"Itaas ang inyong kamay,"
Nagpa putok si Gab ng baril kaya agad kami tumakbo ni mang Erick, habang tumatakbo kami ay nakikipag palitan ng putok sa mga kalaban. Mga ilang oras din kaming nakipagsapalaran, nakita kung alanganin ang posisyon ni mang Erick, at may isang tao na nakatutok ang baril sa kanya kaya tumakbo ako papalapit dito. Nagpalitan kami ng putok, natamaan ko siya at natamaan niya ako sa gilid ng tiyan.
"Aray!" sabi ko habang natumba ako.
"May tama ka iha," habang hawak niya ako. " Anak atras" sigaw habang tawag niya sa anak niya.
Lumapit si Gab sa amin, "May tama ka okay kalang ba?"
"Oo okay lang ako," inalalayan nila akong dalawa, tumakbo kami papalayo sa mga kalaban namin. Papalayo kami sa kalaban hanggang sa wala na kaming ma takbohan dahil sa falls na kami na corner,
"Ano na gagawin natin anak,"
"Wala na tayong magagawa papa kundi tumalon,"
"Pero anak, ang taas taas ng talon na to,"
"Kaya mo bang tumalon?" tanong ni Gab sa akin. "Papa isa lang ang pupuntahan natin, mamatay o tatalon para mabuhay,"
Nakita kung nagpaputok ang kalaban ng baril at kay Gab ito tatama kaya sinalo ko ang bala. Natulak ko sila kaya sabay-sabay kaming nahulog sa talon.
Makalipas ang ilang araw.
Napanaginipan ko ulit ang palaging kung nakikita sa panaginip, malabo ang kanila itsura at walang boses na naririnig, bandang huli naging itim ang suot nila, nagkakagulo at tinatawag ang pangalan ko na walang besos, bandang huli ay tinamaan ako ng bala, kaya umiiyak at sumisigaw ako ng hihingi ng tulong.
"Flair gising, gumising ka," sabi ni Gab habang ginigising ako.
"Ano ng yari?" tanong ko rito.
"Nanaginip ka Flair," sabi niya.
Natulala lang ako dahil inaalala ko ang nasa panaginip ko.
"Okay kalang kaba?" tanong niya.
"Oo okay lang naman ako," aakma sana akong ba-bangon ng naramdaman kung may masakit sa tagiliran ko.
"Oh, dahan-dahan lang, hindi pa magaling ang sugat mo." saad niya.
Tiningnan ko ang naka bendrang tiyan ko, "Ilang araw akong tulog?"
"3 araw kang tulog,"
"Huh!, ang haba pala ng tulog ko,"
"Oo dalawang beses ka kasi nabaril,"
"Kumusta ang dadi mo?"
"Okay naman siya, nasa labas kausap niya mga tao sa nayon na ito.
"Saan pala tayo?"
"Sa bayan ng Sinang, malayo ito sa lugar natin,"
"Ganoon ba, hindi ba tayo na sundan rito?"
"Hindi naman, wag ka mag alala safe naman tayo rito,"
"Na kontak muna ba ang family mo" tanong ko rito.
"Oo, wag ka mag alala lumuwas ako ng bayan para ma kontak ko sila,"
"Mabuti naman kung ganon,"
"Sa pamilya mo sinabihan ko na sila Joel at Jerry na bantayan sila, wag ka mag alala saka nila,"
Tumango lang ako, " Uhm! "
"Magpahinga ka muna diyan, maya maya kakain na tayo,"
Iniwan na ako ni Gab, at lumabas na sa kwarto para mag asikaso sa mga ginagawa niya.
Nabagot ako sa loob kaya lumabas ako ng kwarto. Dahan-dahan akong bumangon at maglakad. Lumabas ako ng bahay at tinungo ang dagat, dapit hapon na iyon kaya masarap manood at makita ang tanawin. Maya-maya lang ay narinig akong may nagsalita sa likuran ko.
"Andito kalang pala, halika na at mag hapunan na tayo."
"Uhm!" sabay tango.
Nang makarating kami sa hapagkainan, "Kumusta iha," tanong ni mang Erick.
"Okay lang naman po!" sagot ko rito.
"Upo kana at makakain tatlong araw kang walang laman ang tiyan mo,"
"Oo nga po eh, nakaramdam narin ako ng gutom,"
Inalalayan ako ni Gab, para maka upo ng maayos. Sinandukan niya rin ako ng ulam at kanin.
"Siya nga pala Flair, siya pala si Mang Doming, Manang Ivey, at anak nilang si Jobert sila yung tumulong sa atin," paliwanag nito.
"Salamat po sa pag kup-kup ninyo sa amin," bati ko habang naka ngiti.
"Walang ano man iha," saad ni mang Doming.
"Kain ka ng marami iha, para mabilis kang gumaling," saad naman ni manang Ivey.
Masaya kaming nag ko kwentuhan habang kumakain. Nang matapos kaming kumain ay nakipag kwentoha ako kay manang Ivey dahil kami na lang dalawa ang naiwan sa kusina, habang ang mga lalaki ay nasa labas dahil mag iinuman sila.
Pumasok na ako sa kwarto para magpahinga, pinilit kung matulog pero hindi ako makatulog. Naisipan kung lumabas ng bahay at maglakad-lakad muna sa tabing dagat. Ninam-nam ko ang simoy ng preskong hangin, nang mapagud ako sa paglalakad ay naisipan kung umupo sa gilid ng dalampasigan.
"Sana okay lang sila mama, papa, at Shee, sana hindi sila mag-aalala sa akin. Sana hindi sila mag isip ng ano-ano para hindi na ma dagdagan pa ang iisipan nila, para hindi sila ma stress lalo, kung sa pera naman wala na silang iisipin dahil sobra-sobra naman ang iniwan kung pera sapat naman iyon sa ilang buwan nila sa ospital." bulong ko sa hangin.
"Kumusta ka?" tanong ni Gab, sabay sinoot niya ang jacket niya sa akin.
Nilingon ko ito, "Salamat, okay lang naman ako pero marami pumapasok sa isip ko."
"Ano ba iyan, handa akong makinig," saad nito, at tumabi siya ng upo sa tabi ko.
"Gusto ko maka usap sila papa, dahil gusto kung ilipat sila sa ibang lugar para sa kaligtasan nila," paliwanag ko rito.
"Naisip ko rin iyan, sila mommy gusto ko rin ilagay ko sila sa lugar na wala kapahamakan,"
"Pwede ko sila ihatid sa ibang bansa, para hindi sila mag alala pati si daddy mo, para magkakasama na sila,"
"Good plan, matagal ko na iyan plano pero wala akong mahanap na katulad mo, payag ako sa ano ang plano mo,"
"Gusto ko umuwi muna ako sa amin, habang kayo dito muna, ipa handa mo nalang ang mga documents namin, sasabihin ko nalang sayo kung kailan kami aalis, kailangan ko unahin ang pamilya ko, baka pagsisihan ko sa uli,"
"Okay deal,"
Ngumiti ako bilang pagsang ayon sa sinabi niya. Sinandal ko ang ulo ko braso niya. Naaamoy ko ang amoy alak na hininga niya. "Kahit amoy alak siya masarap parin siyang yakapin, pero hanggang dito lang ang pwede kung gawin dahil siya pa rin ang boss ko," bulong ko sa aking isipan habang naka ngiti.
Humikab ako at naramdaman iyon ni Gab, "Tara na sa bahay, para makapag pahinga ka na"
"Sige tayo na antok na rin ako," inaalalayan niya ako pababa sa papag na upuan.
Inaalalayan niya ako hangang papasok sa Kwarto hanggang sa pag higa ko anjan parin siya naka alalay sa akin.
Nagulat ako ng naglatag siya ng banig sa tabi ng papag na higaan ko."Sigurado kaba na diyan ka matutulog?" tanong ko rito.
"Gulat kaba na kaya kung matulog ng ganito?" sabi niya na may tunong pagmamayabang.
"Oo eh, hindi ako makapaniwala na kaya mo matulog sa hindi malambot na higaan,"
"Sa trabaho namin kailangan namin masanay sa ganitong set up, para pag dumating ang ganitong setwasyon hindi kami mahirapan mag adjust ng sitwasyon," paliwanag niya.
"I see, napahanga mo ako ngayon,"
"Sige na matulog kana para mabilis kang gumaling at maghilom ang mga sugat mo,"
"Okay, good night,"
"Good night too,"
Kinabukasan ay nagising ako dahil naamoy ko ang mabangong ulam na itlog at tuyong dilis. Pag tingin ko sa paligid ay wala na si Gab, "Mabuti naman ang mas nauna pa siyang magising sa akin ang alam ko pag mayayaman eh tanghali na nagigising," bulong ko sa hangin.