NIKOLAI'S POV Mula sa di kalayuan, natanaw ko ang pagdating ng kotse. Mabilis, preno agad sa harap ng mataas na gate. Bumukas ito. At pumasok ito agad mabilis sa loob. Halos sabay bumukas ang mga pinto—lumabas si Papa sa kotse kasunod ang mga body guard… Nakita ko ang paglabas ni Naya sa bahay hawak hawak ang malaki nitong tiyan. Agad siyang nilapitan ng kasambahay. May bitbit silang bag, at nakita kong inalalayan nila si Naya palabas ng bahay. Namimilipit siya sa sakit. Manganganak na siya. Hindi ko alam kung bakit ako nando’n. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko kayang lumayo sa araw na ‘to. Pero ang puso ko—matagal nang hindi mapakali. Sinundan ko ang kotse papuntang ospital. Tahimik lang ako. Walang imik. Pagdating ng ospital. Nakatayo lang ako sa labas, sa gilid, habang pina

