CHAPTER 18:RAPUNZEL

1513 Words
Napangiwi ako ng maalala ang nangyari kagabi. Napatingin ako sa sa kanya at umiling saka sumubo ng strawberry cake. Masarap talaga siya, pero parang nawala ang lasa sa titig niya ngayon sa 'kin. Matiim ako nitong tinitigan, at feeling ko nakaupo ako ngayo sa hot seat at ini-interogate niya. '' Pasensya bumaba kasi ako para kumuha ng tubig kaya hindi ko nakita na tumawag ka. Nalaman ko nalang noong bumalik ako sa kwarto ko. '' paliwanag ko dito ng nakangiti. Hindi lang ako sure kung hindi tabingi ang ngiti ko. Ayos magpalusot... Sana lang gumana! '' It's ok, I understand. Auh... Can I ask a favor? '' tanong nito kaya tumango ako. '' Ask away! ''tugon ko habang tinutusok-tusok ang cake na nasa harapan ko. Parang nawala talaga ang lasa niya. What happened? ''Can you please answer my call next time? '' he's pleading. Pumungay ang mga mata nitong nakatingin sa akin.Tumango naman ako kahit hindi ko talaga gagawin. Oh my gosh, ano 'tong nararamdaman ko? Naghuhuramintado na naman ang mga insekto sa tiyan ko! '' Thank you for the food, nabusog talaga ako. And those are my favorite. '' nakangiti kong pasasalamat sa kanya. Hinatid niya ako sa labas ng room ko. Kahit kanina na naglalakad kami papunta dito ay maraming nakatingin sa amin at nagbubulong-bulungan pa. Pero itong kasama ko ay nakangiti lang sa akin. Wala siyang pakialam kung anuman ang nangyayari sa paligid niya. '' It's nothing, it's my pleasure to do that. And I will do that in the future too. '' nakangiti nitong turan at nagpaalam na. Sumaludo pa ito bago kumindat at tumalikod na paalis. Pumasok ako sa room na pinagtitinginan ng mga kaklase ko. Nagtataka man ay naupo nalang ako. Ganyan lang siguro makatingin kasi ngayon lang ako may kasabay na lalaki at pinakain pa talaga ako. Nilabas ko nalang ang libro ko para makapag-review. Nagbabasa ako ng lumapit ang isa sa classmate ko at naupo ito paharap sa akin. '' So, bakit kayo makasama ni Mr. Smith? '' tanong nito na nagpakunot-noo sa akin. '' Mr. Smith, sino iyon? '' tanong ko dito at inilipat ang page sa librong binabasa. Nagtinginan naman sila sa isa't - isa. Napatingin ako sa paligid at mukhang nag-aabang din sila sa sagot. '' Seriously, hindi mo kilala si Mr. Smit?''tanong nito at umiling ako. ''The new school owner? '' Dagdag ng isa kong classmate. Pinaligiran na pala nila ako. Iling lang ang sagot ko dahil hindi ko naman talaga kilala iyon. '' Hindi mo kilala, pero kasama mo siya kanina. Hinatid ka pa dito sa tapat ng room. And remember last time sabay din kayong nag lunch sa canteen? '' Saad ng isa ko pang classmate na nakatayo na ngayon sa likod ko at nakapameywang. Napaisip naman ako sa sinabi niya. kasama ko kanina, at hinatid pa ako dito sa room? Nakasabay ko pang kumain ng lunch ang owner ng school namin? Wala naman akong ibang nakasama na mag lunch kahapon. At wala din ibang naghatid sa akin kanina dito sa room. Nanlaki ang mata ko at napasinghap ng may ma - realized ako. Pero impossible naman, wala naman siyang sinasabi sa akin. Hey, remember pangalan lang niya ang alam mo. Sabi ng kaliwang isaip ko. Oo nga noh, hindi possible iyon. Labas pasok pa siya dito sa school. Napatingin naman ako sa paligid ko. Nakatingin lang din sila sa akin at parang hindi makapaniwala na hindi ko talaga kilala ang school owner, Samantalang kasama ko ito. '' You really don't know, do you?'' tanong ng classmate ko na nakaupo paharap sa akin. Tumango ako dito at nanlaki ang mga mata niya. '' Oh. my. G! '' napatakip pa ito sa bibig niya. '' Ahemm! '' malakas na tikhim ang nagpatigil sa amin. Slow motion kaming lahat na napatingin sa harap. At doon nakita namin si prof. sa harap. Parang may kung anong dumaan at kanya-kanyang balik sa upuan nila.Napangiwi ako ng naningkit ang tingin ni prof. sa akin. Kinurot ko sa braso si Sam ng dumating na ang time na mag kaklase kami. Sinamaan naman ako ng tingin nito. At noong ma-realised niya siguro ang ginawa niya ay napangiwi ito at nag-peace sign. Ngumuso lang ako dito. Matapos ang klase ay sabay kaming lumabas ng room at dumiretso muna sa library at may hihiramin din akong libro. Nagkukwento naman siya habang naglalakad kami. Chase and Chandrie are brother's and they are the owner of the school. Kinurot ko siya ulit dahil ngayon niya lang ito sinasabi sa akin baka kung ano isipin ng mga tao dito. Katulad nalang ng nangyari kanina sa room. I don't know what they're thinking kasi hindi ko naman hawak ang isip nila. Winaksi ko nalang kung anuman ang nabubuong conclusion sa utak ko. Nakinig nalang ako sa kwento. They see each other daw kanina sa gate ng school kaya nilapitan siya nito at nagpakilala. Humingi daw ito ng tulong sa kanya at nagtanong kung anong pagkain ang gusto ko. Kaya she suggest the shrimp pasta and the strawberry cake. Kinikilig ito kung magkwento, while clasping her hand habang inaalala ang nangyari kanina ng umaga. Kinilig din naman ako sa effort niya. Pero hindi ko maiwasan ang isipinh bawal. It's prohibited in school to like someone such as, lalo na at siya pa ang owner nitong school. '' Hey, you ok? '' yugyog sa akin ni Sam. Napatingin naman ako dito at tumango. Pagkatapos namin makuha ang kailangan namin ay sabay na kaming lumabas ng library. Pagkalabas namin ay nakaabang na si Japoy sa gate. Nakasandal ito sa kotse niya. Napangiti ito ng makita ako at napaayos ng tayo. Nagpaalam na kami ni Sam sa isa't - isa. Palapit na sana ako kay Japoy ng biglang may humintong sasakyan sa harap namin. It's a black audi, bumaba ang sakay nito mula sa driver seat. '' Hey, ihatid na kita! ''it's Chase. Tumili naman ang katabi ko kaya napatingin ako dito. Hindi pa pala ito umalis. ''She is coming with me! ''si Japoy ang sumagot kaya napatingin kami ni Sam dito. Nilingon naman ito ni Chase at napakunot-noo. ''And who are you? '' tanong nito kay Japoy at nakita kong napakuyom ang panga nito. '' Oh wait, Jasper Santillana. '' napatango naman ang huli at nagkamay sila. They know each other? '' Mr. Smith. '' sagot ni Japoy at nakipag-kamay. Pero nagtatagis bagang din itong nakikipag-kamay . Nakatingin lang kami ni Sam sa kanila. Nakatitig lang sila sa isa't - isa at nagsusukatan ng tingin. Nagbitaw sila at sabay na humarap sa amin ni Sam. ''Let's go! ''sabay nilang saad kaya nagkatinginan silang dalawa at parehong nagtagis ang bagang. '' I'm her bodyguard and driver, so she is coming with me. '' Saad ni Japoy dito. '' A Billionaire for a bodyguard and a driver?''tanong ni Chase kay Japoy. Nagulat naman ako, maski si Sam na nakakapit na sa akin ay napasinghap. ''Your driver is a freaking billioner? '' bulong nito sa akin. '' I don't know! '' sagot ko dito. Billionaire for a bodyguard, what the eff is happening? '' It's none of your business! '' matigas na sagot ni Japoy kay Chase. Napangisi naman si Chase dito. '' Ahm, may dadaanan pa kasi kami ni Sam kaya sa kanya nalang ako sasabay. '' singit ko at mukhang nagkaka-initan na. Sabay silang napatingin sa akin. "What, anong dadaanan natin?" tanong ni Sam. Siniko ko ito para makuha niya ang ibig kong sabihin. At mukhang naintindihan naman niya at napatawa nalang. "Yeah, may dadaanan pa nga pala kami. So, she will go with me." natatawang saad nito at napahawak sa kamay ko at hinila ako. '' Are you sure? '' tanong ni Japoy kaya tumango nalang ako. '' OK, I'll just follow your car. ''Saad nito at umikot sa kotse nito at pumasok sa driver seat. Napatingin naman ako kay Chase na masama pa rin ang tingin nito kay Japoy. Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya at nagtagumpay naman ako. ''OK, I'll just see you tomorrow! '' nakangiti nitong saad bago bumalik sa kotse nito. Naramdaman ko naman ang kurot ni Sam sa tagiliran ko kaya napatingin ako dito. " Maiingit si Rapunzel sa iyo! ''nakangisi nitong saad. " What? "nagtatakang tanong ko. " Maiingit si Rapunzel sa' yo kasi ang haba ng hair mo! "tumatawang tugon nito at napahawak pa sa tiyan niya. ''Ilayo mo nalang ako dito. ''napapairap kong saad dito at hinila na siya papunta sa sasakyan niya. ''Sure, your highness! ''yumukod pa ito kunwari, pero hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. Napatawa na din ako sa kanya. Lukaret din ang isang 'to eh! I flip my hair bago sumakay at ng makasakay ay pinaandar na rin ni Sam ang sasakyan palayo sa school. Napapakagat-labi na lang ako tuwing tumitingin si Sam sa akin na nakangisi. "Stop it Sam!" saway ko dito na naiiling. Nakangisi pa rin siya. Hindi ko nalang pinansin at tumingin na lang sa labas. Naghahara-hariki ang ang mga insekto sa tiyan ko ngayon at parang anumang oras ay sasabog na ang pisngi ko ngayon sa sobrang init.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD