"I-I cant. breath" Nahihirapan kong saad.
"Die you b***h! " sigaw ni Stephanie at naramdaman ko nalang na nakakahinga na ako ng maluwag, hinawakan ko ang liig ko at umubo-ubo at nilapitan agad ako ni nanay Linda at inalo.
"How dare you, to do that to my daughter?! " napaangat ako ng tingin ng narinig kong nagsalita si dad at galit na nakatingin kay Stephanie na nakaupo sa sahig katabi ang ina nito.Nandito na pala siya, siguro siya ang naglayo kay Stephanie sa akin.
"D-dad-"
"Don't call me dad, dahil hindi kita anak! "putol nito sa sasabihin ni Stephanie.
Nagulat si Stephanie sa sinabi ni dad, maski ako ay nagulat.Napaiyak naman si stephanie at niyakap ito ng kanyang ina.
"Sa nakita kong ginawa mo sa anak ko kahapon, hindi kita mapapatawad. At ikaw Mildred, sinabihan na kita na pagsabihan iyang anak mo. Pero hindi kayo nakinig, kaya lumayas kayo sa pamamahay ko at 'wag na ' wag na kayong bumalik dito sa bahay ko." galit na galit nitong saad sa mag-ina. Napatingin sila kay dad at umiling si Tita Mildred.
" No Hon, please huwag mo kaming paalisin. Alam mong wala kaming ibang mapupuntahan. "umiiling at umiiyak na din na saad nito kay dad.
"Huwag kang mag-alala hindi ko babawiin ang condo na binigay ko na kay Stephanie. At p'wede pa rin naman niyang tapusin ang pag-aaral niya. Pero hanggang doon lang ang kaya kong ibigay and I will cut all your credit cards. " patuloy nito bago lumapit sa akin at kinarga ako. Napakapit naman agad ako at yumakap kay dad.
"Linda, paalisin mo na sila and lock all the doors. Huwag n'yong pagbuksan ang mga 'yan dito kahit kailan. And call the guards kung hindi pa sila aalis." bilin nito at naglakad na paakyat at pumasok kami sa kwarto ko.
Ibinaba ako ni dad sa kama at iniayos ako na makahiga. Hinaplos niya ang aking mukha at inayos ang nagulong buhok dahil na rin sa sabunot ni Stephanie. Nakatingin lang ako kay dad, napaluha nalang ako at agad namang siyang napatingin sa akin. Umupo ito sa tabi ko at pinunasan ang luha ko.
"Shh, I'm sorry I'm late. Don't worry I'll make sure they can't go near you again." Saad nito sa akin at lalong napaluha.
Niyakap ko si dad at doon umiyak ng umiyak. Niyakap niya din ako at inaalo. Akala ko talaga kanina ay matutuluyan na ako. Masakit pa rin ang anit ko, maski ang leeg ko.
Nang medyo kumalma na ako ay ipinatawag niya si ate Mae at nagpadala nalang ng pagkain. Iniwan muna ako nito at may aasikasuhin daw muna siya.
Tumango nalang ako at nagpasama kay ate Mae. Hindi ako makakain ng maayos dahil na rin sa nangyari. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Siguradong hindi titigil si Stephanie hanggang hindi ito nakakaganti. Lalo na at puputulan pa sila ni dad ng credit card.
Matapos kong kumain ay bumaba na si ate Mae, hindi ko din naman halos nagalaw ang pagkain ko kahit pinipilit ako ni ate Mae na kumain ay hindi ko talaga kayang lumunok.Tumayo na ako at pumunta sa banyo. Humarap ako sa salamin at hinimas ang liig ko. Medyo namumula ito, at siguradong magpapasa bukas. Ginawa ko na ang routine ko at pagkatapos ay humiga na ako.
Kinuha ko ang picture ni mommy at niyakap ito. Pumikit na ako ng marinig ko bumukas ang pinto sa kwarto ko. Naramdaman kong may lumapit at hinaplos ang aking mukha at hinalikan ang aking noo.
"Goodnight princess. " saad nito at umalis na at narinig ko na nagbukas sara ang pinto. Napadilat naman ako, at lumingon sa pinto.
"Goodnight dad," at tumingin din ako sa picture ni mom"goodnight too mommy." hinalikan ko pa ito at pumikit na din.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, or should I say na hindi talaga ako nakatulog. Pumikit ako at nakakatulog na ng bigla kong nakikita ang mukha ni Stephanie na galit at gusto akong patayin. Hindi ko makalimutan ang hitsura niyang iyon.
5 am na, kaya kaysa matulog at makikita ko lang ang mukha ni Stephanie ay bumangon na ako at nagbihis ng jogging pants. Magja-jogging nalang ako at makapag-exercise. Matagal na din akong hindi nakakapag-excercise. Hindi naman sa mataba ako, ang payat ko nga eh. Bumababa na ako at dumiretso sa pinto.
"Oh jiha, ang aga mong magising ah?" si nanay Linda. Ngumiti naman ako at bumati.
"Good morning po, magja-jogging lang po ako sa labas. Babalik din po ako agad. " nakangiti ko sagot.
"Maayos kana ba? Hindi mo halos nagalaw ang pagkain mo kagabi." nag-aalala nitong tanong. Lumapit na ako dito at yumakap.
"Maayos na po ako, pasensya na po at hindi ko naubos ang pagkain ko kagabi, babawi nalang po ako mamaya." nakangiti kong sagot sa kanya at humiwalay na dito.
"oh siya sige, lulutuan nalang kita ng breakfast mo, para pagkatapos mong mag-jogging makakain kana. " nakangiti niyang saad.
Nagpaalam na ako at tuluyan ng lumabas. Nakajogging pants lang ako at nag jacket at sando underneath. Nagsimula muna akong maglakad, at mayamaya ay nag jogging na ako. Iikot lang naman ako dito sa village at madadaanan ko din ang bahay nila Sam.
Nakailang ikot muna ako bago huminto sa playground. Umupo ako swing at doon muna nagpahinga. Nakalimutan ko palang magdala ng tubig ko. Nag swing lang muna ako hanggang sa makita kong sumisikat na ang araw ay tumayo na ako sa swing at naglalakad nalang pauwi.
Marami din akong nadadaanan na busy na sa kanilang gawaing bahay. Nagdidilig, nagpapalakad sa mga aso nila, at may mga bata din na naghahabulan. Malapit na ako sa bahay ng may mapansin akong may nakaparadang sasakyan sa labas ng bahay namin.
Hindi naman siguradong si Sam at masyadong maaga pa. May bisita si daddy ng ganitong oras? Pumasok na ako sa gate at napansin kong may tao sa garden at nag-uusap.
Nakita ko naman si ate Mae na nagdidilig ng halaman kaya nilapitan ko ito.
"Ate Mae! " tawag ko dito at bumati naman ito sa akin.
"Sino 'yong bisita ni dad?" tanong ko sa kanya. Napatingin din siya sa garden at tumingin ulit sa akin.
"Hindi ko alam eh, pero may narinig akong body guard daw. " pabulong nitong saad na nagpakunoot noo sa akin. Body guard ni daddy?Para saan, at bakit kailangan pa ng body guard.
Nagpaalam na ako kay ate Mae at umakyat nalang sa taas. Dumiretso na ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ay bumaba na ako at dumeretso na ng dinning. Doon ko naabutan si dad at 'yong bisita niya na nakaupo at nag-usap pa din.Lumapit na ako at humalik sa pisngi ni dad.
"Good morning dad! " bati ko dito umupo na rin, ibinaba ko muna ang mga gamit at bag ko sa katabing upuan. Bumati din sa akin si dad pati iyong bisita niya.
"By the way princess, this is Japoy your driver and bodyguard from now on." nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay dad at doon sa bodyguard daw!
What the?! Anong—the hell? Ako may bodyguard?
Tbc.....