NIKOLAI'S POV Pinili ko ang pinakamagandang bouquet ng pulang rosas—hindi dahil cheesy ako, pero dahil gusto kong malaman niyang iniisip ko siya. Alam kong galit pa rin siya. Hindi ko rin naman siya masisisi. Pinadala ko sa opisina niya. Pero may parte sa akin na umaasang kahit paano, isang “thank you” man lang ang matatanggap ko. Kahit simpleng message. Pero ilang oras na ang lumipas, wala. Binuksan ko ang telepono. Walang notip. Walang tawag. Walang mensahe mula sa kanya. Kumunot ang noo ko. Hindi ba niya natanggap? Tinawagan ko ang secretarya niya. “Did Madam Romanov receive the flowers I sent?” tanong ko, malamig ang tono ko. May bahagyang katahimikan sa linya. Then her secretary responded—English, formal, tuyo: “Madam Romanov already left the office, sir. She went out with

