CHASE
"Nana, sinabi ko naman sa inyo nababalikan ko kayo eh, bakit hindi niyo ako hinintay?"tanong ko dito at kinuha agad ang kanyang dalang grocery.
Napahinto ako saglit dahil may nakasunod dito na babae. Ang ganda niya, kahit simple lang ang suot na pantalon at white blouse. Straight wavy hair na lagpas balikat. Ang ganda din ng kanyang mga mata.
Napahinto din ito at napatingin sa akin kaya umiwas ako at nilagay na ang grocery sa likod ng sasakyan. Nakita ko si Nana na nagpapasalamat at nagpaalam na din ang babae.
"Sino po iyon Nana? " tanong ko sa kanya ng makaalis na ang babae.
"Ah iyon ba, tinulungan niya ako na dalhin ang mga plastic. Napakabait na bata, napakaganda pa."sagot nito sa akin habang inaabot ang natirang plastic ng grocery.
Pagkatapos ay umalis na din kami at nag punta sa aking condo. Binilisan ko ang pagpapatakbo at nakarating naman agad kami sa condo.
" Jusko , ang batang ito, may iba ka pa bang lakad at halos paliparin mo na ang sasakyan?" si Nana habang pababa.
Natawa naman ako at ibinaba ang mga grocery at ibinigay sa kanya ang susi ng condo.
"May nakalimutan lang akong bilhin Nana, mauna na po kayo sa taas ipapatulong ko nalang si kuya guard pag-akyat ng ibang grocery." Saad ko at ibinilin siya sa guard.
Agad akong sumakay at nag drive pabalik sa grocery. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko ay muntik pa akong mabunggo. Pagkarating ko ay bumaba na ako agad at hinanap ko siya sa loob.
Minamanmanan ko lang siya habang namimili, ang dami niyang binili.
Paano niya dadalhin iyan, wala ba siyang kasama? "tanong ko sa isip ko.
Lalapitan ko na sana siya ng makuha ng pansin ko ang nag-iisang garapon ng gummy bear sa estante. Inabot ko ito pero may umabot din nito.
Nagkatinginan kami saglit at nakanguso niya itong binitawan. Aalis na sana siya ng sinabi ko na sa kanya nalang. Ibinigay ko ito sa kanya. Her eyes twinkle nang inabot niya ang gummy mula sa akin.
She's cute at napakagat labi pa siya. Umalis na ako doon bago ko pa maisipan na halikan siya. s**t, umayos ka Chase. Kailan ka pa naduwag pag dating sa isang babae?"kausap ko sa sarili.
Pagkatapos noon lumabas na ako at inabangan nalang siya sa labas.
Nang makita ko siyang tinulungan ng staff ng grocery ay nag drive na ako palapit sa kanya. Inaya ko siyang ihahatid na lang at idinahilan ang pagpapasalamat sa kanya para makasama at makilala ko siya.
Alam kong sobrang bilis, but I like her.
Bumaba na ako at sinimulan ng kunin at ilagay sa trunk ng kotse ang mga groceries niya. Nag-alangan pa siya kaya naman inilabas ko ang I. D ko at ipinakita ito sa guard.
Hinawakan ko na siya sa siko at iginaya sa passenger seat at ikinabit ang kanyang seatbelt. She smell like strawberry, bago pa kung ano ang magawa ko ay umayos na ako ng tayo at sinirado ang pinto.
Umikot na ako at sumabay na rin sa driver seat.
Bago ko paandarin ang kotse ay nagpa kilala muna ako. And I get to know her name, "Kristine."
Beautuful, just like her. Pagkatapos niya sabihin sa akin ang address nila ay tahimik na ang aming byahe. Pansin ko na iniiwasan niya ako kaya hindi na din ako nag tanong pa. Pagkarating namin sa bahay nila ay ibinaba ko ang mga groceries niya.
Madami din ito kaya inalok ko siyang ihatid hanggang sa loob ng bahay nila pero tumanggi siya. Napakamot nalang ako sa ulo at tininggnan siya bago ako pumasok sa kotse.
Umalis na din ako at sakto tumatawag ang kapatid kong lalaki. At nagyayang magbar kahit alam niyang may pasok bukas, gago talaga. Pinuntahan ko na lang siya. Pagpasok sa bar ay makikita mong ang daming nagyasayaw at ang iba naman ay kung maghalikan parang nasa motel na.
Napailing-iling nalang ako bago tumuloy sa pwesto ng kapatid ko at ng dalawa pa namin na kaibigan.
"Hey bro, nandito ka na. " Chandrie my brother, a notorious playboy.
"Wala pa yan dito, nasa ibang palaneta yan."Magnus, isa sa kaibigan namin.
" Nakita mo ngang nandito na, tsk. "at napailing pa ito. Sinuntok lang ito ni Chandrie. Umupo na ako at kinuha ng inomin.
" Yeah, so what's up. Kung makapagyaya ka parang hindi ka papasok bukas ah? "Saad ko dito at napangisi naman ito.
Wala na talagang pag-asa na magbago ito. May umupo naman na babae sa kandungan niya, at agad siyang hinalikan.
" f**k, get a room will you?! "James, a faithful boyfriend. Ka'text pa ang girlfriend niyan ngayon kahit nandito kami sa bar.
Tinaasan lang ito ng gitnang dalari ng huli. Nag-inom nalang kami at nagkamustahan sa buhay-buhay lalo na at kababalik ko lang galing America para icheck ang
isa pa naming company doon dahil hindi na nakakabyahe minsan si dad.
Dahil sa medyo mahina pa ito dahil bagong opera.Nang makaramdam ako ng kaunting hilo ay nagpa alam na ako at kailangan ko pa na mag drive pauwi.
Lalo na at kailangan ko rin na pumasok bukas sa trabaho. Pagkarating ko sa bahay 11 na kaya siguro wala ng ilaw sa sala at tulog na si Nana. Kailangan ko pa siyang idaan bukas sa bahay dahil hiniram ko lang siya saglit para malinis ang condo at makapag luto ng ulam ko at iinitin ko nalang.
Pumasok na ako sa kwarto ko at dumeretso sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo at mapatuyo ang aking buhok ay humiga na rin ako. Nakatingin lang ako sa kisame at inaalala ang nangyari kanina. Her beautiful eyes and those kissable lips. Kailan ko kaya siya uli makikita,I hope soon. Then I drifted to my sleep.
And in my sleep, I dreamed of her. We, holding our hands and walking. Happy as we talked and she would laugh at my jokes.
Her smile, that is so beautiful and carefree. But then, all of a sudden she was sad. Her face has no life at all. And I want to see that smile again.
TBC...