Days past at naging normal ang araw-araw ko. Walang Stephanie na lumapit sa'kin at ginulo ako. I tried going to their condo but no luck. Totoo nga ang narinig kong ipinagbili nga nila ito. Sinubukan ko rin siyang tawagan pero nag ring lang at walang sumasagot. At kung minsan ay pinapatay pa niya ito. I texted her na gusto ko siyang makausap, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kanya. Exams week came kaya maaga akong nagising para makapag-review pa ako pagdating sa school bago ang exams. I eat my breakfast at si daddy ang naghatid sa akin at gusto daw niya na siya ang maghatid sa'kin. Tinanong niya ako kung saan ko daw gusto magbakasyon at sinabi ko naman na gusto ko sana na pumunta sa probinsya ni mommy at madalaw ang paborito na lugar namin doon.

