Chapter 2

4219 Words
" April may notes ka ba nong sinulat natin kahapon? " Paglapit ni Nico habang nagliligpit sina April ng gamit para maghandang umuwi pagkatapos ng klase nila ngayong araw. " Oo kaso naiwan ko sa BHouse, bukas mo na lang hiramin " Pagsuot nito sa bag niya saka naglakad na siyang sinundan din ni Nico. " Megan matagal ka pa? " Lapit ni Yna rito habang ang bagal nitong kumilos. " pasensya na " pagmamadali niyang pagliligpit. " Hindi ko ba puweding daanan na lang sayo ngayon? " Kakatapos lang magsalita nitong si Nico pagkatapos itong batokan ni Yna. " Bawal ang mga lalaki sa BHouse ni April at hindi niyo puweding malaman yon!!! " Lingon pa nito kela Oli. " Tsk! Ano namang akala mo saamin manyakis para ganyan ang mga tingin mo saamin? " Ganon na lang ang pagkakakunot noo ni Oli ng tumango rito si Yna. " Naku! Tayo na bago pa magsimula itong dalawa " paglalakad ni Lay. " Pasensya na pero by next year college na ako kaya wala na akong panahon para pumatol sa mga childish kaya maiwan na kita! " Tapik pa nito kay Oli pero natigilan ito ng hilain nito ang bag niya. " Tigilan mo munang magsuot ng Doraemon na sando bago ako maniwalang ako ang childish rito " pag-una rito ni Oli kaya mabilis na sinilip ni Yna ang suot niyang sando at Doraemon nga ito. " Kainis! Ito nga pala yong manipis kong uniform kaya bakit ito ang nasuot kong sando " asar nitong pagkausap sa sarili niya pero natauhan ito ng maisip ang sinabi ni Oli pero bago pa niya ito masundan ay mabilis itong tumakbo. " Manyakis ka talaga, Oli!!! " Habol niya rito sa field habang ibinabato rito ang ano mang madaanan niyang puwedi ritong ibato. " Ano April hindi ba talaga ako puweding dumaan sa BHouse mo? " Mabilis ritong pagsabay ni Nico. " Ikaw? Kung gusto mong kalbohin ni Yna, edi! sumama ka " akbay rito ni Lay at sabay sabay naman silang napalingon sa sa dalawa kung saan sinasabonotan ni Yna si Oli pagkatapos itong mahabol. " Kawawang Oli masyadong nayurakan ang pagkatao dahil kay Yna " pagsulpot na rin nila Kier kaya si Megan mabilis na umiwas rito. " Mukhang nag-eenjoy naman siya doon " ani Luke. " Cute naman si Yna ah " ani Lay habang nakangiti. " Mapanakit nga lang " ani Nico. " At sinusumpong nang pagiging isip bata minsan " ani April dahilan para magtawanan sila. " Pero cute naman sila tingnan " pakikisali na rin ni Megan kaya bigla silang napatingin sa tinutukoy nito habang iwas na iwas si Oli kay Yna pagkatapos niya itong saktan. " Oo, kawawa nga lang si Oli " ani Lay pagkwan nakarating na din sila sa dalawa. " Sige, mauna na kami " ani April pagkatapos sumakay sa sundo ni Megan kung saan dito na sila nakikisabay, dati tumatanggi sila kaya si Megan ang nakikisabay sa kanila sa pagsakay sa jeep hanggang sa napilitan na din silang sumabay rito pero minsan sinasadya pa rin nilang magjeep lalo na pagnagkaproblema ang sundo ni Megan. " Bye! April!!! " Kaway ni Nico pagkwan nilingon ni Megan si Kier at ganon na lang ang pagtatago nito pagkatapos din siyang tingnan nito at ngumiti. " Ikaw! sa sunod na pagmasdan mo ulit ang katawan ko, humanda ka saakin!!! " Lingon ni Yna kay Oli. " Tumigil ka nga! Tsk! sino namang magkaka-interest sa pader mong katawan! Wala kang kalaman laman noh! Kaya walang maaakit sayo!! " Malakas loob ritong sabi ni Oli dahil alam niyang hindi na ito bababa sa sasakyan pagkatapos niya itong sarhan habang nakabukas ang window nito. " Sobra ka ah!!! Akala mo naman ang taba taba mo e mas mataba pa sayo yong aso nang kapitbahay namin! " Sigaw din nito. " Ano? Ako, aso?!! Puwes! ikaw naman isa kang pusang gala! Puro ribs ang makikita sa likod ng balahibo mo!!! " Nanggigigil ritong sabi ni Oli pagkatapos siyang tawagin nitong aso pero agad napalitan ng pagtawa ang mukha niya pagkatapos ilabas ni Yna ang dila niya saka sinarhan ang window dahil sa asar rito at lumarga ang sinasakyan nila. " Pakiramdam ko tuloy hindi lang anime ang dahilan bakit gusto mo siyang maging kaibigan " akbay rito ni Kier na may pang-aasar, alam kasi nila paano mag-away itong dalawa. " Maliban sa anime wala ng alam yan sa buhay kaya tumigil ka! " ani Oli kaya tumahimik na din si Kier. " E saan tayo ngayon? " ani Nico. " Sa bahay tayo ni Luke " ani Lay. " Okay lang saakin, nasa business trip sina mommy " " Okay, may mga beer ba doon? " Bulong rito ni Nico. " Puwedi naman tayong bumili " ani Kier. " Tara na para makanood rin ako ng Naruto kailangan ko pang ereport kay Yna ang mapapanood ko bukas kaya kailangan may mapanood ako kahit kunting episode man lang " paglalakad ni Oli papunta sa mga motor nila. " Naku! Ibig sabihin hindi tayo magsasaya ngayon? " Ani Lay. " Sinabi ko ba? " Pagsakay ni Oli sa motor nito " Manonood ako ng ilang episodes tas puwedi na tayong magwala buong gabi! " Ngisi nito kaya biglang nabuhayan itong mga tropa niya. " Oorder din ako ng Pizza!!! " Ani Nico " At saka ice cream!!! " " iinom ka ng beer tas mag-a-ice cream? " Ani Luke. " Ano naman? Masarap kaya yon " " Naglilihi ka ba? " " Oo, ikaw ang ama! " Yakap ni Nico kay Kier at natigil sila ng biglang umandar ang motor ni Oli kaya agad silang sumunod rito kaya yong mga babae halos mabaliw sa panonood sa kanila. SAMANTALA hindi nagtagal dumating na din si Yna kung saan siya talaga ang nauunang ihatid dahil mas malapit ang bahay nito sa school. " Ingat kayo!!! " Pagkaway pa nito kila Megan at noong makaalis sila, pumasok na din siya saka nagpalit nang damit at nanood. " Nandito na ako " pagpasok ng ate niya habang dala dala ang isang blouson jacket na color gray pagkaraan ng ilang minutong panonood nito. " Gabi na po ah at saka uminom po ba kayo? " Ani Yna, alam niya kasi kapag umiinom ang ate niya dahil namumula ang tenga nito. " E kasi nagkaroon kami ng kunting celebration sa pag-alis ko kaya napilitan akong uminom pero isang baso lang yon " pag-upo nito at mabilis namang nagtungo rito si Yna pagkatapos iwagayway ng ate niya ang dala nitong jacket, senyales na ayosin niya ito. " Kanino po ba ito....? " Natahimik bigla si Yna pagkatapos maamoy ang jacket kung saan iisang tao lang ang alam niyang may ganitong amoy kaya agad itong napakunot ng noo. " Umalis din siya agad dahil may pasyente siyang dumating at sa pagmamadali niya, naiwan niya yan " mabilis naman itong tinapon ni Yna sa upuan nila kaya ganon na lang ang tingin rito ng ate niya. " Yna hangga't kailan ka ba magagalit sa kanya? Sinabi ko na sayong sa kanya kita iiwan kaya kailangan alisin mo na ang galit mo sa kanya " " E ate kaya ko namang mag-isa rito " " Mahirap na ang panahon ngayon, masyadong delikado at hindi