NAYA'S POV Minsan naiisip ko kung tama pa ba ang ginagawa ko. Ipinagpapaliban ko ang kalayaan ko, ang buhay ko, ang mga pangarap ko para kay Olas. Alam ko na matagal na naming tapos ang kontrata ko, at malaya na akong umalis. Pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang iwanan siya, lalo na't ganito ang kalagayan niya. Hindi ko kayang makita siyang nag-iisa, nagdurusa sa sakit ng kanser, at alam kong wala na siyang oras. Naaalala ko pa noong unang dumating kami sa Russia. Kasama ko si Olas at si Niko sanggol pa lamang siya noon, at kahit papaano, nakaramdam pa ako ng saya. Pero ngayon, tila ba ang mundo ko’y umiikot na lamang sa pag-aalaga kay Olas, at ang lahat ng naiisip ko ay kung paano ko siya matutulungan, kung paano ko siya aalagaan hanggang sa huling sandali niya. Ipinagpapaliban ko ang

