"Nanay Lindaa... "nag-echo ang boses ko sa boung bahay. Tumakbo ako lalapit Kay nanay Linda at niyakap ito ng mahigpit.
" Naku itong batang 'to, hindi pa rin nagbabago.Napakakulit pa rin. "Humiwalay ako sa kanya at tiningnan siyang naluluha.
" Namiss ko po kayo"naiiyak kong saad at niyakap siya ulit. Natawa naman siya at niyakap nalang din ako.
"Ahem! " rinig kong may tumukhim sa likod ko kaya napahiwalay ako kay nanay Linda. Napatingin ako dito at nakita kong si daddy pala.
"Dad, nandito po pala kayo."napakamot naman ako sa ulo at napatingin sa cake na nasa harapan ko.Strawberry cake!
" I think we need to eat already, bago pa lumamig ang mga pagkain sa mesa. "Sabi nito bago umalis sa kusina, humarap ako ulit kay 'nay Linda at niyakap siya.
" O siya, tama na muna ang yakapan at kumain na muna kayo ng daddy mo at sigurado akong gutom ka na din."
Humiwalay na ako at nagpunta na kaming dinning. I was hessitant to sit because it's been years since I last eat here in this table.
" Sit down Jade, sumabay na din kayo Linda." Sabay naman kaming nagkatinginan ni nanany Linda at napapakagat labi na lang ako.
"Dad, how about tita Mildred?" tanong ko.
"Don't worry about her, nasa condo siya ni Stephanie at doon na siguro iyon matutulog."sagot nito at napatango nalang ako.
Umupo nalang ako at tinawag muna ni nanay Linda ang kasama niya. Meron pa pala siyang kasama hindi ko manlang napansin. Pagkarating nilang dalawa ay ipinakilala niya ito sa akin. Pamangkin niya daw si Mae.Nagkamustahan lang kami habang kumain, tahimik lang naman si dad na nakikinig sa amin.
Siguro hindi tumawag ang school o kaya hindi nagsumbong si Stephanie sa nangyari kanina sa canteen. Pagkatapos namin kumain ay tumayo si 'nay Linda at ate Mae para kunin daw ang dessert.
Pag balik nila ay may dala silang cake na naka slice na at yung iba hindi pa. Inilapag nila ito sa mesa at ibinigay naman sa amin ni dad ang naka - slice na.
"Si daddy mo ang gumawa Niyan," napaangat ako ng ting in Kay nanay Linda" kaya sigurado akong magugustuhan mo iyan. Paborito mo iyan diba?" tanong nito sa akin na nakangiti at nakadantay kamay niya sa likod ko.
Napatingin naman ako kay dad na kumakain na ng cake. Napaluha ako, he still remember that's it my favorite. He's always making a cake for me before kasi gustong-gusto ko itong kainin, lalo na pagkatapos kumain ng dinner namin.
Napatayo ako at lumapit kay dad at niyakap ito mula sa likuran.
"Thank you dad! " umiiyak kong sabi sa kanya.Hinawakan niya ang kamay ko at tinap lang ito.
"You're welcome. " rinig kong sabi niya at ti-nap ang kamay ko kaya humiwalay na ako ng yakap.
Nagpunas na ako ng luha ko at bumalik sa pag-upo. Tumingin ako kay dad, at naluluha ito.
"I’ll be in the library," bigla itong tumayo at kinuha ang cake."Linda can you please make me a coffee and bring it in the library?" Sabi ni kay nanay Linda at tumalikod na at umalis. Napatingin naman ako kay nanay Linda na nakangiti at umiling-iling.
"Bakit po 'nay Linda?" Tanong ko at umiling lang ito at nagpaalam na gagawa ng kape ni dad.
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain habang nagkwekwentuhan kami ni ate Mae, at nagliligpit na din ng pinagkainan. Pagkatapos naming magligpit at oras ng matulog, ay gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanila ang kaso ay alam kong pagod din sila at nag b'yahe pa sila mula probinsya.
At hindi lang 'yon sumama ako sa kanila sa maids quarter pero wala na doon ang mga gamit ko at inilipat na daw nila sa dati kong kwarto. Naalala ko bigla ang picture ni mommy kaya nag tanong ako kay nanay Linda at sinabing...
"Huwag kang mag-alala nasa kwarto mo na din ang picture ng mommy mo. Inilagay ko ito sa side table ng iyong kama. "sagot nito sa akin kaya na pahinga naman ako ng maluwag.
Umakyat na ako sa kwarto ko, pero bago ako makarating sa kwarto ko ay nadaanan ko ang library at bukas ito. Sinilip ko si daddy at parang may kina kausap siya pero hindi ko marinig.
" Huwag kang mag-alala mahal, babawi ako. Patawarin mo sana ako sa nagawa ko. Pati anak natin dinamay ko at sinisi sa kasalanang ako dapat ang sisishin. "
Sino kaya ang kausap ni dad, nakatalikod kasi ito at nakayuko. Hindi ko naman marinig ang sinasabi niya. Umalis na ako doon at nagpatuloy sa kwarto ko.
Binuksan ko ang pinto at napatigil ako saglit. Ngayon nalang ulit ako nakapasok sa kwartong ito. Ni-lock kasi ito ni dad at hindi na pinapabuksan. Seeing my room, I really missed it kaya tumakbo ako at tumalon - talon sa ibabaw nito.
Bigla akong napahiga at tumagilid at nakita ko nga ang naka-display ang picture ni mom sa side table ng bed ko. Kinuha ko ito at niyakap.
"Mommy... I think dad already forgive me. "naiiyak kong kausap sa picture ni mommy.
Niyakap ko pa ito saglit at napahingang malalim bago napagpasyahan na mag shower na at matulog. Pero hindi ako makatulog , marami ang nangyari sa araw na ito.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa school bukas, hindi ko na din nakontak pa si Sam. Sinubukan ko itong tawagan kanina pagkatapos maligo pero out of coverage naman kaya bukas ko nalang siguro siya kakausapin.
Nagpagulong-gulong na ako sa aking kama pero hindi pa rin ako makatulog. Siguro naninibago ang katawan ko, halos 3 years din akong hindi makatulog dito. Kaya siguro ganoon,pero sino ba ang niloloko ko? Hindi naman talaga iyon ang dahilan, it's because of what happened in Chase condo.
Flashback ~~~~
"Hindi ka nakakaistorbo, I'm willing to be disturb if it's by you." Sabi nito na nakatingin sa mga mata ko.Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakapagsalita.
Mabuti nalang at may tumawag sa kanya. I'm save, pagkatapos noon ay hindi na iyon na open at nagpaalam na ako sa kanya kaya inihatid niya ako sa Café.
I'm bothered, I know how to read between the lines, or maybe he just pity me?
Naawa lang siya sa akin kaya ganoon ang sinabi niya. We just meet yesterday, I know I am already attracted to him but not that deep. Naga-gwapuhan lang ako sa kanya. Iyong mala- Chris Hemsworth ang datingan.
~~~
Wait, napaupo naman ako sa kama. How come nasa school siya kanina? What is he doing there, or maybe may dinalaw siya? I don't know. Napahiga nalang ulit ako at nagkumot, I'll just sleep this. I hope tommorow ganoon pa din ang trato sa akin ni dad. I hope this is not just a dream.
At kung panaginip nga ito, ayaw ko nang magising pa. This is much better, I feel ease now. But a little doubtful, I still can't believe what's happening.
Sa kakaisip ko ng kung anu-ano ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
TBC...