Morning came at maganda ang gising ko. Hindi ko na kailangang magising ng maaga kaya napasarap ang tulog ko. Pagkagising ko ay nag-unat lang ako sandali at bumangon na.
"Good morning mommy! " bati ko sa picture ni mommy at tumayo na at dumiretso sa banyo. 6:30 palang kaya napagpasyahan kung magbabad muna sa bathtub sandali. Kompleto ang gamit sa bathroom ko just like before, napapangiti nalang ako at nilaro ang mga bula.
After 15 minutes,ay umahon na ako at nag shower. Pagkatapos kung mag shower at makapagbihis at mag ayos ng aking sarili ay lumabas na ako ng aking kwarto. Bumababa na ako at dumiretso sa kusina. Nakita kong nagluluto si nanay Linda at nakatalikod ito, lumapit ako ng dahan-dahan at niyakap ito mula sa likod.
"Good morning nanay Linda." bati ko dito at sinilip ang niluluto niyang fried rice.
"Oh nandyan ka na pala, magandang umaga din." bati din nito sa akin.
"Maupo kana doon at ihahain ko na ito, tawagin mo na din ang daddy mo at nasa garden 'yon nagkakape." dadag nito. Napahinto naman ako at tumingin kay ' nay Linda.
"A-ako po ang tatawag kay daddy?" tanong ko at tinuro pa ang sarili ko.
"Oo naman," nakangiti nitong sagot. "hala sige na tawagin mo na doon ng makakain na kayo at hindi kayo ma traffic sa daan." Dagdag nito at itinaboy ako palabas ng kusina.
Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa garden, nakita ko si daddy na nagbabasa ng d'yaryo at sumisimsim ng kape niya. Parang naninibago ako, lalapit ba ako o hindi?Tawagin ko nalang kaya si ate Mae at siya nalang ang utusan ko. Kaso may may ginagawa din iyon eh. So no choice, March forward.
"It's ok you can do it!" pagchecheer ko sa sarili ko.
"Parang first time mo na tatawagin ang daddy mo. "sabi ng isip ko.
" Eh first time naman talaga, kasi 'pag nagbe-breakfast dati hindi ko na kailangan pang tawagin sila para pumunta sa dinning. "sagot naman ng kabilang isip ko.
" Is the breakfast ready? "biglang nagsalita si dad, kaya napatingin ako sa kanya na nanlalaki ang mata dahil sa gulat. Hindi ko napansin na nakatayo na pala ako malapit sa likod niya.
" A-ah yes dad, the breakfast is ready. "and I immediately turn around and walk inside the house.
Naramdaman ko namang tumayo na si daddy, kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko. Lakad takbo ako hanggang sa makarating sa dinning at nakahanda na ang pagkain. Umupo na ako at nakita ko din si daddy na malapit na kaya tumayo ako ulit at pumasok sa kusina. Para akong ewan na natataranta.
"Nay Linda, samahan niyo po kaming mag breakfast." hinawakan ko pa ang kamay nito. Tiningnan naman niya ako at napangiti.
"Anak, alam kong naiilang ka sa daddy mo pero, kailangan mo ng masanay uli. Alam mo bang siya pa mismo ang nakiusap sa akin para bumalik dito. " pabulong niyang saad.
"Hayaan mong bumawi ang daddy mo sa iyo, bumalik kana doon at kumain at may pasok pa kayo pareho." umiling naman ako ng tinulak na ako nito sa dinning.
Wala na akong nagawa ng siya na mismo ang nag-upo sa akin sa upuan. Tumingin pa ako dito ng umalis na at nagpaalam na may gagawin pa daw siya. Napayuko nalang ako,napaangat naman ako ng ting in kay dad ng magsalita ito.
"I know it's all sudden for you that I am acting this way, but please bear with me. Gusto kung bumawi sa pagkukulang ko sa iyo sa nakalipas na taon. I know sorry is not enough for everything that I did to you, but I'm still sorry. Babawi ako anak, sana mapatawad mo si daddy. "hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa.
Ngumiti siya ng malungkot sa akin. Napaluha naman ako, so it's true I'm not just dreaming yesterday. It's true that his sorry at gusto niyang bumawi. Napatayo naman ako at lumapit sa kanya at yumakap.
" I'm so sorry dad, I'm sorry kasi kung hindi ko pinilit si mom dati na pumunta kaming mall hindi mangyayari ang accidenting iyon." napahagulhol na ako.
"It's ok anak," umiiyak na din ito. "I'm sorry din kasi sinisi kita sa lahat. Don't cry na and stop blaming yourself sa nangyari sa inyo ng mommy mo. Accidents happen all the time, nagka taon lang na nandoon kayo ng mommy..And I'm so sorry that I realized it too late at nasaktan pa kita."patuloy nito at yumakap na din sa akin.
" Thank you po sa paghatid dad."humalik muna ako sa pisngi niya bago lumabas.
"Take care princess." Sabi nito sa akin bago kumaway at umalis. Nagpatuloy na ako sa pag lalakad at nagpuntang field may oras pa naman ako eh. Naupo ako at saktong dumating si Sam.
"Thank God you're here na, how are you? I'm sorry hindi na kita na tawagan kahapon my phone ran out, at iyong asungot na iyon. Sabi kong iuwi na ako, kung saan - saan pa ako dinala." Tuloy-tuloy niya sabi hanggang sa makaupo sa tabi ko.
"It’s ok,nakatulog din ako kahapon at gabi na nakauwi." Sabi ko sa kanya at nakatingin lang ito sa akin.
"Speaking of kahapon, you know Chandrie's brother?" tanong nito . Napakunoot- noo naman ako sa tanong niya.
"Who is this Chandrie?" tanong ko sa kanya. Napalo naman niya ang noo niya.
"Right, hindi mo nga pala nakita, what I mean is 'yong kumuha sa iyo kahapon." Saad niya.
"Oh it's Chase, nakilala ko lang siya sa grocery noong linggo na inaya kita pero wala ka!" Sabi ko sa kanya ng nakangiti. Umirap naman siya sa akin.
"Alam no naman na hindi ko mahindian ang Lola. " nakangusong sagot niya.
"So ako pwede mong hindian?" pangongonsensya ko sa kanya.Napatingin naman siya sa akin kaya napangiti ako.
"Syemore joke lang. " Dagdag ko at niyakap ito.
"Hmp, inaasar mo na naman ako eh." nakairap niyang sabi sa akin at na5awa nalang ako.
Nagkwentuhan nalang kami sa nangyari kahapon. Ikinuwento niya sa akin ang pagdating nila Chase at ng kapatid nito. Parang na-curios tuloy ako at gusto kong makita itong Chandrie, inis na inis kasi siya kung magkwento. Kasi akala daw niya pagkatapos nila ng kumain kahapon ay iuuwi na siya nito, pero dinala pa siya nito sa condo at doon sila namalagi muna bago siya ihatid pauwi.
Gusto ko pa sana itanong kung bakit ganoon na lang ang inis nya doon sa tao, mabait naman si Chase.
Ikinuwento ko din sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Chase, at pati ang pagre-resign ko sa café . Natuwa naman siya ng sinabi kung si dad ang gustong magresign ako at magfucos na lang daw ako sa pag-aaral.At ikinuwento ko ang nangyari kanina sa bahay.
~~~~
We cried at ng pumasok si nanay Linda ay iyon ang naabutan niya. Nagtanong siya kung ano ang nangyayari at nag-iiyakan daw kami ni dad. Humiwalay na ako kay dad, nagkatinginan kaming dalawa at napatawa nalang.
Napakasaya ko at nagkapatawaran na kami ni dad. Mas masaya akong babawi daw siya sa pagkukuklang niya this past years. Nangako siyang gagawin niya ang lahat, hindi man maibigay lahat ng pangangailan ko daw ng pera basta sabihin ko lang daw sa kanya.
I love my father very much at kahit na pakiramdam ko ay hindi pa totally niya ako napapatawad. I will work for it. And nararamdaman ko din naman na his trying. We will both fix this, kahit alam kong hindi na babalik sa dati kasi wala na si mommy. Atleast natupad na ang dasal ko, to be forgiven by my father.
Naluluhang nakatingin sa akin si Sam pagkatapos kong magkwento.
"I'm so happy for you best. " at niyakap ako nito.
"Yeah I'm happy too, and thank you to you too for always being here by my side." sagot ko sa kanya. Napasinghot - singhot pa siya at umiyak na.
Pagkatapos ng drama namin ay napagpapasyahan na namin na pumasok at magta-time na din. Naghiwalay na kami at nangakong magkikita nalang sa canteen later.
Pagkapasok ko sa room ay wala pa ang teacher at napatingin ang lahat ng classmates ko sa akin. Napatigil din ang ibang nag-uusap. Umupo na ako at lumingon-lingon at nakatingin talaga sila sa akin. Nakita ko na wala ang grupo nila Stephanie.
"Mabuti nalang talaga hindi tayo naglunch sa canteen, kung hindi damay din tayo." narinig kong sabi ng isa kong babaeng classmate.
Nagtaka naman ako, nangyari sa canteen kahapon? Iyon bang nangyare sa akin? Binalingan ko ang classmate ko at nagtanong.
"Uh, pwedeng magtanong, " napatingin naman silang lahat sa akin. "Anong ibig mong sabihin sa nangyari sa canteen kahapon?" tanong ko na nagpatigil sa kanila.
"Hindi mo alam?" tanong ng isa ko pang classmate. Umiling naman ako,nagkatinginan sila bago siya ulit magsalita.
"Lahat ng nandoon sa canteen kahapon pinarusahan, pinaglilinis sila ng buong school. At ang grupo nila Stephanie ay suspended." Saad niya na nagpatulala sa akin. That happened, what's happening?
Iyon ang tanong sa isip ko hanggang sa dumating ang prof. namin. Tulala ako at minsan hindi ko na maintindihan ang lesson.
Pagkatapos ng class ko ay naglakad na ako papuntang canteen.Iniisip ko pa rin ang narinig ko kanina. I've been bullied here in school in the past, but not to this point na kailangan pang masuspend nila Stephanie. At sabi kanina,lahat daw ng studyante sa canteen kahapon ay pinarusahan din. Ang gulo, what's really happening?
Habang naglalakad ako, ang daming nakatingin sa akin, and they're murmuring something while looking at me. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa pag lalakad papuntang canteen.Pagkapasok ko palang sa bungad ay napatigil din ang mga studyanteng naroon. Napatigil din ako sa pagpasok. Nagulat nalang ako ng biglang may umakbay sa akin.
Tbc...