CHAPTER 10 :BEGINNING

1319 Words
Kristine " Salamat sa paghatid sa akin dito. " Pasasalamat ko kay chase ng inihatid ako nito sa Cafe. Bumaba na ako ng bigla siyang magsalita. "Are you sure ayaw mo ng hintayin kita para maihatid kita sa inyo?" pigil nito sa akin bago bumaba.Tumango naman ako sa kanya. "Yeah, may aasikasuhin lang ako dito. Kaya mauna kana, baka medyo matagalan ako dito eh." ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy ng bumaba. Kumaway ako sa kanya bago sinimulang maglakad papasok sa Cafe. Binati ko si Kuya Jomel at ngumiti, binati niya din ako at bumalik sa kausap nito. Siguro ay nagtatanong ng direksyon kasi may tinuturo si kuya Jomel. Nagpatuloy na ako sa pag pasok sa loob at nagtanong kay ate Carol kung nasaan si Tita Grace. "Nasa office si ma'am Grace at mukhang hinihintay ka talaga niya. May nagpunta kasi kanina dito na lalaki at hinahanap ka." sagot sa akin ni ate Carol. "Lalaki po, bakit raw po?" tanong ko kay ate Carol, bakit naman may maghahanap sa akin, tanong ko sa isip ko. "Kilala siya ni ma'am Grace, nag-usap pa nga sila kanina. Ang mabuti pa ay puntahan mo nalang sa opisina niya." sagot nito at iginiya ang kamay niya sa dereksyon ng opisina ni tita Grace . Pumunta naman na ako sa opisina ni Tita Grace. Kumatok muna ako at hinintay na papasukin ako sa loob. Nang marinig kong pwede na akong pumasok ay binuksan ko ang pinto at nakita ko itong busy sa computer niya.Nag-angat siya ng tingin sa akin at ng makita ako ay tinigil muna ang kanyang ginawa at tumayo. "Krissy you're here, set down. " bati nito sa akin at pinaupo ako sa visitors chair at umupo din ito sa harap ko. Mukhang seryoso ang kanyang sasabihin. "Tita, may sasabihin po sana ako, " panimula ko."ahm, magreresign na po sana ako. " pagpapatuloy ko. Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "I know Krissy, your dad actually came here kanina at hinanap ka. " nagulat naman ako, dad actually came here na never niyang ginawa before. "At tinanong niya kung bakit wala ka kanina eh iyon daw ang paalam mo sa kanya.At nang hindi ka niya mahanap ay sinabi niya sa akin na kailangan mo na daw magresign para makapagfucos ka sa pag-aaral mo." nakangiti niyang sabi habang pinisil ang kamay k9ng hawak niya. So that man na sinabi ni ate Carol na naghahanap sa akin kanina ay si dad. At nalaman niyang hindi ako pumasok kanina dito? Oh my, what I'm gonna do? Siguradong magagalit iyon. At iyong nangyari sa school sana ay hindi na makarating pa sa kanya. Sana lang hindi umuwi si Stephanie doon at kung ano-anu na naman ang sabihin niya kay dad. "Hey Krissy. " Tita Grace snapped her finger in front of me kaya napatingin ako sa kanya. Napakurapkurap naman ako at napatawa siya sa akin. "A-Ano po iyon Tita?" tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya at napailing-iling . "I said, it's ok you can resign na para naman makapag-fucos kana sa pag-aaral mo. And I know what's your statues with your dad." Yeah sino bang kalapit ng pamilya namin ang hindi alam ang nangyari sa family namin, at kung ano ang trato sa akin ni dad simula noon. " So I'm glad, what he did kanina? Coming here at hinanap ka pa at nakita kong nag-alala siya ng hindi ka makita. So I hope, magiging maayos na ang pakikitungo niya sayo. " pagpapatuloy nito. "And don't ever blame yourself again on what happen to your mom. I know it's not your fault kaya, stop blaming yourself anymore ok?" Dagdag niya hinaplos niya ang buhok ko at niyakap ako. Niyakap ko din siya at naramdaman ko umuyog ang kanyang balikat at suminghot-singhot pa. She's crying, kaya napaiayak na din ako. Humiwalay ito sa akin at pinunasan ang luha ko, natawa naman ito at nagpunas na din siya ng luha niya.Napatawa nalang din ako at niyakap siya ulit. "Thank you Tita, for always being there for me. Thank you for everything, you're like my second mom na din. Ikaw palagi ang nagbigay sa akin ng advices sa buhay na 'wag susuko. Kaya hindi ako sumuko and I'm still holding on kahit na sobrang sakit na at hirap na. At ito na nga, katulad ng sabi niyo po "if there's rain, there's always a rainbow" and it's just like our life. At katulad ni daddy ngayon, natatakot pa rin po ako. Baka kasi hindi totoo 'yong pinapakita ni dad, and I'm just hallucinating. Pero kayo na po ang nag sabi na babawi na si dad. Kaya I'm happy now, kahit medyo doubtful pa. I hope this is the beginning. "umiiyak kong lintanya sa kanya. I'm just thankful that I found a mother figure in Tita Grace. Simula kasi noong nawala si mommy. Palagi na siyang tumatawag sa akin at palaging kinukumusta. At isa din siya sa napapagsabihan ko ng problema. Niyakap ko siya ng mahigpit. "I'm so proud of you Krissy, thank you for not giving up. Thank you for holding on, always remember no matter what happened I'm always here, just call me and I'll be there." Pagkatapos ng madamdamin kung papaalam, eh magreresign lang naman ako. Para naman akong palayo nito. Napagpasyahan na din namin lumabas at ipaalam sa mga kasamahan ko. At iyon nga parang hindi na ako babalik, magkaiyakan pa kami. Natatawa na lang si kuya Jomel. Pagkatapos ng mahabang pagpaalam ko ay nagpaalam na din akong uuwi na at gusto ko na din na makita si nanay Linda. Well it's been three years since I last saw them. Noong pinaalis sila ni Tita Mildred sa mansyon. Nag-iiyak pa nga ako noon at nagmakaawa, lumuhod pa ako sa harap niya wag lang silang paalisin. Pero wala pa rin akong nagawa, wala si daddy noon at may business trip. Pero sabi ni Tita Mildred ay ipinagpaalam niya daw ang pagpapaalis sa mga katulong kay daddy. I cried a lot that time. Kasi ang tanging kakampi ko sa bahay ay umalis na din. Napahinga nalang ako ng malalim at nagsimula ng maghanap ng masasakyan. 7 na at madalang na ang sasakyan. Medyo mahirap talagang maka hanap ng masasakyan kapag gantong oras. "Let's go Krissy, I'll drop you off." napalingon naman ako at nakita ko si Tita Grace na binubuksan ang kanyang sasakyan. "Pero tita-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dapat ng lumapit ito sa akin at hinila ako papunta ng sasakyan. "Don't worry, papunta din ako kila ate" (Sam's mom) nagpapadala kasi ng cake. " Sumakay na kami at nakita kong may cake nga siyang dala. Pumayag nalang ako kaysa maghintay pa ako doon ng matagal. Umalis na kami at habang nasa b'yahe ay nagkwentuhan lang kami about sa past. Lalo na noong mga bata pa kami nila Sam. Kung naririnig lang ni Sam ang sinasabi ni Tita Grace ngayon siguradong magtatatakbo na naman iyon. Katulad nalang ng dati, kapag nagkakausap kaming tatlo ay ang kabataan namin ni Sam ang kinukwento ni Tita Grace, like our embracing moment. Napapatakip nalang ako sa mukha at tumatawa nalang din. "Thank you po sa paghatid tita." bumaba na ako ng sasakyan. " No worries, basta 'pag nagkatime kayo ni Sammy don't forget to visit me. "Sabi nito bago umalis. Tita Grace is still single, that's why she's that fond of me and Sam. I don't know her story well, but she said that she love once and she doesn't want anymore. Humarap na ako sa aming gate at binuksan ito. Pumasok na ako at napansin kong medyo maingay ng malapit na ako sa kusina. Napansin ko din na marami ang nakahandang pagkain sa mesa. Nagpatuloy ako sa kusina at tiningnan kung ano ang nangyayari doon. "Linda, do you think she will like this?" Tanong ng nakatalikod sa akin kay nanay Linda.May tiningnan sila sa Mesa. Napangiti naman ako. Nanay Linda really here! TBC...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD