NAYA'S POV Nanigas ako nang mabasa ko ang message sa cellphone ni Nikolai. Hindi ko sinadyang makita, pero nang biglang umilaw ang screen habang nasa ibabaw ng mesa, napatingin na lang ako. At doon ko nabasa: “Hi Sweetheart, I really really missed you. I hope we see each other again. I love you.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Sweetheart? Missed you? Love you? Tumigil ang mundo ko sa ilang segundo. Hindi ko alam kung uunahin ko bang intindihin… o saktan ang sarili ko sa kakaisip kung sino ang babae sa likod ng mensaheng ‘yon. Si Tita Precille ba ulit ito? Bumalik na naman ba siya para guluhin ang lahat? Gusto na naman bang makipagbalikan kay Nikolai? Lumalakas ang t***k ng puso ko, pero hindi dahil sa kilig—kundi dahil sa kaba at takot. Akala ko ba tapos na sila? Aka

