CHAPTER 20: LIAR

1720 Words
Hindi ko alam kung papasok ako o hindi. Ang sakit ng ulo ko. Dahil na rin siguro sa wala akong maayos na tulog. Pero kailangan kong pumasok. I need to know what really happened to Stephanie. Kaya pinilit kong bumangon at maligo. Pagkatapos kung mag-ayos ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I look like a zombie. Naglagay nalang ako ng kaunting make-up para matabunan ang eyebags ko. Tahimik kaming nag-umagahan ni dad. Although kinakausap niya ako, pero tango at iling lang ako. Lutang ako ngayon, maski ang pagkain ay hindi ko masyadong nagalaw. I know dad was worried pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang totoo. Nagpahatid na ako sa school kay Japoy. Nawala na rin sa isip ko na tanungin si dad kung totoo bang isang bilyonaryo ang driver s***h bodyguard ko. Naglakad ako papunta mismo sa office ni Chase. Maraming nakatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Nalaman na din siguro nila ang nangyari sa grupo nila Stephanie. Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng opisina ni Chase. Kinakabahan ako na hindi ko alam. Bumukas ito at ang isang babae ang nakita ko. "Yes, what can I do for you?" tanong nito na nakataas kilay. Ito siguro ang secretary dito. Ngumiti naman ako ng alanganin dito. "Ahm, ano..." ano nga ba ang sasabihin ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na kailangan kung makausap si Chase. Baka magtaka siya at ano pa ang isipin. Napaatras naman ako at napakamot sa ulo. "Auh, sorry po nagkamali po ako ng katok na room. " sabi ko at nagmamadaling umalis. I know it's s a lame excuse. Pero ayaw ko ng ganito. Maybe I should message Chase. Tama, I should message him. Bakit hindi ko muna naisip iyon bago ako sumugod dito. Napatampal nalang ako sa noo ko. Pumasok nalang muna ako sa first subject ko, mamaya ko nalang siya siguro kakausapin. Na-imessage ko na din siya na kung pwede ko siyang makausap. Hihintayin ko nalang ang reply niya. Natapos ang kalse ko ng hindi siya nagreply, but I still choose to wait baka busy lang. O kaya hindi siya pumasok. Lunch came at hindi ko kasabay na kumain si Sam. Nagtext lang siya na may gagawin sila ng group mates niya para sa darating na exams. Kaya mag-isa akong nag lunch ngayon sa canteen. Pumila na ako at kumuha ng pagakain. Maraming nakatingin pero hindi ko nalang sila pinansin. Sanay na ako, pero hindi naman ganito katindi dati. Parang mas dumami sila ngayon na nakatingin sa akin. Naupo na ako at nagsimulang kumain. Matapos kumain ay nasipan ko na dumaan sa office ni Chase ulit. Hindi pa kasi siya nagreply sa message ko. Kaya magba-bakasakali ako na makita siya doon. Napadaan ako sa deans office at narinig kong parang nagsisigawan. At dahil naka-awang ang pinto ay sumilip ako.Ewan ko ba pero parang gusto kong makita kung ano ang nangyayari sa loob. "Miss, parang awa niyo na po. Bigyan niyo pa po ako ng isa pang chance.."it's Stephanie, nakahawak siya sa kamay ng dean. " Im sorry Ms. De leon pero wala na akong magagawa pa. Malaki ang kaparusahan sa ginawa mo. "sagot ng dean kay Stephanie na nakatingin lang sa computer nito. " At hindi ba, binigyan na kita ng chance dati? Pero sinira mo,sa ginawa mo sa mga classmates mo. At ang isa ay nasa hospital pa hanggang ngayon dahil sa kagagawan mo. "napapailing nitong saad kay Stephanie. Napailing naman si Stephanie at naluluha na. Hindi ko alam ang nangyari sa mga kaibigan ni Stephanie pero naawa ako ngayon sa kalagayan niya ngayon. " Hindi po ako ang may gawa noon sa kanila. Sila ang nauna, I just depend myself! " halos pasigaw na din nitong saad. Umiiyak na si Stephanie at gusto ko siyang lapitan pero hindinko maigalaw ang mga paa ko. "I'm sorry pero wala na talaga akong magagawa at nanggaling na din ito sa itaas." sagot ni ng dean at tumayo na ito at may kinuha sa drawer niya. "Here’s your documents, I know it's late na para makapag transfer ka. Pero mas mabuti kung lilipat ka nalang ng ibang school." ibinigay nito kay Stephanie ang folder na tinanggap naman nito. Tiningnan ito ni Stephanie at napatingin ito sa dean. Nakita kong tumulo ang luha niya na agad naman nitong pinahid. Napatango-tango ito at pumihit papunta sa pinto kaya nataranta ako. Huli na para makatakbo ako dahil nakita na niya ako. Nagulat siya pero agad iyong naplitan ng galit. Napaatras ako dahil sa galit na nakikita ko sa mga mata niya. "Masaya kana??! " tanong nito at tinulak ako sa balikat. Kaya napapaatras ako. Napailing ako dahil hindi naman iyon totoo. Hindi 'yon ang nararamdaman ko ngayon. "You should be happy, dahil mawawala na ako sa landas mo." nakangisi nitong saad. "No Steph-" "Liar, a very good liar! " tinulak ako nito at napaupo na ako sa sahig. Naiiyak na din ito. "Alam kong masaya ka. Hindi na tayo magkaklase. Hindi mo na din ako makikita at hindi na kita mabu - bully pa." pagak itong naptawa. "This is all your fault," tinuro ako nito. Nakaupo pa rin ako sa