ko kayang ipagkatiwala ang sarili mo sayo " sermon rito ng ate niya " Tulad ngayon, imbis na magluto ka o kaya kumuha ng pagkain mo nandito ka sa harap ng telebisyon at nanonood! Baka kung iiwan kitang mag-isa rito bangkay na lang ang maratnan ko " mahabang sabi ng ate niya at wala naman siyang masabi dahil tama nga ito. " Kung hindi ka titira sa kanya... Hindi na ako tutuloy, alam mo namang mahal na mahal kita at hindi ko kayang harapin sila mama kung may mangyayari sayo " " Oo na po! Tssst! ang dami niyong sinasabi " asar nitong pag-upo para manood muli " KUNG DI KO LANG ALAM NA PANGARAP NIYO YAN TALAGANG HINDI AKO PAPAYAG NA AALIS KA, BUKOD SA MAMIMISS KITA HINDI KO ALAM PAANO MABUBUHAY KASAMA YONG LALAKING YON " lingon nito sa jacket ng childhood crush niya. " By next week na ang alis ko kaya ang gusto ko magkita na kayo ni Kevin baka mamaya bigla kang tumakbo kapag nakaalis na ako at least bago man lang ako umalis masigurado kong hindi mo siya tatakbohan " " Ayaw ko ate! " Tanggi nito agad. " Ano bang problema mo sa tao para magka-ganyan sa kanya? " Lingon rito ng ate niya at nakita naman niya ang masusungit na tingin nang kapatid niya " Bata ka pa nun kaya ... baka nakalimotan na niya...? " Alanganin pang sabi ng ate niya kaya mas naasar ito. " Bukas... dahil weekends naman at wala kang pasok puwedi mong ibalik sa kanya yang jacket niya " " Ayaw ko! Hindi!!! " Tanggi nitong muli " Kayo ang may dala kaya bakit ako ang magbabalik? " Pagmamaktol nito. " Yna.. ang akin lang kapag aalis ako ay masigurado kong okay na kayo " nakikiusap ritong tingin ng ate niya. " Kahit naman hindi kami okay, wala din akong choice kundi tumira kasama siya dahil alam niyong hindi ko kayo kayang suwayin " napangiti naman ito sa sinabi nang kapatid niya saka siya hinawakan sa ulo. " Napakalaki mo na nga " ani Ate niya habang magkasing tangkad na sila " Pero dadalhin mo pa rin sa kanya yang jacket dahil nandiyan ang wallet niya kaya kailangan niya yan at busy ako bukas kaya ikaw ng bumalik " paglalakad nito sa kusina para magluto. " Ayaw ko po!!! " Ganon na lang ang inis nito ng hindi sumagot ang ate niya kaya madali itong tumakbo sa kwarto niya at nagkulong pagkwan malungkot itong nilingon ng ate niya. " Alam kong maliban sa nangyari kay mama na siyang nasaksihan mo, si Kevin din ang isa pang bangongot mo pero hindi siya katulad ni mama na hindi mo puweding harapin dahil wala na siya kaya kailangan mong harapin Si Kevin... para makalimotan ng lubosan ang poot at hiyang nararamdaman mo diyan at isa pa napaka buting tao ni Kevin para kamunghian mo " natatawa nitong pag-iisip sa huli pagkatapos bumalik rito ang love letter rito ni Yna " Kung bakit kasi nasaksihan ko din siguro kung ibang tao lang ako baka kinamumunghian din ako pagkatapos masaksihan ang first heart break niya " ani Ate niya habang naghahandang magluto. " sumusubra na talaga si Ate!!! " Asar nitong pag-iisip at halos maiyak ito ng maisip na makikita nito si Kevin " Aaaaaahhhhh!!! " sigaw nito habang nakasubsob ang ulo niya sa unan. ***** AT DAHIL hindi nito kayang pumunta mag-isa kaya tinawagan ng ate niya ang mga kaibigan nito na samahan siya. " Good morning po, Ate Lena!! " Pagpasok nila April pagkatapos itong pagbuksan ng ate niya. " Good morning " nakangiti