Mandy POV Hindi ko maialis ang ngiti sa labi ko habang pinapanood ang kambal—mga pamangkin ko. Ang kulit nilang dalawa at mahilig daw talaga silang mag-debate. Five years old pa lamang sila pero napaka-bibo na nila. Just by looking at them made me feel calm. Tama si James. Dapat talaga ay noon pa, pinupunta-puntahan ko na ang kapatid ko at makipaglaro sa mga pamangkin ko. “Isusumbong talaga kita kay Dad. Lagi mo nalang akong hindi pinapahiram ng books mo na may animals e.” Sabi ni Chylee. “Kaya kita hindi pinapahiram dahil alam kong gugupitin mo lang ang mga animals sa libro tapos pinapalangoy mo sa tubig. As if they’re alive!” sagot naman ni Skyler. They are twins. Of course, they looked super alike. Ang pinagkaiba lang nila, si Chylee ay babae at si Skyler ay lalaki. Kamukhang kamukh

