Mandy POV HINDI maalis ang panginginig ng mga kamay ko habang hinihintay si James dito sa isang coffee shop kung saan ko sinabing magkikita kami. Huminga ako ng malalim saka ininom ang frappe ko para mabawasan ang kaba sa dibdib ko. Mariin akong pumikit saka umiling. Sa tuwing pumipikit ako, naaalala ko ang nangyari sa amin ni Thunder. And I can't accept that. I can't. "Mandy." Napalunok ako nang marinig ang boses niya. Itinago ko sa ilalim ng mesa ang mga kamay ko at ikinuyom iyon. "J-James..." He smiled at me and sat on the chair in front of me. He looks good. Pilit ko pa ring pinapakalma ang sarili ko. Where is my confidence? Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Are you okay? Namumutla ka. May sakit ka ba?" I bit my lower lip. I sipped my frappe saka ngumiti sa kaniy

