NIKOLAI'S POV Nang mabalitaan ko kay Ruth na may sakit si Papa, hindi ko na inisip ang kahit anong bagay. Wala nang ibang pumasok sa isip ko kundi ang makapunta agad sa kanya. Mabilis akong nag-book ng flight papuntang Russia. Hindi ko na kayang maghintay pa, kailangan ko siyang makita, kailangan ko siyang makausap, bago pa man may mangyari sa kaniya. Matagal ko nang iniiwasan ang lahat, pati na si Naya. Lalo na nung mga panahon na yun, hindi ko kayang tanggapin ang lahat ng nangyari. Yung pagkakamali ko, yung mga bagay na nasaktan ko siya. Kaya naglaylo ako, umiiwas sa lahat, para hindi na lumala. Pero nang marinig ko na may sakit si Papa, nagmadali ako. Kahit na hindi kami laging magkasama, ramdam ko ang pagmamahal niya. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kanya, at hindi ko k

