"FOR YOU MY BERRY CAKE
HOPE YOU LIKE IT. "
Basa ko sa nakasulat sa card. At napaigtad nalang ako ng may biglang sumigaw at nagtatalon-talon pa at pumapalakpak.
'' Oh my god! ''sigaw ni Sam sa likod ko.
Wait sa likod ko? Nilingon ko ito at nakita kong nagtata-talon sa likod ko. Paano na nakapunta siya agad sa likod ko, eh kaharap ko lang iyon kanina ah.
'',May admirer ka nga! ''masaya niyang saad at bumalik na sa upuan niya.
Napailing nalang ako na napatingin sa mukha niyang hindi mapuknat ang ngiti.
We eat, at hindi talaga ako nilubayan ni Sam kung sino talaga ang nagpabigay ng cake.
Puro naman iling ang sagit ko dahil hindi ko talaga alam! Kung alam ko lang, sana napasalamatan ko. O kaya napagsabihan na 'wag ng mag-abala pa. This is so creepy, dahil wala namang pangalan kanina sa card.
Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina sa canteen. Pagkatapos namin kuman kanina ni Sam bumalik na din kami sa room. At ito nga nagle-lecture si prof at katabi ko na ngayon si Sam. Hindi naman namin naubos ang cake kanina kaya iniwan na muna namin iyon sa canteen at nakisuyong mailagay muna sa refrigerator nila.
Nag-alangan pa nga kanina tanggapin ni ate na nasa counter kanina kung hindi. Pero may binulong si Sam doon kay ate kaya napatango naman ito at nagmadaling kinuha ang bitbit kung cake.
Napalingon naman ako sa katabi ko nang maramdaman kung kinurot nito ang aking braso. Pinanlakihan niya ako ng mata at may ininguso sa harapan kaya napalingon ako doon at nakita ko si prof na nakatingin sa akin. Bigla naman akong napatayo, na ikinatawa ng mga classmates ko.
"Are you with us, ms. Taylor?" tanong nito at pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib.
Matapos kung sagutin ang tanong ni prof. ay naupo ako. Buti nalang talaga at nag-advance study ako kaya nasagot ang tanong niya. Siniko naman ako ni Sam kaya nilingon ko ito.
'' Lutang ka gurl. ''nakangisi niyang saad.
''Iniisip mo si admirer mo 'no? '' bulong niya at humilig pa talaga sa' kin. Sinaway ko naman ito at tinulak pabalik sa p'westo niya kasi lumingon si prof sa amin. Hindi ko nalang ito pinansin at nag - focus na making nalang.
'' Grabe pala duma-moves ang kapatid ng loko na iyon. '' napalingon ako dito nang bigla itong magsalita. Papunta kami ngayon sa canteen para kunin ang cake. Nakangisi pa siya at parang may iniisip na kalokuhan.
'' What do you mean? '' tanong ko dito na nakakunot-noo. Hindi masyadong narinig ang sinabi niya.
Napangiti naman ito sa akin at umiling lang. Nagtataka man ay nagkibit-balikat nalang ako at hinayaan nalang siya.
''Salamat po! ''pasalamat ko kay ate ng inabot nito ang cake, tumango lang naman ito at umalis na.
Naglakad na ako palabas ng canteen, nagpa-iwan kasi si Sam sa labas dahil may tumawag sa kanya at sinagot ito.
Sakto naman na nagpaalam na ito sa kausap at sinalubong na ako at sabay na kaming lumabas. Dahil may kotse si Sam sa kanya na ako sumabay at pinasunod nalang si Japoy sa amin.
Balak namin dumaan muna sa Cafe at mangamusta lang doon.
Pagkadating namin doon ay medyo marami ang customer kaya dumiretso muna kami sa opisina ni Tita Grace at naabutan namin may kausap ito at parang hindi maganda ang mood. Nang makita kami nito ay bigla itong nagpaalam sa kausap. She looks stressed.
'' HI tita! ''naunang lumapit si Sam dito at humalik sa pisngi. Niyakap naman ito ng huli.
''Krissy! ''nakangiting tawag niya sa akin kaya lumapit ako dito at yumakap.
Nagkamustahan lang kami saglit at kinain din namin ang natira na cake,at ang naiawan ay binigay din namin sa mga dati kung kasamahan dito sa cafe. May bago na nga silang nakuha, bali kapalit ko. Intern din siya at kaedaran ko lang. Her name is Agassi, she's beautiful too na hindi mo aakalain na magtatrabaho sa gantong lugar.
Pero ang sabi ni Tita Grace kumakayod daw ito para sa mga kapatid dahil ulila na ng lubos ang mga ito at tanging lola na lang nila ang kasama nito at may sakit pa. Naawa naman ako sa kalagayan nito. Hindi ko man naranasan ang mahirap nang ganyan pero I feel her.
Nagpalam na din kami ni Sam at umalis na.
Masaya sa feeling ang ganito , hope Elizabeth is here. Mas completo Sana kami.
'' Thanks Japoy, uuwi ka na din ba sa inyo? '' tanong ko dito ng makarating kami sa bahay .
'' Yeah, dadaanan ko pa si Lola sa Hospital. '' sagot nito at nagpaalalam na.
Tumango nalang ako at pumasok na sa loob.
Ang tahimik sa sala pagkapasok ko, pero maingay sa kitchen. I can hear them mumbling. Dumiretso nalang muna ako sa kwarto ko at nagbihis na muna.
Nang matapos magbihis ay dumeretso na ako sa baba.
Ang daming pagkain na nasa mesa ang nakahanda at halos paborito ko ito lahat. Napaangat naman ako ng tingin sa pinto ng kusina. And there I saw daddy na may dala pang pagkain.and its my favorite too. Apple pie.
'' Princess maupo kana, let's eat. Linda is everything here already? '' tanong nito sa ka sunod lang na si nanay Linda.
'' Yes sir nandito na po lahat. '' sagot ni nanay Linda at ngumiti sa akin.
Iginiya ako ni dad sa upuan at pinghila pa ako nito. Nagpasalamat naman ako at umupo na din siya. Kasama namin na kumain sila Ate Mae at nanay Linda. Masaya kaming naghapunan at sinabi ni nanay linda na si dad daw ang naghanda ng lahat ng pagkain.
Adobo, pancit, afritada, Apple Pie at pork kare-kare na paborito namin ni mommy. Tumayo ako at niyakap si dad mula sa likod. He just st tap may arm and said''all for my princess''.
Pagkatapos nang masaya ng hapunan ay nagpaalam na ako na umakyat sa kwarto ko. I volunteered to help pero hindi na nila ako hinayaan. Si dad naman ay pumunta na sa library office niya at ngapahatid nalang ng coffee.
I open my laptop ng makarecieve ng text mula kay Sam na mag-online daw ako.
Nakita kong nag-uusap sila ni Elizabeth sa gc namin kaya nag-join call ako.
I am so happy na makita ulit si Elizabeth na mas lalo yatang gumada.
''so how is life guys?''tanong nito.
'' Same but not same. '' sagot ni Sam na nagpakunot noo sa amin ni Elizabeth.
'' And what do you mean by that? '' naguguluhan tanong ni Eliza kay Sam. Maski ako ay naguluhan din sa sagot nito.
'' Same, kasi we're still beautiful as ever! ''sagot nito na nagpatawa sa amin.
''Not same , cause Krissy bessy here is finally happy now. '' naluluha nitong sagot. At nagpahid pakunwari sa gilid ng mata niya.
I know what she meant by that. At mukha naman nakuha ni Eliza kung ano ang ibig sabihin nito kaya naluluha din ito pero masaya. We laugh when silence came.
''I'm so happy for you bessy, kasi finally, tito realized it sooner.''nagpahid na siya ng luha.
And it seems like may laman ang sinabi niya. Hindi ko nalang ito pinansin at nagkamustahan nalang kami. We talk about many things at kung kailan siya bibisita dito sa Pinas.
Sa darating na bakasyon ay napagpasyahan namin ni Sam na magbeach. Gusto sana na umuwi ni Eliza para makasama din namin siya, pero hindi pwede at may inaasikaso daw ito doon.
Pagkatapos nang mahhabang pag-uusap namin ay nagpaalam na din kami sa isa't - Isa. Halos 3 hours din pala kaming nag-usap. I check may social media account. At napansin kong marami na akong friend request.
I open it at bumungad sa akin ang mukha ni Chase at Japoy.
Inferness, ang gwapo din ni Japoy. Medyo may pagka-moreno, pero ang laks ng dating. And he really doesn't look like a real bodyguard. Hindi naman sa minamaliit ko ang pagiging bodyguard niya,kasi legal na trabaho naman 'yon. It's just that, there's something in him that doesn't feel right. Somethingis off.
And speaking of Chase, akala ko talaga makikita ko siya kanina. Pero natapos nalang ang araw na hindi man lang siya nagparamdam.
I check his profile, and he's really handsome. Long and pointed nose, those perfect jawline and kissable lips. Napakagat labi ako habang nakatingin sa mata niya. It's like hes hipnotizing me.
Nagulat ako nang big lang may nag pop na request message. I check it at nakita kong si Chase. Napaupo ako sa pagkakahiga at hindi ko alam ang gagawin ko.
'' Should I open it, or maybe not? "
Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko. But in the end I open it.
'' Hi, please accept my friend request. ''
I don't know what's happening to me but, I just found myself accepting his friend request. Kahit pa medyo kinakabahan akong pindutin ang button.
And I find myself smiling. And I feel giddy for some reason.
Calling Chase Winter.....
It pop and I don't know what to do.
Tbc...