niyang bati sa mga ito " nakapag almusal na ba kayo? " Akbay nito sa dalawa. " Opo " mahinang sabi ni Megan. " Kakain po ako ulit " ani April kaya napangiti na lang ito ng mauna na itong pumasok. " Nagpaalam ka ba Megan sa parents mo baka hanapin ka nila " alam niya kasing uneka-hija ito kaya alam nila paano ito ingatan ng magulang niya. " Sinabi ko pong kay Yna ako pupunta at pumayag naman po sila " " Hay naku! Napakabait mo talagang bata kaya hindi ko maisip kung paanong nasama ka kay Yna at April " pagpunta nito sa mga huhugasan niyang plato pagkatapos nilang makapasok. " Mababait naman po sila " pag-upo nito pagkwan lumabas na din sa kwarto si Yna. " Bakit nandito ka? " Nagtataka niyang tingin kay Megan. " Halika na kumain tayo " ani April pagkatapos manggaling sa kusina dala ang pagkain nito saka naupo sa harap ng TV. " Tinawagan ko sila para may kasama kang pumunta kay Kevin kaso mukhang excited silang makita ka kaya nag-aga sila, mga alas tres niyo puntahan iyon dahil ang alam ko yon ang free time niya " sabay naman napalingon sina Megan kay Lena dahil sa sinabi nito, hindi kasi nila alam na kay Kevin ang tungo nila at alam nila paanong iniiwasan ito ng bestfriend nila kaya agad nilang ibinaling ang tingin nila rito. " Wala naman akong magagawa " paglalakad nito at tumabi kay April pagkatapos mabasa ang mga tingin nila " Gaya ng gusto ni ate doon ako titira kaya anong choice ko? Ganito talaga ang kapalaran ko, sobrang pangit! " pagkuha nito sa pagkain ni April at natawa na lang ang ate niya sa sinabi nito, maliit lang ang bahay nila kung saan maririnig lang sa buong bahay ang sasabihin mo at mula sa kusina matatanaw din ang sala nila kung saan naroon ang TV. " Okay naman ang buhay mo, Yna " inosenteng sabi ni Megan. " Edi! Magpalit tayo! Kunwari kailangan mong manirahan sa bahay ng crush mo____ " " Kung ganon crush mo pa siya?! " Natigilan naman siya sa tanong ni April saka naisip ang sinabi niya habang si Megan namumula ang pisngi pagkatapos maisip si Kier. " Hindi ah!!! Kung puwedi ko nga lang balikan ang nakaraan iiwasan kong mangyari yon! Tsk! kung may pinagsisisihan man ako sa buhay, yon ay naging crush siya tsssst! Sa bagay, bata pa naman ako nun kaya hindi iyon puweding econsider na totoong pag-ibig " madaldal nitong sabi kaya natatawa na lang ang ate niya sa pag-uusap ng mga ito. " Ayon sa librong nabasa ko, ang mga bata daw ang may pinaka genuine na pagkatao at emosyon sa mundo kaya sa tingin ko pag-ibig talaga ang nararamdaman mo noon " agad namang umusok ang tenga ni Yna sa sinabi ni Megan. " Totoo yon " Pagsang-ayon ni April. " FO na tayo kapag hindi pa kayo tumigil! " Napalingon naman sila sa pagtawa ni Lena. " Ano naman ang FO? " pagtabi nito kay Megan. " Friendship over po ate " ani April. " sa tingin niyo po ate nakalimotan na nong crush ni Yna ang mga nangyari? " ani Megan. " Hindi ko alam pero sa tingin ko " pagbibigay nito kay Megan sa cookies " Kumain ka, masarap yan " " Salamat po " " Naku! si Ate halata na po masyadong si Megan ang paborito niyo saamin " may pagtatampong sabi ni April kaya ganon naman ang ngiti ni Megan " Tapos itong si Yna, inuubos ang kinuha kong pagkain " paglayo rito ni April saka tumayo. " Napaka sungit mo naman para pagkain lang " " Napaka tamad mo naman kasi Yna " ani Megan saka tumayo din bago pa ito hampasin ni Yna. " Grabe kayo saakin ah!! " Paghabol niya sa mga ito kaya napangiti na lang ang ate niya. " Isang may matapang na personality at punong puno ng kompyansa sa sarili " pagmamasdan ni Lena kay April " At isang nagtatapang tapangan na puro duda naman sa sarili at sobrang ingay " tingin nito sa kapatid niya " At si Megan, isang tahimik at nanonood lang sa dalawa saka susunod sa kanila dahil talagang wala itong tiwala sa sarili niya " ani Lena at napangiti na lang siya sa magandang samahan nitong tatlo " Panigurado namang magiging maayos din siya kahit hindi niya ako kasama hangga't magkakasama sila " pagtayo nito para maligo at maghanda sa pag-alis niya. AT MGA pasado alas doss umalis na sila patungong hospital para puntahan si Kevin kung saan dito nila ito makikita kaya pagkarating nila agad nila itong hinanap. " Yna talaga bang papasok tayo ng nakaganito? " Tanong ni April habang nakasukob sa ulo nila ang mga kartong hanggang leeg na binigay sa kanila ni Yna. " Oo, akong bahala " hawak niya pa sa mga ito saka naglakad at napaupo ito pagkatapos itong mabangga sa security guard. " Ano bang ginagawa niyo? " Pagkuha nito sa mga nakasukob sa ulo na " siguro may masama kayong binabalak noh? Sabihin niyo kundi dadalhin ko kayo para maimbestigahan " pananakot pa sa kanila ng guard, mabilis namang kinuha ni Yna ang karton nito. " May hinahanap po kami! " " At kailangan nakatago ang ulo? Alam niyo bang illegal itong ginagawa niyo? " Sabi pa ng guard. " We're just HS girls kaya hindi mo kami dapat takotin ng ganyan at saka ano naman ang kaya naming gawin? May dala ba kaming armas para mag-alala ka ng ganyan? Costume lang yan kaya papasokin niyo na po kami " maldetang sabi ni April na siyang pagtango ni Megan pagkatapos magtago sa likod nilang dalawa ni Yna. " Opo, papasokin niyo na kami " natatakot pang sabi ni Megan. " Kung papasok kayo hindi niyo ito puweding isuot sa mga ulo niyo " ani guard. " Wala pong problema ayaw din naman namin yan dahil para kaming mga magnanakaw " ani April pero mabilis na itinago ni Yna ang sa kanya pagkatapos niya itong hablotin kanina. " O sige, pumasok na kayo basta wag kayong gagawa nang gulo ha! " " Opo, mabilis nilang pagpasok " " Muntik na tuloy tayo sa karton mo " ani April. " Pasensya na... iniisip ko kasing hindi tayo makikilala ni Binbin kung nakasuot tayo ng ganyan " pagkwan tinapik nila ito. " Partner.. 11 years na yong lumipas kaya gaya ng sabi ni ate baka nakalimotan na niya " ani April dahil alam nilang gusto talagang takasan ni Yna ang first heart break na ngayon kailangan niyang harapin dahil iyon ang kapalaran niya. " At saka malay mo may girlfriend na siya o kaya asawa " napatingin naman ito bigla kay Megan habang makikita sa mata niya ang gulat maya maya binawi niya rin ito. " Oo nga, tama ka! " Pagbuntong hininga nito saka naglakad para hanapin ulit si Kevin. " May appointment ba kayo sa kanya? busy kasi si Doc " pagkausap sa kanila nang isang nurse na siyang madalas kumausap kay Kevin pagkatapos nilang magtanong tanong hanggang sa mapunta sila rito. " Ibabalik ko lang po sana yong gamit niyang naiwan niya___ " " I'm sorry " pagputol nang nurse sa sasabihin niya pagkatapos itong kawayan nang isang nurse senyales na kailangan ito sa trabaho nila " Maghintay na lang siguro kayo rito at sasabihin ko kay Doc na hinahanap niyo siya pero I can't promise na pupunta siya sainyo, okay? Busy kasi talaga siya " " Maraming salamat po! " Masaya nilang sabi rito saka sila naupo sa waiting shed. " Sa ibang araw na lang kaya natin siya kausapin? " Ani Yna habang kinakabahan, kanina pa nga ito hindi makahinga ng maayos. " Hindi puwedi, una nandito na tayo kaya ituloy na natin, pangalawa sayang ang pamasahe natin kung babalik tayo uli rito, at pangatlo baka busy rin siya sa mga ibang araw kaya ngayon na lang total sasabihin naman sa kanya nong nurse na hinahanap natin " Ani April. " Oo, at saka kung hindi lumabas dahil busy siya saka tayo umuwi " ani Megan, wala naman siyang magawa kundi sumunod sa mga ito. " Doc may naghahanap po sainyo " pagkatok nang nurse sa office nito bago pumasok. " Importante? Kung hindi pasyente sabihin mong wala ako " seryosong sabi ni Kevin habang tinitingnan ang record ng mga pasyente niya. " Hindi po pasyente, babae nga po___ " " I'm busy " pagsandal nito nang upo at pumikit para magpahinga ng hindi pinapatapos magsalita ang nurse. " Sige po Doc, ang sabi po kasi may ibabalik daw pong gamit sainyo " Sabi pa nito bago lumabas kaya napatigalgal nang upo itong si Kevin at pakiramdam niya biglang dumaloy ang dugo sa katawan niya at nagising ito bigla. " Maaari kayang si Yna yon? " Mabilis nitong pagtayo at sumunod sa nurse pero napakabilis nitong maglakad para makarating agad kina Ynalin. " Bumalik na lang siguro kayo sa ibang araw o kung gusto niyo ako na lang mag-aabot sa ibibigay niyo " pagpepresenta pa nang nurse sa kanila. " Salamat po nang marami pero hindi lang kami basta may ibabalik gusto rin po namin siyang makausap " ani April kaya ganon naman ang gulat ni Yna sa sinabi niya. " Ano bang sinasabi mo? " Bulong niya rito. " Sumama talaga kami para makilala siya puro ka naman kwento saamin kaso hindi naman namin nakikita kaya nakiki-curious kami " ani April na siyang pagtango ni Megan. " Kung ganon bumalik na lang kayo____ " " You're here? " Napalingon naman ang lahat sa biglang pagsasalita ni Kevin at napahawak bigla si April kay Megan para hindi tuloyang matumba pagkatapos mawalan nang lakas ng makita ang kagwapohan nitong si Kevin. At si Yna pakiramdam niya humangin ng malakas at naamoy ang pabango ni Kevin saka rito bumalik lahat, mula nong unang pagkikita nila sa hospital nong mawala ang mama niya, nong dumadalaw sa kanila, ang mga ngiti nito noon at pagkausap sa kanya na para bang film strip na bumabalik sa alaala niya hanggang sa mapahawak ito ng mahigpit sa kamao niya pagkatapos ritong bumalik ang alaalang ayaw niyang balikan pa. " Hello po!!! " Pakikipagkamay ni April at Megan " Kaibigan po kami ni Yna, nice meeting you Sir doc " kinikilig pa nilang pakikipagkamay rito. " I'm Kevin Wu and you can call me Kevin " mas kinilig ang mga ito pagkatapos nilang marinig ang boses niya. " Napaka gwapo niyo naman po pala " sabi pa nila kaya ngumiti lang siya sa mga ito pagkwan nilingon niya si Yna at napangiwi ang dalawa nitong kaibigan pagkatapos nila itong lingonin din kung saan nakasukob ulit sa ulo niya ang cartoon. " Na-nandito ako p-para dalhin ang na-naiwan niyong jacket " nauutal nitong sabi pagkatapos itong tingnan ni Kevin at napalingon naman ang nurse kay Kevin sa sinabi ni Yna. " Galing ba si Doc sa bahay mo? At naiwan ang jacket niya? " Hindi makapaniwalang tanong nito. " Hindi ganyan sa iniisip mo kaya iwan mo na kami " pagpapa-alis nito sa nurse at may panluluko naman itong sumunod rito, napaka anti-social kasi nitong si Kevin o nitong pinsan niya, pasyente nga lang ang kinakausap nito dito sa hospital maliban dito sa pinsan niyang nurse na madalas siyang kulitin. " She's just a high school girl kaya tumigil ka! " Ani Kevin pagkatapos mapansin ang mga tingin nito at pakiramdam ni Yna, nagimbal ang pagkatao niya sa sinabi ni Kevin na Higj School ito. " Nga pala anong pangalan mo? " Pagbalik ng nurse rito nang hindi pinapansin si Kevin. " Yna leng Alejandro po " mahina nitong sabi. " Napaka unique naman ang pangalan mo " natutuwa niyang tingin rito habang nagtataka sa nakasukob sa ulo ni Yna pero binalewala niya ito dahil mas may oras siya sa pinsan niya " So ano kayo ba ni Kevin? " Kinikilig nitong tanong. " Po?! Hi-hindi po! Kaibigan siya ng ate ko " Ganon naman ang asar nitong si Kevin sa lakas nang tawa nitong pinsan niya. " Really? Mayron siyang kaibigan huh?! " Tawa na naman nito " Ang ate mo? Interesting " tawa pa niya. " Jinny, will you stop? " Naiirita niyang tingin rito kaya agad naman itong nag-pout. " Well I have to go, sana magkita pa tayo ulit " ngiti nito kay Yna " Well, I'm Jinny " sabi pa nito bago umalis. " I'm sorry about her " Sabi agad nitong si Kevin nang makaalis si Jinny pagkwan inabot rito ni Yna ang jacket nito pero ganon na lang ang gulat nilang lahat ng hindi ito abotin ni Kevin at humakbang papalapit kay Yna saka hinawakan ang nakasukob sa ulo nito para alisin pero marahan niya ding binitawan ito ng hawakan ito ni Yna. " I'm sorry " pag-atras nito saka inabot ang jacket. " Nakaganyan po siya dahil nahihiya siyang makita______ " agad tinakpan ni Yna ang bibig ni April sa muntik ng lumabas sa bibig niya. " Gusto mo bang maging FO na talaga tayo? " Bulong nito at ganon na lang ang paglaki ng mata niya pagkatapos tanggalin ni Megan ang karton sa ulo niya at diretsong nagtama ang mata nila ni Kevin kung saan nakatayo ito sa harapan niya. " Katulad dati napaka gwapo niya pa rin halos walang nabago sa mukha niya maliban sa mas lalo siyang pumuti, at yong hair style niya ganon pa din, saka yong amoy niya " pag-iisip nito habang pinagmamasdan si Kevin " 18 years old pa siya nong huling pagkikita namin at siguro ngayon baka 28 or 29 na siya kaya lang yong mukha niya hindi ganong nagbago kung hindi siya nakasuot ng uniporme ng doctor hindi mo din iisiping doctor na siya at 28/9 years old, napaka gwapo niya pa rin " pagmamasdan niya rito. " Partner... Okay ka lang? " Pagyugyog rito nila April dahilan para magising siya. " Ah! O-oo!!! " Sigaw nito bigla at ganon na lang ang asar niya ng makita niyang ngumiti ng bahagya si Kevin. " Tama nga ang ate mo... hindi ka pa rin nagbabago " natigilan naman ito sa sinabi ni Kevin. " Kung ganon pinag-uusapan din nila ako ni Ate? " Tanong nito sa sarili niya at hindi niya alam pero pakiramdam niya gumaan bigla ang pakiramdam niya mula sa inis at hiyang nararamdaman niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD