Mandy POV Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung paano ako kikilos. Paano ba naman, narito ang sa condo ng James Abellano na 'yan. Ano bang alam ko dito sa unit niya? Sabi niya dito daw kami nagka-aminan no'ng na-fall na kami sa isa't isa. Parang 'di naman ako makapaniwala. Hindi ko naman kasi maalala ang lugar na ito. "May naaalala ka ba? Kahit kaunti? Familiar ba ang lugar na ito sa iyo?" tanong ni James sa akin. Naiinis pa din ako sa kaniya dahil doon sa Ynna-morata na iyon. Psh. Pero ibinalik ko na kay James ang cellphone niya. Naiinis din ako sa kaniya dahil kahit ayokong magtiwala sa kaniya ay napapayag pa rin niya akong sumama sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam kung anong klaseng tao talaga siya. Pero kahit gano'n, iba 'yung pakiramdam ko, e. Umiling

