Mandy POV MAGANDA ang gising ko. Bukod sa dahil ilang months na ang nakaraan mula nang maging Mrs. Abellano na ako officially ay hindi pa rin nagbabago ang treatment sa akin ni James. Consistent pa din ang pagiging sweet niya at pagpaparamdam na mahal niya ako. It's just amazing. Ngayon ay kabuwanan ko na. Ang bigat na nga ng tiyan ko. Anytime ay manganganak na ako kaya nga laging nasa bulsa ng dress ko ang emergency button. Kung saan kapag pinindot ko ay automatic na magri-ring ang phone ni James. Dito kami ngayon naka-stay sa mansyon namin. There's no one here. Yung kapatid kong si Chelsea, syempre may sarili silang mansyon. Si Papa naman busy sa business. Kaya wala na din halos maiiwan dito sa mansyon. Noong una ay ayaw ni James, kasi nagmumukha daw na parang ako pa iyong nagpatira

