CHAPTER 15:BODYGUARD

1767 Words
" Thank you, Japoy. "saad ko at bumaba na ako ng sasakyan. Dumiretso na ako sa room at medyo maaga ang class ko ngayon.I still can't believe na may bodyguard pa talaga ako. But I'm still thankfull dahil nag - alala si dad sa akin. Hindi naman sa gusto ko siyang pag - alalahanin. It’s just that, ang sarap lang sa pakiramdam. My daddy is back,FINNALLY. Nandito ako sa canteen ngayon at hindi ko ka sabay na kumain si Sam. May kailangan daw silang tapusin ng group mates niya kaya hindi ko siya kasama ngayon . Kumuha na ako ng pagkain ko at pansin ko na tahimik ang canteen ngayon, kumpara dati. Naghanap nalang ako ng mauupan ko para makakain na din. Nagsimula na akong kumain ng marinig kung biglang nagsinghapan ang tao sa paligid ko. At may taong biglang tumayo sa harap na upuan ko. Narinig ko ang bulong-bulungan at napa-angat naman ako ng ang aking ulo sa taong nasa harap ko ngayon. It's Chase, and he's smiling. Hinila niya ang upuan at naupo sa harap na upuan ko. Nakatingin lang ako sa kanya. '' anong ginagawa niya dito? '' tanong ng isip ko. '' Hi, I can seat with you right? '' tanong nito na ngiti-ngiti pa. Nagtatanong pa siya eh, nakaupo na nga siya. Napatango nalang ako at lumingon sa paliggid ko. Lahat sila ay nakatingin sa amin,or dito sa taong nasa table ko. Napatikhim naman ako kaya napatingin siya sa akin. '' Ahm, w-what are you doing here? '' alanganin kong tanong. Ngumiti naman siya at lumunok muna at tumingin din sa paligid. '' Eating with you. ''simpleng sagot nito at nagpatuloy na sa pagkain. Hindi na din lang ako kumibo at nagpatuloy sa pagkain. Pero naririnig ko pa rin ang mga studyante na nagbubulungan. Hindi ko nalang ito pinansin. Naglalakad na ako ngayon papunta sa next subject ko. Umalis na si Chase kanina at nagpaalam na may gagawin pa daw siya. Hindi niya pa din sinagot ang tanong ko kaya naguguluhan pa rin ako hangang ngayon. Binaliwala ko nalang ito at nakinig sa prof namin. Hindi ko din nakita Sam. Hindi siya pumasok, kaya tinext ko nalang siya kung bakit hindi siya nakapasok. Naglalakad na ako ngayon palabas para makauwi na wala ang next prof namin kaya pinayagan na kami na umuwi at gawin nalang sa bahay ang assignments. '' Bakit kaya kasama niya ang owner ng school kanina, at sabay pa silang kumain ha. '' narinig kong sabi sa ibang studyante na nadadaanan ko. '' Baka naman kakilala lang. '' " Hindi 'no , eh di' ba loner iyan. Isa lang ang palagi nating nakikita na kasama niyan. '' napalingon na ako sa kanila at umiwas naman sila at kunwari na may ginagawa. Nagtaka naman ako kung sino ang pinag-uusapan nila. I have a feeling na ako iyong tinutukoy nila, pero sino naman iyong owner ng school? Nadito na ako sa parking lot at wala pa si Japoy. Tinawagan ko ito at hindi sumasagot. Tinext ko nalang ito kung nasaan siya at maaga na natapos ang class ko kaya gusto ko nang umuwi. Habang naghihintay ako ay biglang may huminto na kotse sa harap ko. Binuksan nito ang bintana at doon sumilip si Chase. '' Hop in, hatid na kita. '' nakangiting saad nito. '' Naku hindi na, hinihintay ko lang ang driver ko. Papunta na siya. '' tugon ko dito. '' Sigurado ka? I mean, pwede naman kitang ihatid tutal pauwi na din ako. '' tiningnan ko ang cellphone ko kung may reply si Japoy sa akin. Wala pa siyang reply at napatingin naman ako ulit Kay Chase. '' Ahm, hindi ba ako nakakaistorbo?, '' alanganing tanong ko. '' Nope, I told you before basta ikaw hindi ka makakaistorbo. '' bumaba na ito at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Sumabay nalang ako at hindi na umangal pa. Tahimik lang kami sa byahe, tinext ko na din si Japoy na nauna na ako at sumabay nalang sa kaibigan ko. Patingin-tingin naman siya sa akin kaya medyo nalang ako. '' It's too early, wanna grab a coffee? '' tanong nito kaya napatingin ako sa kanya. ''Ayos lang naman. "tipid kong sagot at ngumiti kaya napangiti na din siya. I think, I'm blushing right now. Kaya pasimple kong hinawakan ang magkabila kong pisngi at tumingin sa labas. Dumaan kami sa nadaanan namin na coffee shop at doon nagkape, siya lang nagkape ako naman I order cappuccino and a slice of cake. Umupo kami sa pinakadulo at doon kumain. We talk for a while, bago ulit sumakay at inihatid ako pauwi. I want to ask again kung ano ba talaga ang ginagawa niya kanina sa school. But I choose not to, sasabihin niya naman siguro iyon sa akin. And I did ask him kanina, pero ngumiti lang ito. Bumaba na ako at nagpasalamat sa kanya sa paghatid sa 'kin. '' See you tomorrow! '' his words and drive off. Napaisip naman ako, tommorow? Am I going to see him tommorow? Pumasok nalang ako sa bahay at nakita kong nagdidilig si ate Mae. '' Oh, maaga ka 'ata mgayon Kristine? '' tanong nito ng makalapit ako. '' Opo, wala ang professor namin. '' tugon ko at nagpaalam na din sa kanya at pumasok na . Tahimik ang bahay kaya dumereto na ako sa kwarto ko para makapagbihis na. I did my assignment at nag research na din para sa gagawin naming project. At dahil siguro sa pagod ay hundi namalayan na nakatulog na pala ako. Narining ko nalang ang katok sa pinto. '' Kristine! ''narinig kong katok sa pinto kaya nagising ako. Nakatulog na pala ako dito sa study table ko. Bumangon na ako at binuksan ang pinto at bumungad si ate Mae. "Kakain na, at nandyan na din ang daddy mo.''Saad nito. ''Sige po, susunod po ako.'' sagot kong kinukusot pa ang mata ko. Nagpunta muna ako ng banyo para makapaghilamos at bumaba. Pagdating ko sa dinning ay nandoon na si daddy. Lumapit ako dito at humalik sa pisngi. Naupo na ako nang magsalita ito. '' Who's friend of yours,ang naghatid sa iyo kanina. I saw Samantha kanina with her grandmother, and wala ka namang ibang kaibigan maliban sa a nila ni Elizabeth. '' tanong nito ng nakatingin lang sa kinakain. Yeah, he knows that I don't have any friends maliban sa kanilang dalawa. '' I just met him a few days ago dad, sa grocery. And nasa school siya kanina kaya sinabay niya na ako pauwi. '' sagot ko dito habang kumukuha na din nang pagkain. '' Him''napatingin naman ako kay dad at tumango. Tumango-tango na lang din ito at nagsimula na din na kumain. ''I'm sorry about Japoy, akala niya kasi kasi maghapon ang class mo kaya umalis muna siya para dalawin ang kanyang Lola sa Hospital. '' tumango nalang ako at nagpa tuloy sa pagkain. Tahimik kaming kumain at kung minsan na nagtatanong si dad, about school saka lang ako nagsasalita. I still feel awkward, but I'm grateful he's trying. ''Goodnight nanay Linda at ate Mae."paalam ko sa kanila at pumanhik na sa aking kwarto. Niligpit ko muna ang mga gamit ko at naghanda na para mahiga ng makarinig ako ng katok galing sa pinto. Napalingon naman ako ng may kumatok at sumilip doon si dad. Napangiti at lumapit siya sa akin at humalik sa aking ulo. ''Goodnight princess. "Saad nito at yumakap din ako sa kanya. '' Goodnight din po dad. ''masayang tugon ko. Humiwalay na ito sa yakap at nagpaalam na pupunta na sa kanyang silid. Napangiti nalang ako at nahiga na. I'm happy, that's what mater right now. Masaya ako at wala nang nanggugulo sa akin ngayon. Kinuha ko ang picture ni mommy at niyakap ito. '' Good night mom. '' I was awake by my alarm clock, tumayo na ako at nag-unat. I open all my curtains in my room ''Good morning! '' nakangiti kong sambit. Pumasok na ako sa banyo at naligo. After I fixed myself ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Napangiti ako ng makita ko si nanay Linda na nagluluto. '' Good morning po 'nay. '' nakangiti kong sambit at yumakap sa kanya. Humarap naman ito sa akin at binati din ako. Sinabi niyang naauna na si dad na umalis at may inasikaso daw ito. Medyo nalungkot ako sa nalaman, pero sinabi naman sa akin ni 'Nay Linda na nand' yan daw si Japoy at ihahatid ako sa school. Kumain nalang ako at nagpahatid na sa school. Nang maka rating sa school ay bumaba na ako at nagpasalamat kay Japoy sa paghatid sa akin. Dumereso muna ako sa tambayan namin ni Sam at doon ko siya nakita na parang naiiinis sa kung sino man ang kausap nito sa kanyang cellphone. Lumapit nalang ako dito at umupo sa kanyang tabi. Napalingon naman ito at nagpaalam sa kausap. '' Good morning bessy! ''nakangiti nitong saad. ''Good morning din! ''bati ko dito. ''By the way, who are you talking to, at naiiinis ka na naman?''tanong ko dito na nakataas kilay pa. ''A jerk! ''maikling sagot nito sa akin. Kahit nagtataka ay hindi na ako nag-usisa pa. Nagkwentuhan nalang kami habang naghihintay sa time. And sinabi niya din sa akin ang reason kung bakit hindi siya nakapasok kahapon. Her Lola called daw and they meet someone. And I think,this someone ay pareho lang ng kausap niya kanina ay iisang tao lang. She's so pissed off. Tumayo na kami at nag kanya-kanyang punta ng room. Pagkarating ng lunch time ay pumunta na ako ng canteen at nakita ko doon sa bungad palang si Sam. Lumapit na ako dito at sabay na kaming naglakad para pumila at kumuha ng pagkain. Kumakain na kami ni Sam nang biglang may lumapit sa amin at nagbigay ng strawberry cake. Napaangat ang tingin ko doon sa nagbigay.She's a student here too I think ? '' May nagpapabigay at napag-utusan lang. '' Saad nito at tumalikod na at umalis. Nagkatinginan kami ni Sam at napakibit-balikat nalang. '' At sino naman ang magpapabigay nito sa iyo? "Tanong ni Sam na nakatingin sa cake. Umiling naman ako dahil hindi ko rin alam kung sino. '' Don't tell me, may secret admirer ka? '' tanong nito at na parang gulat na gulat at nagtakip pa ng bibig niya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. '' Of course not, wala 'no. '' sagot ko sa kanya. Para naman itong kinikilig at napapa-palakpak pa. Napailing nalang ako at tiningnan ang cake at may card pa pala ito. Kinuha ko ito at binasa. '' FOR YOU MY BERRY CAKE HOPE YOU LIKE IT!" Tbc...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD