NAYA'S POV Kainis talaga ang lalaking to. Ngayon mamumuroblema na naman ako kay Niko. Pumasok ako sa silid ni Olas para i-check kong naka-inom na ba ito ng gamot niya. Napansin niyang mukhang byernes santo ang mukha ko. "O, bakit tila nilamukos ang mukha mo?" Tanong niya. Tinignan ko lang siya at ibinaling ang pansin ko sa pagkuha ng mga gamot sa tray niya. "Si Nikolai ba?" Dugtong niya. Napabuntung-hininga na lang ako. "Oo, si Nikolai. Pinakain si Niko ng ice cream, tapos ayon—inatake na naman ng hika." Habang inaabot ko ang baso ng tubig at ang gamot kay Olas, napansin kong nakangiti lang siya—parang wala lang. "Hayaan mo na," sabi niya kalmado. "Mas mabuti nga 'yan, para lalo niyang makilala si Niko. Anak niya 'yon, kailangan niyang malaman ang mga dapat alamin." Napatingin ak

