"Hey best, let's go I'm hungry na." it's Sam pala. Napatigil din siya ng mapansin akong tahimik. Lumingon siya sa paligid at napangiti na ipinagtaka ko.
"Don't mind them, let's go." Sabi niya at hinila na ako at kumuha na din kami ng pagkain.
Pagkatapos namin kumuha ng pagkain ay humanap na kami ng mauupuan. Actually ako lang pala, kasi iyong isa nagdere-deretso siya sa nag-iisang table na pang-apatan at umupo doon.
Sumunod nalang ako sa kanya at umupo na din sa tapat niya. Nagsimula na siyang kumain, habang ako ay nakatingin lang sa kanya. I think may alam siya sa nangyayari. That smile kanina, she knows what's happening.
"So... ahem! " panimula ko at nilaro lang muna ang pagkain ko."What do you know sa nangyayari ngayon?" Sabi ko sa kanya at sumubo na din.
Umangat naman ang tingin niya sa akin at ngumiti. I look at her flatly, at napairap naman siya at umayos ng upo.
"Fine, I'll tell you." panimula niya at uminom muna ng tubig. Umayos din ako ng upo at ready ng makinig.
"Wow, excited lang! " natatawa niyang saad.
"Ok, ganito kasi iyon. Nalaman ko lang din ito kanina. All of the students here in the canteen from yesterday ay pinarusahan at pinaglilinis ng buong school-"
" I know that part already skip na tayo dyan. Why, I mean bakit sila paparusahan at lahat pa sila. Wala namang ginawa ang iba sa kanila. "putol ko sa sasabihin niya.
"Oh?!,ok. Iyon na nga kung bakit sila pinarusahan kasi wala silang ginawa. They just watch instead of helping, at iyong grupo ni Stephanie at iyong nahuling ng bato din ng pagkain sa iyo ang suspended." nagulat naman ako dahil akala ko ay ang grupo lang nila Stephanie ang na suspend.
" Alam mo naman na may cctv dito sa canteen, kaya hindi sila nakaligtas. "pagpapatuloy nito at nagpatuloy na rin sa pagkain.
" I didn't know that happened. Kasi before remember noong ginawa din 'yon sa akin ni Stephanie pero wala namang nangyari, so why now? "Naguguluhan kong tanong, kasi noon sinadya nga akong itulak noon ni Stephanie at binuhusan ng medyo mainit pang spaghetti. Hindi nakapasok noon si Sam kasi nagka sakit siya. I ran out of the canteen at narinig ko pa silang tumawa.
" Alam mo bang pinatawag din ang mga parents?" gulat akong napatingin sa kanya.
"What do you mean?" tanong ko sa kanya na nakakunot - noo.
"Nakita ko nga si tita Mildred at ang daddy mo kanina." Saad nito at sumubo.
Nandito si daddy, bakit wala siyang nabanggit kanina na pupunta siya dito sa school? Tanong ko sa isip ko.
Magkasama sila ni Tita Mildred, so maybe he came here with her for Stephanie. I feel a pang in my chest, knowing that he came here for Stephanie and not for me.
"Hey, you should eat and stop thinking. Maybe tito came here for you, that's why he's here. Narinig kong nagdiskusyunan daw sa dean's office kanina ang mga parents doon. So don't think negative,ok?"hinawakan ako nito sa kamay at nagpatuloy ng kumain. Tumango nalang ako at kumain ng tahimik.
Third Person Pov
(ito po iyong nangyari sa deans office)
Nagkatipon-tipon ang lahat ng mga magulang at nag-usap tungkol sa kaparusahan na ipinataw ng school sa mga studyante. Ang iba ay nagpoprotesta sa ipinataw na kaparusahan sa kanilang mga anak.
"Mr. Taylor we're really sorry of what happened to your daughter. We promise that this won't happen again. And we already suspend the other student, so we hope for your understanding." Saad ng dean kay Mr. Taylor.
"I understand, I really hope this won't happen again." sagot ni Mr. Taylor na ama ni Kristine.
"Yes Mr. Taylor that we can promise." nakangiting sagot nito.
At tiningnan ang ibang mga magulang na nandoon at ito naman ang kinausap. Sa pinto naman ay nakatingin lang si Chase at nanooud sa nangyayari. And he promise to himself na hindi na talaga ito mangyayari ngayon na nandito na siya.
" I can't believe they suspend my daughter, malapit na ang exam paano pa siya makaka pag review niyan." si Mildred, kalalabas lang nila sa deans office kasama nito si Mr. Taylor.
"And I can't believe they do that to my daughter especially your daughter Stephanie." nagtatagis - bagang at napapailing nitong saad.
"Why, hindi ba at masahol pa ang ginagawa mo sa anak mo? Kaya 'wag kang magsalita na parang wala kang ginawa." sumbat ni Mildred kay Mr. Taylor at nauna na itong naglakad at naiwan naman si Mr. Taylor.
Napahinto siya dahil totoo ang sinabi nito. Mas malaki ang kasalanang nagawa niya sa kanyang anak. Napatingala siya dahil sa nagbabadyang luha at nagpatuloy na sa paglalakad.
" I know that I am a sinner, and I hurt my daughter. At pinagsisihan ko na iyon, habang buhay ko iyong pagsisihan. Babawi ako,I will try to fix what I had done." saad nito at sumakay na kanyang kotse at nag drive pabalik sa kanyang opisina.
The school inform him last night pagkatapos ng dinner nila at nagpunta siya sa kanyang library.Nagulat siya ng sabihin sa kanya kung bakit siya nito pinapapunta sa school. Kakausapin niya sana ang anak niya kanina habang nag-aalmusal, pero dahil sa nangyari at nagkapatawaran pa sila ay hindi na niya ito nabanggit pa.
Kristine
Pagkatapos ng tahimik naming kain ni Sam ay bumalik na rin kami sa sariling room at magta-time na din. At magkasama na kami sa last subject kaya pagkatapos ay sabay kaming lumabas ng room. Tahimik pa rin ako, kasi iniisip ko pa rin ang nangyari. Lalo na si daddy. Ano ang gagawin ko pagdating sa bahay, baka pagalitan niya ako dahil napatawag pa siya school at naistorbo ang trabaho niya.
Hinatid nalang ako ni Sam sa bahay at nagpaalam na kami sa isa't - isa. Pumasok na din ako at dumiretso muna ako sa kwarto at napahiga.Wala pa si dad, mamaya pa iyon darating. Dapat nasa café ako sa mga oras na ito at wala pa sa bahay. Pero dahil wala na akong trabaho ay deretso na ang uwi ko.
Tumayo nalang ako at naligo, tutulong nalang ako sa pagluluto ng dinner kaysa magmukmok ako dito.
Pagkababa ko ay pumasok na ako sa kusina. Naabutan kong naghihiwa ng gulay si ate Mae at may niluluto na si nanay Linda. Kare-kare pala ang lulutuin nila.
Hindi na nila ako pinatulong kaya kumuha nalang ako ng cake at kumain habang nakikipag - kwentuhan sa kanila.
Mayamaya lang ay natigil kami sa kwentuhan namin ng may narinig kaming pumasok sa bahay at binalibag ang pinto.
Napatayo naman ako sa pagkakaupo at pati sila nanay Linda ay nagulat. Pumunta kaming sala at doon nakita namin si Tita Mildred na pinipigilan si Stephanie na nagwawala.
"Let go mommy, I'm gonna kill that b***h!" galit niyang saad sa ina niya at winaksi ang kamay nitong nakahawak.
Nang makita ako nito ay mas lalo itong na galit at sinugod ako at hinila ang buhok ko.Hindi ako nakqpalag dahil sa bigla.
"You b***h, you will pay for you did!" pinipigilan na din siya nila nanay Linda pero mahigpit ang hawak nito sa buhok ko at nasasaktan na din ako.Hawak ko ang kamay niyang naksabunit sa akin habang hinihila niya ako at walang magawa sila 'nay Linda kahit anong pigil nila.
"Alam mo ba kung ano ang pinagawa sa akin, ha? We're not just suspended on going to school. We clean all the toilet there even the boy's toilet." at nginodngud na ako nito sa sahig.
Lumaban ako pero mas malakas siya, pati sila ate Mae na umaawat ay walang nagawa.
" Stephanie stop this! "sigaw ng kanyang ina. Pero hindi nakinig ang anak at inihiga na ako nito at sinasakal na. Nahihirapan na akong huminga. At nagpupumuglas na rin ako para makawala sa kanya. Pero masyado siyang malakas at nanghihina na rin ako.
" And you know what the students did to me? Galit silang lahat sa akin dahil nadamay daw sila sa ginawa ko. Those bitches hawak ko ba ang kamay nila ng bumato din sila sa iyo ng pagkain, ha?"nagpupumiglas na ako dahil sa hirap na akong huminga nagsisigaw na din sila nanay Linda.
Winawaksi ang mga taong lumalapit sa kanya habang hawak ako sa leeg. Nawawapan na rin ako ng malay dahil sa hirap na akong huminga .
"I-I cant b-breath" Nahihirapan kong saad habang mahinang pinapalo ang kamay ni Stephanie na sumasakal sa akin.
Help!
TBC...