Kristine
Pagkapasok ko ay himala at tahimik ang grupo nila Stephanie. Baka nagtataka kayo at nandito na siya, well may sarili siyang condo malapit dito sa school na pinabili niya kay daddy. Minsan lang siya umuwi sa bahay at binibisita ang kanyang ina o di kaya ay kung may kailangan siya kay daddy.
You know what I mean. Money, hindi alam ng ina niya na gabi-gabi 'yan kung mag party. Kung hindi sa condo niya ay sa bar. Paano ko nalaman? Well minsan ko na kasi siyang sinundo doon sa bar at kung sa condo naman ay naabutan ko sila ng mga alipores niya at may kasama pa silang mga lalaki.
Ayaw kong makialam kaya tahimik nalang ako. Baka mamaya ako na naman ang baliktarin niya. Umupo na ako sa aking upuan, at sakto naman dumating na ang aming prof. Nakinig lang ako sa lesson na diniscuss ng prof. namin.
Pagkatapos ng lesson ay nagtext naman si Sam na magkita nalang kami mamaya sa canteen. And I replied her na susunod nalang ako. Pagkatapos ng sumunod na prof. ay lunchbreak na at nag simula na din akong magligpit ng mga gamit ko.
Pagkatapos kung magligpit ay lumabas na din ako ng room. Napansin kong nakatingin lang ang grupo ni Stephanie sa akin, wala si Seffi ngayon siguro ay nagpapagaling pa ng paso niya.
Tinawagan kasi ako ni Tita Grace na balak magdemanda ng family ni Seffi. Pero pinakita niya ang cctv footage at nakita doon kung ano talaga ang nangyari. Hindi ko lang alam kung paano nila sinettle basta sinabihan lang ako ni Tita Grace, na ok na daw at hindi ko kailangan pang mag-alala pa.
But seeing Stephanie and her group today, it doesn't seem ok at all. Nakasunod sila sa akin, o paranoid lang ako kasi lunchbreak na at lahat ng students ay papunta na sa canteen. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papunta ng canteen. Sa bungad palang nakita ko na si Sammy. Kumaway ito at linapitan ko naman siya at kinawit ang kamay niya sa braso ko.
" Hi bessy, kakarating ko lang din eh. Hindi pa ako nakahanap ng upuan natin. Paano ba naman kasi, may nakita akong asungot, nakakainis." nakangusong aniya.
"Ok lang yan, halika na kuha muna tayo ng pagkain saka na tayo maghanap ng mauupuan natin." aniko at giniya na siya sa counter para kumuha ng pagkain.
"Ano bang nangyari at parang bad mood ka?" tanong ko sa kanya.
Paano ba naman nakakunot noong pumipii ng pagkain.Parang inaaway niya iyong pagkain eh.
" It's no one and He's not important." sagot niyang nakakunoot-noo.
So it's a " he". Natawa nalang ako ng mauna itong maglakad at naghanap ng mauupuan namin. Mukhang magkaka-lovelife na ang best friend ko. Sumunod nalang ako kanya, pero bigla nalang may bumungo sa akin kaya sumubsob ako sa sahig kasama ang dala kong pagkain.
Nagkalat ito sa sahig, nilingon ko kung sino ang bumungo sa akin. At nakatayo sa likod ko ang grupo ni Stephanie at nakangising nakatingin sa akin.
"Listen everyone! " tawag pansin ni Stephanie sa mga taong na sa canteen.
And I'm getting anxious, ano na naman ang binabalak nila?
"This girl is a murder, siya lang naman ang dahilan kung bakit namatay ang mommy niya. And not only that, Seffi is in the hospital right now dahil sa kagagawan niya." turo nito sa akin na hindi nawala ang ngisi sa mukha niya. Pati ang mga kasama nito ay ganoon din.
Napailing-iling ako, it's not true. Hindi naman talaga ako ang may kasalanan sa nangyari kay Seffi kung hindi siya.
And about mommy,..
Naramdaman ko na pinagbabato nila ako ng pagkain at mga salitang masasakit.
Biglang nanikip ang dibdib ko.
" Best, let me go. Bitawan niyo ako. "napaangat ang tingin ko sa boses ni Sam. Nakita kong hawak sa magkabilang kamay nila si Sam. At umiiyak na din at umiiling.
" Can't you see that Samantha, malas ang babaeng yan. Baka sa susunod ikaw naman ang nasa hospital o kaya naman sa sementeryo sa kakadikit mo sa kanya. Kaya kong ako sayo lumayo kana." Sabi ni Stephanie at tinuro ako nito. Umiiling - iling lang si Sam. Ang ibang studyante ay nakatingin lang din sa amin.
Too much attention and their judging look. Nanghihina ako at hindi ko magalaw ang katawan ko kahit gustong - gusto ko ng tumakbo palayo rito.
" Naku mabuti nalang talaga hindi ako nakipagkaibigan diyan"
"Oo nga malas pala yan. "
"At sino namang anak ang papatayin ang sariling ina?
" Now I'm scared. I'm going in the same school with a murderer.
Bakit hinahayaan nila ng maka pasok iyan dito. "
Ilan lang 'yan sa masasakit na salitang narinig ko sa mga nakapaligid sa akin. Ang iba naman ay nagpatuloy sa pagbato sa akin. Napayuko na lang ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko, sanay na ako sa mga masasakit na salitang sinasabi sa akin ni daddy at ni Tita mildred, pero iba pa rin talaga pag ibang tao na pala.
Mayamaya pa ay naramdamdam kung tumahimik ang tao sa paligid ko. At bigla nalang akong umangat sa ere. Sinilip ko ito at nakita kong si Chase ito, kinarga niya ako ng parang bagong kasal. Hindi ko alam pero mas lalo akong napaiyak at niyakap siya
"It's alright baby, everything will be ok. " niyakap ko nalang siya at tumango.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta o saan niya ako dadalhin ang importante ay makalayo ako dito. I don't want to stay here. Sinakay niya ako sa kotse niya at iyon ang huli kong naalala, bago ako mawalan ng malay.
Samantha
Naka kainis talaga ang lalaking iyon ang lakas ng loob niyang magpakita dito sa school. Nakahanap na ako ng mauupuan namin ni tine-tine. Kaya umupo na ako at nilingon siya, pero hindi ko siya makita.
Biglang nagkagulo ang mga tao sa loob ng canteen. Bigla naman akong napatayo at lumapit doon. Nakita kong nakaupo sa sahig si Kristine at puno na ng pagkain. Lumapit ako pero bigla akong hinawakan ng dalawang kasama ni Stephanie.
Naiyak ako sa kalagayan ng best friend ko.Biglang nagsalita si Stephanie at kung ano-anu pa ang sinabi pero hindi ko siya inintindi at nakatingin lang na umiiyak sa best friend ko. She doesn't deserves this. Please someone help, she suffered enough.
At mukhang narinig ni God ang dasal ko ng biglang natamik ang canteen maski ako ay napatigil sa pag-iyak at napatingin sa dalawang taong pumasok sa canteen.
"Chandrie" umiiyak na sambit ko.
Lumapit naman ito sa akin at binitawan naman ako ng dalawang nakahawak sa akin bigla akong nanghina buti nahawakan niya ako. May sinabi siya sa mga tao pero hindi ko iyon pinansin.
"S-si Kristine" sambit ko at nakita ko itong kinarga ng kasama kanina ni chandrie.
"Don't worry she'll be ok" Sabi ni Chandrie bago ako hinila paalis doon. Umalis kami doon at dinala niya ako sa parang opisina at doon pinaupo.
Tinanong ko siya kung saan dadalhin ang kaibigan ko, pero sinabi niya lang na nasa maayos na kalagayan si Kristine. Alam kong 'di dapat ako maniwala sa isang playboy pero mukhang mabait naman ang kumuha kay Kristine kanina, kaya napanatag na ako.
"Stop crying. " lumapit ito sa akin at lumuhod. Pinunasan niya ang luha ko.
Napatingin nalang ako sa kanya, kanina lang may nakita akong may kahalikan siya. Naiinis pa rin ako kaya tinabig ko ang kamay niya at lumayo sa kanya.
"tsk" rinihg kong sabi niya bago tumabi sa akin at umupo.
Tahimik lang kami at mayamaya ay dumating ang Dean ng school. Tumayo ito at kinausap niya, hindi ko na narinig ang usapan nila dahil lumabas sila ng room. Hindi naman nagtagal at pumasok uli siya.
"Let's go" Aya niya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at agad naman akong hinila patayo.
"Wait I still have my class to attend." pigil ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya sa akin.
"It's ok, you can skip it. I already talk to the dean,you have to eat. And I'm hungry, so let's go." hila niya sa akin.
Hindi na ako umangal pa dahil nagugutom na din ako. Pero nakakapagtaka lang bakit kausap niya ang Dean. And if I remember it right, sabi ni Lola ay tapos na siyang mag-aral. So anong ginagawa niya dito sa school.
Wait, Smith siya diba? Saint Smith University "so... Don't tell me...?
" Sa inyo itong school? "nabulalas ko habang pasakay kami sa kotse niya.
Napahinto naman siya sa pagbukas ng pinto ng kotse at tumingin sa akin ng nakakunoot noo.
"Ah yeah?" sagot niya sa akin at binuksan na ang passenger seat at pinaupo na niya ako.
Umikot naman siya sa driver seat. Tumingin naman siya sa akin bago pinaandar ang sasakyan. Tumingin naman ako sa labas. Kung sila ang nagmamay-ari nitong school ay may posibilidad na palaging kaming mag kikita? Eh iniiwasan ko nga siya, hindi pwede ito. I can't be feeling this way towards him. He's a playboy, and I can't fall for him, no way!
Wait, pwede naman nandoon lang siya kasi bumisita diba. At iyong kasama niya talaga ang dapat na mamamahala ng school? Tanungin ko kaya siya?
"Are you ok, you keep changing your expression and it seems like your talking to yourself." he snapped his finger in front of me kaya napatingin ako sa kanya.
"Ahm, hindi naman ikaw ang magma manage ng school niyo, diba? " tanong ko na nagpakunot noo sa kanya.
Tumingin muna ito sa akin at sa daan.
"No its my brother, he's in charge of it" sagot nito sa akin.
Nakahinga naman ako ng maluwag, iyon naman pala eh. Kung ano-anu pa iniisip ko.
"But of course, I'll be visiting often now that I know you study there." napalingon naman ako sa kanya agad na hindi makapaniwala. At nakangisi pa ito, s**t I celebrated early. Now what, this jerk he shouldn't do anything that will make me fall more.
TBC....