sahig. Wala akong lakas para tumayo. "Pati pag-aaral ko ngayon wala na. Lahat nalang kinuha mo! " linapitan na ako nito at sinabunutan. Hindi ako lumaban, umiiyak lang ako at hinayaan siya. "Lumaban ka, bakit hindi ka lumalaban ha?! " sigaw nito. "Palaging ako ang masama dahil diyan sa ugali mo. Na sa sobrang bait mo mas lalo kitang kinamumuhian." patuloy pa rin siya sa sabunot sa akin. Napahiga na ako at kinubabawan na niya. "Palagi nalang ikaw, ikaw na maganda. Ikaw na matalino. Ikaw na lahat. Ikaw na! " Nanghihina itong napabitaw sa akin at napaupo sa tabi ko. Naupo ako at umiiyak pa din. Umiiyak din siya. "Ginawa ko naman ang lahat, pero bakit ikaw pa rin. To the point na gusto ko na din na gayahin ka. Baka sakali mapansin naman ako ng iba. Pero napansin nga nila ako sa ibang paraan. Na isang bully! Isang napakasamang step-sister sa napaka bait niyang kapatid." Napatingin ito sa akin at ngumiti ng malungkot at umiling . "Anong nangyayari dito?" pareho kaming napatingin ni Stephanie. It's Chase, at mukhang nagulat ito sa hitsura namin ngayon nito ni Stephanie. "What the hell?" saad nito at nag-aalalang lumapit sa akin. "Are you okay, may masakit ba sa iyo?" at pinunasan ang mukha ko. "I'm okay. " sabi ko nalang. Tumingin ito kay Stephanie at nagbabagang tinanong ang huli. "What did you do this time. Hindi ba dapat ay hindi ka na pinapapasok sa school na ito?" tanong nito. Tumayo si Stephanie at nagpagpag habang sumisinghot at pinunasan ang luha sa mukha. "Don't worry, it's the last time you will see me." saad nitong nakakuyum ang panga at naglakad na ito palayo. Gusto ko siyang pigilan para makapag-usap kami ng maayos. Pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Napaluha nalang ako. Bumaling si Chase sa akin at inayos ang mukha ko. "Are you sure you're alright?" tanong nito habang pinupunasan ang mukha ko at inaalis ang buhok dito. Naptingin ako sa kanya at tumango. Tinulungan ako nitong tumayo pero nanghihina talaga ang katawan ko. Dahil na rin siguro sa kulang ang tulog ko at hindi masyadong nakakain. Pinangko ako nito at naglakad. Napatingin ako sa kanya, hinalikan nito ang aking ulo at bumubulong na magiging ayos lang ang lahat. Dinala ako nito sa garden sa rooftop dahil na rin siguro may pasok na ang iba ay hindi na gaano ang studyante dito. Napapatingin sa amin ang iba pero hindi nalang ito pinansin. "Ayaw mo ba talagang dalhin kita sa clinic?" tanong nito. Dadalhin sana ako nito sa clinic kanina pero sabi ko dito nalang niya ako dalhin. At kailangan ko din na pumasok. "Oo naman, ayos lang talaga ako. Salamat nga pala." ngumiti ako dito kahit medyo mahapdi ang pisngi ko. Maski ang anit ko sa buhok ay parang nagliliyab sa sakit. "What really happened?" tanong nito na matiim na nakatitig sa akin. Pinupunasan nito ang kamay kong nadumihan. Ewan ko kung saan siya nakakuha ng wet tissue. Umiling ako dahil hindi ko talaga alam ang nangyari. At iyon dapat pala ang itatanong ko sa kanya kaya napadaan ako sa dean's office kanina. Napa-ayos ako ng upo at napatin ito sa akin. "Ahm, may itatanong sana ako. Actually papunta sana ako sa office mo kanina pero napaadaan ako sa dean's office at narinig ko kung ano ang nangyari at doon kami nagkaabutan ni Stephanie." paliwanag ko dito. "What is your question then?" while he's patting my head na inaayos ang nagulo kong buhok. "What happened, I mean anong nangyari bakit kailangan na matanggal ni Stephanie dito sa school? " tanong ko na nagpatigil sa kanya. Napatingin ito sa akin bago bumalik sa ginagawa. "It's her friends, I really don't know what happened. Pero may mga pasa ang mga kaibigan niya. At 'yong isa nga ay nasa hospital ngyon dahil sa nangyari. It happened while they were doing their task." paliwanag nito. Gusto pa ako nitong ihatid sa room pero hindi na ako pumayag. Kahit masakit ang katawan ay pinilit kong mag review. Mabuti nalang talaga at puro kami reviews ngayon. Pumasok naman si Sam pero tahimik kami pareho. Pero 'yon ang inakala ko. Pagkatapos ng klase ay hinila ako nito sa parking at isinakay sa kotse niya. Tinanong niya ako kung ano ang nangayari at nagalit din siya kay Stephanie. At mas lalo lang siya nagalit ng e-defend ko si Stephanie. I really think na wala talagang kasalanan si Stephanie at pinagkaisahan lang talaga siya ng mga kaibigan niya. Sinabihan ako nito na mas mag-ingat dahil baka maghiganti si Stephanie at hindi namin alam kong ano ang gagawin nito. Nagpaalam na kami sa isa't - isa at nagpahtid na din ako kay Japoy. At iba na naman ang kotse niya ngayon. Ilan ba ang kotse ng lalaking ito. Nagtanong din siya kong ayos lang ako ng mapansin na matamlay ako. Ngumiti lang ako dito at sinabi na ayos lang ako. Nakarating kami sa bahay na wala pa si daddy kaya dumiretso ako sa room ko nagbihis at nahiga. Parang ngayon ko mas naramdaman ang pagod. Kaya pagkahiga na pagkahiga ko ay nakatulog ako agad. TBC..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD