Mandy POV HUMINGA ako ng malalim. Kahit anong pigil ko ay naluluha talaga ako. My gosh, masisira ang make up ko! Ganito yata talaga kapag buntis e, nagiging emotional. Pero kasi naman, paano akong hindi maiiyak? Today is my wedding day. I can't wait to be Mrs. Abellano. "Sis, ang ganda ganda mo. I'm sure, luluwa ang nata ni James kapag nakita ka na niyang naglalakad sa aisle." Chelsea said. Narito pa kami sa may room sa hotel. Kakatapos lang akong ayusan at bihisan ng aking mini gown. "Thank you, sis. Nakakakaba. Feeling ko may mangyayari pa ring hindi maganda. Para kasing ang daming hadlang sa amin ni James. Ang daming nangyari." "Think positive lang lagi, sis. Ramdam naman kita e. Hindi ba't ang dami din naming pinagdaan noon ni Kyle bago kami nakasal. Look at us now, no more pain.

