NIKOLAI’S POV Mukhang hinahamon ata ako ni Naya, ah. Tinitigan ko siya diretso sa mga mata. Hindi ako umurong. Napangisi ako—'yung pilyong ngiti na alam kong kinaiinisan pero kinagigiliwan rin niya. Pero ang hindi ko inaasahan, hindi rin siya umiwas. Matapang. Matigas. Nakikipagsabayan. Ang lapit niya, at kung hindi lang siguro kami nasa harap ng anak namin, baka hindi ko na mapigil ang sarili kong halikan siya sa harap ng mga body guard ni papa at ni Lourdes. Pero bago pa man lumalim ang titigan namin, bigla kaming natauhan nang marinig ang boses ni Niko. “Daddy, Mama… hindi pa po ba tayo aalis? Mali-late na po ako sa school, eh,” reklamo ni Niko, habang kinukusot ang mata niya. Napakamot ako sa batok. Si Naya naman, biglang umiwas ng tingin. At kinuha ang bag ni Niko. “Sorry, Buds,

