"Ow, sorry to heard that,"
"Okay lang sanay naman ako, kaya para hindi mapahiya sila mama papa at Shee, Naglalage lang ako sa kagubatan pero may mga nakakilala naman sa akin dito iilang kapit bahay lang,"
"Ow, kaya pala parang kakaibang babae ka sa lahat,"
"Hehehe,"
"Ow siya hindi na rin ako magtatagal at aalis na ako, ito contact number ko incase mahanap muna si papa makontak moko agad" saad niya sabay abot ng maliit na papel.
"Okay sige, uhm," sabay buntong hininga. "O siya sige na baka ano pa isipin ng mga tao makakakita sayo," saad ko dahil baka may maka kita sa kanya ano pa ang isipin.
Hinatid ko siya sa palabas ng bahay papunta sasakyan niya, inantay ko siyang maka alis, umandar na ang sasakyan ay binuksan niya ang bintana ng sasakyan. "Thank you and good luck," pahabol niyang sabi.
Ngumiti at kinawayan kolang siya bilang ganti sa sinabi niya.
Nang maka layo na siya ay bumalik na ako sa loob ng bahay, sa kwarto na ako dumiritso dinala ko na rin ang mga gamit ko na galing ospital pag pasok ko ay agad ako umopo sa kama para makapagpahinga, habang naka upo ay tiningnan ko kung ano ang naka sulat sa papel na binigay ni Gab kanina, nakita ko numero at may nakasulat sa likod.
"Good luck, pag nahanap mo si daddy may limang million ka sa akin, bayad ko sa iyo." may kasamang pa hearth emojie pa sa dolo.
Kilala ko naman na ang taong hahanapin ko, pero mag e stay lang ako ng ilang araw dito sa bahay para hindi halata na ako pala ang ng kop-kop sa dady niya. Babad lang ako dito sa bahay or sa gubat mag iinsayo para hindi naman halata.
Lumipas ang isang linggo bahay, gubat. Bahay gubat lang ako para i handa ang aking sarili, dahil oras na para sa trabaho ko.
Nang handa na ako para sa mga gagawin kong hakbang ay nag impaki nako ng mga pagkain para sa popuntahan ko. Umalis na ako papuntang gubat tahimik naman ang daan walang mga tao kaya mas kampante akong nag lakad, ilang sandali lang narating ko ang kweba, pumasok nako at binoksan ko ang takip na bato at sinara ko agad pag ka pasok ko.
Nakita ko si Mr. Erick na mukhang mabuti na ang kanyang pakiramdam.
"O iha! salamat at naka pasyal ka," bungad niya aga sa akin.
"Ah... Mr Erick, pasinsya na at medjo natagalan ako mag punta dito."
"Okay lang iyan iha! binilin morin naman iyon saakin bago ka umalis,"
"Salamat sa pag intindi Mr. Erick, siya nga pala may kwento ako sayo." saad ko.
"Sige ba at makikinig ako sa kwento mo," sabi niya habang naka ngiti.
Agad ko sinimulan ang kwento ko sa kanya ang mga nang yari, "Mr. Erick ano kasi, uhm! narinig ko iyong anak mo tongkol sayo, hindi ko sinadya na marinig iyon, dahil sa kailangan ko rin ng pera ay bigla ko siya kina usap. Nag usap kami kung ano ang ng yare at bakit ka hinahanap, inalok ko rin siya na payagan niya ako na hanapin ka. Pero hindi niya ako tinanggap tinanggiha niya ako ng dalawang beses kaya gumawa ako ng paraan para mapapayag ko siya at iyon nga pumayag siya nag bigay siya ng picture mo at ng makita ko ikaw nga iyon. hindi ko muna sinabi sa kanya na kilala kita baka biro niya lang na kamag anak ka nya, kaya ng pa lipas ako ng isang linggo bago pomunta dito para hindi ako mapag hinalaan. Pasinsiya na po at mukha akong pera, kailangan ko lang talaga ng pera at diko namn alam na ikaw pala yong hinahanap nila, huli kuna alam ng naka pag deal na kami, sorry po talaga Mr. Erick," mahabang storya ko sa kanya.
"Okay lang iyon iha at naiintindihan kita, okay narin iyan at hindi ka ng sabi agad," sabi niya.
"Mr. Erick pwede mo ba sabihin sa akin anong pangalan ng anak nyong lalaki at itsura nito,"
"Gabriel Lou, matangkad matangos ilang medjo makapal ang kilay at hawig kami ng mata." paliwanag nito.
Nang ma confirm ko na hindi nga ng sisinungaling si Gab ay nakipag usap ako kay Mr. Erick kung ano ang plano namin.
"Ano na ang plano mo Mr. Erick," Tanong ko rito.
"Ikaw ano mas magandang plano," saad naman niya.
"Uhm, ipapaalam ko sa anak mo na nahanap na kita pero screto parin iyon. Dahil dito kalang muna mag tago hangang maging okay na lahat, minsan isasama ko anak mo dito para mag ka usap kayo," paliwanag ko.
"Bakit mo sasabihin sa anak ko pano kung meron makaka alam na iba,"
"Kailangan nilang malaman para gumaling na ang asawa mo, na admit kasi ang asawa mo dahil sinumpong ng sakit niya ng dahil sa stress ng pagkawala mo." paliwanag ko.
"Ganon ba, totoo ba iyan?" saad na habang malungkot ang reaction ng mukha niya.
"Ito," saad ko, sabay abot ng papel at balpen "Isulat mo diyan kung ano gusto mong sabihin saka nila, permahan muna rin para maniwala sila dahil hindi ako pwede araw-araw pomunta dito dahil dilikado baka ma sundan ako." saad ko.
Tomango naman si Mr. Erick bilang sa pag sang ayon sa sinabe ko. Kinuha niya ang apil agad naman sinulatan ito.
"Ito iha," saad niya sabay abut sa papel na sinulatan niya, ng abot din s'ya ng isang kwentas na may family picture sa pendant.
"Ayan ibigay mo sa anak ko para mas maniwala siya na buhay ako at nahanap mo"
"Sige ho Mr. Erick, basta hahatiran lang kita dito ng pagkain linggo linggo pagaling ka at sana wag ka maiinip na nandito kalang lagi basta ano man ang mangyari wag kang lumabas para sa ikakabuti mo naman ito,"
"Sige iha! maraming salamat talaga sa iyo,"
"Walang ano man iyong Mr. Erich wag ka mag alala simula ngayon nag ta-trabaho na ako sayo at sa anak mo, gagawin ko ang trabaho ko para sa kaligtasan mo."
Tumango at ngumiti lamang siya bilang pagsang ayon sa sinabe ko.
Nilisan ko na ang kweba, ni lagay ko na sa dibdib ang papel at ang kwentas na binalot ko sa papel para hindi malag-lag. Ilang minuto ang naka lipas ng makarating din ako sa bahay.
" Narating ko rin ang bahay," bulong ko sa hangin.
Dahil gabe narin naman naisipan kung bukas nalang ako dadalaw kila mama sa ospital. Nagpunta muna ako sa banyo para maligo, tinabi ko muna iyong papel na kinuha ko galing sa dibdib at nilapag ko sa lamesa bago tuluyang pumasok sa banyo, binoksan ko na ang tubig sa shower at naligo na, lumabas na ako sa banyo pagkatapos kung maligo. Dahil napagod ako ay agad ako naka tulog, bago iyon ay ni lagay ko sa ilalim ng unan ko ang sulat at ang kwentas para maka segurado na safety ito, ilang secondo ay naka tulog narin ako dahil sa sobrang pagod ko.
Nanaginip nanaman ako. "Nakikita ko na naman ang mga mukha na masasaya kahit hindi ko sila nakikita dahil malabo ang mga ito, pero ang saya-saya nila nagtatawanan, sigawan at sayawan, ilang sandali lang biglang naging itim na ang paligid nakikita ko silang imiiyak at sumisigaw ng hihingi ng tulong tinatawag rin nila ang pangalan ko pero hindi ko sila naririnig umiiyak narin ako dahil natatakot din ako dahil diko alam kung ano ang ng yayare sa paligid."
Bigla akong nagising ng naririnig ko ang aso na tumatahul kaya maingay ito."Wala naman kaming aso pero salamat narin dahil sa tahol nya ay nagising ako." bulong ko sa aking sarili.