bc

His Midnight Toy

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
forbidden
love-triangle
family
HE
escape while being pregnant
age gap
fated
opposites attract
friends to lovers
playboy
badboy
powerful
heir/heiress
drama
sweet
bxg
kicking
bold
office/work place
secrets
addiction
assistant
actor
like
intro-logo
Blurb

"Sweet Darling is now live!"

Iyan ang pinakapaboritong notification ni Czar, adik na adik kasi siya sa isang sexy na live stream hostess na ang pangalan sa site ay Darling. Tuwing madaling araw o gabi lamang ito active, at lagi siyang gumagastos ng malaki rito para lang tawagin siya nitong "Daddy Darling".

Sa kabilang banda ng kamera ay isang babaeng nagngangalang Sasha, ang Manang, pangit, at hindi pansining nurse sa Hospital kung saan nagta-trabaho si Czar bilang pinakabata at henyong chief surgeon.

Pinaka-iinisan ni Sasha si Czar dahil lagi itong masungit. Hindi niya alam na ito pala ang tinatawang niyang Daddy Darling na maghuhulog ng malaking pera sa kaniya tuwing nagli-live stream siya.

Ano kayang mangyayari kapag nalaman ni Sasha na ang malamig na lalaki na walang awang pumupuna sa kaniya araw araw ay ang lalaking pinakagalante at pinaka-adik sa kaniya tuwing gabi?

Ano rin kaya ang magiging reaksyon ni Czar kapag nalaman niyang si Sasha ay si Sweet Darling? O baka naman alam na niyang si Sasha ang babaeng iyon?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : Sweet Darling
Gumising ka na ba isang araw at masasabi mo na lang na malas ka? Swerte mo, isang araw lang. Ako kasi, halos araw araw, sa tanang ng buhay ko. Lumaki ako sa hirap. Isang araw lang kami kung kumain, swerte na kung maka-dalawa pa. Ang Tatay ko, nakulong. Ang Nanay ko ko, nalulong sa bisyo. Alak at sugal. At ang mga kapatid ko? Limang puslit pa. Mga bata pa at hindi ako kayang tulungan para bayaran ang utang ng pamilya namin sa maraming tao. Lalo na Mr. Generous na pinagkaka-utangan ng Nanay ko. Sinong ta-nga ba kasi si Mr. Generous? Lubog na lubog na nga sa utang ang Nanay ko, lagi pa niya itong pinapa-utang. Na para bang hindi niya alam na hindi kayang bayaran ng Nanay ko lahat ng pinapahiram niya. Baka isang araw, malaman ko na lang na nakakulong na ang Nanay ko dahil sa laki ng utang niya. Libo? Hindi eh. . . Milyon na. And there's nothing I can do about it. Nanghina na lang ako nang nalaman ko. Umuwi ako sa bahay na wala na ang TV at Refrigerator na pinaghirapan ko. Umiiyak ang mga kapatid ko. May pasa sa mukha si Nanay. Inamin niya sa akin lahat lahat. . . Parang ang sarap na lang. . . mamatay. Pero kawawa kasi ang mga kapatid ko. Punyeta. That was three years ago. Nurse na ako ngayon. Mabuti na lang matalino ako. Scholar ako ng bayan. Tapos lahat ng mga nag-aalok ng scholarship pinasukan ko. Sa mayor namin, sa Ched, sa ASA-ng pinagkaka-utangan ni Nanay, kay Gov. . Lahat lahat. Lucky me, I graduate. Wala nga lang latin honor, pero at least 'di ba? Nag-self review lang din ako at. . . tang ina, nakapasa. Sarah Samantha Gallego, RN. Mag-dadalawang taon na ako sa Hospital na pinagtatrabahuan ko bilang Nurse. Pero hindi natapos ang kamalasan ko sa buhay. Parang pinatikman lang ako ng kaunting ginhawa dahil ilang buwan lang nang magsimula ako rito sa hospital, dumaragsa ang malas ko. Ang malala, galing lang sa iisang tao. “He’s here,” bulong ni Melai, ang kasamahan kong nurse, habang mabilis na inaayos ang kaniyang cap at pilit na itinatago ang ilang hibla ng buhok. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino ang tinutukoy niya. Ang bigat ng atmospera sa Surgical Ward ay sapat na para sabihing dumating na ang ‘Kamatayan’, o mas kilala sa tawag na Dr. Czar Zephyr Aldeguere. Sa edad na bente-otso, siya na ang Chief Surgeon ng Aldeguere Medical Center. Isang henyo, sabi nila. Isang prodigy na may gintong mga kamay. Ewan ko. Mabait naman siya sa iba. Maayos siya makipag-usap, istrikto oo, pero maayos naman. Pero pagdating sa akin? Para siyang may malaking galit dahil palagi niya akong nakikita, lahat lahat. Lagi siyang naghahanap ng mali ko na pwede niyang laitin, punahin. Gano'n. Para sa akin, siya si Dr. Mons, short for doktor demonyo. Siya ay isang halimaw na walang puso. Inayos ko ang suot kong salamin na kanina pa dumudulas sa ilong ko dahil sa pawis. Inayos ko rin ang maluwag kong scrub suit na tila ba hiningi ko lang sa mas malaking tao. Alam ko ang tingin nila sa akin dito, si Sasha, ang pobreng ‘Nerd’ ng Ward 4. Walang kolorete sa mukha, nakapusod ng magulo ang buhok na kulot at laging nakayuko. Malayo pa lang ay rinig na rinig na namin ang tunog ng kaniyang mamahaling sapatos. At hindi nagtagal ay tumigil mismo sa harap ng aming station. Ramdam ko ang lamig na nagmumula sa kaniyang presensya. Tumingala ako, at doon tumama ang paningin ko sa kaniyang mga mata. Gwapo si Doc. Czar, hindi iyon maikakaila. Ang kaniyang panga ay tila nililok mula sa marmol, ang kaniyang ilong ay matangos, at ang kaniyang mga labi ay manipis at laging nakatikom sa isang seryosong linya. Pero ang kagwapuhang iyon ay balot ng yelo. “Nurse Gallego,” tawag niya sa malamig na boses. Ni hindi man lang siya gumamit ng ‘Ms.’ o anumang paggalang. “Yes, Doc?” sagot ko, sinisiguradong hindi nanginginig ang boses ko. Ibinagsak niya ang chart ng pasyente sa counter. Ang lakas ng tunog niyon ay naging sanhi ng pagtalon ng puso ko. “I specifically ordered a 0.5mg dosage of Epinephrine for the patient in Room 302. Why is the recorded intake 0.75mg? Are you trying to kill my patient or are you just naturally incompetent?” Uminit ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Hinarap ko ang chart at binasa ang entry. “Doc, I followed the chart. The resident doctor on duty earlier changed the order because the patient showed signs of—” “I don’t care about the resident,” putol niya sa akin. Humakbang siya nang mas malapit, dahilan para maamoy ko ang kaniyang mamahaling pabango na humahalo sa amoy ng alcohol. Napalunok ako dahil sa kaba. Punytena. Ayan na. “I am the Chief Surgeon. My word is the law in this department. Kung hindi mo kayang intindihin ang simpleng hierarchy, baka mas bagay ka sa cafeteria kaysa sa loob ng isang ward kung saan buhay ang nakasalalay.” “Sir, with all due respect, the patient was crashing at 4:00 AM. You weren’t answering your phone,” depensa ko, kahit na alam kong mas lalo lang siyang magagalit. Tumahimik ang buong paligid. Ang mga intern na nakasunod sa kaniya ay tila nahigit ang hininga dahil sa pag-sagot ko. Syempre, kahit naman lagi niya akong pinupuna, kung alam kong tama ako, magsasalita ako. Tinitigan ako ni Czar nang matagal. Ang kaniyang mga mata ay tila binabasa ang bawat hibla ng pagkatao ko, mula sa makapal kong salamin hanggang sa sapatos kong luma na. “If I don’t answer my phone, it’s because I trust my staff to follow my original protocols, not to play God,” sabi niya sa boses na mas nakakatakot kaysa sa sigaw. “Nurse Gallego, look at yourself. You look as messy as your reports. Your incompetence is a reflection of your lack of discipline. Do you think this hospital is a charity ward where you can just wing it?” Kasalanan ko bang mahirap ako at wala akong pambili ng magandang gamit? Napuno ng galit ang dib-dib ko pero pinigilan kong magsalita ulit dahil kung gagawin ko iyon, hahanap na naman siya ng iba niyang pupunahin. Masakit. Araw-araw, ito ang laging eksena. Kahit gaano ako kabilis kumilos, kahit ako ang pinaka-masipag sa ward, laging may mali sa paningin niya. Para sa kaniya, isa lang akong nurse na walang alam kundi magkamali. “I’m sorry, Doc. It won’t happen again,” iyon na lang ang nasabi ko habang nakayuko. “Make sure it won’t. Because the next time I see a discrepancy in my charts, I’ll personally make sure your license gets revoked. Do you understand?” “Yes, Doc.” Ano? Revoked kaagad?! Hindi na siya sumagot at muling naglakad paalis, kasunod ang kaniyang mga buntot na intern. Nang mawala na siya sa paningin namin, doon lang nakahinga nang maluwag si Melai. “Grabe talaga ‘yang si Dr. Aldeguer. Napaka-perfectionist! Akala mo naman hindi tao ang kausap,” reklamo ni Melai habang hinahawakan ang dib-dib niya. “Ayos ka lang, Sasha? Pinahiya ka na naman niya sa harap ng lahat.” Umismir ako. Araw araw naman. Nothing's new. Pilit akong ngumiti at inayos muli ang salamin ko. “Sanay na ako, Mel. Hayaan mo na, baka kulang lang sa tulog.” “Kulang sa tulog o kulang sa pag-ibig?” biro ni Melai. “Sayang talaga siya. Ang talino, ang yaman, ang gwapo... pero ang ugali, daig pa ang pinagsamang bagyo at lindol. Hindi ko alam kung may babaeng makakatagal sa kaniya.” Hindi ako sumagot. Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga gamot. Sa loob ko, kumukulo ang dugo ko. Kung alam lang ni Dr. Czar Zephyr Aldeguer kung gaano ko gustong isampal sa kaniya ang lahat ng gamot dito sa ward. Akala mo kung sinong perpekto. Akala mo kung sinong hindi nagkakamali. "Kainis." bulong ko. Ang buong maghapon ko ay naging isang mahabang bangungot. Tuwing dadaan si Czar, laging may napupuna. Minsan ay ang paraan ng pagkakabit ko ng IV line, minsan naman ay ang ayos ng mga bedsheets. Tila ba may radar siya sa lahat ng bagay na may kinalaman sa akin. Lalo na sa mga kahit kaunting mali na nagagawa ko. “Nurse Gallego, clean the equipment in the OR 2. Now.” “Nurse Gallego, the patient in 305 needs a catheter. Do it properly, don’t be clumsy.” “Nurse Gallego, are you sleeping while standing? Get me the lab results of Mr. Gomez!” Bawat utos niya ay parang latay sa balat ko. Pagdating ng alas-syete ng gabi, pakiramdam ko ay tatlong marathon na ang tinakbo ko. Ang likod ko ay sumasakit na, at ang mga paa ko ay tila sasabog na sa loob ng rubber shoes ko. Pagod na pagod ako. Nasa locker room ako ngayon, nanghihinang nakaupo dahil kailangan ko ng pahinga bago ako umalis. Sasabak pa kasi ako sa commute. At habang naroon sa locker kasama ng ibang nurse na tapos na ang shift at nagbibihis na, biglang pumasok si Nurse Joy, ang pinaka-chismosa sa ward. “Hoy, narinig niyo ba?” excited na sabi ni Joy. “Si Dr. Aldeguer, may bago na namang dinecline na dinner invitation mula sa anak ng isa sa share holder ng hospital. Sabi niya, he’s too busy for ‘nonsense socializing.’” “Sus, hindi na bago ‘yan,” sagot ng isa pang nurse. “Wala naman yata talagang hilig sa babae ‘yan si Doc. Masyadong in-love sa trabaho niya.” “O baka naman may ibang pinagkakaabalahan tuwing gabi?” dagdag ni Joy sabay kindat ng nakakaloko. “Alam niyo naman ang mga elite, may mga secret hobbies ‘yan.” Napailing na lang ako habang isinusukbit ang luma kong backpack. Secret hobbies? Ang katulad ni Czar Zephyr Aldeguer? Malamang ang hobby niyon ay magbasa ng medical journals o kaya ay maghasa ng mga surgical tools habang tumatawa nang masama. Napailing ako sa sarili kong iniisip. Lumabas ako ng hospital nang pagod na pagod. Ang hangin sa labas ay malamig, isang paalala na tapos na ang shift ko sa impyerno. Naglakad ako patungo sa sakayan ng jeep. Dahil tapos na ang rush hour, hindi na traffic. Pero. . . wala ng mga pasahero, kaya kahit nakasakay na ako sa jeep, hindi pa ito naandar dahil maghihintay pa ng ilang sasakay. Habang nakaupo sa loob, napatingin ako sa aking mga kamay. Magaspang ito dahil sa madalas na paggamit ng hand sanitizer at alcohol. Ang mga kuko ko ay maikli at walang kulay. Ang nurse uniform ko, second hand lang. Maputi pa naman ito last year pero nagluluma na. Dapat nga ay bibili na ako ng bago pero syempre, may dapat akong unahin. Ipinapadala ko sa pamilya ko ang sweldo ko at nag-iiwan ako ng sapat para pang-bayad ng apartment ko, pangkain ko, at araw araw na pamasahe ko. I felt so drained. Ganoon lagi ang drama ko. Pagod at haggard na umuuwi sa apartment ko. Sinasalubong lang ako ng dilim at gutom pagkaka-uwi ko. Sa ospital, ako si Sasha, ang nurse na walang kwenta sa paningin ng iba. Nerd ang lifestyle ko. Pero sa mundo ng internet, ako ang reyna. Pagkadating ay nahiga ako sa matigas na upuan. Ayaw ko kasing humihiga sa kama kapag hindi pa nakaligo at galing sa trabaho. Di ko naman namalayang napaidlip na pala ako. Anong oras na nang magising ako. May pagkain pa sa fridge kaya iniinit na lang ko iyon, kapagkuwan ay kumain habang nakatulala lang sa kawalan. Sasabihin ng mga kakilala ko, ang boring ng buhay ko. Sa isip kasi nila, umiikot lang ang buhay ko sa pagiging Nurse. Iyan ang madalas na kumento ng ibang nakikilala ko, o iyong mga nurses sa Hospital. Plain and boring. Iniligpot ko ang pinagkainan ko. Hinubad ko ang maluwag kong scrub suit at hinayaan itong mahulog sa sahig. Tinanggal ko ang salamin ko at hinayaan kong bumagsak ang mahaba at kulot kong buhok na kanina pa nakakulong sa pusod. Pumasok na ako sa CR. Habang nasa shower, iniisip ko kasi kung kailan ba dadating ang parcel na inorder ko sa online shop. Napangiti ako habang bumabagsak sa katawan ko ang malamig na tubig. Kung meron man siyang masasagot sa mga taong nagsasabing boring ang buhay niya, well. . . You really can't judge a book by its cover. Tinuyo ko ang kulot kong buhok at hinubad ang tuwalya sa aking katawan. Pinagmasdan ko ang sarili ko habang nasa harapan ng salamin. Walang saplot. There's a fine line tattoo on my left hip. It's just a semicolon, a small reminder of my past. And a phoenix tatto on my back. Wala pang ibang nakakakita no'n maliban sa naglagay no'n sa akin. Natigilan ako. Mga tao sa personal, hindi pa nila nakikita. Pero ang mga tao sa internet, nakita nila. Lahat lahat sa akin. Binuksan ko na ang aking aparador. Inilabas ko ang isang kulay pulang lingerie. Halos kalahating oras kong inayos ang sarili. Pagbukas ko pa lang sa messaging app, pumasok agad ang sunod-sunod na messages. "Are you still up?" Napangiti ako. Naku, mukhang maraming nakamiss sa akin. Pinatay niya ang bedside lamp ko at binuhay ang LED lights na naka-install sa kwarto ko. Ilang saglit pa ay kompleto na ang kanyang set-up. Inihanda ko na ang ngiti sa harap ng camera. Kita ko ang mahaba at alon-alon niyang buhok. I am glowing in my make-up and I just look like a different person. But there's something missing. Yeah, it's my mask. The red lace cat eye mask. Ready. Dinampot ko ang cat eye mask ko at isinuot. Time for the show. Tulad sa trabaho ko sa umaga hanggang gabi, may sinusunod din akong oras sa ginagawa ko sa gabi hanggang madaling araw. Hindi ko pinaghihintay ang mga masugid na tagasubaybay ko. The goal is to keep them happy and satisfied. By that, I will earn money. Mayamaya pa ay ngumiti na ako sa cam ng laptop ko, "Hello, loves. Did you miss me?" Agad na nagdagsaan ang virtual gifts nang tanggalin na ko ang aking roba. Sweet Darling is NOW LIVE!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
781.6K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.0M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
371.0K
bc

Not just, the Beta

read
355.4K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook