Mandy POV MASAYA akong nakamasid kay James habang nagluluto ng breakfast namin. Tatlong araw na ang lumipas mula nang mai-rescue niya ako mula sa mga kamay ni Thunder. Speaking of Thunder, nasa kulungan na siya ngayon at sinigurado kong hindi siya makakalabas doon. Noong pinuntahan namin siya, he asked for forgiveness. Mahirap magpatawad but I know, soon. Mapapatawad ko rin siya sa nagawa niya sa akin. Inamin din niya sa akin na walang nangyari sa amin noong gabing iyon at dahil doon mas nakahinga ako ng maluwag. He deserves it. Though, I will always be thankful for him for saving my life. About my memories, naaalala ko na ang lahat. Kahapon ay galing din kami ni James sa doctor para ipa-check-up ako at may mga niresetang gamot para sa akin. Dumaan na rin kami sa OBgyne ko at pinacheck-

