Chapter 1

4992 Words
12 years ago may batang umiiyak sa labas nang hospital pagkatapos masaksihan ang trahedyang sinapit nang kanyang nanay pagkatapos itong mabangga ng isang sasakyan. " mama " paghagulgol nito habang natatakot sa puweding mangyari sa mama niya at ang sakit na nadarama niya ay siya namang pagdiriwang ng ibang pamilya para sa anak nila. " Mommy totoo po bang makakakita na ako? Makikita ko na kayong muli? " Isang mahigpit na yakap ang isinagot ng isang magulang sa anak niya habang nasa loob sila ng sasakyan patungong hospital. " Oo, kakatawag lang nang daddy mo may donor na daw para makakita ka, kaya nga pupunta tayo doon para makapagpasalamat sa pamilya bago sila umalis nang hospital " Sabi rito nang mommy niya, kung saan isang doctor ang Asawa nito at matagal na silang naghihintay sa pagkakataong ito na may tumulong sa kanilang anak na makakitang muli pagkatapos nitong mawala ng dahil sa isang car accident. " Sige, dito na kami bababa " pagpapahinto nito sa driver at excited na binuksan nang babae ang sasakyan saka sila bumaba. " Sige po, ma'am " sagot rito ng driver " Magpapark lang po ako " Ani driver, mabilis namang inalalayan nang babae ang anak nito patungo sa hospital ngunit tumigil ito ng maramdaman niyang naiwan nito ang bag niya. " Kevin, naiwan ko ang bag ko, iiwan muna kita rito para kunin yon kaya wag kang aalis rito, okay? " bilin niya rito. " Opo, mommy " " Dito ka lang, okay? " Halik niya rito saka naglakad pabalik sa sasakyan. " mama " natigilan bigla itong si Kevin sa narinig nitong batang umiiyak kung saan ramdam mo sa boses nito ang naghahalong takot at lungkot " mama " mga iyak nito, mabilis naman niyang hinanap ang kinaroroonan nang boses pagkatapos nitong makaramdam ng awa habang winawasiwas nito ang kamay niya para mahawakan ito. " Sino po kayo? " Tanong rito nang bata ng makapa niya ito sa ulo kaya bahagya itong yumuko ng maramdaman niyang hanggang bewang niya lang ito. " Anong pangalan mo? Bakit umiiyak ka? Nawawala ka ba? " Paghahanap pa nito sa mukha ng batang babae para punasan ang mga luha nito " Nasaan ang papa mo? " Tanong pa nitong muli habang pinupunasan ang mukha ng maliit na binibini para iparamdam ritong may kasama ito. " Napaka daldal niyo naman po tsaka bibig ko po ang hinahawakan niyo " pagtanggal nito sa kamay ni Kevin sa mukha niya. " Pasensya ka na hindi ko kasi nakikita ang mukha mo kaya nanghuhula na lang ako saan ko mapupunasan ang mga luha mo, kaya tumahan ka na " pagpapagaan pa niya sa loob nito. " E bakit niyo naman po pupunasan? At saka bakit naman hindi niyo ako makita eh, ang laki ko kaya! " medyo paggaan nang boses ng bata mula sa pag-iyak nito. " Kasi hindi ako makakita " pilit nitong pagngiti para hindi siya kaawaan nang bata, sa tuwing sasabihin niya kasi iyon, tanging awa ang nararamdaman nito sa mga taong nakapaligid sa kanya. " Kung ganon po hindi niyo nakikita ang maganda kong damit na hello kitty? Ang maganda kong tali sa buhok? At ang mga tao sa paligid niyo? " Makulit ritong tanong ng bata. " Ganon na nga " ilang segundo namang nanatili sa kanila ang katahimikan kaya ganon na lang ang pag-aalala nito. " Sandali, umalis kana ba? Bata? " Natigilan ito nang marinig na naman niyang umiiyak ito. " Kung ganon gusto ko rin pong mawalan nang paningin " nagulat naman si Kevin sa sinabi nito " Ayaw kong makita si mama, ayaw kong makitang may dugo ang katawan niya, ayaw kong makitang nahihirapan ang mama ko " malakas nitong iyak pagkatapos maisip ang nangyari sa nanay niya. " Bakit anong nangyari sa mama mo? " Nag-aalala na rin niyang tanong rito. " Nabangga ang mama ko, binangga ng sasakyan kaya nasugatan ang mama ko at ayaw kong makita yon kaya gusto kong maging katulad mo po " Ganon naman ang awa rito ni Kevin at sa unang pagkakataon gusto niyang matuwa dahil bulag siya at may maganda ding pakinabang ang kondisyon niya dahil sa mga sinabi ng bata pagkwan kinuha nito ang panyo niya mula sa bulsa niya. " Kung gusto mong maranasan ang kalagayan ko, takpan mo ang mata mo gamit ito para hindi mo makita ang nangyayari sa paligid mo, o ang mama mo para hindi ka ganong malungkot " " Salamat po " Pag-abot niya rito " sige po, aalis na po ako baka hinahanap na ako ni Papa at Ate " mabilis nitong pag-alis. " Sandali anong pangalan mo? " " Yna leng, Yna Leng Alejandro po! " Sigaw nito at tuloyang umalis at bahagya namang napangiti si Kevin sa pangalan nito. " Kevin, anak!! Diba sabi kong doon ka lang? Tinakot mo ako " yakap rito nang mommy niya habang nag-aalala. " Pasensya na po mommy hindi ako sumunod sa bilin niyo " " It's okay baby, natakot lang naman ako kaya ganito ang nararamdaman ko " halik niya pa rito, nag-iisang anak itong si Kevin at nawala ang paningin nito pagkatapos nilang maaksidente nang ate niya nong 7 years old siya, namatay ang ate niya sa aksidenteng iyon at siya naman nawala ang paningin " Halika na pumunta na tayo sa daddy mo " pag-alalay rito ng mommy niya. " Mommy ayaw ko na po " ganon naman ang gulat ng mommy niya dahil sa sinabi nito dahil alam niya kung gaano nito kagustong makakitang muli. " Anong ayaw mo na? " Nagtataka pa niyang tanong rito. " Sa tingin ko po mabubuhay akong masaya muli kahit wala ang mga paningin ko " nakangiti pa nitong sabi. " But Kevin? May donor kana at malaki ang posibilidad na makakita kang muli kaya hindi mo na kailangan alalahanin ang mga paningin mo, makakakita ka na rin anak " pagkumbinse pa rito ng mommy niya. " Pero mommy__ " Hindi na nito natuloy ang sasabihin niya nang dumating ang daddy niya at dinala sila sa bangkay nang babae na siyang donor nito. " Mama.. " natigilan ito nang marinig niya ang pamilyar na iyak. " Yna ano ba yang nakalagay sa mata mo? " Paghawak nang ate nito sa panyong nakapiring sa mata niya. " Ang sabi po nong lalaking nakita ko ilagay ko po ito sa mata ko para hindi makita si mama, ayaw ko pong makita si mama na may sugat " iyak nito saka tumakbo palabas pagkatapos tanggalin ang piring sa mata nito at marinig na yumao na ang nanay niya. " Kawawa naman siya " pagsunod rito nang tingin ng mommy ni Kevin. " Nakita niya kasi ang nangyari sa mama niya, sana nga malagpasan niya ito agad " ramdam sa boses nang asawa ng yumao ang lungkot " Nga pala siya ba ang anak niyo? " Lingon nito kay Kevin. " Magandang araw po Sir , nalulungkot po ako sa nangyari sa Asawa niyo " malungkot pa nitong sabi habang naiisip si Yna Leng " At taos puso po akong nagpapasalamat sa ginawa ng asawa niyo para saakin " Yuko pa nito kaya natuwa na rin ang mommy niya pagkatapos magbago ang isip ng anak sa gusto nitong mangyari kanina. " Napakabuti saamin nang mga magulang mo at napakabuti mong bata kaya lubos akong natutuwa sa naging desisyon nang asawa kong pagtulong sayo " janitor kasi itong lalaki dito sa hospital na pagmamay-ari nila Kevin at ang Asawa naman nito ay pinapayagang magtinda nang pamilya Wu sa loob nang hospital at malaking tulong yon sa kanila. PRESENT TIME " Yna... gumising ka na diyan! " pagsipa rito ng kaibigan niya sa paa sa ilalim ng upuan nito habang natutulog na naman siya sa klase kaya ito, nakatayo sa kanya ang teacher nila. " Yna....! " Pagpalo ng kaibigan niya rito sa balikat ng makitang namumula na sa inis ang teacher nila habang mahimbing na natutulog itong si Yna. " SINABI NANG AYAW KO ATE!!! " sigaw nito sabay tayo habang nananaginip dahilan para magising siya at ganon na lang ang gulat niya ng nakatayo sa harapan niya ang teacher niya. " Ano na naman ang panaginip mo?! Naging si Darna ka ba ulit o kinuha ka ng mga alien at namuhay na naman sa ibang planeta, o baka naman naging sirena ka at namuhay sa dagat? Saan doon?!! " sunod sunod ritong tanong ng teacher nila sa madalas ritong palusot ni Yna na talaga namang napapanaginipan niya dahil mahilig itong manood ng mga fantasies. " Bago Sir " napataas naman ng kilay ito rito dahil ang totoo nag-eenjoy din siyang makinig sa mga werdong panaginip ni Yna " Ngayon Sir napanaginipan kong binigay ako ni ate sa isang halimaw... pinapasok niya ako sa isang malaking kweba.. at sa loob po ng kweba mayroong halimaw doon tapos .... " " Tapos ano? " Curious ritong tanong ng teacher nila pagkatapos niyang tumigil magkwento. " Nagising po ako eh ... " Paglagay pa nito sa dalawang kamay niya sa ulo niya. " Dapat sinakmal ka " pagtalikod ng teacher nila " Sige na, alam mo na ang gagawin mo! " Agad namang naupo si Yna. " Okay, maganda yan magsulat ka ng isang buong yellow paper na hindi na matutulog sa klase ko kaysa tumayo sa labas baka isipin pa ng mga teacher na pinapahirapan kita " mahaba nitong sabi. " Tatayo po ako sa labas! " Tamad nitong pagtayo saka naglakad " Baka makatulog lang ako kung magsusulat ako at saka at least dito makakapag-isip ako nang maayos dahil hindi ko naririnig ang lecture ni Sir pero hindi nga pala ako dapat mag-isip dahil maiinis lang ako, tsk! si ate kasi!!! " Pagtatalon nito sa labas habang hinahampas ang ulo niya sa hangin kaya nakuha tuloy niya ang atensyon ng mga tao sa classroom nila. " Alejandro!!! " Sigaw ng teacher nila kaya agad itong tumahimik at akala mo naging robot. " Lagot na baka patakbohin ako nito kapag nagalit itong panot naming teacher! " Bulong pa niya. " I'm Yna Leng Alejandro! Napaka weird talaga ng pangalan ko paano kasi si Mama paborito niya si Yna ng Pangako sayo na palabas kaya itinawag niya saakin tapos yong Leng naman ay tawagan nila ni Papa at dahil masyado nila akong mahal kaya dinugtong na rin nila kaya naging Yna Leng kapag may nakakarinig minsan napagkakamalan akong half Chinese dahil sa pangalan ko, kaka-18 ko pa lang, G12 student mula sa kilalang paaralan sa bansa, well, nakapag-aral lang naman ako rito dahil sa tulong ng pamilyang naging donor nila si mama para makakita ang anak nila, ang taong kanaiinisan ko pagkatapos ereject ang pag-ibig ko, tsk! napakasama niya kaya hindi ko siya mapapatawad paano kasi binalewala niya lang ang feelings ko tapos ang malala hindi na siya nagpunta sa bahay o nagpakita pa saakin. Bakit iniisip niya bang pipikotin ko siya e bata pa ako nun kaya kahit gusto ko hindi ko kayang gawin, ay mali!! Wala akong balak gawin. Well, kami lang ni ate ang magkasama sa buhay ngayon dahil after nong aksidente ni mama kasama ako binawian na siya ng buhay tapos si Papa, sobrang nalungkot sa nangyari kaya nagkasakit siya at di nagtagal iniwan din kami kaya si ate ang nagpalaki saakin at ngayon magtatrabaho siyang ibang bansa at alam kong ayaw niyang tanggapin dahil saakin pero ang totoo pangarap niya ito, kaya naman hindi ko magawang tutulan iyon gayong mula ng mawala sina Mama, wala siyang ginawa kundi magpakananay at tatay saakin kaya anong karapatan ko para pigilan ang pangarap niya kaso ang nakakainis doon niya ako balak iwan sa sinasabi kong crush ko na kaibigan niya at di ako papayag doon mas mabuti pang maging butete na lang ako at manirahan sa tubig kaysa makasama ang Binbin na yon!!! " Kainis naman kasi kung bakit siya pa ang naisip ni ate!!! " Pagtaas pa nito sa kamao niya sa asar at saktong lumabas ang teacher nila kaya tumama ito sa baba niya at napatingala sa pagkakasapol rito ni Yna. " Naku po!! " At bago pa niya ito mahawakan mabilis ritong umiwas ang teacher nila " Kahit kailan disgrasya talaga ang dala mo saamin " paglalakad nito kaya agad naman kinagat ni Yna ang labi niya. Sanay na ang mga teacher sa ugali niya. " Ang malas naman kasing buhay ito!!! " Paggulo nito sa buhok niya pagkatapos na naman maisip ang desisyon ng ate niya. " Naku! tigilan mo na yan dahil wala namang mangyayari kahit kalbohin mo pa ang ulo mo " paglabas ng dalawa niyang kaibigan kung saan si April at Megan saka sinundan ng dalawang lalaki. " Oo nga, Yna " pagpapasuot pa rito ni Megan sa bag niya. Ang mayaman niyang naging kaibigan rito, nag-iisang anak at may pagkanerd dahil nakasuot ito ng salamin palagi at book worm kaya walang gustong makipagkaibigan rito dahil may pagkawierd siya. " Tara na sa canteen dahil nagugutom na ako " ani April, ang katulad niyang nakapasok rito as a scholar student, matalino siya at galing probinsya kaya may pagka-astig ang ugali. Bago pa sila makalakad papuntang canteen mabilis na hinawakan ni Lay ang bag ni Yna para matigil ito. " Gisingin mo muna siya " napalingon naman siya sa tinutukoy nitong lalaki na mahimbing pa rin natutulog sa loob ng classroom nila. " Teka! sinasabi mo bang kanina pa tulog yan bago pa ako makalabas at hindi man lang napansin ni Sir? " Tumango naman sila " Tssst! Napaka unfair naman yon, sabi na eh may pagka-favoritism si Sir! " Paghalukikip nito saka masamang tumingin sa kaninang dinaanan ng teacher nila. " Sa katunayan hindi lang naman kayo ang natutulog sa boring na lecture ni Sir pero ikaw lang talaga ang nahuhuli dahil maliban sa humihilik ka ay nagsasalita ka rin at minsan sumisigaw ka, tulad kanina kaya paanong hindi ka mahuhuli ni Sir " paliwanag rito ni April. " Kinakampihan mo ba siya partner? " Malungkot niyang tingin rito " Bias ka din ba tulad ni Sir? " " Partner walang bias doon, talagang maingay ka lang matulog kaya ka nahuhuli palagi " sabi pa nito pagkwan nasilip nitong muli ang kanina pang natutulog sa loob. " Tsk! Unfair pa din si Sir! Nalalabag niya ang human rights ko! " Makulit pa nitong sabi. " Okay lang yon, di mo naman alam ang human rights eh " ani Megan na may pagbibiro. " Alam ko noh! " Mayabang pa nitong sabi at napataas ng kilay ito pagkatapos nilang tumingin lahat rito habang hinihintay ang paliwanag niya " Edi! Human, tao, tapos rights, kanan o kaya tama kaya tamang tao! " Sabi pa nito at sabay sabay naman silang napa-iling sa sinabi nito. " Mabuti na lang talaga scholar ka dito dahil sa utang na loob ng mga taong tinulongan ng mama mo at hindi dahil sa academic performance dahil kung sakali baka matagal ka nang natanggal " ani April at bago pa siya makapagsalita agad siyang hinawakan ni Lay at pinaharap sa loob ng classroom nila. " Naiinis ka dahil pinarusahan ka ni Sir mag-isa habang siya natutulog pa rin hanggang ngayon kaya bakit hindi na lang sa kanya mo ibuhos ang inis mo? " Pagtulak niya rito sa loob. " Sus! Gusto niyo lang gisingin ko siya! " Pagbalik nito sa labas " Kayo ang gumising dahil di naman kami close niyan noh! " " E kasi nananakit yan kapag ginigising at panigurado malalagot kami kapag kami ang gumising____ " " Edi! Ako ang sasaktan niyan " " Hindi ka naman papayag na saktan ka niyan basta basta kaya hindi ka niyan sasaktan dahil alam niyang doble mong ibabalik at saka kumpara saating lahat, sayo lang yan may pasensya " ani Nico habang nakangiti para kumbensihin si Yna. " pumayag ka na Partner nagugutom na talaga ako " ani April kaya napilitan itong pumayag at agad tumaas ang dugo nito ng matitigan niyang natutulog talaga ito. " Tsssst! mas mahimbing pa ang tulog mo saakin tas ako lang ang naparusahan? Lagot ka saakin!!! " Pagtaas nito sa kamay niya para batokan ito habang nakayuko sa arm chair niya pero bago pa ito tumama rito mabilis niya itong nasalo. " Magigising naman ako kahit hindi mo ako batokan " pagtayo nito saka binitawan ang kamay ni Yna. " Gising ka naman pala bakit hinintay mo pang puntahan kita? " Paglalakad nito palabas pagkwan sumunod na rin ito sa kanya. " Tulog ako noh, naamoy lang kita kaya ako nagising " mabilis naman itong lumingon sa kanya. " Ano ka aso para maamoy mo ako? " Ganon na lang ang asar niya ng matawa ito sa sinabi niya. " Kasalanan mo naman bakit hindi ako nakatulog " paglampas niya rito at naunang maglakad. " Bakit magdamag ba akong nakahawak sa pilikmata mo para hindi ka makapikit at makatulog?! " Pagsunod niya rito pero natigilan siya ng bigla itong mag-hand sign jutso from Naruto anime series. " Fire jutso!! " Paggaya nito kay Sasuke saka hinipan ang hand sign niya sa direksyon ni Yna kaya ganon na lang ang pagkislap ng mata niya at kunwaring umilag saka tumakbo at yumakap rito habang tuwang tuwang nagtatalon kaya ganon na lang din ang ngiti nito. " Napanood mo na? Nagustohan mo ba? " Mga tanong nito. " Oo, kaya nga inumaga na ako kaya hindi na ako nakatulog pa pero Naruto Kid pa lang ang natatapos ko " sabi nito sa pinanood niyang anime kung saan recommendations na naman rito ni Yna. He's Oliver Fernandez A.K.A Oli, ang taong isang araw bigla na lang lumapit saakin at nagpaparecommend ng anime at dahil isa akong Otaku ( means anime fan ) naging friend kami agad pero tulad ng dalawang lalaki na kasama nila April ngayon at ang dalawa pa niyang kaibigan sa ibang strand, hindi siya mabait, mahilig siya sa gulo, pasaway na high school students at iwan ko kung bakit dahil mayaman naman siya at nag-iisang anak kaya iwan ko anong pinoproblema nito sa buhay para maging pasaway pero kahit masama ang ugali niya pinag-aagawan pa rin siya rito sa campus dahilan bakit minsan ayaw kong naglalapit rito dahil pinag-iinitan din ako ng mga babae niya kaya kahit ayaw kong makipag-away napipilitan ako at dahil lang talaga sa anime paanong naging magkakilala kami. At yong apat na tropa niya ay si Nico, ang pinaka mabait sa kanila slush may pagka-isip bata palagi siyang nakangiti sa kanilang lima, si Lay naman ang mahilig magjoke sa kanila pero palaging waley at ang pinaka maangas sa kanila, si Kier naman ang pinaka-playboy, mga bata pa kami pero itong si Kier wala siyang paki sa bagay na yon, at ang panglima nila si Luke kasama ni Kier sa ibang strand, well medyo naiiba siya sa kanila, tahimik siya at mabait kaso si Oli din ang sinusunod nito kaya pasaway pa rin siya, matalino din siya at gwapo. Lahat naman sila gwapo, hahabolin ba sila ng mga babae at hahangaan ng mga lalaki dito sa campus kung mukha silang mga butiki at gaya ng sabi ko si Oli ang pinaka pasaway na tao dito sa campus kaya siya ang leader nila, madalas talaga pinaplastik ko lang ito lalo na kapag pinipilit kong panoorin niya ang anime na nirerecommend ko na abot hundred ang episode, hindi kasi mahihilig ang mga bestfriend ko kaya kami lang ang nagkakaitindihan sa anime. " Sinong favorite mong characters ngayon? " Pagkwan nagstretch itong si Oli bago rito sumagot. " Wala pa eh " pang-aasar niya rito. " Haist! siguro hindi mo initindi ang kwento " Asar ritong tingin ni Yna. " Naku! Ayan na naman sila " ani Nico habang binibilisang maglakad para makasabay itong si April. " Di ka pa sanay diyan? " Agad namang napangiti si Nico pagkatapos itong sagotin ni April pagkwan dumating na nga sila sa canteen at kagaya ng inaasahan agad lumingon ang lahat sa pagpasok nila habang ang mga babae tela nagiging heart ang mga mata habang namumulang nakatingin sa grupo ni Oli kaya marahang naglakad sina Yna para lumayo sa mga ito pero bago pa sila makaupo nauna na sina Oli maupo. " At talaga bang gusto mong awayin na naman kami ng mga fans mo? " Batok rito ni Yna pagkatapos nitong maupo sa tabi ng uupuan niya at dahan dahan itong lumingon sa direksyon ng mga babae pagkatapos niyang maramdamang biglang uminit ang hangin sa loob ng canteen. " Kasalanan mo yan! " Ani Oli pagkatapos tumingin ng mga babae kay Yna ng masama, kung kanina heart, ngayon parang may mga apoy ang mata nila kaya napilitan din itong maupo sa tabi ni Oli " Kapag talaga naalog ang utak ko ikaw ang sisisihin ko " habang pinupokpok ang baba nito dahil sa pagpalo rito ni Yna sa ulo. " Kapag sinaktan ako ng mga babae mo magiging zombie ako at uubosin ko ang utak mo " lingon pa nitong muli sa mga babae at ngayon medyo kumalma na ang mukha nila. Napa-iling na lang ni Oli saka bahagyang natawa pagkatapos maisip ang sinabi nito. " Sinong mag-oorder? " Tanong bigla ni April. " Pasensya na kung ngayon lang kami " pagdating nila Kier at naupo sa tabi ni Megan kaya ganon na lang ang pag-iinit ng pisngi niya at bahagyang umurong kay April pagkatapos maamoy ang pabango nito " Ang bagal kasi ni Luke maglakad " ani Kier pagkatapos maupo ni Luke sa tabi ni Lay. " Pasensya na " sabi nito saka tumingin kay Yna at mabilis naman itong ngumiti rito. " Okay lang di pa nga kami nakaka-order " " Kami na lang ni Luke, total late naman kami " pagtayo ni Kier. " bakit ba kailangan mo pa akong idamay? " Reklamo nito. " Kayo na lang ni Megan total magkatabi kayo at nakatingin sayo, gusto atang sumama " pang-aasar ni Lay sa dalawa kaya ganon na lang ang pagsiksik ni Megan kay April pagkatapos itong lingonin ni Kier. " Nagpapatawa ka ba e para nga akong may sakit kung makaiwas saakin itong si Megan " Pagbibiro nito " Alam mo babaero ako pero hindi ka kasali sa magiging babae ko kaya di mo kailangan matakot saakin, ayaw ko din naman sa mga Maria clarang babae, boring sila! " Ani Kier kaya pilit namang ngumiti si Megan saka umayos ng upo. " Pasensya na " sabi lang nito at ganon na lang ang gulat nito ng tapikin ni Kier ang ulo niya. " Napaka bait mo talaga, Megan " nakangiti niyang sabi rito kaya ganon na lang ang pagbablush nitong muli. " Naku! tumigil ka nga Kier parang di ko alam na babaero ka at wala kang pinipili!! " Pagpalo ni Yna sa kamay nito kaya nagtawanan tuloy sila pagkwan nilingon nito si Oli. " At dahil kasalanan mo kaya tayo natagalan magcanteen, ikaw ang mag-oorder! " utos rito ni Yna. " Ayaw ko! " Tanggi agad nito " At saka alipin mo ba ako para mag-utos nang ganyan? " pagmamatigas nito. " sus! Kahit mag-apply kang katulong saakin hindi kita tatanggapin dahil di ka pasok sa panlasa ko sa kahit na ano mang paraan____ " " Ano?! " Pagputol ni Oli sa pagsasalita nito habang ang sama ng mukha. " Oo kaya mag-order kana dahil ang haba ng pila at kung kami ang gagawa baka hindi na tayo makakain " asar namang tumayo si Oli pagkatapos nitong sumunod rito saka ito sinundan ni Kier. " Ikaw lang talaga ang nakakagawa niyan Yna " ani Nico habang natutuwang nakatingin rito at kagaya ng inaasahan mabilis ngang pinauna ng mga nasa linya si Kier at Oli at habang nakatayo sila rito pasimpleng nakikipicture rito ang mga babae o pasekreto silang kinukunan ng litrato pagkwan bumalik na din si Oli at sa kanya lang ang dala niya. " Nag-order na ako kaya kayo ang kumuha " pag-upo nito kaya ganon na lang ang asar ritong lingon ni Yna kaya bigla itong nag-alinlangan maupo. " Hindi magkasya sa kamay ko " sabi nito agad at ganon na lang ang takot niya ng malingon nila si Kier na nakayang dalhin lahat ng order nila kaya ang sama ng tingin rito ni Yna. " Eh! Baka last life niya isa siyang crew kaya ganyan siya kagaling magdala ng orders " dahilan pa nito pero hindi na ito pinansin ni Yna saka sila kumain pero natigilan siya nang mapansin ang tahimik nitong pagkain habang nagkukwentohan ang lahat maliban kanya. " Sandali tahimik ka ba dahil pagkain ko lang ang dinala ko? " Tanong na rito ni Oli dahilan para mapansin nila itong pananahimik ni Yna. " Wag mo nga akong pansinin " pagbusangot pa nito saka kinain ang burger nito. " E kasi naiinis yan dahil makakasama niya sa bahay ang lalaking bumasted sa kanya! " Sabay sabay naman silang napalingon sa sinabi ni April. " April! " Saway rito ni Yna " At saka anong binusted? Tssst! bata pa lang ako kaya ganon noh... " asar nitong sabi sa huli at napatingin silang lahat kay Oli ng tumawa ito bigla. " Nabusted ka na? Kaya naman pala napaka sungit mo dahil may nanakit na sayo " pang-aasar pa ni Oli at natahimik ito pagkatapos siyang pusunan ni Yna gamit ang siko niya. " Papatayin mo ba ako? " Natatakot niyang tingin rito kaya ganon na lang ang pagpipigil nang lahat ng tawa pagkatapos ng takot sa mukha ni Oli at tanging si Yna lang talaga ang nakakagawa nito. " Oo, kapag di ka tumigil! Tsk! Bangungot nga yon saakin tas tatawanan mo lang? " Asar niyang lingon rito saka naasar muli kaya tumigil na rin sa pang-aasar itong si Oli. " Kailan ka pa binusted at saka paano? " At dahil si Luke ang nagtanong kaya walang magawa si Yna kundi magkwento dahil sa kanilang lima, sobrang seryosong tao ni Luke. 11 years ago HABANG busying nanonood si Yna sa TV nila narinig nito sa baba ang pagdating ng ate niya. " Papa may dinaanan lang po kami pero may group study kami sa bahay ng kaklase ko kaya aalis din po ako agad " Pagpatay nito sa TV at matamang nakinig sa ate niya. " Kung ganon kasama niya ulit yong mabait at gwapong lalaki? " Pakiramdam niya nakaramdam siya ng excitement sa narinig niya kaya mabilis itong nagtungong hagdan para bumaba pagkatapos niyang kunin ang letter niya rito pagkatapos niya itong mapanood sa TV, kung saan ang paraan ng pagcoconfess na alam niya ay ang love letter dahil sa murang edad na mayron siya pero natigilan siya ng makita niyang nasa hagdan ang kaibigan ng ate niya kung saan tatlong hakbang lang nito ay magkatabi na sila kaya hindi nito malihis ang mata niya pagkatapos ng magtama ang mata nila. " Nakauwi ka na pala " sabi rito ng lalaki kaya pakiramdam niya para siyang lobo na lumabas ang hangin saka naglilipad " Okay ka lang ba? " Agad naman itong napatingin ng iabot rito ni Yna ang love letter niya. " Bakit? " Nagtataka niyang pagkuha rito. " Ano ba yan, Yna? " Sigaw rito ng ate niya pagkatapos niyang makitang nakaharang ito sa hagdan. " Padaanin mo siya dahil kukunin niya yong notebook ko sa kwarto " sigaw nito " Ano ba yan naiihi na ako " pagtakbo nito saka nagtungong banyo. " Basahin mo po " utos nito rito at mabilis naman siyang sumunod rito " Ako si Yna Leng at iniibig kita " napatingin naman rito ang lakaki dahil sa sinabi niya at pagkatapos mabasa ang nilalaman ng card nito " Gusto mo din ba ako? " Tanong pa nito at sa gulat ng lalaki nalaglag ang isang paa nito sa hagdan dahilan para dalhin ng hangin ang love letter nito at sakto namang bumalik ang ate niya kaya pinulot niya ito. " Ano ba ito? " At ganon na lang ang hiya niya ng basahin ng ate niya kaya mabilis itong tumakbo saka nagtago sa ilalim ng kama. " Bata pa kasi ako kaya ako ganon pero hinding hindi ko gagawin yon ulit " nahihiya nitong sabi pagkatapos niyang magkwento at bumalik rito ang isa sa nakakahiyang bagay na nangyari sa buhay niya na hindi kayang kalimotan " 8 years old lang ako noon at sa tingin ko 18 na siya noon, kaedad lang kasi ni Ate at sa mga panahong iyon, 18 si ate kaya baka 18 lang din siya " namumula sa hiya nitong sabi " Kaya siguro ako tinanggihan dahil bata pa ako at baka....hindi talaga niya ako gusto... Napakatalino naman kasi niya at gwapo din " malungkot nitong sabi ng hindi napapansin ang pagpuri niya rito. " Yon naman pala kaya bakit ka nahihiya? " Napatingin naman siya kay Luke. " Hindi na kasi sila nagkita mula noon kaya hindi na nalinaw ang bagay na yon at hindi siya maka-move on doon at ngayon pupunta sa Thailand ang ate niya at sinabi nitong pansamantala muna niyang iiwan doon si Yna since wala na silang magulang at walang kamag-anak rito kaya doon muna niya iiwan dahil yon ang nag-iisang bestfriend o pinagkakatiwalaan nang ate niya " " E kung sainyo pala magstay si Yna? " Tanong na din ni Lay na siyang sinang-ayonan ng lahat pagkatapos maitindihan ang pinagdadaanan ni Yna. " Nagboboarding house lang ako at saka nag-aaral lang naman ako rito dahil scholar ako " ani April kung saan nasa probinsya ang mga magulang niya. " Saakin naman ayaw ni Yna " ani Megan paano kasi nag-iisang anak ito at galing sa marangyang pamilya si Megan kaya nahihiya siya. " Sino ba yang crush mo? " Napalingon naman sila sa seryosong pagtatanong ni Oli. " Asa kang sasabihin ko sayo at saka hi-hindi ko na siya crush noh!!! At saka bata pa ako noon kaya nga baka nabigla lang ako sa confession na yon " sabi pa nito habang nauutal sa inis pagkwan bumalik na din silang school pagkatapos magring ang bell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD