Mandy POV Tatlong araw na ang lumipas mula nang manggaling ako sa condo unit ni James Abellano.. tatlong araw ko na ring iniisip 'yung mga sinabi niya sa akin--tungkol sa nangyari sa akin at tungkol sa relasyon naming dalawa. Do I really love that guy? Nang araw na iyon ay parang nawala o nabawasan ang confusion at galit na nararamdaman ko sa lalaking iyon. Hindi sa naniniwala agad ako sa kaniya. I shouldn't trust him that fast, but he's sincere. I saw it.. clearly. "I am going." Nagpaalam si Thunder na kailangan niyang pumunta sa clinic niya. Hindi naman niya talaga ako dapat masyadong bantayan. I'm an adult and I can manage myself. Hindi ako bata para oras oras na bantayan niya. Alam kong nag-aalala lang siya sa akin and all this time, siya ang nasa tabi ko, pero it's already time t

