Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng magising. Ni hindi na ako nakapag-hapunan kagabi at tuloy-tuloy na ang tulog ko.
Ngayon na nakapagpahinga na ako mas malinaw na sa akin ang nangyari.At gusto kong tulungan si Stephanie. Hindi ko alam kung ano ang maitutulong ko pero gagawa ako ng paraan.
I really feel like it's my fault partially. So, I decided to help. Kahit na ano,matulungan lang siya. Dahil hanggang ngayon, naalala ko pa rin ang mukha niya dati. Na parang humihingi siya ng tulong.
Dahil mula noon hindi ko na siya ni minsan nakausap pa. We never had a peaceful conversation. Maliban na lang kung uutusan niya ako.
"Good morning po nanay Linda." bati ko ng makapasok sa kusina. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti.
"Good morning din sayo hija. Maayos na ba ang pakiramdam mo?"tanong nito at naglakad papuntang dinning para maglagay ng pagkain. Sinundan ko naman ito.
" Opo maayos na po ang pakiramdam ko, salamat po. "naupo na din ako matapos mailagay ang cellphone ko sa katabing upuan.
Nagpaalam naman ito ng dumating na si daddy at humalik naman ako sa pisngi ni daddy. Nagsimula kaming kumain na kalansing lang ng pinggan at kutsara't tinidor ang maririnig sa sobrang tahimik namin.
" I heard about stephanie and what she did to you yesterday. "napaangat ako ng tingin kay dad. And I look at him, like how did he know?
" It's Japoy, he told me. At mali ang ginawa ni Stephanie na isisi sayo kung anuman ang nangyayari sa buhay niya ngayon. "patuloy nito.
I don't get it. How did Japoy know? Wala akong naaalala na may sinabi ako sa kanya kahapon.
" It's nothing dad, and I'm fine. "sagot ko nalang.
" By the way, how did Japoy know what happened yesterday. I didn't say anything to him. "
Napangiti naman ito bago sumagot.
" He has ways princess. And he should know, he's your bodyguard after all. "sagot nitong may halong ngisi.
Now that he mention about that" ways".Now I remember to ask what really my bodyguard is. Kung sino talaga ito. Tumikhim ako at umayos ng upo. Pinunasan ko muna ang bibig ko ng tissue bago nagsalita.
"About him," nag-aalangan pa ako kung itutuloy ko pa ang tanong ko. Napatingin ito sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.
"Auh, I just heard this from someone. And I don't really know if it is true so, I will ask this." huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy.
"What is Japoy, I mean totoo ba na isa siyang Billionaire? Like a real one!" amaze ko na tanong kay dad. Nakita ko na nagulat ito saglit at ngumiti lang kalaunan.Tumango-tango lang ito.
"You will know in the right time.And he has his reason. " Saad nito bago nagpaalam na papasok na sa opisina.
He did not answer me. Great! So it mean, there is a possibility or totoo talaga. Bakit kasi hindi nalang ako sinagot ni dad. Kailangan ko pa talagang maguluhan. Tinapos ko na ang pagkain ko at nagligpit. Dahil mamaya pa naman ang pasok ko ay tumulong nalang muna ako sa bahay.
Nakita ko si Japoy sa garahe at nililinis nito ang sasakyan. Siya nalang kaya ang tanungin ko. Pero, ayaw ko naman makialam. Buhay niya iyan, kaya pumasok nalang ulit ako sa loob at nagbihis na para pumasok.
Tahimik ang b'yahe namin papunta sa school. Patingin-tingin ako kay Japoy kasi hindi talaga ako makapaniwala. Kung totoo man, bakit kailangan niyang magtrabaho bilang isang bodyguard s***h driver ko?
Baka naman may-ari sila ng isang security agency kaya sinusubukan niya din na magtrabaho katulad ng mga empleyado niya?
Kinakausap ko na naman ang sarili ko hayyy. Napa-cross arm nalang ako at napapanguso.
"Don't do that." napalingon ako ng magsalita ito.
"What did you say?" tanong kong nakakunot noo.
"Ang sabi ko, huwag mong gagawin 'yan." tugon nito na napakaseryoso.
Nagtaka naman ako. Wala naman akong ginagawa, nakaupo nga lang ako dito eh.
"Pouting your lips like that, don't do that." napalingon ulit ako sa kanya. Mukhang nabasa nito ang nasa isip ko.
"What, ano naman kung nakanguso ako dito." nakabusangot kung tugon. Malapit na pala kami sa school.Anong konek noon.
"I might kiss you! " he mumble.
Tiningnan ko siya kasi hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Bakit ba ang hilig niya magsalita na hindi ko naman masyadong naiintindihan.
Nang makarating sa school ay dumeretso na ako sa room.
Review over there,review over there. Next week na kasi ang exams kaya todo kami review ngayon. Sabay kaming nagpunta ni Sam sa library at doon nagpatuloy sa pag review. Nag excuse muna ako kay Sam at pupunta lang ako ng cr.
Tumango naman ito kaya bumaba na ako at nagpunta sa cr.
This library has two floors, at puno ngayon ng studyante. At sobrang tahimik lalo na at naglilibot din ang librarian dito.
Nang matapos akong mag cr ay pabalik na sana ako sa p'westo namin ni Sam pero may bigla nalang humila sa akin. Sisigaw na sana ako ng marinig ko ang boses nito.
"Shhh, it me Chase." hinila ako nito sa back door ng library at doon kami lumabas.
Nagtataka man ay nagpatianod na lang ako.
"Here, take this." may ibinigay itong paper bag na tinanggap ko naman.
Tiningnan ko ang laman. It's milkshake and a strawberry cake. Napangiti naman ako at tumingin sa kanya
"Thanks. " nakangiti kong pasasalamat sa kanya. Ngumiti naman ito at tumango.
"Hindi ba bawal magdala ng pagkain sa loob?" tanong ko kasi baka masita kami 'pag nakita ito ng librarian.
"Oh, I forgot about that! " natawa naman ako sa reaksyon niya. Mukhang nakalimutan niya nga.
"It's ok, thanks ulit. Pero hindi mo naman kailangang gawin ito." nakangiti kong tugon.
Nakita kong dumaan ang lungkot sa mga mata niya pero agad din itong napalitang ng ngiti.
"You should go back inside and continue studying. Baka hinahanap ka na din ng kaibigan mo." nakangiti nitong saad.
Napangiti na din ako. Bakit ba nakakahawa ang ngiti niya? Nagpaalam na ako at pumasok na sa loob. Nagtaka naman si Sam kung bakit ako may dalang pagkain. Bawal kasi ang pagkain dito, kaya tumayo na kami at lumabas bago pa kami masita ng librarian.
Pumunta kami ng quadrangle at doon kumain. Tinanong niya ako kung kanino daw galing, nag cr lang daw ako at bumalik na may dala ng pagkain. Biniro pa ako nito na mag cr din daw siya baka pagbalik niya din may pagkain din siya .
Hinampas ko naman siya sa braso at napa-aray lang siya habang tumatawa. Sinabi ko naman na galing kay Chase at ang bruha sinabunutan ako. Ang haba daw ng hair ko. Pinalo ko naman ito, masakit pa ang anit ko noh!
"Sorry naman, nawala sa isip ko." natatawa nitong saad.
"Pero infairness ha, nililigawan ka ba?" tanong nito at siniko pa ako at nagtataas-baba ang dalawang kilay nito.
Pinandilatan ko naman siya. Ang ingay, pinagtitinginan tuloy kami dito.
"Hindi 'no! " sagot ko sa kanya.Tumango nalang ito pero pangiti-ngiti pa. Napapangiti nalang din ako. Baliw talaga.
After ng review namin ay nagpaalam na dim kami sa isa't - isa. I went straight in the parking at nakita kong nakasandal si Japoy sa kotse, ng makita ako nito ay tumayo ito at kumaway. Ngumiti naman ako at pumasok na sa loob ng pagbuksan niya ako ng pinto.
"Thanks! " sabi ko ng makapasok.
Kinamusta niy ang araw ko sa pag-aaral. Sinabi ko naman na maayos ang lahat. Napatango lang ito at itinutok na ang mata sa daan.
Nang makarating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay inilabas ko ang mga notes ko dapat na e-review. Napatingin ako sa cell phone ko ng tumunog ito. Nag chat si Chase. Kinuha ko ito at binuksan ang message niya.
"Are you home now?" tanong nito.Napangiti naman ako at agad din na nagreply.
"Oo, kakarating ko lang din." sagot ko sa kanya.
"Great, am I not disturbing you?" tanong niya ulit. Pero mukhang hindi pa siya tapos at typing pa ang nakikita ko sa screen.
"I think you're studying, so maybe I will chat with you another time." message niya na nagpangiti sa akin.
"Yeah, some other time nalang." sagot ko at inilapag ang cellphone sa mesa.
May nagliliparan na namang mga insekto sa tiyan ko. Shucks, self control. Hindi mapuknat ang ngiti ko sa labi.
I continue reviewing with my notes hanggang sa tinawag ako para kumain.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga na ako. Ayaw ko naman na masobrahan ako sa kaka-review. Bawal ang sobra, sabi nila. Napangiti nalang ako sa isiping iyon.
Nakangiti akong bumaling sa picture ni mommy at nag-goodnight, pumikit na ako at sa 'di ko malamang dahilan ay nakatulog ako ng mahimbing.
Sa sobrang himbing ay nahulog na naman ako sa kama ko mg mag alarm ang alarm clock ko.
"Ouch! This is not happening again!"
Malaki naman ang kama ko kung tutuusin, pero nahuhulog pa rin ako.
Nakaupo ako carpeted floor ng biglang bumukas ang pinto at dumungaw doon si dad.
Nang makita nito ang hitsura ko ay napatawa ito. Napanguso na lang ako. Alam ko kung bakit siya natatawa.
"Dad!"
Pero tumatawa pa rin itong lumapit sa akin at tinulungan akong tumayo at iniupo sa gilid ng kama ko.
"I was about to go down, when I heard a thud." napapailing nitong saad.
"You still fall down in your bed. Sa laki ng kama mo nahuhulog ka pa rin. Palitan na ba natin ng mas malaki?" nagpipigil nitong saad.
"Dad, stop it!"
At natawa na talaga siya ng tuluyan.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Mula ngayon nahuhulog ka pa rin sa kama mo kahit ang laki naman ng space. Siguradong sasabihin na naman ng mommy mo na bilhan ka ng malaking kama para hindi ka nahuhulog." natatawa nitong saad at napatigil at napabuntong hininga na lang bago ginulo ang buhok ko.
" Dad. "
" I know princess, mag ayos ka na. Hintayin kita sa baba. "saad nito at lumabas ng kwarto ko.
Napatingin na lang ako sa likod nito. I think he miss mom. Ako din naman, miss na miss ko na si mommy.
Napatayo na lang ako at napatingin sa malapad kong kama. Napapailing akong inayos ito.
Mula pagkabata ko ay palagi talaga akong nahuhulog sa kama kahit gaano pa ito kalawak. Sa gitna na nga ako natutulog para hindi ako mahulog eh. Nahuhulog pa rin ako.
Malikot lang talaga siguro akong matulog. Napapangiti akong pumasok sa banyo para maligoat makapag ayos na rin.
What a great morning!
TBC...