naman siyang binalikan nitong dalawa dahil sa tamad nitong sinabi pagkatapos tanggaping sasama sila rito dahil wala naman siyang magagawa pagkatapos mahumaling ang mga ito sa libre at hitsura ni Kevin. “ Partner marami ka bang alam tungkol sa kanya? Dali magkwento ka gusto namin malaman “ ani April saka tumango rito si Megan. “ Maliban doon wala na akong alam tungkol sa kanya hindi naman kami naging close dahil si ate ang kaibigan niya tapos dumadaan lang siya sa bahay dati, hindi tumambay kundi para sumilip lang o kaya iinom ng tubig akala mo naman wala silang tubig tssst! At nagtatama lang ang mata namin noon kaya maliban doon wala na… dahil tahimik naman yon noon, bihira ko lang marinig magsalita pakiramdam ko nga baka nagsa-sign language lang sila mag-usap ni ate “ masunggit nitong pagkukwento “ At saka hindi naman maaapektohan ang pagsasalita mo kung mawawalan ka ng paningin diba? “ “ Nakwento mo nga pala sa hospital ang una niyong pagkikita “ sabi ng mga kaibigan niya at nakita naman nila ang paglungkot nito pagkatapos ritong bumalik ang nangyari sa mama niya. “ Sorry Partner “ umiling naman ito bilang sagot kagaya ng sabi nang ate niya hanggang ngayon bangongot sa kanya ang nangyari sa mama niya pagkatapos itong masaksihan sa murang edad at alam yon ng mga kaibigan niya. " Sa labas na tayo maghintay " paglalakad ni Yna. " Yna… “ Napalingon naman siya sa kanila saka siya niyakap nitong dalawa sa magkabilang braso kaya gumaan na rin ang pakiramdam niya “ Nga pala... wala ka na ba talagang crush sa kanya? " Hindi naman ito sumagot pa at nanatiling seryoso ang mukha. " Sige, saamin na lang siyaaaa!! " Sigaw nito April “ Pero kung gusto mo tayong tatlo na lang ang may crush, sekreto natin “ bulong pa nila rito. “ KAPAG NABABALIW NA AKO SAKA KO SIYA MAGUGUSTOHAN ULIT! “ tumahimik naman sila sa sinabi nito dahil alam nilang maaasar ito kapag ipinilit nila ang pagbibiro nila rito pagkwan naghintay na nga sila sa labas at hindi nagtagal lumabas na din itong si Kevin. " Kukunin ko lang sandali yong sasakyan " " Sasama kami!!! " Pagbuntot rito nang dalawa kaya sumunod na din si Yna Leng pagkwan nilingon nito si Yna Leng at mabilis itong nag-iwas nang tingin rito habang nakanguso sa inis pagkwan dumating na din sila sa may sasakyan. " Partner!!! " Sabay nilang tawag rito at bago pa sila matapos magsalita naupo na ito sa unahan, ganito kasi palagi ang set-up, kapag may pinag-aagawan ang dalawa madalas kay Yna napupunta para hindi mapunta sa dalawa. Nerd si Megan pero pagdating sa kanilang dalawa ni April naipapakita nito ang totoo niyang ugali kung saan ang makipaglaban sa bagay na gusto din nito. “ OKAY NA RIN ITO DAHIL KAGAYA NG SABI NI ATE ILANG ARAW MAGKASAMA NA KAMI NITO KAYA DAPAT LANG NA OKAY NA KAMI O KUNG HINDI MAN DAHIL IMPOSIBLE YON , EH AT LEAST MALAMAN KO KUNG MAY NAGBAGO BA SA UGALI NITO O TULAD PA RIN NG DATI NA AKALA MO MAMAMATAY PAGNAGSALITA “ pag-iisip pa nito. " Magseat belt na kayo " agad naman sumunod ang dalawa pagkwan nakita ni Kevin na hindi man lang gumalaw si Yna Leng habang nakatingin sa labas at lumilipad ang isip kaya ganon na lang ang gulat nito nang siya ang magseatbelt rito kaya ganon na lang ang tingin nang dalawa sa kanila at nagpigil ng kilig. " Anong ginagawa mo?!! " Hampas ni Yna sa ulo ni Kevin kaya napahawak ito sa ulo niya at ganon na lang ang hiya ni Yna ng marealize ang ginawa niya. “ Kaya ko naman kasi… tsst! Nagulat ako kaya ayon.. nahampas kita “ pagpapaliwanag nito ng hindi tumitingin kay Kevin habang pakiramdam niya ang init ng pisngi niya sa hiya pagkatapos maisip na tinulongan langg siya nito. " Ganyan talaga si Yna pagnagugulat pero mabait naman siya " nahihiya ding sabi nang dalawa. “ Okay lang yon hindi naman masakit “ mahina nitong sabi pero napalingon siya sa dalawa ng bigla silang tumawa. “ Alam mo ba Sir Doc ikaw pa lang ang kauna unahang hindi nagreklamo sa hampas ni Yna dahil ang totoo may pagkabayolente po talaga siya pero kapag kailangan lang “ masama namang tumingin sa kanila si Yna. " Tumigil nga kayo nagulat lang naman ako " mahina niyang sabi saka tumingin sa labas. " Well, totoo ang sinabi ko hindi ako nasaktan “ at dahil naaasar nga si Yna kaya tumahimik na sina April “ Aalis na tayo " lingon sa kanila ni Kevin na para bang walang nangyari pero ang totoo gusto nitong ipacheck ang ulo niya kung wala bang nangyari rito sa lakas ng pagkakahampas rito ni Yna. “ Sir Doc alam niyo po ba sainyo titira si Yna? “ mataman namang nakinig si Yna sa magiging sagot ni Kevin habang nakatingin ito sa labas. “ Oo, kinausap ako ni Lena “ Sa sagot ni Kevin napahinga naman siya ng maayos pero napalingon agad siya sa mga kaibigan niya sa tanong nilang muli. “ Kaibigan lang po ba talaga kayo ni Ate Lena? “ “ What do you mean? “ nagtataka nitong tanong habang si Yna gusto niyang lagyan nang scotch tape ang bibig ng dalawa para manahimik. “ Ah wala po... kasi napaka gwapo niyo po para maging kaibigan lang ng isang babae “ napangiti naman siya sa sinabi nila pagkatapos maitindihan ang iniisip ng mga ito. “ We are just friend “ sabi pa nito at matamang nakikinig si Yna at hindi niya alam kung maniniwala siya o hindi dahil tama naman sina April at saka alam niyang si Kevin lang ang lalaking kaibigan ng ate niya kaya alam niyang may special treatment ang dalawa. “ E may girlfriend na po ba kayo? “ Napalunok naman si Yna sa tanong din ni Megan at pakiramdaam niya bigalng bumilis ang pintig ng puso niya habang hinihintay ang sagot ni Kevin. “ Wala “ sabay sabay naman silang napangiti sa sagot ni Kevin at agad nabawi ni Yna ang mga ngiti niya pagkatapos ritong lumingon ni Kevin. “ How about you, Leng? “ nanlaki naman ang mata niya sa tanong ni Kevin pero mabilis niya ring binawi iyon. “ WALA NOH! HINDI NAMAN AKO TOMBOY PARA MAGKA-GIRLFRIEND! “ napangiti naman si Kevin sa inosente nitong sagot habang ang dalawa niyang kaibigan napasapo na lang sa mga noo nila pagkatapos mahiya sa kabobohan ni Yna. “ HINDI KAYA NIYA AKO TINANGGIHAN DATI E DAHIL AKALA NIYA BABAE ANG GUSTO KO?” nakakunot noon niyang lingon kay Kevin at hindi na nito malinaw ang tanong niya rito pagkatapos macute-an sa naging reaction ni Yna. “ Partner gusto niyang itanong kung may boyfriend ka na at hindi girlfriend “ nahihiyang bulong rito ni April saka rito tumango si Megan bilang pagsang-ayon na nahihiya din sa kaingotan ng kaibigan nila. “ syempre… Oo “ ganon naman ang gulat nilang dalawa sa sagot nito na siyang biglang paghinto ni Kevin. “ Bakit..? “ nagtatakang tanong rito ni Yna pagkatapos ritong lumigon ni Kevin habang nakakunot ng noo at nagtataka ang mukha pero agad niya ring binawi yon ng makita ang mga titig rito ni Yna. “ Wala parang may nakita kasi akong ice cream area diyan “ agad namang napalingon si Yna sa sinabi nito pero bago pa niya mapagmasdan ang maraming building na malabong may magpatayo ng business rito o ice cream vendors dahil hindi ito proper place to build a business ay lumarga muli itong si Kevin. “ Sino namang boyfriend mo? “ tanong muli ni Kevin at napalunok naman siya sa tanong nito habang ang dalawa atat din malaman sa boyftiend ni Yna na never nilang naamoy. “ Ano naman sayo? “ “ Gusto din naming malaman dahil wala ka namang nakukwento saamin “ ani Megan kaya ganoon nalang ang asar niya. “ KAINIS BAKIT KAILANGAN DIN NILANG MANIWALA? AKALA KO BA AKO LANG ANG BOBO SA ISTORYANG ITO PERO BAKIT KAILANGAN MADAMAY NITONG DALAWA? TSK! ALAM NAMAN NILANG WALA AKONG BOYFRIEND DAHIL SA PAGTULOG LANG KAMI HINDI MAGKAKASAMA KAYA HNDI NA SILA DAPAT MAGULAT DOON HAIST! GUSTO KO LANG NAMAN ISIPIN NG BINBIN NA ITO NA HINDI AKO NASAKTAN SA GINAWA NIYA PARA KAMUNGHIANG MAGCONFESS NG FEELING DAHILAN PARA HINDI NA AKO MAGKAGUSTONG MULI TSSST! KAILANGAN MAISIP NIYANG NAKAMOVE-ON NA AKO AT MAY BAGO NA AKONG GUSTO! “ asar na asar niyang pag-iisip. “Naku! Bakit ba kailangan mo pang magsinungaling halata namang walang nanliligaw sayo “ agad namang lumingon si Yna kay Kevin at nakita niyang bahagya itong napangiti sa sinabi ni April kaya ganon na lang ang asar at hiya niya. " BAKA HINDI NA SIYA NANINIWALA KAINIS NAMAN KASING APRIL ITO PARAMG OTHERS! FI TRUE FRIEND " asar nitong pagkausap sa sarili niya " PERO KAILANGAN KONG MAKAISIP NG BOYFRIEND PARAANIWALA SIYA " at agad itong nag-lie hand sign sa naisip niyang pangalan. “ si-si Oli! “ napalingon naman sila rito at yong mga kaibigan niya laglag talaga ang panga nila sa gulat. “ Paniguradong mapapatay ka nun kapag nalaman niyang ginagamit mo siya! “ agad namang sumigaw si Yna para patahimikin sina April dahil nahihiya na ito pagkatapos niyang makitang matawa si Kevin sa sinabi ni April. “ Ah, Oo nga pala… “ ani April para bawiin ang sinabi niya pagkatapos mapansin ang asar ni Yna at sakyan na lang din ang pagsisinungaling nito kahit huli na ang lahat. “ Bakit hindi ka ba naniniwala? “ umiling naman si Kevin sa parang batang pagtatanong ni Yna “ E bakit natatawa ka? “ tanong pa nito. “ Well, may kilala din kasi akong Oli pero baka magkapangalan lang “ ani Kevin at tumahimik naman sila ng bigla siyang humintong muli. “ Okay lang ba kung dito tayo papasok? “ ani Kevin pagkatapos huminto sa isang restaurant “ I guess may dessert rito but hindi ako sure kung ice cream “ ani Kevin. “ Okay lang saamin” pagbaba bigla ni April at Megan ng mapagmasdana ang lugar. “ Bakit ba kailangan pa naming kumain kasama ang lalaking ito “ buntong hininga ni Yna dahil sa mga nangyari at agad itong nagpanic ng paglingon niya silang dalawa lang ni Kevin kaya mabilis nitong binuksan ang sasakyan para bumaba pero ganon na lang ang asar niya ng nakaseat belt pa pala ito. “ Mag-iingat ka “ hawak nito bigla sa ulo ni Yna ng muntik na itong maumpog sa sasakyan kaya pakiramdam ni Yna bigla siyang nanigas ng maramdaman niyang nakahawak sa ulo niya si Kevin pero binawi niya rin ito agad ng matitigan niya ito. “ LUMAYO KA!!!! “ sigaw nito bigla kaya agad sumilip ang mga kaibigan niya. “ Bakit Partner? “ nagtataka nilang tanong rito pero hindi na sumagot si Yna pagkatapos tanggalin ang seat belt niya at bumaba na sinundan ni Kevin kaya pumasok na sila. “ Hello! ma'am and sir " paglapit nang waiter " May I take your order? " Agad namang kinuha nang tatlo ang menu sa may mesa. " One of this and this, please " order nitong si Kevin pagkwan napalingon ito kay April nang bumulong ito sa kanya. " Wala kaming pambayad ah " tumango naman siya rito. " Yes, it's my treat " alanganin naman silang ngumiti rito at binalik ang menu. " How about you ma'am, may I take your orders? " " Ito lang akin " Ani April. " Ito naman akin " Ani Megan. " Ganon din akin " nakasimangot ritong sabi ni Yna at tag-iisang order lang ang kinuha nang mga ito pagkatapos makita ang prize ng mga pagkain. " KUNG SA LABAS KAMI MARAMI KAMING MA-OORDER SA PRESYO NANG MGA PAGKAIN NA KINUHA NAMIN, SAYANG NAMAN " titig pa ni Yna sa menu at hindi maitindihan ni Kevin ang mga tingin nang mga ito. " What's wrong? " Tanong nito nang umalis ang waiter. " Ang mamahal daw po nang pagkain rito " Ani Megan. " Kawawa ka kung i-oorder namin ang mga gusto naming kainin " Ani April. " Mukhang masasarap pa naman yon lahat " lingon rito ni Yna " Alam mo kung alam naming dito ka pupunta dapat doon ka na lang namin dinala sa mga kinakainan namin mas mura doon at marami tayong makakain " nagulat naman siya sa biglang pagsasalita nitong si Yna ng mahaba kanina pa kasi ito magpipigil dumaldal at alam ni Kevin ang bagay na yon. " Ayaw niyo ba rito? Then, pumunta tayo sa gusto niyo " " Naka-order na tayo sayang yon " ani Yna. " Then, etake out natin and let's go to the place you want " " Hindi naman ang lugar, ang iniisip namin yong prize Sir Doc " Hindi pa rin nito maitindihan ang gusto nilang sabihin. " Then, what's wrong about it? " nagtataka pa niyang tanong, maliban kasi sa financial stable na ito hindi rin nito naranasan maging mahirap para maitindihan ang mga ito. " Kalimotan niyo na po " ngiti nila rito pero hindi siya mapakali rito " Well, excuse me " pag-alis nito, sinundan naman nila ito nang tingin. " Nakulitan kaya siya saatin? " " Naingayan siguro " bulongan pa nila. " Baka nababanyo lang talaga " Ani Yna pagkatapos itong sundan nang mata at sa banyo ang tungo nito pagkatapos niyang makita ang pagtatanong nito sa isang personnel roon na namumula na ngayon sa kilig “ At saka kasalanan naman niya dahil isinama tayo kaya okay lang makulitan siya sainyo “ tamad nitong sabi. “ Ah talagang saamin lang? “ lingon nila rito “ Sabihin mo anong nangyari nong kayo lang sa loob ng sasakyan? “ agad naman siyang naasar sa tanong nila kaya sabay silang ngumiti rito at tumahimik. At pagkapasok ni Kevin sa banyo agad nitong tinawagan ang pinsan niya. " Hinaan niyo ang music mga Dre " dinig niyang sabi ng pinsan niya sa kabilang linya habang ang ingay ingay. " Nasaan ka na naman ba? " " Wag mong sabihing tumawag ka lang para alamin kung nasaan ako? Teka! Namimiss mo ako? Antagal na nga pala akong di nakakapunta sayo " pang-aasar niya rito sa kabilang linya. " Tumigil ka nga! " Masungit niyang sabi rito " May gusto lang akong itanong " " Wow naman! Feeling ko ang talino ko nito para ang tulad mong genius ay magtanong saakin " pang-aasar pa niya rito. " Tumigil ka na mang-asar puwedi ba? Importante ito " " Okay, sorry naman Doc " tawa pa niya " ano ba yon? " Pagseryoso din nito. " Anong dahilan kung sabihin nang isang tao na may problema siya sa prize ng pagkain? " " Nasaan ka ba? " Tanong din nito agad. " I'm in a restaurant " " With someone? Teka! date ba yan? " " Hindi ganyan sa iniisip mo, puwedi? " Dinig naman niya ang malakas nitong tawa. " Sino ba yan para mapilit kang kumain at lumabas sa favorite place mong hospital " " Just tell me what's the matter with the prize para problemahin niya " " Okay ganito yan, kahit pinilit ka lang or kinidnap ka pa para mapilit kang samahan siyang kumain kailangan ikaw pa rin ang magbayad dahil lalaki ka " " What do you mean? " " Kapag sinabi niyang hindi siya kakain dahil sa presyo it means wala siyang pera at hindi niya kayang bayaran kaya naman ikaw nang magbayad! Marami ka namang pera kaya librehin mo na kahit pinilit ka pa " at dito lang niya naitindihan sina Yna. " Pero sinabi ko namang ako ang magbabayad " inosente pa niyang sabi. " E baka nahihiya lang dapat kasi ikaw na lang ang nag-order nang para sainyo o kaya sa restaurant na walang prize na nakalagay sa menu kayo kumain " Sabi pa rito nang pinsan niyang kasing edad lang nila Yna na medyo close niya dahil grabe nitong kulitin si Kevin " Sandali, sino ba yan? Kilala ko ba? Kung gusto mo susunod ako diyan para makilala ko____ " natigilan ito nang putolin ni Kevin ang linya kaya ganon na lang ang tawa niya. " Nakikipag-date ba talaga yon? " Hindi pa niya makapaniwalang tingin sa log call niyang mula kay Kevin " I need to know that girl " pagngisi pa nito. Pagkwan bumalik na din si Kevin sa may table at natigilan siya nang makita niyang nagpipicture sina Megan at April, may ilang tumitingin sa kanila pero para sa mga High School girls na tulad nila wala silang pakialam sa mga ganito pagkwan nilingon ni Kevin itong si Yna kaya bigla nitong naaalala ang sinabi ng pinsan niya kaya nagpunta ito sa waiter at nag-order ulit nang mga pagkain saka ito naupo sa table nila. " Ang tagal mo naman " pagtabi rito nila April " Yna kuhaan mo naman kami ng picture " utos nila rito. " Okay lang naman makipagpicture sayo Sir Doc? " Tanong pa ni April, tumango naman siya kahit nakakaramdam siya nang hiya pagkatapos lumingon rito ang ilang tao sa restaurant. " 1,2,3 smile! " Ani Yna na siyang sinabayan nang dalawa nang peace sign at si Kevin diretso lang ritong nakatingin kaya ganon na lang ang pagpipigil nito ng tawa pagkatapos makita ang seryoso sa mukha ni Kevin. " Teka! April samahan mo naman ako, naiihi ako " Ani Megan habang nasa pagitan nila si Kevin kaya rinig na rinig niya ito. " Naku! di pa tayo tapos magpicture eh " nanghihinayang nitong pagtayo " Tara na " agad naman itong sumunod rito. “ Anong Grade ka na Leng? “ tanong nito rito pagkatapos ritong umiwas ng tingin ni Yna. “ Grade 12 “ tipid nitong sagot na siyang pagtango ni Kevin “ Nga pala puwedi ka namang tumanggi kay Ate kung ayaw mo akong patirahin sa bahay mo “ sabi nito pagkatapos hindi magsalitng muli ni Kevin. “ Gusto ko naman yon kaya bakit ako tatanggi? “ napalingon bigla rito si Yna sa sinabi nito pero bago pa may makapagsalitang muli sa kanila ay dumating na itong dalawa. " Anong pinag-uusapan niyo? “ pag-upo ni April “ Sandali Sir Doc totoo po ba talagang may lahi kayong Chinese? “ tanong pa nito. " Yes but I born and raised here kaya hindi ako marunong magsalita ng Chinese, may alam ako pero hindi ako marunong nagpupunta din kasi ako doon minsan sa katunayan kakauwi ko lang rito this week from China, I spent 2 weeks in my grandparents for some reason " nangingislap naman ang mata nila habang nagsasalita ito pero si Yna kunwari wala siyang paki pero ang totoo buong tainga isali niyo na rin kaluluwa niya ay matamang nakikinig rito. At natigil ang pag-uusap nila nang dumating ang order nila at ganon na lang ang pagtataka nila nang ang daming food na dumating. " Sir. Doc, Hindi kaya nagkamali sila nang serve? " Ani April. " Tama naman ang order natin kaya kumain na tayo " ngiti na lang ni Kevin at para sa tulad niyang professional, ibang iba ang kilos niya para sa High School girls na tulad nila Yna pero gayon pa man pinilit niyang sumabay sa ugali nang mga ito pero nangingibabaw pa rin ang pagiging professional nito pagkwan tumunog bigla itong phone ni Kevin at si Jinnyy ito. " Okay lang ba kung kayo ang magbayad? " Pagbibigay nito sa credit card niya, agad naman nila itong inabot " sa labas ko na kayo hintayin ha, excuse me " Sabi nito bago lumabas nang hindi hinihintay ang sasabihin nila. " Doc, ang sabi niyo 30 minutes lang kayo pero magtwo-2 hours na kayong nandiyan, kanina ka pa hinahanap rito at naubosan na ako nang reason " Ani Jinny. " Kunting oras pa andiyan na ako " " Haist kundi mo lang first time lumabas na may kasamang iba kanina pa kita sinumbong " pag-uusap pa nila. " Alam niyo kahit ibigay tayo nang libre sa kanya hindi niya tayo tatanggapin " Ani April habang iniisip si Kevin pero natigilan sila bigla ng magsalita ang babaeng nasa counter. " 6750 in total po " sabay sabay naman silang napanganga sa sinabi nito. " Sigurado kayo ma'am? May gold ba sa kinain namin? " ani April. " Ma'am you can check your order and it's prize " tiningnan naman nila ang inorder nila at sa dami nito at mahal ng mga pagkain walang dudang aabot ito nang thousand. " Ito po " pagbibigay nila sa credit card. " Sinong kapatid niya sainyo? " Nagtaka naman silang tumingin sa babae sa tanong nito " Yong gwapong lalaking kasama niyo, sino ang kapatid niya sainyo? Puwedi bang makilala o malaman lang ang pangalan niya? “ " O ang phone number niya? " Sabi pa nang babae sa kabilang counter. " For your information, kadate niya kami! " Ani April kaya ganon na lang ang tawanan nang mga ito. " Kayong tatlo? Sayang pedophile pala " nagtawanan naman ang mga babaeng may interest kay Kevin sa sinabi nang lalaki pero napalingon sila kay Yna ng gigil na gigil itong magsalita. " HINDI SIYA PEDOPHILE DAHIL WALA NAMAN SIYANG KA-DATE O INTEREST SAAMIN PERO IWAN KO KUNG PATI SAINYO MAGKA-INTEREST DIN SIYA PERO PARA HINDI NA KAYO MAG-ISIP! AKO NG MAGSASABI, DI RIN ANG MGA TULAD NIYO ANG BABAGAY SA KANYA! " pagkuha nito sa credit card at umalis kaya natahimik naman ang mga babae at sina April di sila nakapagsalita pa dahil sa pagtatanggol nito kay Kevin. “ Pinagtanggol mo siya? “ “ Akala ba namin galit ka sa kanya? “ “ Ganon na nga kaso mali naman ang sinabi nila kaya ko yon sinabi “ pagtaas kilay pa nito. “ Pero infairness alam mo ang pedopile ha “ napaproud nilang tingin rito. “ E kasi nga hindi ko makalimotan yong ginawa ko nun at sa kareresearch ko kung bakit tinanggihan ako ng mas matanda saakin maliban sa dahilang hindi ako gusto, eh lumabas na baka daw hindi pedophile si Binbin at dahil hindi ko maitindihan anong pedophile e pinag-aralan ko kaya ayon nalaman ko “ paliwanag nito at namamangha naman silang tumango rito. “ Nakakatalino naman pala talaga ang pag-ibig “ pagbibiro nila rito. “ Tumahimik nga kayo! Sabi nang bata pa ako nun kaya hindi ko alam ano ba ang nararamdaman ko “ depensa na naman nito kaya tumahimik na sila pagkwan nagmadali sila nang makita nilang nasa may sasakyan si Kevin at kumakaway sa kanila. " Oo na, pabalik na ako! " Dinig nilang sabi nito sa selpon nang makasakay sila. " Parepareho lang ba kayo nang inuuwiang lugar? " tumango naman sila rito. " Pero hindi mo kami kailangang ihatid kung nagmamadali ka " Ani April pagkwan nag-isip siya sa sinabi nito, mayamaya bumaba siya at pumara nang taxi dahil nagmamadali talaga siya kaya kumuha na lang siya ng taxi para sa mga ito. " Pasensya na kung hindi ko kayo maihahatid " nahihiya nitong sabi. " Ayos lang yon saamin kaya lang, okay lang naman kung hindi mo kami ipapara nang taxi " namumroblemang sabi ni Yna, wala kasi silang perang pambayad rito dahil mahal ang patak nang metro ng taxi. Mayaman si Megan pero never nilang pinakinabangan iyon basta sa mata nila pantay pantay sila. " It's for your safety gabi na din " Ani Kevin " Well, wala bang marunong sainyo magmaneho? You can drive my car at ako na lang ang magtataxi " " Wala kaming lisensya " Ani Megan. " O sige, kayo na lang ang magtaxi " desisyon nito agad dahil nagmamadali nga siya pero hindi siya makaalis dahil walang gustong sumakay sa mga ito. " Okay, ihatid ko na lang kayo but you can trust him " panghuhula ni Kevin sa hindi nila pagsakay pagkatapos tumingin sa driver. " Wala naman kaming pambayad diyan " pabiglang sabi ni Yna kaya napangiti siya bigla pagkatapos silang maitindihan habang iniisip nito kaninang takot sila sa driver. " bayad na yan " Ani Kevin kaya sabay sabay silang sumilip sa driver at bayad na nga ito. " O sige, Sir. Doc, maraming salamat nang sobraaa! " Sabi nila rito saka sumakay si Yna. " Sir. Doc, next time ulit ha! Sana friend ka na rin namin! " Sabi pa nila April. " Sure! " Ngiti nito. " Yong picture pala natin ia-upload namin yon ah? " " No problem " sabi pa niya kaya sumakay na din ang mga ito at ganon din siya pagkwan lumingon rito si Yna pero agad niya ring binawi yon ng nakatingin din rito si Kevin pagkwan sumakay na din siya at napangiti siya bigla ng maalala ang pagtatama ng mata nila kanina. “ Malaki na nga siya “ ani Kevin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD