UNKNOWN IDENTITY 2

1211 Words
"Siya nga pala Iha, kung okay lang sayo alokin kita ng trabaho," pag iiba niya ng usapan. "Anong trabaho naman iyan po?" "Bilang isang agent pero di ka nila makikilala na nagtatrabaho ka para sa kaligtasan mo ito at sa pamilya morin," saad nito. "Pag isipan ko ho muna" "Sige iha, ito calling card ko tawagan mo ako kung nakapag desisyon kana." sabay abot ng maliit na papel. Kinuha ko ang inabot nyang maliit na papel tiningnan ko ang nakasulat ay "Agent Charlie lismag Trinity Agent Agency Corp kasama nomero ng kanyang telepono.'' "Sige ho, Salamat sa alok ninyo," "Salamat din iha at aalis narin ako, peru ang ganda ng lugar mo dito ah, pahabol niyang sabe." Tumango lang ako bilang pagsang ayon sa sinabi niya bilang pasasalamat narin sa nangyari kanina. Habang papunta ako sa sapa para mag-igib ng maiinom na tubig peru bago iyon ay dumaan muna ako sa kweba na secretong lugar ko iyon, sinadya ko iyon gawin para pahingahan ko may takip din iyon para hindi halata na may kweba sa lugar naiyon. Nagulat ako ng may tao akong nakita bago makapasok sa kweba. Bigla ako tumakbo at tinanong ko ito kung okay lang ba siya dahil sugatan ito. namumutla siya nag makita ako ang kanyang mukha, "Dahil sa dami na seguro ng dugo nawala sa kanya" sa isip ko. Nakita kung may tali ang kanyang mga sugat kaya na kampanti ako na hindi gaano karami ang dugong nawala sa kanya. Basi sa mga nakikita ko sa dugo niya ay may mga itim na ang iba, na ibig sabihin ay mga ilang araw na ang sugat niya kaya dali-dali ko siya inalalayan para mabuhat ko, wala itong malay pero nararamdaman kong buhay pa sya kaya agad ko naman siya pinasok sa kweba, pina higa ko ito at dahan-dahan tinangalan ng mga benda at nilinisan ko ang mga sugat niya. Komplito naman ang gamit ko sa loob ng kweba dahil inayos ko iyon na parang bahay at ni lagyan ko ng mga gamit pang emergency ket, may higaan at pagkain may inumin din galing sa balon. Nang matapos ko na siyang nilinisan ay sinamahan ko muna siya hanggang sa magising ito. Napansin ko na gumalaw ito. "Mabuti at gising kana." saad ko. "Iha nasaan ako?" tanong nito. "Andito ka sa safe na lugar kaya wag kang matakot," "Bakit parang kweba ito Iha?" "Ai opo, nakita kita diyan sa labas walang malay. kinakausap pa kita sa akala ko eh gising ka, dahil hindi ka nagsasalita at nakita ko marumi ka dahil sa mga dugo isa pa namomotla ka kaya agad kita pinasok dito" paliwanag ko. Aakma sana siyang babangon pero di siya maka kilos dahil sa natamo niyang sugat sa gilid ng tiyan at braso kaya inalalayan ko itong maka upo. "Mag pahinga ka po muna at pagaling kumain kana rin nilotoan na kita. maya maya ay uuwi narin ako dahil mag gagabi na hahanapin na ako nila mama at papa pag gabi na ako masyado maka uwe, siya nga pala habang ng papagaling ka dito ka muna dadalawij nalang kita pag may oras ako makapunta dito," " Iha, maraming salamat sa iyo talaga." " Walang ano man po! Basta mag pagaling ka dahil segurado ako marami ang naghahanap saiyo ngayon."saad ko rito. "Maraming salamat sa kabutihan mo iha, pagpalain ka ng maykapal" Ngumiti lang ako bilang sang ayon sa sinabi niya. Tumayo narin ako at inabot sa kanya ang pagkain, pagka abot ko ay tumalikod at tinungo ang labasan ng kweba. Nag masid-masid muna ako sa paligid kung may tao o wala bago ako lumabas ng tuluyan. Pomunta parin ako sa sa batis para mag igib ng tubig dahil iyon naman sana ang gagawin ko kung hindi ko nakita ang mama na iyon at mabuti narin ito para kung may tao man na maka kita sa akin ay hindi maghihinala na may ginawa ako. Nang matapos ako sa pag igib ng tubig ay tinahak ko na ang daan pauwi sa bahay. Makalipas ang oras ay nakarating na ako sa bahay, pagpasok ko ay napansin kung tahimik ang paligid, pinuntahan ko ang kusina pero walang tao, hindi ko nakita sila Shee, papa at mama pero nakita ko ang isang papel nasa Lamesa na may sulat. "Iha, Anak pupunta kami sa hospital dahil si mama Bebe mo ay sinugot sa ospital dahil bigla siya hinimatay hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya isinogod ko siya agad sa hospital kung mabasa mo itong sulat mag punta ka agad." Dahil nataranta din ako sa nangyari ay nag panic ako, agad ako ng bihis at umalis ng bahay tumuluto ang luha ko dahil sa kakaisip kung ano na nangyari kay mama Bebe kung okay lang ba siya or baka wala na sya. pag naiisip ko ang wala na siya ay bigla tomotolo ang mga luha ko. Iniwan ko ang bike sa kanto ng papasok sa aming bukid safety namang iwanan doon dahil may luck at kahit sino pwede mag iwan ng bike dahil pang public use naman ito. Pumara ako ng trike ng may nakita akong paparating, habang nasa trike ako ay umiiyak parin ako. ilang minuto ay nakarating rin ako sa public hospital, agad ko tinongo ang information desk para magtanong kung may pangalan ni mama doon na naka confine, Nanlambot ako ng sabi ng nars na wala daw naka confine na Bebe Lipis kaya mas lalo ako hindi mapakali kung saan na sila, Mabuti na lang nag bigay ng konting impormasyon ang nars. "Mam! baka pwede mo hanapin diyaj sa pangatlong kanto, may mga pasyenti diyan na hindi pa naasikaso dahil sa walang pang pera pa kaya di pa sila na lilipat sa ward room kaya stambay muna sila diyan." "Sige ho Nars salamat po," Na bigyan ako ng pag asa na baka andoon sila mama, kaya agad ako umalis at tinungo kung sana ang sinabi ng nars sa akin. Hinanap ko agad sila inisa isa ko ang bawat higaan na nakikita ko pero hindi ko parin mahanap sila mama na ubos ko na ang lahat na higaan sa pag iikot doon hindi ko pa rin sila makita. Lumabas ako ng hospital na umiiyak dahil hindi ko nakita sila mama. Sasakay na sana ako ng trike na nakapila para maghanap sa ibang hospital ng may biglang tumawag sa pangalan ko, agad ko ito nilingon at nakita ko si Shee ang tumatawag sa akin. "Ate Flair! Ate Flair saan ka pupunta?" Tawag nito sa akin. Agad ko siya ni yakap ng makalapit siya sa akin. "Shee, mabuti at nakita mo ako," sabi ko sabay hagolhol ng pag iyak. "Nakita ko kasi, bakit ka sasakay ng trike, saan pala ang punta mo?" Tanong nito na may halong pagtatampo. "Hindi ko mahanap sila mama at papa nag tanong ako sa information desk wala daw pangalan ni mama dito," "Ate, waiting na kami para sa operation ni mama yong down nalang ang kulang para ma operahan na siya." "Saan kayo kumuha ng pang down?" "Mamang driver salamat ho, pasensya na sa distorbo pero andito na kasi kapatid ko hindi nako aalis salamat po," baling ko sa trike driver ng mapag tanto ko na may tao pala akong pinag aantay. Inabutan ko karin siya ng pamasahe para hindi sayang ang pag aantay niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD