CHAPTER 19:GUILTY

1728 Words
Nakarating kami ni Sam sa mall. Pumunta nalang kami ng national book store at bumili ng pwede naming magamit sa project namin. Si Japoy naman ay nagtext na maghihintay nalang daw siya na matapos kami para masundo niya ako. Matapos namin na mamili ay nagbayad na kami sa counter. '' Mabuti nga sa kanya iyon, nadamay lang naman tayo sa kanya eh. Si Stephanie naman ang nagplano noon dinamay lang tayo. '' napatingin ako sa kabila ng line ng marinig ko ang pangalan ni Stephanie . '' Oo nga, buti na lang hindi malala ang naging parusa sa atin. At well, si Stephanie naman ang gumagawa ng pinapagawa sa atin. '' tumawang saad ng mga kaibigan ni Stephanie. Tama, nandito sila. Ang itinuturing na mga kaibigan ni Stephanie. '' Well, would she dare to not obey us? Ngayon pa na hindi naman pala talaga sila mayaman! ''mas lumakas pa ang tawanan nila. ''And take note nabalitaan kong pinaalis na sila sa bahay nila Kristine dahil sa nangyari, at ang condo nila na ibinigay sa kanya ng step-dad niya ay ibinebenta daw nila dahil wala na silang makain ng nanay niya? '' mas lumakas pa ang tawanan nila at napapatingin na din ang ibang tao sa kanila. Lalapit na sana ako sa kanila ng pigilan ako ni Sam. '' Don't, pabayaan mo na sila. ''saad nitong umiiling bago ako nito hinila palabas ng store. ''At hindi na siya basta suspend lang,expiled na siya sa school.''narinig ko ang hagikhikan nila habang hila na ako ni Sam. Nilingon ko pa sila at nakita naman ako ng isa sa kanila,nagulat ito at mayamaya lang ay tumingin na din ang mga kasama niya sa gawi namin ni Sam na palabas na. Ang iba nakangiwi, pero nakangisi naman si Fiona. I know her, siya ang unang naging kaibigan ni Stephanie bago ang buong grupo nito. I don't get it. Akala ko ba, kaibigan sila ni Stephanie. Pero bakit ganoon sila, ang dapat na parusa na dapat para sa kanila ay kay Stephanie nila pinapagawa? At hindi ba dapat dinadamayan nila ito imbes na pagtawan lang. It's like they're bullying Stephanie now. Nasa labas na pala kami ng mall ng hindi ko napansin. Naramdaman ko na lang na kinuha ang dala ko. Nang tingnan ko ito ay si Japoy pala. '' Best, look at me! ''kuha ni Sam sa atensyon ko at hinawakan ang mukha ko paharap sa kanya kaya napatingin ako dito. ''I know what you are thinking, don't be guilty kung anuman ang nangyayari kay Stephanie ngayon. '' So she knows. ''Masyado kang mabait kaya hindi ko sinasabi sa iyo."alam niya talaga ang iniisip ko. ''Kung anuman ang nangyayari ngayon sa kanya ay dahil 'yon sa ginawa niya. Karma niya ' yon ok?''tugon niya at hinaplos ang ang buhok ko. Napailing naman ako. '' Tell me what wou know. '' nagsusumamong saad ko. Umiling naman ito at tumingin kay Japoy. '' You should bring her home. ''Saad nito ng hindi ako sinasagot. "Sammy! ''naluluha kong saad dito. '' What is happening, you look sad. ''tanong ni Japoy nang makalapit at hinawakan na ako nito sa braso. ''I'll tell you next, may kailangan lang akong puntahan. ''Saad nito habang nakatin sa kanyang relong pambisig. Nagpaalam na ito at umalis. ''Hey, ayos ka lang? '' tanong sa akin ni Japoy ng palabas na kami ng parking. Tumango lang ako at tumingin sa labas ng bintana. Napapansin kong patingin-tingin si Japoy sa gawi ko. Siguro ay nag-alala lang siya. I don't know what I look like now, but I felt down. Nakarating kami sa bahay ng tahimik. Deretso lang akong pumasok. Hindi na nga ako nakapag-pasalamat kay si Japoy at basta nalang akong bumaba ng makarating kami. Dumiretso ako ng kwarto ko kahit binati ako ni ate Mae ay hindi ko na ito pinansin. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama ng makapasok sa kwarto. Kinuha ko ang picture ni mommy at hinaplos ito. '' Am I hurting someone that I don't even know? '' tanong ko sa picture ni mommy. Niyakap ko ito at napapikit. I don't want this feeling. Mas gusto ko na ako ang nasasakatan kaysa ang ibang tao. I've been hurt many times that I can't count anymore. Emotionally and physically. Not only from my dad but from my relatives too. Ilang beses na rin akong sinaktan ni Stephanie pero hindi ko hinangad na gumanti. Hindi dahil hindi ko kaya. Kun 'di ayaw ko, ayaw ko na makapanakit ng tao. Kilala ko man o hindi. What happen to Stephanie, I feel like it's my fault. I heard a knock on the door pero hindi ko ito pinansin. Napapikit pa din ako, ayoko munang maki pag-usap ngayon. Kasi alam kong iiyak talaga ako. Ayoko na makita nila akong ganito. Naramdaman kung lumubog ang kabila ng side ng kama. Hinaplos nito ang aking buhok pero hindi pa rin ako gumalaw. Narinig ko itong napabuntong-hininga. '' Anak,I heard what happen. '' simula nito. '' Im really sorry. '' nakikinig lang ako sa kanya. '' And it's not your fault,about Stephanie... '' huminto ito kaya napadilat na ako at bumangon. '' What do you mean dad? ''malungkot itong napatingin sa akin. ''Ano po ang alam niyo sa nangyayari? '' tanong ko at umayos ng upo sa kama. Nag-aalangan ito kung sasabihin o hindi. Napatingala ito sa kisame at napapikit. '' It just happen yesterday, pumunta ang Tita Mildred mo sa opisina at humihingi ng tulong. ''simula nito. ''Stephanie got kickout of school. '' nagulat pa rin ako kahit narinig ko na ito kanina. Napapiling naman ito. '' Pa-paano po nangyari iyon? Diba suspended lang naman po siya? '' Saad ko at naguguluhan pa rin. '' I don't know the whole story Princess. Ang sabi lang ng Tita Mildred mo sa akin ay pinagtulungan daw si Stephanie ng mga kaibigan nito pero siya ang na kickout. '' tugon nito. Napakagat labi akong napatango na lang dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. '' You should eat. ''Saad ni dad bago ito lumabas ng kwarto at humalik sa noo ko. Napahiga ako ulit at iniisip pa rin ang nangyari. Kung pinagtulungan siya ng mga kaibigan niya bakit siya pa maki-kick-out? Dinalhan na lang ako ng pagkain sa kwarto ko na hindi ko din naman halos nagalaw. Kaya siguro sumugod si Stephanie dito last time. At mukhang totoo ang sinasabi niya. At na bu-bully siya ng mismong mga kaibigan niya na kasama niyang mambully noon. At kung gusto ko talaga malaman ang nangyari, there is only one person for that. I should ask him tomorrow. Tama, siya na lang ang tatanungin ko. And with that in mind I fell asleep. Pero sa kalagitnaan ng tulog ko ay na gising din ako. I had a nightmare. Stephanie is blaming me for everything that is happening now in her life. Naging maganda ang buhay nila ng dinala sila ni dad dito sa bahay. Hindi ko alam kong saan sila nakita ni dad pero ang sabi ni dad ay hindi na mahalaga iyon,at minsan ko na din silang naririnig mag-usp na mag-ina. ''Pasalamat ka nga at tinanggap tayo dito. Kaya wag ka nang mag-inarte diyan. Kun' di ibabalik kita sa lasenggero mong tatay! ''palaging paalala ni Tita Mildred kay Stephanie ng ilang buwan pa lang sila noon sa bahay. Pero dahil sa nangyari ngayon hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanila. Maraming kasalanan si Stephanie sa akin pero naawa pa rin ako sa kanya. Hindi naman kasi siya ganyan dati. Mabait siya kapag nag-uusap kami, pero pag naabutan siya ng mommy niya ay pinapagalitan ito at sinasabihan na huwag makikipag-usap sa akin. Kaya simula noon naging mailap na si Stephanie. Naging bully sa school ng magkaroon ng barkada. Sinusubukan ko naman siyang kausap8n dati pero tinatarayan lang ako nito. Pero minsan lumalapit ito at nagpapagawa ng assignment sa'kin. May ibang kislap sa mata niya na hindi ko maintindihan. Tinanggap ko 'yon at ibinigay agad sa kanya kinaumagahan. Nasa garden siya at nakatingin sa kawalan na parang ang lalim ng iniisip. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya at nagtagumoay naman ako. Medyo nagulat pa siya at nanlalaki ang matang napatingin sa akin. "Kristine! Kanina ka pa ba d'yan?" umiling naman ako at inabot ang folder sa kanya na naglalaman ng assignment at mga notes. "S-salamat!" nag-aalangang nitong saad at kinuha na ang folder. Tatalikod na sana ako ng marinig ulit itong magsalita. "Kristine, sandali—" "Stephanie! Nasaan ba ang batang 'yon?" Pareho kaming natigulan at napalingon kung saan nanggaling ang tawag sa kanya. Hinarap ko naman siya at naghintay ng iba pa niya ang sasabihin, pero umiling ito at napansin kong huminga itong malalim at napayuko. "May sasabihin ka, Stephanie?" tanong ko kaya napaamgat ulit ang tingin nito sa akin. She's teary eyed at magsasalita na sana ng bigla nalang sumulpot si tita Mildred sa likod ko. "Nandito ka lang palang bata ka!" lumapit ito kay Stephane at nalingon naman ito sa'kin. "Oh, Kristine. Nandito ka din, anong pinag-uusapan niyo?" saad nito at napansin kong napakuyom ang panga nitong bumaling kay Stephanie. Mabilis naman na umiling si Stephanie sa ina. "Wala mommy, binigay niya lang itong pinagawa kong assignment sa kanya." Napakunot noo si tita Mildred at parang hindi kumbinsido sa sagot ng anak. "Sigurado ka!" medyo pasigaw nitong saad kaya napatalon ako sa gulat. Mabilis na tumango si Stephanie at napatingin sa akin. Nakatingin lang ako sa kanila at parang may sarili silang mundo na sila lang ang nagkakaintindihan. "Mabuti naman kung ganoon, halika na at may pupuntahan pa tayo." hinila na nito ang anak at nakasunod lang ang tingin ko sa kanila. Susunod na sana ako mg biglang lumingon si Stephanie habang hila pa rin siya ng ina. Napatigil ako sa kinatatayuan ko at napatingin sa mukha niya. It's seems like she's asking for help. Umiiling ito at kagat ang labi na naluluha. "Bilisan muna, mahuhuli pa tayo nito eh!"nabato ako ng ng kinaladkad na nito ang anak. Wala akong nagawa kun'di ang tinggnan silang papalayo at isipin kung ano ang ibig sabibin ng mga tingin ni Stephanie. Mula noon ay mailap na si Stephanie sa'kin. Dahil kung magkakalapit man kami ay palaging dumarating ang ina niya. Pero normal naman ang kilos niya kapag nagkikita kami. At hanggang ngayon palaisipan pa rin sa'kin ang mga nangyayari noon. That I wish, I understand what's really happening. TBC...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD