Mandy POV NAKANGITI ako habang pinagmamasdan si James na nagluluto ng dinner namin. Yes, nagluluto siya ng dinner namin dahil magkasama na kami ngayon sa condo unit niya. It's been three days at masasabi kong masarap sa feeling ang tumira sa iisang bubong kasama si James. He's caring and thoughtful. Naipaparamdam niya sa akin na mahal niya talaga ako at lalo kong nararamdamanh siya ang lalaking minamahal ko---siya ang tinitibok ng puso ko. Hindi pa man malinaw ang lahat sa alala ko, ramdam ko na. Ramdam kong siya ang lalaking makakatulong sa akin para malinawan na ako sa lahat ng bagay na may kinalaman sa akin. "Staring ia rude." Nakangiting sabi niya habang hawak ang frying pan. Ngayon ko lang na-realize na napaka-hot niya ngayon. He's only wearing his black sando saka pinatungan ng

